Share

Asawa Ng Asawa Ko
Asawa Ng Asawa Ko
Author: Inkyut

CHAPTER 1

Author: Inkyut
last update publish date: 2026-09-13 13:55:44

ASAWA NG ASAWA KO

6:50 PM. Airport.

Nakangiti ako habang pinapanood si Kairo na inaayos yung mga gamit niya. Papunta siya ng ibang bansa para sa business trip. Ilang araw lang naman. Isang linggo. Dalawang linggo. Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko, babalik siya.

"Beh, mag-ingat ka ha. Wag mo kalimutan kumain," paalala ko habang inaayos yung kwelyo ng polo niya. Ramdam ko yung pagod sa mga mata niya. Galing pa 'to sa trabaho kanina.

Ngumiti siya. Yung ngiti niyang abot sa mata. Yung ngiting hindi ko makakalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. "Opo, madam. Ikaw din ha. Mag-ingat ka."

Tumango ako. Hinawakan ko yung tiyan ko. Anim na buwan na siya. Anim na buwan na kaming naghihintay sa unang anak namin. Anim na buwan na pangarap naming dalawa.

Hinalikan niya ako sa noo. Yung tipong halik na puno ng promise. Puno ng "babalik ako." Puno ng "mahal kita."

Pagkatapos, may inabot siya sa akin. Isang maliit na kahon. Binuksan ko. Isang kwintas. Hugis buwan.

"Para sa'yo yan," sabi niya.

Inilabas niya yung isa pa—hugis araw. Isinuot niya sa leeg niya.

"At ito naman," sabay labas ng pangatlo—maliit na kwintas na hugis ulap. "Para sa anak natin. Paglabas niya, ipapasuot natin 'to."

Napuno ng luha yung mata ko. Hindi ako makapaniwala. Ang sweet niya. Ang thoughtful niya. Napaka-swerte ko.

"Kairo..." bulong ko.

"Shhh," sabi niya sabay punas ng luha ko. "Wag ka umiyak, beh. Baka magalit si baby."

Natawa ako. Tumango. Hinayaan ko siyang sumakay. Hinayaan ko siyang umalis. Hinayaan ko siyang lumayo.

Nakangiti ako habang pinapanood siyang papasok sa airport. Nakangiti ako habang pinapanood siyang lumalaho sa mga tao. Nakangiti ako hanggang sa hindi ko na siya makita.

Hindi ko alam na yun na pala yung huling beses na makikita ko siya.

---

Kinabukasan. Alas-singko ng umaga.

Nagising ako sa sunod-sunod na pagtunog ng cellphone ko. Mga missed calls. Mga messages. Lahat galing sa mga kaibigan namin. Sa mga kamag-anak. Sa mga taong hindi ko naman kaclose.

Binuksan ko yung TV. At doon ko nakita.

"Breaking News—239 people missing as Flight 370 disappears. Plane found in Indian Ocean."

Nanlamig yung buong katawan ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makagalaw. Yung mga mata ko, nakapako sa screen. Nakapako sa mga salitang yun.

Flight 370.

Yun yung flight ni Kairo.

Namalikmata ako. Baka nagkakamali lang ako. Baka hindi yun yung flight niya. Baka may iba pang flight. Baka... baka...

Kinuha ko yung cellphone ko. Tinawagan ko siya. Walang sagot. Tinawagan ko ulit. Walang sagot. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit.

Walang sagot.

Tumulo yung luha ko. Hindi ko na mapigilan. Bumagsak ako sa sahig. Yakap yung tiyan ko. Yakap yung anak ko. Umiiyak. Sumisigaw. Nagmamakaawa.

"Kairo... please... please... wag naman..."

Pero wala. Walang sagot. 

---

Ilang araw. Ilang linggo. Ilang buwan. Ilang taon.

Hindi na nahanap si Kairo. Hindi na nahanap yung mga nakasakay sa Flight 370. Isang malaking misteryo. Isang trahedyang walang kasagutan. Isang sugat na hindi naghilom.

Naiwan ako. Naiwan kaming dalawa ng anak namin. 

