Share

KABANATA 50  

Author: Lin Kong
last update Petsa ng paglalathala: 2024-09-11 14:32:22
Matamis na ngumiti si Natalie kay Dominic. Matagal na silang magkakilala kaya para sa kaniya ay magkaibigan na sila noon pa. “Masarap sa pakiramdam ang may taong nagkakagusto sa atin, Dom. Kaya lang, hindi ako ang dapat mong pagtuunan ng ganyang atensyon.”

Nalungkot ang lalaki. “Kaya mo ba ako niyayang magkape para lang bastedin ako, Nat?”

Hindi makuhang sabihin ni Natalie na hindi niya gusto ang kapwa doktor pero pakikipagkaibigan lang talaga ang kaya niyang ibigay sa lalaki at wala na buko
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (208)
goodnovel comment avatar
Espinosa Almazon Elsa
next please ...
goodnovel comment avatar
Espinosa Almazon Elsa
very nice ...
goodnovel comment avatar
elias apuez
,,,sana lahat ng maisusulat dito tagalog
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 645

    Sa kasalukuyan.Nagising si Mateo dahil sa tunog ng alarm clock. Huwebes iyon, at kailangang bumalik siya sa opisina.Tumayo siya na may kakaibang pakiramdam, ang panaginip niya kagabi ay nagbalik ng mga alaala na matagal niyang tinago sa kanyang puso. Naligo siya, at habang naliligo, inisip ang gabing iyon kung kailan nagsimula at nagbago ang lahat sa kanila ng asawa.“Kung sana hindi bahagi ng plano ni Lolo iyon,” naisip niya. Sa ngayon, maaaring tahimik ang buhay nila ni Natalie, may anak na sila, at maaaring si Rallyn ay isa na lang bahagi ng nakaraan niya. Isang pagkakamali niya bilang lalaki at na walang problema ngayon.Pero nag-iba ang mga bagay, at malaki ang bahagi ng kanyang lolo sa gulo. Mahilig itong makialam sa takbo ng buhay niya.Hindi pinayagan ni Mateo ang sarili niyang magpatuloy sa pag-iisip tungkol sa panaginip at bumaba sa kusina. Wala si Tess sa bahay, pero si Isaac, na alam na papasok siya ngayon, ay naghanda na ng kape at may naghihintay na prutas, French toas

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 644

    Inilahad ni Mateo ang kanyang braso para kapitan ni Natalie; napansin niyang paika-ika itong lumalakad dahil sa pagod na mga paa. Hindi pa rin talaga ito sanay na magsapatos ng mataas ang takong at marahil ay napilit lang ni Nilly na mag-ayos. Hindi maikakailang, isa si Natalie sa mga pinakamagandang babae sa event na ‘yon at hindi niya gusto ang mga tingin ng ibang lalaki na binibigay sa asawa, kahit na ilang buwan pa lang itong nanganganak, nanumbalik na ang dati nitong ganda at alindog.Pagdating nila sa kotse, agad niyang binuksan ang pinto at tinulungan itong sumakay. Agad siyang nagmaneho pauwi, at habang nagmamaneho, sumagi sa isipan niya ang sinabi kamakailan ng kaibigan niya—isang bagay na maaaring maging trigger ng panibagong problema.Pagdating nila sa mansyon, tinulungan ni Mateo si Natalie na bumaba, at napaungol ito ng bahagya. “Aray! Kawawa naman ang mga paa ko. Dahil hindi ko sila dinadaganan kanina, parang namamanhid yata. Aalisin ko na ang mga lintik na sapatos na it

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 643

    “Tara na,” sabi ng lalaki sabay abot ang braso para alalayan siya.“Salamat,” mahina at nahihiyang sagot ni Natalie.Lumabas sila sa isa sa mga hardin ng hotel, at halatang pagod at inis si Natalie, idagdag pa na talagang ito na yata ang unang pagkakataon na nawalay ito ng matagal sa anak. Hands on mom si Natalie, at hanggang kaya niya ay hindi niya inaasa sa iba ang pag-aalaga sa anak nila. Talagang maasikasong ina ito at wala siyang maipipintas dito.“Kung gusto mo, ihahatid na kita pauwi.”“Hindi na. Nandyan naman si Alex. Sa totoo lang pagod na pagod na ako at inaantok na rin. Matagal na pala talaga mula ng lumabas at magpunta ako sa mga ganitong event. Hindi na yata ako sanay.” Pabirong sagot nito sa alok niya.“Kung gusto mo, magpapabook ako ng kwarto dito sa hotel,” alok ni Mateo, nag-iba na rin ang ihip ng hangin, parang gustong bumagsak ng ulan anumang oras. “Mukhang uulan. Huwag kang mag-alala kay Junior, maayos siya kasama ang mga tao sa bahay.”“Huwag! Huwag! Napakamahal s

