LOGIN
Sa gabi ng engagement party ni Liam, naglasing si Tessa sa bar.
Napagkamalan niya ang isang lalaki na ito ay si Liam at agad niyang niyakap ang isang napakaguwapong lalaki sa isang madilim na pasilyo, hinalikan niya ito nang may buong pagmamahal. Pagkatapos ng kanilang halikan, parehas silang nakahinga nang maluwag. Tiningnan ng guwapong lalaki ang babae na hawak ng kanyang mga bisig. “Are you sure about this?” malalim at seksi ang tono ng boses na tanong nito sa kanya. Biglang natauhan si Tessa at nakilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. Ito ay si Zander Velasquez, ang nangungunang abogado ng bansa na may hindi mabilang na mga ari-arian sa ilalim ng pangalan nito, at ito ay isang tunay na urban elite. Magiging bayaw din nito si Liam Torres na ex-boyfriend ni Tessa. Napaatras si Tessa at kumunot naman ang noo ni Zander. Saglit na napaisip si Tessa, “Kung kaya ni Liam na mag-cheat sa’kin... kaya ko rin naman siyang palitan at makipaghalikan sa kung kani-kaninong lalaki!” Muli siyang kumapit sa leeg ng lalaki. Si Tessa ay magandang babae at maganda rin ang hubog ng katawan nito. Si Zander ay hindi pabigla-bigla na tao, at handa siyang magkaroon ng panandaliang kasiyahan kay Tessa. Hinawakan ni Zander ang kanyang baywang, at pagkatapos ng ilang segundong pag-iisip, hinawakan nito ang kanyang baba. “My place or your place?” tanong nito sa kanya habang mapang-akit itong tumitig sa kanyang mga mata. Napalunok siya. Si Tessa ay isang baguhan pa lamang, ngunit nagpanggap siyang may karanasan na. Ngumisi siya at bumulong sa tainga ni Zander: “Ikaw ang bahala, huwag lang sa bahay ko.” Tumaas ang sulok ng labi ni Zander. Para sa kanya ito ay panandaliang kasiyahan lamang. Yumuko siya at hinalikan niyang muli ang babae. Mas lalong nalasing si Tessa sa paraan ng paghalik sa kanya ni Zander, isang mapusok at mainit na mga halik. “Liam,” biglang lumabas sa kanyang bibig ang pangalan ng kanyang dating nobyo nang bitawan ni Zander ang kanyang mga labi. Napatigil si Zander sa pagkagat nito sa kanyang tainga at saka kumunot ang noo nito. “What did you just call me?” Agad na binitawan ni Zander si Tessa. Nabigla naman si Tessa sa ginawa niya. Sumandal si Zander sa pader, at ibinaba ang kanyang ulo upang mag-sindi ng sigarilyo. Mapaglaro niyang tinitigan si Tessa, “Liam Torres? How interesting! Mukhang siya ang ex-girlfriend ng magiging brother-in-law ko,” saad ni Zander sa kanyang sarili. Kumunot ang noo ni Tessa. Hinala niya na mukhang pina-imbestigahan na siya nito. Pinagpag ni Zander ang abo ng kanyang sigarilyo at nagtanong nang kaswal, “You know who I am, right? Why did you kissed me? Gusto mong may mangyari sa atin dahil galit ka kay Liam Torres?” Hindi ito maitatanggi ni Tessa. Napakasikat ni Zander Velasquez. Magiging mapagkunwari para sa kanya na sabihing hindi niya ito kilala. Yumuko at humingi ng tawad si Tessa: “I’m sorry for disturbing you, Mr. Velasquez.” Gusto na niyang umalis at mukhang wala namang balak si Zander na pigilan siya. Saktong pagtalikod ni Tessa tumunog ang kanyang cell phone. Pagtingin niya, ang kanyang tiyahin na si Cora pala ang tumatawag sa kanya. “Tessa, bumalik ka na rito. May nangyari sa bahay," bungad nito sa kanya nang sagutin niya ang tawag nito. Biglang nawala ang kalasingan ni Tessa. Nagtanong si Tessa sa kanyang tiyahin, ngunit hindi nito maipaliwanag sa kanya ng mabuti dahil mahina ang signal sa loob ng bar. Pagkatapos nitong ibaba ang tawag, nanghina ang mga binti ni Tessa. Muli siyang humingi ng tawad sa lalaki: “I’m really really sorry, Mr. Velasquez. Mauna na po ako, pasensya na.” Tiningnan siya nang malalim ni Zander. Tumayo ito nang tuwid at pagkatapos ibinato nito sa kanya ang jacket nitong itim: “Isuot mo, ihahatid na kita,” sabi nito sa kanya pagkatapos siya nitong lampasan. Hindi na nagdalawang-isip pa si Tessa at sinundan na niya si Zander patungo sa kotse