Share

Chapter 8

Hindi ko alam pero hindi agad rumehistro ang mukha nito sa akin. Pero si.. Selene?! Si Selene nga ito. Wala akong nasabi sa sobrang gulat ko sa ginawa nito. Teka, bakit nandito ang babaeng ito?

Nilagpasan lang ako nito at dire diretso sa loob. Sa pagkagulat ko ay hindi ko na nagawa ang pigilan man lang ito.

“What are you doing here?” Huli na dahil ng lumingon ako ay nakatayo na pala ang boss ko at ang babaeng kasama nito.

“What am I doing here? Really? Who is this woman?” Halos mabingi ako sa lakas ng boses nito. Halata naman sa mukha ni Ms. Lozada ang gulat at pagtataka.

“Don’t make a scene and how the hell did you get here?” Pinipilit nitong huminahon ang boses pero halata ko na nagulat din ito sa biglang pagsulpot ng nobya niya.

“Importante pa ba yun? Answer me, who is she?” Muling tanong ng girlfriend ng boss ko na pumamewang pa.

“Ms. Lozada’s firm will be collaborating with the company. We are just discussinhg about the upcoming projects.” Paliwanag nito pero alam kong hindi maniniwala si Selene kahit ano pang idahilan ng boss ko ngayon.

“I'm not stupid! Bagong babae mo na naman ba yan? Kailan ka ba magsasawa kakapalit-palit ng babae?” Nanginginig na ang boses nito sa galit at halata na nga ang pangingilid ng mga luha nito.

Ako naman ay naiwan pa ring nakatayo sa malapit sa may pinto. Hindi na ko nakagalaw dahil sa tindi ng eksena na nasasaksihan ngayon.

“Selene, please. Nakakahiya. We are just in a meeting.” Aktong lalapit na sana ang boss ko sa girlfriend pero agad na umiwas ito.

“Meeting? Sa loob ng hotel room at kayo lang na dalawa?!” Galit pa rin nitong sabi pero bahagyang humina ang boses. Mukhang pinipigilan nito ang maiyak ng tuluyan.

“Stop it, please.” Humawak na sa sentido niya ang boss ko at parang sumasakit na ang ulo. Pero kasalanan din naman niya kung bakit nagkakaganito ang girlfriend niya.

“How did you know that I am here?” Tanong nito ng hindi na muling nagsalita ang babae.

Natigilan si Selene sa tanong na iyon ng boss ko at sumulyap sa akin. Napatingin na din si Ethan sa akin at si Ms. Lozada.

Ay, sandali. Anong kinalaman ko na naman dito? Bakit sila lahat nakatingin sa akin?

“Ava told me that you are here.” Mahinang sagot ni Selene sabay bawi ng tingin sa akin.

“Ha? Paanong ako?” Napamaang ako sa nadinig. Paanong ako eh hindi ko nga sinasagot ang tawag nito maghapon?

“Is it really you?” Seryosong tanong ni Ethan sa akin na ngayon ay dumilim na ang mukha.

“Hindi. Bakit ko gagawin yun? Selene, alam mong hindi ako ang nagsabi sayo.” Agad akong tumanggi syempre. Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Selene na ngayon ay halatang umiiwas.

“Yes, she did.” Pagdidiin nito sa akin.

“F*ck Ava! Who gave you the authority to do this?” Nagkuyom na ang palad ng boss ko at bahagyang nagtaas ang boses.

“Maniwala ka, hindi ko nakausap si Selene. At lalong hindi ko sinabi sa kanya na nandito tayo. Please, Selene sabihin mo yung totoo.” Paliwanag ko sa boss pero hindi nagbago ang reaksyon nito, tanda na hindi ito naniniwala sa sinasabi ko.

Hindi sumagot si Selene sa akin. Wala lang itong kibo.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Ethan at saka humarap kay Ms. Lozada.

“I am very sorry but I think we will need to discuss about the project next time.” Malumanay na sabi nito sa babae na kanina pa siguro nagtataka sa mga nangyayari.

“No, that’s okay. I can understand.” Matipid na sabi ng babae at kiming ngumiti ito.

Naglakad na ang boss patungo sa pinto at huminto sa tapat ko. Sumulyap ito sa akin na bakas ang pagkadismaya sa mukha.

