Share

Kabanata 6

“Alam natin na hindi sila basta na lang makukulong. Kaya kaylangan pa rin nating mag-ingat,” agad na babala ni Payne sa mga kaibigan na agad din nilang ikinatingin sa kanya.

Alam ni Payne na kahit hindi niya sabihin, alam na rin naman ng mga kaibigan niya kung anong klaseng tao ang mga ito. Alam nilang lahat na matagal ng pagala-gala ang mga ito, at matagal na silang kilabot pero hindi naman sila nakukulong at nakakalaya pa rin sila ng paulit-ulit. Malakas ang kapit ng mga iyon, at hindi sila mapipigil maliban na lamang kung patay na sila.

“We can't move either, not until we got commands,” dugtong ni Sienna.

Dahil doon ay napabuga ng malakas na hangin si Payne, habang nananatiling tahimik ang iba nilang kasama. Tama si Sienna, kaylangan muna nila ng permiso mula sa mga nakatataas bago sila kumilos. Kaylangan nilang gawin ‘yon, dahil parte pa rin sila ng organization. At nasisiguro ni Payne na sa mga oras na ito, kapag nakuha na nila ang mga iyon ay hinding-hindi na sila makakatakas pa. Maniningil siya ng mahal sa mga ginawa nila sa kanya.

“May kaylangan din tayong bantayan,” mayamaya ay sabad ng kapapasok lang na si Chasey kaya sabay-sabay rin silang napalingon sa pinto na pinasukan nito.

Naka-all black na naman na suot ang dalaga ito at tila nanggaling pa ito sa kung saan. Siguro ay nag-trabaho na naman ito ng hindi nila nalalaman, at dumiretso lang din marahil ang babae dito sa hospital na kinaroroonan niya dahil narito ang lahat.

Agad ding lumapit si Chasey kay Payne at lumapit din sa kanila ang mga kaibigan nila, saka ipinakita ni Chasey video sa cellphone nito na ikinagulat naman nilang lahat. Dahil doon ay lalong abot-abot ang kaba ni Payne, kinakabahan na nga siya sa maaaring gawin ng mga kaibigan niya para sa kanya. Ngayon ay may panibago na naman siyang aalalahanin.

Bakit ginawa iyon ng lalaki? Para ba iyon sa kanya? Hindi ba ito nagiisip? Hindi nito kilala ang kinakabalan nito. Tiyak na mapapahamak ito at ang mga kaibigan niya. Tiyak na hindi sila lulubayan ng mga iyon, hanggang hindi sila namamatay. Bakit pa ito sumali sa gulo niya? Tiyak na mapapahamak sila ng husto dahil dito.

Pakiramdam ni Payne ay lalo siyang nanghina, sa mga nakita niya. Kasalanan niya kung bakit ganito ang nangyari, hindi siya nagingat at ngayon tuloy ay mas maraming nalagay sa alanganin dahil sa kanya.

“This is bullshit!” mura ni Payne at pakiramdam niya ay lalong nanghina ang katawan niya.

Napansin din marahil ni Cree iyon kaya agad siya nitong inalalayan para makaupo muli sa kama niya. Walang nagawa si Payne kung hindi ang maupo na lamang, at kahit gusto niya ng tumayo dito para masiguro ang kaligtasan ng lalaki ay hindi niya magawa.

“Magpahinga ka na muna, kami na ang bahala sa kanila at kay Thunder,” Hella said to her na sinunod naman niya kaagad.

Wala rin naman siyang magagawa kung hindi ang makinig na lang sa mga ito. Nanghihina pa siya at alam niyang kaylangan niya pa ng lakas. Buti na lang talaga at nandito rin ang mga kaibigan niya para sa kanya. Pakiramdam kasi ni Payne ay hilong hilo pa rin siya, pakiramdam niya ay nakalutang lang siya lagi at hindi iyon maganda sa pakiramdam.

“Pakiramdam ko ang gulo ng sitwasyon natin,” mayamaya ay sabi rin ni Harper sa kanila, na siyang bumasag sa namuong katahimikan.

Naka-doctor’s robe pa ito at ito ang kasama niya kapag wala ang iba. Inilipat din kasi agad siya sa hospital kung saan nagta-trabaho ang kaibigan kaya ito ang nagbabantay sa kanya.

“Same,” sang-ayon ni Heleen sa doctor nilang kaibigan.

Dahil doon ay muling napabuntunghininga si Payne, totoo ang sinabi ng kaibigan at alam niyang dahil sa kanya iyon. She even heard that Hunter and Sacha got into this mess also, public figure ang mga ito and being involved in this shit can affect their images. That makes Payne sad again, pakiramdam niya ay napakawalang-kwenta na naman niya.