nito. Habang nasa biyahe sila, wala ni isa sa kanila ang nagsalita. Paminsan-minsan ay palihim siyang tinitingnan ni Tessa. Para sa kanya, si Zander ay may perpektong mukha, at ang brand ng shirt na suot nito ay hindi niya masyadong makita, ngunit mukhang napakamahal nito. Alam ni Tessa na ang isang lalaking tulad ni Zander ay hindi kailanman mawawalan ng mga babae. Pagkarating nila sa may tapat ng bahay nina Tessa, tumingin sa kanya si Zander. Pinasadahan nito ng tingin ang kanyang buong katawan, ang mga mata nito ay nagtagal sa kanyang makitid na puting mga binti sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos, kumuha ito ng business card mula sa locker sa harap at inabot nito kay Tessa. Hindi makapaniwalang tumingin si Tessa kay Zander bago niya tinanggihan ang lalaki. “Mr. Velasquez, let’s not contact each other anymore," saad niya sa kalmadong tono ng boses. Muling tumunog ang cell phone ni Tessa. Akala niya ito ay ang kanyang tiyahin, ngunit nang tingnan niya ang kanyang cell phone, pangalan ni Liam ang kanyang nakita. Agad niyang binuksan ang mensahe nito sa kanya. Liam: Tessa, where are you? Ngumisi si Zander nang makita nito ang mensahe sa kanya ni Liam. “You’re very loyal to him, huh?” Biglang nakaramdam ng hiya si Tessa at itinago niya ang kanyang cell phone sa kanyang maliit na handbag. Gusto niya ring depensahan ang kanyang sarili, ngunit hindi na lamang niya ito ginawa. Lumabas si Zander mula sa driver’s seat at umikot ito papunta sa may passenger seat kung saan nakaupo si Tessa. Binuksan nito ang pinto ng kotse at bago siya lumabas nagpasalamat muna siya sa lalaki, ngunit nakalimutan niyang isauli rito ang jacket nito. Pumasok na ulit si Zander sa loob ng driver’s seat at mabilis nitong pinaandar ang sasakyan palayo sa bahay nina Tessa.Matayog na nakatayo si Zander sa harapan niya, tila ba natural lamang sa kanya ang ganoong tindig. Mula sa kanyang mataas at dominante niyang posisyon, bahagya siyang nakayuko habang nakatingin kay Tessa. Ang ilaw mula sa itaas ay lumikha ng anino sa kanyang matitikas na mukha, na lalo pang nagpatindi sa lalim at bagsik ng kanyang maiitim na mga mata. Hindi siya kumukurap, diretso at mariing nakatuon ang tingin niya rito.Sa ilalim ng ganoong titig, naramdaman ni Tessa ang pag-init ng kanyang mga pisngi. Parang unti-unting kumalat ang pamumula mula sa kanyang mukha hanggang sa kanyang mga tainga. Gayunpaman, pinilit niyang itabi ang kanyang hiya. Huminga siya nang malalim, nag-ipon ng lakas ng loob, at dahan-dahang lumapit.Dahan-dahan siyang naupo sa kanyang kandungan, saka ipinalupot ang mga braso sa leeg nito. Bahagya siyang yumuko, at sa malambing ngunit masunuring tinig ay bumulong, “Zander… pwede na ako ngayon.”Hindi siya sinagot ng lalaki. Sa halip, mahigpit siya nitong hinila
Namula si Tessa nang marinig iyon.Kahit matagal na siyang kasama ni Zander, may kung anong bigat pa rin sa dibdib niya tuwing kailangan niyang siya ang unang magpakita ng damdamin. Hindi siya sanay manguna sa ganitong usapin, lalo na pagdating sa paglalambing o paghingi ng pabor.Bukod pa roon, halos hindi na nga umuuwi si Zander dahil sa sobrang abala nito sa trabaho. Paano pa niya ito guguluhin para sa sarili niyang problema?Hindi rin naman niya maaaring basta na lang ipadala ang gusto niyang sabihin sa pamamagitan ng mensahe. Sa tuwing naiisip niya iyon, lalo lang siyang nahihiya.Sa katunayan, tatlong sunod na araw nang hindi umuuwi si Zander sa apartment. Ganoon siya kaabala.Paano siya makakadagdag pa sa iniintindi nito?Kaya ang ginawa na lamang ni Tessa ay maghatid araw-araw ng almusal at isang set ng damit sa opisina nito. Tahimik lang si Zander tungkol doon, wala man lang komento, ngunit hindi rin niya ito tinanggihan.Pagsapit ng Miyerkules, buong araw na kasama ni Tessa