---

Labinlimang taon ang lumipas.

Labinlimang taon.

Yung anak namin, si Renji, ay labinlimang taong gulang na. Matangkad. Gwapo. Matalino. Kamukhang-kamukha ng tatay niya. Tuwing tinitignan ko siya, nakikita ko si Kairo. Yung mga mata niya. Yung ngiti niya. Yung paraan ng pagsasalita niya.

Masakit. Sobrang sakit. Pero at the same time, nagpapasalamat ako. Dahil may bahagi ng asawa ko na nabubuhay sa anak namin.

Kinuha ko yung lahat ng responsibilidad. Pinamahalaan ko yung negosyo ni Kairo. Pinalaki ko si Renji. Nagpatuloy ako. Hindi para sa sarili ko. Kundi para sa anak namin. Para sa pangako ko kay Kairo.

Mahirap. Sobrang mahirap. May mga gabing umiiyak ako habang yakap yung unan na dating amoy niya. May mga araw na hindi ko alam kung paano ko kakayanin. Pero ginawa ko. Kasi wala akong choice. Kasi kailangan kong maging matatag.

---

"Mom! Malalate na ako! Sasabay na lang ako sa mga friends ko, wag mo na ako ihatid!"

Sigaw ni Renji mula sa hagdan. Nasa kusina ako, naghahanda ng almusal niya. Napailing ako. Ang batang 'to talaga. Palaging nagmamadali.

"Oh sige. Pero Renji, kumain ka muna. Naghanda ako ng breakfast mo. Sayang naman," sabi ko habang inilalapag yung pagkain sa lamesa.

Napatingin siya sa akin. Halatang nagmamadali. Pero bumalik din siya at umupo. Kahit paano, nakikinig pa rin siya sa akin.

"Ubusin mo yan bago ka umalis," sabi ko.

Tumango siya. Puno yung bibig ng pagkain. Parang bata pa rin. Napangiti ako.

Pagkatapos niyang lunukin, agad siyang nagsalita. "Nga pala, ma. Diba nabanggit ko sa'yo yung online friend ko? Si Mira?"

Lumingon ako. Tumango. "Oo. Yung lagi mong kalaro sa Roblox?"

"Oo, siya yun! Well, tomorrow po kasi, uuwi sila ng pamilya nila dito sa Pilipinas—and mommy, can I... pwede ko bang makita siya?" Excited na tanong niya.

Kitang-kita ko yung saya sa mga mata niya. Yung saya na bihira ko nang makita simula nang mawala yung tatay niya. Napaisip ako. Bukas ay Sabado. Wala naman akong gagawin.

"Sige," sabi ko.

Tuwang-tuwa siyang tumayo. Niyakap ako ng mahigpit. "Thank you, mom! You're the best!"

"Ah, punta na po ako, mom. Late na ako," dagdag niya. Humalik sa pisngi ko. Bago umalis.

Narinig ko yung pagbukas at pagsara ng p***o. Narinig ko yung tunog ng sasakyan niya na papaalis. Napabuntong-hininga ako. Napatingin sa larawan ni Kairo na nasa lamesa.

"Anak mo talaga," bulong ko. "Ang likot."

---

Kinabukasan. 12:50 PM.

Nakarating kami sa meeting place. Isang magandang restaurant sa may bayan. Tahimik. Malinis. May magandang ambience.

Nauna kaming dumating. Wala pa si Mira.

"Bat wala pa sila?" tanong ko kay Renji.

"Baka na-traffic lang, ma. Oh wait lang, mag-CR lang ako," paalam niya. Hindi na niya hinintay yung sagot ko. Nagmadali siyang tumungo sa CR.

Napabuntong-hininga ako. Napatingin sa paligid. Yung mga kamay ko, nanginginig. Hindi ko alam kung bakit. May kakaibang kaba sa dibdib ko. Kakaibang pakiramdam. Parang may mangyayaring hindi ko inaasahan.

