LOGINNapasinghap si Natalie sa biglaang pagputok ng damdamin ni Mateo. “Teka, sandali lang. Bakit mo naman biglang idinadawit si Drake dito?”“Oh?” Lalo pang dumilim ang ekspresyon ni Mateo. Natawa siya ng malamig at sarkastiko. “Bakit? Dalawang salita pa lang ang nasasabi ko tungkol sa kanya, apektado ka na agad?”“Ano na naman ‘tong pinagsasabi ng lalaking ‘to? Una, susugod dito tapos magagalit, tapos mandadamay na naman ng tao.” Napairap si Natalie. Malinaw na bumalik na naman sa pagiging irasyonal itong si Mateo at imposibleng kausap.“Tapos ka na ba sa pagsigaw mo?” Malamig niyang tanong. “Kung oo, pwede ka ng umalis. Hindi ka nakakatulong, eh.”Sobrang bigat na ng iniisip niya dahil sa isyu ng plagiarism niiya—hindi na niya kailangan ng isa pang walang kwentang pagtatalo. Gusto lang ni Natalie na mag-focus sa isa sa mga pinakamabigat na isyu na kinakaharap niya ngayon. Umupo siya sa sofa at tumalikod, ayaw na niyang lingunin ang lalaki.Ang totoo, kanina pa niya gustong alukin ito ng
“Sino ang may lakas ng loob na suspindihin si Natalie? Ang tibay naman ng sikmura ng taong ‘yon para gawin iyon sa isang Garcia?”[Ganito kasi ‘yon—may nagreklamo laban sa kanya!] Sa kabilang linya, buong detalye namang ikinuwento ni Marie ang nangyari. Kahit na hindi nagkwento sa kanya si Natalie ng personal, mabilis kumalat ang balita sa ospital lalo pa at hindi na bago sa eskandalo si Natalie. Nalaman na lang din niya ang kabuuan ng storya mula sa mga kasamahan sa trabaho.Tahimik lang na nakinig si Mateo, ngunit unti-unting dumilim ang kanyang mukha sa bawat salitang naririnig. “Naintindihan ko.”[So…ayun nga…]Pero bago pa man ibaba ni Mateo ang tawag, malamig niyang idinugtong, “Marie, hindi ba may usapan tayo? Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?”Isa sa mga tungkulin ni Marie kay Mateo ay bantayan si Natalie sa ospital—pero hindi man lang siya nag-ulat ng ganitong kalaking isyu. Dismayado siya dahil hindi naman ito pumapalya sa pagpapadala ng schedule ng asawa.[Ano kasi…] Napa
“Ha?” Nagsalubong ang mga kilay ni Natalie. “May nagawa ba akong mali?”“Tumingin ka sa dinadaanan mo!” Sigaw ng isang nagtitinda ng mga buko habang itinutulak ang kanyang kariton. “Uy, buntis! Ang laki na nga ng tiyan mo, tapos lakad ka ng lakad na parang walang pakialam? Tinawag na nga kita, ‘di ka pa tumigil! Tapos kapag naaksidente ka, kasalanan ko pa dahil wala akong ginawa! Muntik ka ng mahulog sa manhole, oh!”Ah—kaya pala. Nagmamalasakit lang ito at medyo napikon dahil hindi niya pinansin. Nang maisip niya ang nangyari, agad siyang yumuko at nag-sorry sa lalaki.“Pasensya na po talaga.”“Ayos lang, pero sa susunod, mag-ingat ka ha.”Pag-angat niya ng tingin, tsaka niya lang lubos na naintindihan kung bakit nakakunot ang noo ni Mateo. Pero sana naman, pwede na niyang bawiin ang braso niya mula sa pagkakahawak nito. Mukhang wala itong balak na bitawan siya kaya hinila niya ang braso.“Salamat. Ayos na ako.”Tinitigan siya ni Mateo, halatang gulat at naiinis. “Wala ka na bang pak
“Hindi pa tapos ang lahat. Nandito pa ako bilang mentor mo, nangangako ako na hindi kita iiwan—hahanap tayo ng paraan para mapatunayan na hindi ka nameke, Natalie. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko.”“Maraming salamat po, sir.”Ngunit alam ni Natalie na pinapagaan lang ng direktor ang loob niya—na kung wala siyang maihahain na panibagong ebidensya sa lalong madaling panahon, kahit si Director Tolentiona ay limitado lamang ang magagawa. Mas malakas pa rin ang kapangyarihan at impluwensya ng academic at medical board.**At gaya ng inaasahan, kinabukasan ay dumating ang opisyal na abiso ng suspension niya mula sa ospital. Personal siyang pinuntahan ni Director Tolentino sa opisina para iabot sa kanya ang sulat.Halos hindi maigalaw ni Natalie ang mga kamay. Hindi niya gustong tanggapin ang sulat na iyon dahil para na rin niyang inamin na ninakaw nga niya ang akdang thesis ni Maurice Flores. Hindi niya pa ito nakikita buhat ng maghiwalay sila ng dorm at mahigpit na ipinagbabawal ni Dir
Pagbalik ni Natalie sa townhouse, ang una niyang ginawa ay hanapin at buksan ang isang lumang storage box at mula doon, kinuha niya ang isang makapal na accordion folder. Napasinghap siya. Nandoon ang lahat ng materyales kaugnay ng kanyang graduation thesis, kabilang na ang orihinal na USB drive. Maayos ang pagkakaorganisa ng lahat—dahil bunga ito ng dugo at pawis niya. Hindi niya kayang itapon ni isang pahina, ni mawala man lang ito. Masinop niyang tinago ang lahat bilang memorabilia at hindi sana ebidensya na siya ang tunay na nagsulat ng sarili niyang gawa.Sa dami ng ebidensyang hawak niya, tiwala siyang sapat ito para patunayan ang kanyang pagiging inosente. Hindi pa niya nasasabi kay Nilly dahil ayaw niyang magalit na naman ito. Total, gumugulong na ang imbestigasyon at tiwala siya sa sarili niya—mas minabuti niyang sarilinin muna ang pangambang nararamdaman.“Diyos ko, hindi na matapos-tapos…”Pero kahit ganoon…hindi maalis ni Natalie ang kaba sa dibdib niya.**Kinabukasan, ga
Dahil sa matagal na pananahimik ni Natalie tungkol sa ama nila, naging malabo at manipis ang konsepto ni Justin sa kung ano ang “ama.” Pakiramdam niya, kahit hindi man niya siniraan ito sa kapatid—siya ang dahilan kung bakit naging malayo ang loob nito sa ama. Nasa punto siya ng buhay niya ngayon na gusto niya pa ring subukan kahit papaano.Maingat na tumango si Natalie. “Oo, Justin. May tatay ka. Lahat ng tao, may nanay at tatay.”Hindi agad sumagot si Justin. Halata sa mukha niya ang kalituhan at pag-aalinlangan. Kahit matalino at espesyal na bata ito, may mga aspeto na hindi agad nito nauunawaan. Hindi siya minadali ni Natalie—hinayaan niya lang itong mag-isip sa sarili nitong bilis.Makalipas ang ilang saglit, tsaka lang ito muling nagsalita. “Si Papa… katulad din ba ni Mama? Wala na rin siya? Nasa heaven na sila pareho?”“Ha?” Parang sinaksak ang dibdib ni Natalie sa narinig mula sa kapatid. Namutla siya at halos manginig ang boses niya sa pagkagulat at emosyon. Hindi niya ‘yon i


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