Heto nga at nadamay niya na ang mga kaibigan sa issue na ito dahil lang sa kashungahan niya, at isa pa si Chasey, siya na nga lang ang inaasahan ni Chasey na katuwang sa mga kaibigan ay siya pa ngayon ang sakit ng ulo.

Payne never wanted this to happen, she never wanted to give this kind of chaos to them pero nandito na ito at wala na siyang magawa. Sa ngayon kaylangan niya na lang na magpalakas para ayusin ang gulo na ginawa niya. Kaylangan niyang bumawi sa mga kaibigan.

“Nasaan ang mga kasama mo?” bungad ni Thunder kay Payne ng dalawin niya ang dalaga na mag-isa sa hospital room na kinaroroonan nito ngayon.

Agad din namang napalingon sa kanya ang dalaga na mukang malalim ang iniisip, kahit na may hawak itong laptop at mukang nagta-trabaho. At alam ni Thunder na tungkol pa rin sa nangyari ang iniisip ng dalaga. Hindi rin naman ito kumibo at pinagmasdan lang sila ng dalaga, kaya sunod-sunod na lang din silang pumasok kasama rin kasi ng binata ang ibang kaibigan.

“Nagsi-pasok na sila sa kani-kanilang trabaho,” casual na sagot ng dalaga na saka ito muling bumalik sa ginagawa niya sa laptop.

“You should not do that now, you should rest first Payne,” sita rin sa kanya ni Hunter habang inilalapag ni Thunder ang mga pagkain at bulaklak na dala nito sa side table ng kama.

“Siya nga pala Hunter, kamusta ang kaso namin? May pag-asa ba kaming manalo?” mayamaya ay tanong ni Payne sa lalaki pero nananatili pa ring hawak ng dalaga ang laptop niya.

Tila hindi nito pinansin ang bilin ni Hunter at napakunot na lang din ang noo ni Thunder dahil tama ang iniisip niya. Talaga ngang binabagabag pa rin ang dalaga ng tungkol sa kasong iyon. Dahil naman doon ay kapwa napabuntunghininga si Thunder at Hunter pero nanatiling tahimik si Thunder.

“Nakalabas sila, Payne. We didn’t even know kung paano sila nakapag-bail. Those fvckers is really something,” sagot ni Hunter sa dalaga.

Hindi na sumagot si Payne pero nabahala rin agad siya sa narinig kaya agad siyang napaiwas ng tingin. She then close her laptop, saka niya dali-daling kinuha ang cellphone niya na naka-charge. Siguradong babalikan sila ng mga ito sa lalong madaling panahon, lalong-lalo na sina Thunder, kaya kaylangan niya na ring balaan ang mga kaibigan.

Kilala na ni Payne ang mga iyon. Hindi sila magsasayang ng oras, at alam niya rin na kaya nilang kumilos ng harap-harapan kaya mas kaylangan nilang mag-ingat. Isa pa ay wala pa silang mission na natatanggap ukol sa grupo at kapag kumilos sila ng hindi naaayon sa organization ay malalagot sila.

“Chasey? Where are you?” tanong agad ni Payne sa kausap ng sagutin ng kaibigan ang tawag niya, “Umuwi ka agad after school, don’t go anywhere. Okay? Take care,” dagdag ni Payne at hindi niya na rin hinintay na sumagot ang kaibigan.

Tahimik kasi sa kabilang linya, malamang ay nasa klase ito. At si Chasey ang una niyang tinawagan dahil alam niyang mas malapit ito sa gulo kaysa sa kanila. Agad ding pinatay ni Payne ang tawag, and she dialled another number again. Pero napalingon si Payne sa humawak sa braso niya at napatigil, it’s Thunder. Hinawakan nito ang nanginginig niyang kamay, saka ito ngumiti sa kanya na parang sinasabing huwag na siyang magalala.

“I’ll call them for you,” prisinta nito saka kinuha ang cellphone niya.

Nakaupo pa rin naman ang ibang kaibigan ni Thunder sa maliit na sala ng kinaroroonan niyang kwarto at tila wala silang pakialam sa nangyayari pero naroon sila.

“You should be careful too, baka mamaya balikan nila tayo. Ang sabi ng lawyer ko delikado sila, at kung nakaya nilang gawin sa akin ‘yon in public, pwede rin nilang gawin sa inyo ‘yon. At malamang ay gaganti sila ngayon sa atin,” paalala ni Payne sa binata saka siya lumingon sa mga kaibigan nito pero napatingin lang din ang mga ito sa kanya.

Dapat maghanda sila sa bagay na iyon at kaylangan niya na rin sigurong lumabas sa hospital na ito, hindi na nagiging ligtas dito para sa kanila. Hindi rin naman pwedeng malaman ng mga kasama niya ngayon kung sino sila, magiging masyadong delikado ang lahat para sa kanila.

