แชร์

KABANATA 8

ผู้เขียน: Lin Kong
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-09-11 14:32:21
Buong araw na nanatili si Natalie kina Nilly. Nang sumapit ang gabi ay saka niya naisipang umalis. May part-time job kasi siya ngayong gabi.

Simula tumuntong siya sa edad na labingwalo, hindi na siya binibigyan ni Janet ng pera. Kaya naman napilitan siyang suportahan ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng mga part-time jobs at scholarships. At nagawa niya lang na galawin ang perang binigay sa kaniya ni Mateo para lang may maipambayad siya sa pagpapagamot ni Justin. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi niya iyon gagastusin.

Sa Michelle’s ang part-time ni Natalie ngayon. Kilala ang Michelle’s bilang isang luxury club para sa mga mayayamang negosyante sa San Jose. Nagtatrabaho siya rito bilang massage therapist at acupuncturist.

Talagang pinag-aralan niya ang trabahong ito dahil malaki at mabilis din ang kitaan niya rito. Dahil sa abala siya sa kaniyang internship, kaya siya nag-apply bilang temporary employee lang. Binabayaran siya ng kaniyang mga kliyente sa oras na ginugugol niya sa kanila. Hindi iyon kasing laki ng sahod ng mga regular na empleyado ng club pero sapat na iyon pangtustos sa mga gastusin niya.

Sa kabila ng mga mangilan-ngilang kliyente niyang hayok sa laman, nagawa niyang panatilihing malinis ang kaniyang katawan.

Matapos niyang mag-log in, nagpalit na si Natalie. Kakatapos niya lang isuot ang kaniyang uniporme nang tawagin siya ng kaniyang client coordinator. “Natnat, may kliyente ka na!”

“Opo. Papunta na!” sagot niya at saka nagmamadaling kinuha ang kaniyang mga gamit. Nagtungo siya sa isang kwarto.

Nang matapos niya ang session na ‘yon, hinatid niya ang kliyente niya palabas suot ang kaniyang malawak na ngiti. “Ingat po kayo, sir! Sure po akong magiging masarap ang tulog niyo mamayang gabi.”

Sa kabilang banda ng pasilyo, lumabas sa elevator si Mateo kasunod ni Isaac. Patungo sila sa direksyon kung nasaan si Natalie nang biglang mapatigil si Mateo sa kaniyang paglalakad. Napakunot ang kaniyang noo sa natanaw.

Nagtaka naman si Isaac sa kaniya. “Bakit, Mateo?”

“Isaac, sino ‘yon?”

Nakatitig siya kay Natalie na nakikipagngitian sa isang lalaking nakasuot ng itim na suit.

Tama pala si Isaac. Kaya hindi nila mahanap si Natalie buong araw ay dahil wala nga ito sa San Jose.

Hindi napansin ni Natalie sina Mateo. Nang makabalik siya sa preparation room ay may inabot na sobre ang kaniyang client coordinator sa kaniya. “Maraming salamat sa serbisyo mo, Natalie.”

“Walang anuman po,” nakangiting sagot ni Natalie. Hindi siya kailanman nahirapan sa paghahanap ng pera. Ang kinakatakot niya ay kapag nawalan na siya ng pag-asa sa buhay.

Nang makapaghanda na si Natalie ay muli siyang nagtungo sa isang kwarto. Kumatok siya sa pinto.

“Come in,” ani ng baritonong boses mula sa loob ng kwarto.

Binuksan ni Natalie ang pinto at saka ipinakilala ang kaniyang sarili. “Hello po. Ako po si Natalie, ang inyong massage therapist at acupuncturist ngayong gabi–”

Ngunit nanigas siya bago niya pa matapos ang sasabihin.

Ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa ay walang iba kundi si Mateo Garcia.

Parang lalabas ang puso ni Natalie sa mga sandaling iyon.

Kung minamalas nga naman siya!

Kay lamig ng titig na ipinukol ng lalaki sa kaniya. Inismiran pa siya nito. “Bakit ka tumigil sa pagsasalita? Ituloy mo.”

Napaatras si Natalie. Gusto niyang tumakas mula sa lalaki.

Ngunit bago niya pa magawa iyon, mabilis na nakarating si Mateo sa harapan niya. Hinablot nito ang kaniyang kamay. “Tatakbo ka?”

“Ah!” napahiyaw si Natalie dahil sa sakit ng pagkakahawak ng lalaki sa palapulsuhan niya.