Inilabas ko yung cellphone ko. Chineck kung may upcoming meetings ako. Isang paraan para ilihis yung isip ko. Ngunit hindi ko maiwasang mapatingin sa pintuan. Bawat taong dumarating, sinisilip ko. Bawat lalaking dumadaan, tinitingnan ko.

May narinig akong mga yabag.

Hindi ko pinansin. Nasa restaurant ako. Marami talagang dumadaan. Pero yung yabag na yun... papunta sa table namin. Bawat hakbang. Lumalakas. Lumalapit.

"Oh Renji, bat—"

Napatigil ako.

Napanganga ako.

Yung mga salita, parang natuyo sa lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw.

Hindi si Renji yung nakatayo sa harap ko.

Isang lalaki. Mataas. Makisig. Yung mga mata niyang kayumanggi pamilyar. Yung ngiti niyapamilyar. Yung buong mukha niya—pamilyar.

Si Kairo.

Nakatayo siya sa harap ko. Buhay. Totoo. Yung kwintas na hugis araw, nakasabit pa rin sa leeg niya—yung kapares ng kwintas na hugis buwan na suot ko.

Napuno ng luha yung mga mata ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita. Yung lahat ng emosyon—saya, galit, lungkot, pagkalito—sabay-sabay na bumuhos sa puso ko.

"Kairo..." bulong ko. Yung boses ko, basag. Marupok. Puno ng sakit.

Nag-angat siya ng tingin. Nakita ko yung pagkalito sa mga mata niya. Yung pagtataka. Yung kawalan ng reaksyon.

"Kairo..." ulit ko. Lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko yung kamay niya. "Buhay ka???" Sigaw ko. Pero mahinahon.

"Sorry, miss," putol niya. Binitawan niya yung kamay ko. Yung mga mata niya, puno ng pagkalito. "Hindi kita kilala."

Napatigil ako. Nanlamig yung buong katawan ko. "A-Ano?"

"Hindi kita kilala," ulit niya. Yung boses niya, seryoso. Walang emosyon. Walang pagkilala. "Sorry. Nagkakamali ka yata."

"Kairo, ako 'to—"

"Kaizer," putol niya. "Kaizer ang pangalan ko. Hindi Kairo."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga.

"Beh? May problema ba?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Isang babae. Maganda. Nakangiti. Nakasabit yung braso niya sa braso ni Kaizer.

"Asawa ko 'to," sabi niya sabay yakap kay Kaizer. "May kailangan k

a ba sa kanya?"

Napatingin ako kay Kaizer. Napatingin siya sa akin. Yung mga mata niya—walang pagkilala.

"Sorry," sabi ni Kaizer. "Hindi talaga kita kilala."

To be continued...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Asawa Ng Asawa Ko   CHAPTER 4

    One week. One week since huli kong nakita si Kaizer. One week since sabihin niyang hindi siya naniniwala sa akin.Hindi ako mapakali. Hindi ako makatulog. Paulit-ulit kong iniisip yung mukha niya. Yung confusion. Yung tanggi."Mom, kumain ka na."Si Renji. Nag-aalala nanaman yung mukha niya."Hindi ako gutom, anak.""Three days ka nang ganyan." Umupo siya sa tabi ko. "Please, mom."Napatingin ako sa anak ko. Napangiti ako. Pilit."Sige. Kakain na ako."Tumango siya. Bago siya lumabas, napatigil siya. "Mom... kahit ano pa yung desisyon mo, nandito lang ako.""Alam ko, anak. Salamat."Lumabas siya. Naiwan akong mag-isa.Napatingin ako sa kwintas ko. Yung hugis buwan. Basag na. Pinagdikit ko pa rin. Pero hindi na maayos.---Office. Kinabukasan.Nasa office ako. Nagtatrabaho. Nagpapanggap na okay lang.Bumukas yung pinto. Pumasok si Elise. Hindi na kumatok."Elise.""Alam ko," sabi niya. "Alam ko na asawa mo si Kaizer."Napatigil ako. Nanlaki yung mata ko. "Ano?""Alam ko na si Kairo siy

