Share

Kabanata 5

“Thunder my friend! Taya ka na naman yata?” agad na bungad ng kaibigang si Hunter kay Thunder ng magyaya ulit siya sa mga ito sa dating lugar.

Matapos nito ay sunod-sunod naman na pumasok ang iba pa nilang mga kaibigan habang kanina pa siya umiinom. Hindi na rin naman niya pinansin ang sinabi ni Hunter dahil wala naman siyang ibang gusto sa ngayon kung hindi ang malasing.

Thunder still cant forget, at alam niyang hindi niya na dapat ginagawa ang mga bagay na iyon para sa babae pero matigas ang puso niya. Katulad ng puso niya ay matigas din ang ulo niya, gustong-gusto niya pa ring makita ang babaeng iyon kahit na alam niya na ayaw na nitong makita siya.

She voided the contract, ibig sabihin lamang noon ay ayaw nitong makasal sa kanya, and Thunder knew it from the very start. Habang si Thunder ay handang-handa ng lumagay sa tahimik basta si Payne ang mapapangasawa nito, at wala siyang ibang nakikitang babae sa buhay niya kung hindi si Payne lamang. Pero hindi inasahan ni Thunder na sa ganito mauuwi ang lahat, at siguro nga ay talagang umasa agad siya na ganoon din ang babae sa kanya.

Hindi niya rin alam kung bakit nga ba umasa agad siya na si Payne nga talaga ang mapapangasawa niya. Alam niya naman na may kasalanan siya, alam niyang duwag siya. Dahil alam niya na sa kabila ng payo ng pamilya at kaibigan niya, na gumawa ng hakbang upang mapalapit sa dalaga ay hindi niya iyon ginawa. Bagay na ngayon niya pinagsisisihan, naduwag siya, at nakuntento na lang siya na humanga sa dalaga sa malayo.

Hindi niya sinubukan na lapitan ito at gumawa ng hakbang para makilala o maging malapit dito. Nakampante siya na sila ang magkakatuluyan, dahil alam niya naman na hindi ito susuway sa utos ng mga magulang nito na magpakasal sa kanya. Pero doon siya nagkamali, at hindi niya alam kung bakit kahit na ayaw siyang pakasalan ng dalaga ay namangha pa rin siya sa desisyon nito. Mas namangha siya sa dalaga ng tumayo ito sa sarili nitong paa, at nag-desisyon ito para sa sarili niya.

“See what happened?” Jace said to him pagkaupo nito, na hindi niya pa rin pinansin.

Alam niya na alam naman ng mga ito ang dahilan kung bakit siya ganito. Alam naman ng mga kaibigan ni Thunder ang tungkol kay Payne. Kaya nga siguro tahimik ang mga ito kagabi, habang nasa kabilang side ng VVIP room ang babae at ang mga kaibigan nito.

“Come on man? Lets just enjoy the night. Maybe this is really the sign na tigilan mo na siya,” Hurricane said to him saka ito nagyaya ng toss sa kanya.

Dahil doon ay natawa na lang siya at nakipag-toss na lang siya sa mga kaibigan niya, kahit na hindi niya gusto na tigilan si Payne. Pero baka nga tama ang mga kaibigan niya, baka nga tama ang ina niya. Baka nga kaylangan niya na sigurong kalimutan ang dalaga, dapat na talaga sigurong hayaan niya na ito para makalimot na rin siya.

Alam naman niya na hindi rin siya nito gugustuhin, alam naman niya na sa usaping pagibig ay talo siya dito. Kaya siguro nararapat lamang talaga na hindi na niya ito alalahanin pa. Isa pa noon pa man ay tinanggap niya na ang katotohanan, na magiging masaya na lang siya sa kung saan masaya ang dalaga. Pero kapag nakikita niya talaga ito ay otomatik na nagbabago ang desisyon niya.

Pilit na iwinaglit ni Thunder ang isiping iyon at itinuon na lamang din niya ang pansin sa mga kaibigan, kaylangan niya rin marahil na libangin ang sarili upang makapag-isip ng maayos. At nagkakasiyahan na silang magkakaibigan ng bigla silang mapatigil dahil biglang tumunog ang cellphone ni Hunter. He was about to turn it off, dahil ayaw niyang naaabala sa inuman, pero agad ding napakunot ang noo niya because it was Sacha. Nakita rin ni Thunder iyon dahil sila ang magkatabi at kahit siya ay napakunot din ang noo.