Ngunit hindi nagpaawat si Mateo at hinila siyang muli papasok sa loob.

“Masakit, ano ba! Bitiwan mo nga ako!” tarantang bulyaw ni Natalie. “Hindi ko susundin ang kung ano mang iuutos mo!”

Ngunit hindi siya pinansin ni Mateo. Itinulak pa siya nito sa massage table. “Sinong nagsabing pwede kang umalis?”

Na-conscious siya sa kaniyang pwesto ngayon. Sumabay rin ang guilt niya sa ginawa niya sa lalaki.

“Huwag mo akong tingnan nang ganiyan!” sigaw ni Mateo. “Tatanungin kita ulit… bakit hindi mo ako sinipot kanina para pirmahan ang annulment papers?”

“Ayoko.”

Sa kabila ng galit na nararamdaman ni Mateo para sa kaniya ay mas nangingibabaw pa rin ang galit na nadarama niya sa kaniyang pamilya dahil sa ginawa ng mga ito sa kaniya at kay Justin. Hangga’t hindi sila opisyal na hiwalay ni Mateo, magiging habang buhay na kabit si Irene sa paningin ng mga tao. At hindi kailanman magkakaroon ng katahimikan ang pamilya niya.

“Walang annulment na magaganap.”

Napatda si Mateo sa harapang pagtanggi nito. Napagtanto niyang wala na siyang magagawa para mabago ang desisyon ng babae.

Sinong nagbigay ng karapatan sa babaeng ‘to para iparamdam sa kaniya na wala siyang kontrol sa sitwasyon?

Nanggagalaiti siya.

Nang bigla ay namutawi ang isang nang-iinsultong ngiti sa labi ni Mateo. “Natalie, ang sabi ko, sa oras na makita kita, sisiguraduhin kong magsisisi ka sa ginawa mo. Maniwala ka sa ‘kin kapag sinabi kong napakaraming paraan ang naiisip ko ngayon para lang pagbayarin ka sa ginawa mong pangtatarantado mo sa ‘kin!”

Matapos niyang pagbantaan ang babae ay binitawan niya na ito at saka itinulak. “Labas!”

Nanginginig na lumabas si Natalie ng kwarto.

Pinanood ni Mateo ang pagkakandarapa ni Natalie na makalabas ng kwarto. Napakadilim ng mukha niya sa mga sandaling ‘yon. “Isaac, may gusto akong ipagawa sa ‘yo.”

Nagmamadaling makabalik sa prep room si Natalie. Grabe pa rin ang kabog ng dibdib niya.

Nakatakas na ba talaga siya?

Pinakawalan na ba talaga siya ni Mateo?

Maya-maya pa ay dumating ang client coordinator. “Natnat, gusto ka raw makausap ni manager.”

Parang saglit na tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Natalie. “Sinabi niya ba kung tungkol saan?”

Umiling ang client coordinator. “Hindi eh.”

Kakaibang kaba ang naramdaman ni Natalie habang papasok sa opisina ng kaniyang manager. “Manager, pinapatawag niyo raw po ako?”

Tiningnan siya ng manager saka ito bumuntong hininga. “Natnat, huling shift mo na rito ngayong gabi. Hindi ka na namin kakailanganin pa. ‘Yong sahod at benefits mo ay ide-deposit na lang ng HR sa account mo sa loob ng isang araw.”

Nabura ang ngiti sa mukha ni Natalie. “May nagawa po ba akong mali, manager? Kung may nagawa man po ako, bigyan niyo po ako ng isa pang pagkakataon. Pinapangako ko pong hindi ko na ‘yon uulitin.”

“Hindi.” Iwinagayway ng manager ang kamay niya, ipinaparating na hindi iyon dahil doon. Pero hindi na ito nagpaliwanag pa sa babae.

Hindi na bago ang mapagsamantalahan ang mga empleyado nila dahil sa kanilang trabaho. Ginagawan naman ‘yon ng paraan ng manager ng club. Pero hindi lagi ay masosolus'yonan niya ang sitwasyon. Lalo na kung isang napakalaki at napakamakapangyarihang tao ang pinag-uusapan.

Naaawa siya kay Natalie dahil napakagaling nitong empleyado.

“Si Mr. Garcia ang isa sa mga naging kliyente mo ngayong gabi, hindi ba? Hindi ba siya nasiyahan sa serbisyo mo?”

Parang nalaglag ang puso ni Natalie nang tumama ang hinala niya.

Si Mateo pala talaga ang may pakana ng lahat.