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 642

    Dumating si Mateo sa hapunan ng mag-isa, gaya ng nakasanayan.Ang presidente ng Garcia Group of Companies, isang makapangyarihang negosyante, ay kilala bilang pamilyadong lalaki, ngunit naging palaisipan ang kanyang pagdating na mag-isa sa kanyang kotse. Tumawid siya sa red carpet nang hindi tumigil para sa matagalang pagkuha ng litrato.Pagpasok niya sa hapunan, bumilis ang tibok ng kanyang puso nang makita niya ang kaakit-akit na mukha ng asawa. Ang totoo, hindi niya inasahan na darating si Natalie dahil noong huli nilang pag-usapan ang tungkol sa kaarawan ni Antonio, nagdadalawang-isip pa ito dahil ayaw nitong iwan ang anak sa kamay ng ibang tao.“Lolo… magandang gabi at happy birthday,” bati ni Mateo nang kalmado.“Mateo, apo ko! Ngayong gabi kalimutan natin ang ating mga tampuhan at magsalo bilang isang pamilya!” sagot ni Antonio ng may ngiti.Pagkatapos ng maikling pagbati na iyon, naging maayos ang takbo ng hapunan. Nagsalita ng ilang salita si Antonio para sa mga panauhin at p

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 641

    Three years ago.Siyam na buwan na simula ng makapanganak si Natalie. Naging magulo at makulay ang buhay nilang mag-asawa. Pero dahil sa naging abala bilang ina ang asawa—nakakaligtaan na nito ang mga dating ginagawa nito bilang isang maybahay. Nakatuon ang atensyon ni Natalie sa baby at halos hindi na sila magpang-abot sa bahay—lagi ito sa nursery o di naman kaya ay kausap si Justin na nasa Canada pa rin at nagpapatuloy ng pag-aaral.Hindi na nagtatrabaho sa ospital si Natalie pero may sarili siyang opisina sa bahay kung saan nagpapatuloy pa rin siya bilang consultant. Ibig sabihin, abala ang araw nito at bihira na lang silang magkitang mag-asawa.Nagresign ang executive assistant ni Mateo at may pumalit na bago.Si Rallyn, gamit ang kanyang kaalaman, ay naging napakahalaga kay Mateo, tunay siyang kahanga-hangang babae.Unti-unti, nakuha nito ang respeto ng kanyang mga kasamahan; maging si Mateo ay pinagkakatiwalaan siyang pamahalaan ang maliliit na tasks sa opisina. Sa personal na a

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 640

    Bumalik si Mateo sa silid ng asawa kung saan mahimbing itong natutulog. Napansin niyang may bahid ng dugo ang isa sa mga benda nito. “Anong nangyari?”“May sugat na bumuka, pero nasa gilid lang naman. Huwag kang mag-alala,” sabi ni Nilly na nadatnan niya doon. “Ngayon, mahaba-habang tulog na ang aabutin niya, mga ilang oras siguro. Baka mas mabuti kung samantalahin mo na ‘yan para umuwi o tumawag ng kapalit muna. Mukhang pagod na pagod ka na; ilang araw ka na rin dito.”Ilang araw ng walang malay si Natalie dahil sa tinamo nitong aksidente.“Siguro nga ay tama ka, Nilly. At tsaka, wala namang saysay kung nandito ako o hindi. Ako ang dahilan kung bakit nangyari ‘to, at siguradong ayaw niya akong makita pag nagising siya.”“Huwag mong sabihin ‘yan. Hindi naman siguro ganoon kabigat ang problema niyong mag-asawa. Kilala mo naman si Natalie, hindi ba? Maayos na kayo. Maayos na ang lahat. Minsan kasi pinalalaki lang natin ang mga bagay, pero ipinapakita rin ng panahon ang totoo. Kung maha

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 377

    “Nat, tapos na ako. hindi ka ba magbabanyo?”Boses iyon ni Mateo mula sa loob ng banyo. Agad na natauhan si Natalie mula sa panandaliang pagkatulala at mabilis na sumagot. “Ah, okay! Hindi na!”Kahit na nagulat siya, nagawa pa rin niyang ibalik ang cellphone nito mula sa orihinal na pwesto. Pero ni

    last updateHuling Na-update : 2026-03-28
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 334

    “Iwan mo muna kami.” Pinakisuyuan ni Mateo ang manager na lumabas muna.Tumalima naman ito kaagad. “Maiwan ko muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos.”Ramdam ng manager ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya mabilis siyang umalis. Pagkasara ng pinto, nanahimik ang buong silid pero mabigat ang ha

    last updateHuling Na-update : 2026-03-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 335

    “Huwag kang maingay!” Malamig at matalim ang boses ng lalaki na humiwa sa katahimikan ng restroom na iyon.Pinilit ni Natalie na maging kalmado. Kahit na nanginginig ang tuhod at ang dibdib dahil sa sobrang kaba, nanatiling walang ekspresyon ang kanyang mukha.“Sige,” mahina niyang sagot. Walang ba

    last updateHuling Na-update : 2026-03-27
  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 281

    Patuloy ang pagbuhos ng malakas na ulan, ang tuloy-tuloy na tunog ng mga patak na bumabagsak sa makakapal na mga dahon sa kagubatan ay sumanib sa malakas na pag-ugong ng hangin. Halos hindi na makita ni Natalie ang paligid dahil sa kapal ng ulan na bumabalot sa kapaligiran. Ang mga matatayog na pun

    last updateHuling Na-update : 2026-03-25
Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status