“Hey! Sacha my friend?” masiglang bati ni Hunter ng sagutin niya ang telepono, pero ang unang bumungad sa kanya ay ang malakas na ingay na nagmumula sa linya.

Nailayo ni Hunter ang tenga sa cellphone nito dahil sa ingay sa background ng kaibigan, habang ang mga kasama niya ay nakatingin lang din sa kanya. Mayamaya ay ini-loudspeak na rin nito ang cellphone saka ibinaba sa ibabaw ng mesa, at kapwa sila tumingin ng sabay-sabay sa cellphone ng binata na kasalukuyang on-going ang call.

Hindi rin maiwasan ni Thunder na mapaisip kung nasaan kaya ang mga ito? Nagiinuman na naman ba sila? Maingay ang background, nasa bar ba sila? O baka naman nasa isang event lang ang babaeng modelo at aanyayahan lang ang kaibigan nitong aktor.

At dahil sa tawag ay parang muling nawala ang pagse-senti ni Thunder sa mga oras na iyon. Dahil doon ay bigla na namang napalitan na ng pagaalala ang kaninang desisyon niya na iwaglit sa isip ang anumang tungkol dito. Hindi niya maiwasan na mag-alala dahil mukang nagiinuman nga sila, at mukang wala sila sa private room kagaya ng nakaugalian nila. Siguradong mababastos ang mga ito kagaya ng nai-kwento ng dalaga sa kanya kaya agad siyang nagalala.

“Hunter my friend? I needed your help kasi --” Hindi pa natatapos ang sasabihin ng dalaga ay napatigil na ito dahil sa ingay ng lugar.

Saka lang din narinig nina Thunder na may nagsisigawan sa background.

“Sacha?” Hunter called his friend dahil nagsimula na rin siyang magalala para sa kaibigan.

Hindi ugali nito ang tawagan siya para humingi ng tulong, at nasisiguro ni Hunter na malaki ito para siya ang hingan nito ng tulong at hindi ang mga kaibigan nito. Napakunot na rin ang noo nito, habang nakatingin lang din sa kanya ang mga kasama niya.

“My friends are ready to kill, can you stop them? Hunter? oh my gad! We’re here at your bar, and I don’t know what to do!” Sacha then yelled freaking out.

Bakas na bakas ang taranta sa boses nito at dahil doon ay agad na napatayo si Hunter. Pakiramdam din ni Thunder ay nawala ang kalasingan niya dahil sa narinig, nandito sila at ibig sabihin ay nandito si Payne. What the hell is she doing here? Bakit hindi sila sa private room nag-stay? Sa pagtayo ni Hunter ay agad ding napatayo si Thunder, pero agad din siyang napatigil ng pigilan siya ni Storm.

“Gago? Saan ka pupunta? Alam mo ang rupok mo talaga, hayaan mo na si Hunter dyan,” awat sa kanya ni Storm habang papalabas na siya pero hindi niya iyon pinansin.

Thunder knew he needed to see her, kinakabahan siya at alam niyang may masamang nangyari sa dalaga kahit na ayaw niyang isipin iyon. Mabilis siyang naglakad palabas ng VVIP room kasama ni Hunter and his friends hurriedly followed him. Tumahimik na sa labas, hindi na rin naririnig ang ingay sa dance floor kaya sigurado siyang napatigil ng kaguluhan na iyon ang kasiyahan sa baba.

“I’ll kill whoever fvcking touch them!” mayamaya ay dinig nilang ng kung sino and Thunder knew its Chasey.

Agad ding nanlaki ang mga mata nila sa gulat ng makita nila kung paano suntukin ni Chasey ang isang lalaki na tila hindi na makilala. She looks totally fine, maliban sa mabababanaag na galit sa muka niya, they knew she’s fine but Payne looks too drunk. Kadarating lang din naman ng iba nilang kaibigan at naabutan pa nilang may kaaway na naman si Chasey, and they didn’t even knew what to do also.

“Little Chasey?” Hunter yelled calling Chasey to stop her.

Dahil doon ay napalingon sina Sacha sa tumawag kay Chasey, but Chasey never look to them. Tinadyakan namang muli ni Chasey ang lalaking kanina pa duguan, habang ang mga kaibigan ng lalaki ay walang magawa, she’s just a girl na para bang anumang oras ay kayang pumatay.

“Not Payne and not even my other girls!” Chasey yelled again saka niya mabilis na dinampot ang stool na malapit sa kanya.