“Ganito talaga ang mundo, hija. Kayang gawin ng mga mayayamang tao ang gusto nilang mangyari gamit ang yaman nila. ‘Yon lang ang masasabi ko.”

Wala nang nagawa pa si Natalie kundi umalis.

Hindi matanggap ni Natalie ang nangyari. Kapag umalis siya ngayon, mahihirapan siyang maghanap ng part-time na sasakto sa schedule niya. At isa pa, rito siya magaling.

Kaya naman naghintay siya sa labas ng club.

Namamanhid na ang kaniyang paa dahil sa dalawang oras na pagtayo.

Sa wakas ay lumabas na si Mateo.

“Mateo!” Mabilis na lumapit si Natalie sa lalaki. Ngunit agad na humarang si Isaac sa kaniya.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (28)
goodnovel comment avatar
Mira Flor
wow masyading exciting Ang bawat kabanata
goodnovel comment avatar
Mirimah Pabilona Aguilar
excited. na ako sa susunod na kabanata...
goodnovel comment avatar
Jalia May
hay nku na ppuyat na kakabasa haha...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 485

    Natawa si Rigor, puno ng kawalang magawa. Alam niya kung ano ang iniisip ng anak niya dahil ilang beses na silang napunta sa ganitong pag-uusap. “Huwag kang mag-alala. Wala akong hinihinging kapalit sa pagtanggap mo nito.”Yun nga ang problema para kay Natalie. Kapag tinanggap niya ito—wala na raw kondisyon, walang hinihingi, walang kapalit…hindi niya maiwasan na isipin kung kaya ba talaga nitong magbigay ng walang kapalit?Kung pwede bang totoo ito?Hindi makapaniwala si Natalie. Totoong karapatan nila ni Justin ang mga inaalok nito dahil anak sila ni Rigor at sa mata ng batas, Dahil sa nakaraan nito at sa maraming beses na pinilit siya nito, may karapatan siyang magduda. Kailangan niyang magtanong at normal ang magdalawang-isip para sa isang anak na kinawawa noon.“Tigilan mo na ang paglalaro, Rigor. Hanggang dito na lang ang pag-uusap na ‘to. Kung alam ko lang na papupuntahin mo lang ako dito para ipagpilitan ang isang bagay na tinanggihan ko na noon pa man, sana pala, itinulog ko

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 484

    Galit na galit talaga si Mateo at hindi maiwasang isipin ni Natalie na may kinalaman ito sa kanya. Dahil wala naman siyang ibang maisip na dahilan kung bakit magkakaroon ng dahilan na wasakin ni Mateo si Dr. Yu kundi siya.“Nat,” nag-alinlangan si Alex ng matagal bago tuluyang lakasan ang loob para magsalita. “Alam kong hindi ako dapat nakikialam. Pero sa totoo lang, lahat kami naniniwalang mahal ka talaga ni sir. Totoong-totoo ang pagtrato niya sayo.”“Mm.” Tumango si Natalie. Hindi niya iyon itinanggi dahil alam niyang basehan iyon. “Oo, mabait siya sa akin,” aminado s iya. “Pero hindi lang naman ako ang tinatrato niya ng mabuti. Hindi ba mas lalo pa niyang inaalagaan si Irene? Sa totoo lang… sa tingin ko, mas higit pa.”Kinagat na lang ni Alex ang dila niya.**Kinabukasan, day off ni Natalie. Buong linggo niyang hinintay ang isang araw na pahinga. Sa wakas, makakapag-relax din siya. Natulog siya ng mahaba at nagising ng halos tanghali na. Nasa apartment pa rin siya ni Nilly. Bag

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 483

    Napatingin Natalie sa flyer na hawak niya. Tinitigan niya iyon ng maigi. Bukod sa mga kinalat na flyers, may mga ganoon din. Kung sino man ang may pakana ng paglabas ng lahat ng iyon ay may budget. Ang hinala niya, maaaring ang isa sa mga legal na asawa. Tinitigan niya iyon ng maigi. Sa totoo lang, ‘yung mga lalaki ni Dr. Yu—hindi naman sila pangit. Masama lang ang ginawa niya, pero kahit papaano, maganda ang panlasa niya. Masasabi niyang may taste ito sa mga lalaki.Binubuklat pa lang niya ang mga pahina ng biglang may anino sa harap niya—ipinikit niya ang mga mata, hindi siya handa sa presensya nito pero amoy mint at cologne… alam na agad niya kung sino ‘yon kahit na hindi pa siya magtaas ng tingin.Ang buong akala ni Natalie, malilibre ang araw niya dahil hindi nagparamdam sa kanya ang lalaki simula kagabi ng ihatid siya nito sa apartment unit ni Nilly. Nakahinga siya ng maluwag sa pag-aakalang, naintindihan din nito sa wakas na tapos na siya.Pero narito ito ulit.Inagaw nito ang