  • Asawa Ng Asawa Ko   CHAPTER 3

    Tatlong araw.Tatlong araw simula nung makita ko siya sa restaurant. Tatlong araw simula nung sabihin niyang hindi niya ako kilala. Tatlong araw na hindi ako makatulog nang maayos.Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan.Buhay siya.Buhay yung lalaking inakala kong patay na. Buhay yung lalaking iniyakan ko ng labinlimang taon. Buhay yung asawa ko.Pero hindi niya ako kilala.At ayaw niyang maniwala sa akin."Mom."Napatingin ako. Nasa kusina ako. Nagtitimpla ng kape. Alas-sais pa lang ng umaga pero gising na ako. Hindi naman ako nakatulog."Renji." Ngumiti ako. "Ang aga mo.""Hindi ako makatulog." Umupo siya sa harap ko. "Ikaw din?"Hindi ako sumagot. Binuksan ko na lang yung cabinet at kinuha yung isa pang tasa para sa kanya."Mom," sabi niya. "Pwede ba akong magtanong?""Ano?""Yung lalaking yun. Yung Kaizer." Napatigil siya. "Ano talaga siya sa'yo?"Napatingin ako sa kanya. Napatingin sa anak ko. Sa mga mata niyang kamukhang-kamukha ng tatay niya."Anak siya ng tatay mo," sa

  • Asawa Ng Asawa Ko   CHAPTER 2

    Hindi ako makagalaw.Nakatayo lang ako dun sa harap ng lalaking huling nakita ko labinlimang taon na ang nakalipas.Buhay siya. Pero hindi niya ako kilala."Beh, okay ka lang?"Yung babaeng nakasabit yung braso sa kanya. Nakangiti."A-Ako..." Nanginginig yung boses ko."Elise," sabi ni Kaizer. "Asawa ko.""Asawa mo? Kairo, ako yung asawa mo. Ako si—""Miss." Nawala yung ngiti ni Elise. "Asawa ko 'to. Kaizer. Wala kaming kilalang Kairo."Napatingin ako kay Kaizer. Hinahanap ko yung pagkilala sa mga mata niya.Wala."Kaizer." Hinawakan ko yung kamay niya. "Please. Yung airport. Yung flight. Yung kwintas na binigay mo sa akin.""Hindi kita kilala. Sorry."Binitawan niya yung kamay ko."Miss." Hinila ni Elise si Kaizer palayo. "Wag mo na siyang guluhin. Wala kang karapatan.""Asawa ko siya!""Asawa mo?" Tumawa si Elise. "Miss, anim na taon na kaming kasal. Anim na taon kaming magkasama. At ikaw? Sino ka?""Anim na taon?""Oo. Ako yung nag-alaga sa kanya. Ako yung nagmahal. Hindi ikaw.""E

  • Asawa Ng Asawa Ko   CHAPTER 1

    ASAWA NG ASAWA KO6:50 PM. Airport.Nakangiti ako habang pinapanood si Kairo na inaayos yung mga gamit niya. Papunta siya ng ibang bansa para sa business trip. Ilang araw lang naman. Isang linggo. Dalawang linggo. Hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko, babalik siya."Beh, mag-ingat ka ha. Wag mo kalimutan kumain," paalala ko habang inaayos yung kwelyo ng polo niya. Ramdam ko yung pagod sa mga mata niya. Galing pa 'to sa trabaho kanina.Ngumiti siya. Yung ngiti niyang abot sa mata. Yung ngiting hindi ko makakalimutan kahit ilang taon pa ang lumipas. "Opo, madam. Ikaw din ha. Mag-ingat ka."Tumango ako. Hinawakan ko yung tiyan ko. Anim na buwan na siya. Anim na buwan na kaming naghihintay sa unang anak namin. Anim na buwan na pangarap naming dalawa.Hinalikan niya ako sa noo. Yung tipong halik na puno ng promise. Puno ng "babalik ako." Puno ng "mahal kita."Pagkatapos, may inabot siya sa akin. Isang maliit na kahon. Binuksan ko. Isang kwintas. Hugis buwan."Para sa'yo yan," sabi niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status