Pagkatapos tawagan ni Thunder ang mga kaibigan ni Payne ay tinulungan siya nitong kumain. He insist of helping her hanggang sa sabay-sabay na rin silang umuwi, sinabi rin kasi ni Payne na parating na sina Chasey kaya nauna na silang umuwi. Mapupuno kasi ang kwarto niya sa dami nila.

Pero ang totoo ay hindi naman dadating ang mga kaibigan niya. Ang totoo ay nagaayos na sila, at nakahinga ng maluwag si Payne ng umalis na ang mga bisita niya ilang sandali pa ang lumipas. Hindi na kasi siya mahihirapan na paalisin ang mga ito, at makakauwi na rin siya ng tuluyan. Inaasikaso na rin naman ni Cree ang release papers niya, and Harper is helping her.

“Let’s go?” Nilingon ni Payne ang nagsalita sa likod niya na pumasok sa pinto ng kwarto niya.

Hindi siya nagsalita pero tumango lang siya sa kaibigan, nakapagbihis na siya at naayos na niya lahat ng gamit niya, pag-alis na lang talaga nila ang hinihintay niya. Cree and Harper help her sa mga dala niya at lumabas na agad sila sa kwartong iyon, nagmamadali rin kasi sila dahil baka biglang bumalik ang mga bisita niya kanina.

“Nasaan ang iba?” Tanong ni Payne sa mga kasama ng makasakay sila sa kotse at ngayon ay pauwi na sa bahay niya.

“Sa bahay mo,” Harper answered.

Dahil doon ay bigla ring natawa si Payne, na ikinatawa lang din ng dalawa niyang kasama. Kaya naman pala dalawa lang ang sundo niya ngayon ay dahil, talagang naisipan na naman ng mga ito na bulabugin ang bahay niya. Sabagay alam ni Payne na mabuti na rin iyon, safe naman ang bahay niya. This exclusive village are secured hindi basta magtatangkang pumasok ang sinuman dito, at hindi rin basta makakapasok ang sinuman sa village na ito unless dito ka nakatira.

Mabilis lang din naman na nakauwi ang tatlo, at pagdating nila ay seryosong naghihintay ang mga kaibigan sa kanila, at lahat sila ay nasa sala. Hindi inaasahan ni Payne ang ganito nilang sitwasyon, siguradong may nangyari. Kung wala ay siguradong kanina pang nagsasaya ang mga ito ngayon.

“Dumating na ang hinihintay natin,” salubong ni Marzia sa kanila.

Agad din nitong iniabot sa kanila ang sobre na kinuha naman agad ni Payne saka binasa, ipinasa niya rin agad ang sulat kay Cree at Harper at matapos basahin ng dalawa ang sulat ay sinunog na rin nila iyon.

“Simulan na natin ang paghahanap sa kanila, hindi na natin pwedeng patagalin ang lahat, baka marami pang madamay,” Payne said to them ng maupo sila ni Cree at Harper kasama ng mga ito.

“Sinubukan na namin silang hanapin, pero hindi namin sila makita,” Heleen answered.

“She’s right, kaya wala tayong choice kun’di ang hayaan silang sumulpot na lang bago tayo kumilos,” Thyra also said na ikinabuntunghininga ni Payne, saka siya napatingin kay Chasey.

“I lose touch, sabi mo tigilan ko eh,” inosenteng sagot ng kaibigan na tinawanan niya lang din naman.

Dahil doon ay natawa na rin ang iba pa sa kanila, and that lighten the mood.

“Know what? Bumili na lang muna tayo ng pagkain sa minimart,” mayamaya ay yaya ni Sacha na sinangayunan naman ng lahat.

Dahil doon ay natawa na lang din si Payne sa kanila, mukang balak na naman ng mga ito na dito na matulog. Sabagay, ang bahay niya ay bahay nila at ganoon din ang kani-kanilang bahay.

Sabay-sabay silang lumabas ng bahay ni Payne at hindi na sila nag-abala na I-lock ang bahay nito. Lumabas na lang sila, at hindi sila nagaalala dahil alam nila na safe rito. Sa kabilang kalye lang din naman ang minimart na pakay nila.

Ganito palagi sila, hindi sila mapaghiwalay at tila hindi sila makumpleto kapag hindi sila magkakasama. Hindi na rin sila nag-abala na sumakay sa van nila, naglakad na lang din sila, dahil malapit lang din naman ang minimart. Pero sa totoo lang ay ngayon lang nila ito ginawa, palagi rin kasi silang naka-van sa tuwing pupunta sa minimart kahit malapit lang ito.

Pero para kay Payne ay okay na okay ang lakad nilang ito, masaya naman ang maglakad kasama sila. Hindi rin siya nangangamba sa mga kaibigan dahil alam niya na malalakas ang mga ito, pero inaalala niya pa rin ang mga hayop na nanakit sa kanya, delikado pa rin sila kaya hindi niya pa rin maiwasang mapaisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status