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 482

    Pagkatapos nilang kumain, tulad ng napagkasunduan nila, inihatid ni Mateo si Natalie sa apartment complex ni Nilly. Gaya ng bilin ng asawa kanina, nauna ng naihatid ni Alex ang mga gamit niya doon.“Nandito na tayo. Aakyat na ako,” paalam ni Natalie, kalmadong kumaway habang patungo sa hagdan patungo sa main entrance ng gusali.Ngunit bigla, may humawak sa kamay niya. Diretsong nakatingin si Mateo sa kanya, walang ekspresyon sa mukha habang nagsasalita. “Sandali lang. Lumang building ito. Sira ang ilaw sa hagdanan. Malamang haggang pasilyo ng floor niyo at wala kayong elevator dito. Paano kung matapilok ka?”Maingat at maalalahanin ito. Pero sa sitwasyon nilang dalawa, kailangan pa ba ito? Hindi na nag-abalang makipagtalo pa si Natalie. Bahala na ang lalaki kung ano ang gusto niyang gawin.Umaasa si Natalie na sana dumating din ang panahon na maiintindihan nito na—hindi ito pagpapakipot lang at hindi ito isang simpleng kaso ng pagseselos. Totoong tapos na siya.**Kinabukasan, tambak

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 481

    Unti-unti nang nabasag ang maingat na pagpipigil ni Mateo. Humalukipkip siya. “Ikaw yata ang hindi nakakaintindi,” aniya sa madiing tono. “Kahit ano pa ang nangyari, wala ‘yun sa pagitan nating dalawa. Walang magbabago at walang nagbago.”“Talaga lang? nasobrahan naman sa pagiging delusyunal ang lalaking ito.” “Baka sayo, oo,” sagot ni Natalie, ang mga labi niya ay nakasimangot. “Pero iba ang tama ng nangyaring iyon sa akin. Aaminin ko—isa kang mabuting tao. Minahal kita. At sa isang punto, magiging ipokrito ako kung hindi ko sasabihin na pinangarap ko pa nga ang isang buhay kasama ka.”“Maganda 'yan.” Dumilim ang mga mata ni Mateo habang tinititigan siya. “Ipagpatuloy mo ang pangarap na ‘yan dahil tutuparin natin ‘yan.”Umiling si Natalie ng dahan-dahan, magaan pero matatag ang tono niya. “Pero bumitaw na ako. Mabuti pang hindi ko na lang hinayaan ang sarili kong maniwala at mangarap na posible ‘yon.”“Natalie, hindi mo kailangan bumitaw.” Humina ang boses ni Mateo at inabot niya an

  • Arranged Marriage with the Ruthless CEO   KABANATA 480

    “Dr. Yu, hindi po ‘yon ang ibig kong sabihin...mali po yata ang pagkakaunawa ninyo sa sinabi ko…” pilit na nagpaliwanag si Natalie. Hindi nga sila magka-team ni Dr. Yu—ni hindi niya alam kung sino ang mga pasyenteng hawak nito. Paano niya aayusin ang mga medical records gaya ng inuutos nito sa kanya?“Pwede ba? Tigilan mo nga ‘yang mga rason mo! Wala akong pakialam kung malapit ka sa direktor ng ospital na ito o kung sino ang napangasawa mo.” Inilapat ni Dr. Yu ang mga file sa kamay niya. “Ayusin mo na lang ‘yan! Tigilan mo mga palusot dahil hindi bebenta sa akin ‘yan! Kahit na pagbali-baliktarin mo ang mundo, senior ako at kaya kong utusan ka! May lakad pa ako! pagbalik ko, dapat tapos na ‘yan!”“Sandali lang po, Dr. Yu—”Pero hindi na lumingon ang babae. Lumabas na siya ng opisina dahil naipasa na niya ang trabaho sa iba. Naiwang nakatayo si Natalie doon, hawak ang mga file, litong-lito. Pero ano pa bang magagawa niya? Wala—tinanggap na lang niya ito.Saktong tumunog ang cellphone n

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status