Share

KABANATA 490

Author: Lin Kong
last update Last Updated: 2025-10-11 18:48:22

“Masusunod, sir!” Mabilis na pinaandar ni Alex ang sasakyan para sundan ang kotse ni Rigor. Wala siyang ideya kung saan papunta ang dalawa pero kailangan niyang maging alerto para hindi niya mawala ang mga sinusundan at para hindi rin makahalata si Natalie na nakasunod siya. Mabuti na lang at ibang sasakyan ang napili niyang dalhin ngayong araw.

Malapit lang ang Taguig sa apartment complex ni Nilly—parehong malapit ang mga lugar na ito sa Affiliated Hospital. Isang sakay lang kung gusto ni Natalie na mag-commute. Wala pang tatlumpung minuto ay narating na nila ang isang eksklusibong bahagi ng lungsod. Kanina pa niya nasabihan si Mateo kung saan ang punta nila.

Ipinasok ni Rigor ang kotse sa compound at huminto sa tapat ng isang townhouse.

Una niyang binaba niya ang maleta at naunang maglakad papasok. “Nadala mo ‘yung susi, ‘di ba? Wala akong ekstrang kopya.”

“Oo, dala ko.”

Magkasunod na umakyat ang mag-ama.

Binuksan ni Natalie ang pinto sinunod ang mga ilaw. Hindi niya napigilang mam
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (254)
goodnovel comment avatar
sally mantos
walang kuwenta!, binugbog nat lahat yung biyenan hindi parin nakilala kung sino si rigor sa buhay ni natalie
goodnovel comment avatar
Salome Torcelino L
hahaha kabwict na ng ei!bobo n CEO bingi pa .tinawag ng papa ndi pa dn narinig.umay na hahaha
goodnovel comment avatar
Eisle Anucab Nilknoc
bagal talaga mag nanine months nalang hindi pa nanganak c natalie
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 495

    Maingat na inilahad ni Mateo ang kutsara sa labi ni Natalie, hindi na ito naghintay pa na pumayag siya sa gusto nitong mangyari. Kung titingnan, mukha itong banayad at puno ng pag-aalaga.Pero ang nasa isip ni Natalie ay ang tagpo sa ospital kanina—ganitong-ganito din ang eksena na ‘yon. Kung paanong pinapakain din ni Mateo si Irene sa ganoon ding paraan. Isang matalim na kirot ang tumusok sa kanyang dibdib. Bahagyang nagsalubong ang kanyang kilay, halos hindi pansin dahil mabilis niyang tinago.“Hindi na kailangan…”“Natalie,” bulong ni Mateo, bahagyang naningkit ang mga mata, may anino ng pagkairita sa tingin. “Akala ko pa napag-usapan na natin ‘to.”“Ang ibig kong sabihin, kaya ko naman,” agad niyang dagdag, ayaw na niyang lumala pa ang sitwasyon. Inilapag niya ang twalya at kinuha ang mangkok mula sa kanya. “Tuyo na ang buhok ko. Ako na ang gagawa.”Tinanggihan niya ang pagsubo nito sa kanya dahil una, hindi siya sakitin. At higit sa lahat, hindi siya si Irene na kailangan alagaan

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 494

    Tahimik ang naging byahe nila. Pero kahit na ganoon pa rin, nanatiling nakahawak ang kamay ni Mateo sa kamay ni Natalie. Gaya ng pinangako nito, naroon nga si Justin sa BelAir Mountain Villa. Isang autistic therapy facility na hindi basta-bastang pinupuntahan ng mga ordinaryong mamamayan. Para lang ito sa mga may kaya sa buhay.Inilipat siya sa isang pribadong villa kung saan may sariling medical team na nakatalaga sa kanya. Gaya din ng nauna nitong sinabi, kasama pa rin ng kapatid ang doktor nito at si Nora. Nasa labas sila ng dumating sina Natalie at Mateo. Mukhang may outdoor activity si Justin sa ilalim ng mayabong na puno dahil nagkalat ang mga laruan.Nang makita ang kapatid, agad na lumiwanag ang mukha ni Justin. “Ate!”“Ang galing-galing at ang tapang-tapang mo, Justin. Alam mo ba ‘yon? Namiss kita.” Ngumiti si Natalie at lumapit upang yakapin ito.Napatingin si Justin sa likod niya at nakita si Mateo. “Kuya!” masiglang bati nito sa lalaki. “Ang laki ng lugar na ‘to! Ang ganda