Nang makita ng kasambahay kung gaano sila kalambing, labis itong natuwa. Parang nakakita ng sariling anak na masaya sa pag-ibig, agad itong kumilos nang masigla at masayang inasikaso ang dagdag na almusal.Samantala, bumalik si Tessa sa kanyang silid. Balak niyang mag-empake ng isang set ng damit na dadalhin sa opisina ni Zander. Maingat na gumalaw ang kanyang mga daliri sa loob ng walk-in closet, dumadampi sa mamahaling tela at maayos na nakasabit na mga kasuotan.Saglit siyang napatigil. May ilang bagong biling polo roon, ang mga pinili niya kahapon. Ngunit hindi niya magawang kunin ang mga iyon. Sa halip, ibinaba niya ang kamay at pinili ang isang set na madalas isuot ni Zander, isang klasikong kulay at pamilyar na estilo.Hindi niya alam kung bakit, pero parang hindi pa niya kayang ipagmalaki ang mga bagong binili niya.Maingat niya iyong tiniklop, inilagay sa bag, at pagkatapos ay sumakay ng taxi patungong TOP Law Firm.Hindi siya naglakas-loob na istorbohin si Zander. Sa halip,
Biglang pumihit si Liam sa kama.May kung anong bumigat sa dibdib niya kaya mabilis niyang kinuha ang telepono mula sa bedside table. Binuksan niya ang kanyang pribadong photo album.Iisa lang ang laman nito. Ang larawan ni Tessa.Kuha iyon dalawa o tatlong taon na ang nakalilipas. Noong mga panahong halos gabi-gabi siyang nag-o-overtime at madaling-araw na kung umuwi. Si Tessa naman ay palaging naghahanda ng pagkain at matiyagang naghihintay sa kanya.Noong gabing iyon, napakatagal niyang hindi nakauwi. Sa sobrang pagod at paghihintay, nakatulog si Tessa sa sofa, bahagyang nakatagilid, nakayakap pa sa unan.Maputi ang kanyang balat, malinis tingnan, at napakaamo ng mukha nito. Para siyang isang tahimik na ilaw na naghihintay sa may-ari ng bahay.Pag-uwi niya noon, pagod na pagod siya. Ngunit nang makita niyang natutulog si Tessa, may kung anong lumambot sa kanyang puso.Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya, kaya kinuhanan niya ito ng litrato.Kalaunan, niligawan niya si Za
Gusto talaga ni Tessa na mapasaya siya.Bigla niyang ipinaikot ang mga braso sa leeg ni Zander at malambing na tinawag na, “Daddy…” Ang tono niya ay parang batang nagpapa-cute, may halong lambing at panunukso.Saglit na natigilan si Zander. Hindi niya inaasahan iyon.Ngunit pagkaraan ng ilang segundo, may isang kakaibang pakiramdam ang naramdaman niya. Isang uri ng kasiyahang hindi niya agad maipaliwanag.Dala niya ang magandang disposisyong iyon hanggang sa opisina. Maging si Secretary Chen ay napansin na tila kakaiba ang sigla ni Attorney Velasquez ngayong araw—mas magaan ang aura, parang kumikislap ang mga mata, at mas lalo pa itong gumwapo.Eksaktong alas-diyes ng umaga, kumatok si Secretary Chen at pumasok.Ngumiti ito nang propesyonal. “Attorney Velasquez, gusto po kayong makausap ng legal counsel ng pamilya Torres. Sinuri ko ang schedule ninyo—may bakante kayo ng alas-kuwatro ngayong hapon…”“I won’t see them!” malamig na sagot ni Zander, hindi man lang tumingala. “The relevant
Alam ni Tessa sa sarili niya na gusto niya ito.Maaaring nagsimula ang damdaming iyon sa utang na loob, sa lahat ng tulong at pag-aalaga na ibinigay sa kanya. O marahil dala rin iyon ng matinding epekto ng presensya ni Zander, ang kanyang matikas na tindig, ang maamo ngunit makapangyarihang aura, ang mukhang tila hinubog nang perpekto. Anuman ang dahilan, hindi na niya maikakaila.Gusto niya ito, at kung tutuusin, hindi ba’t kaya naman siya nananatili sa tabi nito ay upang mapasaya ito?Kaya bakit siya makakaramdam ng lungkot ngayon? Wala iyong lohika.Ibinaba ni Tessa ang kanyang mga pilikmata. Parang kuting na nahihiya ngunit nagpapaamo, mahina niyang binigkas ang dalawang salita, “G-gusto ko.”Marahang hinaplos ni Zander ang kanyang mga labi gamit ang mahahaba at payat nitong daliri. Mabagal ang galaw, sinasadya ang bawat dampi, may bahid ng tukso, at hindi maipaliwanag na pahiwatig.Namula si Tessa at kumabog nang mabilis ang kanyang dibdib.Ngunit hindi niya nalimutan ang mahalag