Lahat sila ay lalong nagulat ng walang alinlangang ihampas ni Chasey ang silya sa lalaki, pero mabilis rin ang kilos ni Jett. Mabilis na pinigilan ng lalaki ang dalawa dahil na rin sa utos ni Hunter, at agad ding nilapitan nila ng iba pang kaibigan ni Thunder ang iba pang kasama nina Chasey.

Dahil doon ay agad ding kumilos si Thunder, nilapitan niya agad si Payne na walang malay na binabantayan ni Sienna. Bakas ang pagaalala sa muka nito na lalong nagpakaba sa binata.

“What happened to her?” Tanong niya kay Sienna.

Hindi na alam ng dalaga ang gagawin at nakikita ni Thunder iyon, kaya pilit niya ring ikinalma ang sarili, kahit abot-abot din ang kaba ng binata. Tama ang kutob niya, may masama ngang nangyari.

“Chasey said she was drugged by those guys. Help us Thunder, please? Can you carry her? Bring her to the hospital, pasasamahin ko sa’yo ang iba naming kasama. But first we needed to stop Chasey, she’ll kill him. I knew it!” Sienna answered him at tumango na lang din naman aagad si Thunder sa sinabi ng dalaga saka niya mabilis na kinarga si Payne.

“Storm?” Tawag niya sa kaibigan na doctor na sumunod naman agad sa kanya.

Agad din silang lumakad at sumama rin sa kanila ang iba pang mga kaibigan ni Payne, at ang iba ay naiwan kasama nina Hunter, Xavier, Hurricane at Jett. Dinala rin agad ni Thunder sa pinaka-malapit na hospital na pagmamayari ng kaibigan si Payne, na mabilis naman nitong sinuri.

At kahit hindi nagta-trabaho sa hospital na iyon ay tumulong na rin ang kaibigan ni Payne na doctor na si Harper sa kanila, at hinayaan lang din nila ito. Mayamaya lang din naman ay dumating na rin ang iba pa nilang mga kaibigan, kasama ang iba pang kaibigan ni Payne.

They saw that Chasey was full of blood but she never care, nakatingin lang siya kay Payne. Saka muling bumakas ang matinding galit sa muka niya kasabay ng pagkuyom ng kamao ng dalaga. Nakakatakot na naman ito.

”Fvcking hell, I wanna kill!” Mayamaya ay hiyaw ni Chasey na muling ikinagulat nila.

Lalo silang nagulat sa ginawa nito, at mas lalo silang nataranta ng nagmamadali itong tumakbo sa pinto but her friends stop her immediately.

“No fvcking killing!” sabay-sabay na saway ng mga kaibigan nila sa babae.

Agad din naman itong natigilan at tila agad na natauhan sa ginawa ng mga kaibigan sa kanya. Ibang-iba ito sa Chasey na nakilala nila sa bar noong nakaraan, sobrang nakakatakot ito at parang kayang-kaya nga nitong pumatay sa mga oras na ito.

“Look at yourself, Chasey! Stop it! Gusto mo bang makita ka ni Payne na ganyan? Idaan na lang natin sa korte ang lahat, okay? Magbihis ka na, and look at your hands,” sermon ni Sienna sa kaibigan nila.

Sa ginawa ni Sienna ay tila umamo ang muka ng kaibigan at tila nagbago na rin ang awra at hitsura ng muka nito.

“Halika na gagamutin na kita, palibhasa sadista ka. Ikaw na bata ka talaga! Nako!” sabad ni Harpero sa kanila saka sila lumabas na agad na ikinatahimik ng kwarto ni Payne.

“Marzia? Hella? Samahan niyo pauwi si Chasey. Bantayan niyo ng mabuti ang batang ‘yan, kapag nakawala ang siya, malilintikan tayong lahat,” mayamaya ay bilin naman ni Sienna sa mga kaibigan na tinawan nito at tumango lang din naman agad sila.

Sabay-sabay rin silang napabuntunghininga saka naunang umalis ang dalawa, at agad ding napabuntunghininga ang mga naiwa. Habang mababakas rin sa mga kalalakihan na kasama nila na hindi rin sila mapakali sa mga nangyari.

“Can you please tell us exactly what happened?” basag katahimikan ni Thunder na agad ding ikinalingon ng lahat sa kanya.

Sacha then just sigh at him, habang nakasandal ito sa malapit na pader sa kanya. Hawak pa ng dalaga ang sapatos nito habang naka-ekis ang mga braso at nakatingin sa tulog na si Payne.