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 493

    Nakatayo si Natalie sa tabi ng malaking bintana sa dulo ng pasilyo, handa na sana siyang maghintay ng matagal. Ngunit sa kanyang pagkabigla, lumabas agad si Mateo—ng mas maaga kaysa sa inaasahan niya.Ano man ang sinabi nito kay Irene, mukhang mabilis itong naging epektibo dahil hindi man lang ito nagprotesta nang iwan niya ito. Hinanda na ni Natalie ang lahat ng sasabihin niya. Kahit paano ay nabawasan ang pagkataranta niya dahil alam niyang hindi sasaktan ni Mateo ang kapatid. Gayunpaman, hindi pa rin tama ang ginawa nitong paglipat sa kanya ng hindi hinihingi ang pahintulot niya.“Hi, Nat.”Pagharap niya, mahinahon ang anyo niya pero matalim ang tinig. “Nasaan si Justin? Saan mo siya dinala?”Bagama’t kontrolado ang tono ng boses, nakasara ang kanyang mga palad sa gilid ng katawan, senyales ng poot na pilit niyang itinatago. Pati ang paghinga niya ay kontrolado.Napansin ‘yon ni Mateo. Bahagya siyang napakunot-noo at sumagot ng mahinahon. “Hindi sapat ang dati niyang pasilidad. Hin

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 492

    Naestatwa si Natalie, natulala habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito. Inulit-ulit niya sa isipan ang huling sinabi nito sa kanya bago tuluyang umalis—sinabi nito na siya na ang maghahanap ng paraan… pero paano? Ano ba ang binabalak nito?**Mula noong araw na iyon, opisyal ng lumipat si Natalie sa bago niyang tirahan sa Taguig. Araw-araw siyang nagko-commute papunta sa ospital para magtrabaho. Malapit lang naman kaya hindi rin siya nahihirapan. Pakiramdam tuloy niya ay bumalik na sa normal ang buhay niya.Maayos at tahimik ang daloy ng buhay niya—ayon sa plano. Payak at kaya niyang tumayo sa sariling paa. Laking ginhawa sa kanya na hindi na siya muling inabala pa ni Mateo. Noong una, nagtaka siya pero kalaunan ay pinagpasalamat na rin niya dahil sa unang pagkakataon, may katahimikan siya.Pero sa kabila ng katahimikan sa paligid, may bumabagabag sa kanya. Nang una niyang maramdaman ito, sinubukan pa niyang hindi pansinin at isawalang-bahala dahil baka O.A lang sya. Pero imbes

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 491

    “Tulungan na kita. Dahan-dahan lang.” Inalalayan ni Natalie ang ama patayo.“Sige.”Habang pinagmamasdan sila ni Mateo, lalong sumidhi ang galit sa kanyang dibdib. Mainit na ang dugo niya—halos hindi na niya mapigil ang sarili. Hindi niya maatim na nagtatama ang balat ng dalawa lalo na at sa harapan niya mismo.“Binabalaan kita, Natalie! Bitawan mo siya! Sabi kong bitawan mo siya! Hindi ko hahayaang hawakan mo pa ‘yang lalaking ‘yan—narinig mo ba ako?!” Nag-aapoy ang mga mata nito, handang sumabog anumang oras.“Umalis ka na—ngayon din!” Nagsimula ng makaramdam ng takot si Natalie na baka muling manakit si Mateo, kaya agad niyang pinaalis ang ama. “Umalis ka na, bilis!”“Pero…” Nag-alinlangan si Rigor, bilang ama, natatakot siya na baka si Natalie naman ang mapagbalingan ng galit ni Mateo. “Sumama ka na lang sa akin, hayaan mo na lang siya muna dito. Baka kung ano pang gawin niya sayo at sa bata.”“Sabi kong umalis ka na!” Sigaw niya, nakakunot ang noo. “Ako na ang bahala sa sarili ko

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 490

    “Masusunod, sir!” Mabilis na pinaandar ni Alex ang sasakyan para sundan ang kotse ni Rigor. Wala siyang ideya kung saan papunta ang dalawa pero kailangan niyang maging alerto para hindi niya mawala ang mga sinusundan at para hindi rin makahalata si Natalie na nakasunod siya. Mabuti na lang at ibang sasakyan ang napili niyang dalhin ngayong araw.Malapit lang ang Taguig sa apartment complex ni Nilly—parehong malapit ang mga lugar na ito sa Affiliated Hospital. Isang sakay lang kung gusto ni Natalie na mag-commute. Wala pang tatlumpung minuto ay narating na nila ang isang eksklusibong bahagi ng lungsod. Kanina pa niya nasabihan si Mateo kung saan ang punta nila.Ipinasok ni Rigor ang kotse sa compound at huminto sa tapat ng isang townhouse. Una niyang binaba niya ang maleta at naunang maglakad papasok. “Nadala mo ‘yung susi, ‘di ba? Wala akong ekstrang kopya.”“Oo, dala ko.”Magkasunod na umakyat ang mag-ama.Binuksan ni Natalie ang pinto sinunod ang mga ilaw. Hindi niya napigilang mam

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status