“We didn’t know actually, hindi kasi namin makausap si Chasey ng matino. She’s just talking about, those bastards drugging Payne. We tried asking the bartender pero wala silang alam, ang alam lang nila ay maaga pa raw noong dumating iyong dalawa. But its odd, actually. Sa amin kasing lahat iyong dalawa ang never malalasing, and seeing Payne like that? Siguradong tama ang sinasabi ni Chasey. And she also said that she was drugged, harass and molested that’s why she’s mad,” Sacha answered and then she sigh again.

The beautiful faces of Payne’s friend looks so frustrated. Tahimik lang din ang iba sa kanila at mukang hindi nga ito simpleng insidente lamang.

“Hunter? Help us!” Sacha then asks her friend and he just nods at her.

Hunter on the other hand just comfort her, niyakap niya ang dalaga na hindi naman tumutol sa ginawa niya. Dahil doon ay napa-kuyom naman ng kamao si Thunder, hindi niya ikinatutuwa ang nalaman. At kung hindi sila napatay ni Chasey ay sisiguruhin niyang siya ang papatay sa mga lalaking iyon, oras na mapatunayan na tama ang hinala nila. At ngayon pa lang, kahit hindi pa nila alam ang totoo ay gusto niya na ring pumatay at talagang iyon na ang nararamdaman niya sa mga oras na ito.

“Mauuna na kami sa inyo, you can stay. Aayusin namin ang problema,” Hunter said sa mga kaibigan ni Payne kaya tumayo na rin si Thunder para sumama sa binata.

“Ako na ang bahala sa kanya,” Storm then said to Thunder at tumango lang din naman si Thunder sa kaibigang Doctor saka sila agad na umalis.

“Xavier? Jett? I needed help,” Thunder then ask his friends na kasama nila ngayon pagkalabas na pagkalabas nila mula sa kwarto ni Payne.

Thunder was fuming mad, at hindi maganda iyon. Dahil alam niyang kaya niya ring pumatay anumang oras. At kaylangan niyang makita ang lalaking iyon, kaylangan niyang ilabas ang galit niya. Kaylangan niyang pagbayarin ang sinumang nanakit sa babaeng pinakamamahal niya.

Kahit kaylan ay hindi niya naisip na bastusin o saktan si Payne, maging ang mga kaibigan nito. Pinanatili niya ang distansya niya sa dalaga dahil ayaw niyang masaktan at matakot ito sa kanya, pero ang mga walanghiyang iyon, sinaktan nila ang dalaga. At hindi rin siya natutuwa na malaman na hinawakan nila ang dalaga. Kung siya ang kasama nito ay malamang siya ang naabutan nila Chasey na bumubugbog sa mga lalaking iyon.

Maswerte na lamang din si Thunder dahil mayroon siyang mga kaibigan na alam niyang tutulungan siya kahit anumang mangyari. Dahil sa mga ito ay kaharap niya na ngayon ang limang lalaking tumarantado kay Payne. Using Jett’s and Xavier’s connection, nalaman na rin nila kung sino ang mga ito.

“Hindi niyo sila kilala, sa susunod kayo naman ang papatayin nila!” muling hiyaw ng lalaking tila lider nila.

Dahil doon ay muling naginit ang ulo ni Thunder, he hurriedly punch the man who shouted na agad din nitong ikinatahimik. At kahit puro sugat na ang kamay niya, ay hindi siya tumitigil. Kanina paring umaagos ang masaganang dugo sa limang lalaking iyon, pero wala siyang balak na tigilan sila. Hanggang ngayon ay galit pa rin si Thunder, at alam niyang hindi nababawasan ang galit niya. He love Payne and he respected her so much, at hindi niya gusto ang ideya na binastos at sinaktan lang siya ng ibang tao.

“Tara na,” mayamaya ay aya ni Xavier sa kaibigan saka niya ito hinila palabas ng police station.

Those five are notorius drug syndicates, and the scene awhile ago was a good catch, kahit wala si Xavier at Hunter ay makukulong talaga ang limang ‘yon.

“Kilala ba nila iyong sampo? Did you hear them talk about them na para bang kilala nila ang mga ‘yon?” Rain ask na ikinalingon nila sa kasama habang palabas na sila ng police station.

Dahil doon ay napakunot din ang noo ni Thunder, pero ipinagkibit balikat niya lang iyon. Baka naman dahil lang iyon sa pagkalulong nila sa droga kaya ganoon ang mga sinasabi nila. At ayon sa nakalap nilang impormasyon, marami na rin talagang nabiktima ang mga iyon na kababaihan. Baka isa lang ang sampu sa sa mahaba nilang listahan, hindi rin naman kasi basta-bastang tao ang ilang sa kanila.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status