“I will talk to you on Monday, Ava.” Matipid na sabi nito bago tuluyang lumabas. Kami naman ay naiwang nakatanga at wala ni isa man lang ang nagsasalita.

Teka, bakit ba parang kasalanan ko ang lahat ng ito?

“M-mauna na po kami, Ma’am.” Sabi ko kay Ms. Lozada bago tumalikod na. Iniwan ko si Selene doon, pinahamak niya ako sa boss ko kaya bahala siya ngayon. Kung gusto niya komprontahin ang babae o makipagsabunutan pa ay wala akong pakielam.

Mabilis akong naglalakad pero hindi ko na din naabutan pa ang boss ko. Maya-maya ay nagulat na lang ako ng may tao pala sa likod ko. Si Selene at heto kasunod ko na pala.

“Bakit niyo naman sinabi na ako ang nagsumbong sa inyo?” Tanong kong agad ng makaupo na kami.

Nasa rooftop cafe kami ng hotel na yun at umorder ito ng kape para sa aming dalawa.

“I am sorry but I cannot tell him na pinasundan ko siya. I am desperate and I don’t know what to do anymore.” Malungkot na sagot ni Selene sa akin. Kumuha pa ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan. Ngayon ko lang nalaman na naninigarilyo pala ito.

“Pinapasundan niyo si Ethan? Kanino?” Tanong ko dito. Ganito pala mangstalk ang mga mayayaman. Kasi ako hanggang social media ko lang kaya mangstalk.

Naalala kong bigla si Ian na wala pa ring paramdam ngayon. Nakabalik na kaya ito mula sa bakasyon nila? Hindi ko pa rin alam kung sino ang kasama nito pero tulad ni Selene ay dapat ay may gawin din ako para mkasigurado kung niloloko nga ba ako nito.

“I hired someone to do that. I just want to know where he is at all the time.” Agad na sagot nito at saka humithit ng hawak na sigarilyo.

“Bakit kailangan niyo namang gawin yun? Wala na po ba kayong tiwala sa kanya?” Obvious naman ang sagot ko sa tanong na iyon pero tinanong ko pa rin talaga noh.

“Honestly, wala na. I don’t even know if I still love him.” Sagot nito at tumingin sa malayo. Maganda ang view mula sa rooftop ng hotel na iyon.

Dumating ang waiter at inilapag ang kape na inorder namin. Cappuccino ang sa akin at Flat White naman ang kay Selene.

“Kung hindi na pala kayo sigurado sa nararamdaman niyo, bakit hindi niyo pa siya hiwalayan?” Prangka kong tanong sa kanya. Hindi ko din maintindihan kung bakit kailangang magtiis ng isang babae sa isang relasyon kung puro sakit lang ang dulot nun.

“That’s a difficult question. I also don’t know the reason. Maybe for our business, ego or maybe because of my foolish pride?” Sagot nito bago kinuha ang tasa ng kape at humigop.

Ano ba itong si Selene? Lahat na lang ng bagay ay hindi siya sigurado. Pero siguro nga ay mahirap ang sitwasyon nito.

Hindi ko na alam ang sasabihin pa dahil wala naman ako sa posisyon na magbigay ng payo sa babae. Ayoko ding husgahan ito o ang pinagdadaanan nito ngayon.

Minabuti ko na lamang na humigop na din ng order kong kape at manahimik na muna.

Sa totoo lang ay mabait naman si Selene siguro ay nagiging mataray lang ng dahil sa ginagawang panloloko sa kanya ng boss ko. Hindi ko maiwasan ang hindi malungkot din at maawa sa babae.

“Again, I am so sorry.” Basag nito sa katahimikan. Halos maubos ko na ang kape at sana maya-maya ay mag-aya na itong umuwi. Gumagabi na kasi at baka mahirapan akong sumakay pauwi sa amin.

“Okay lang yun. Naiisip ko lang na baka mawalan ako ng trabaho ng dahil sa nangyari.” Medyo nangangamba na nga ako dahil iba ang tono ni Ethan kanina ng sabihin nitong kakausapin ako nito sa Monday. May halong pagbabanta kasi at parang nararamdaman ko ng isusumbong ako nito sa Daddy niya. Sana lang ay maniwala si Sir Roberto na wala akong kinalaman sa nangyari kanina.

Alam kong nakasalalay ang collaboration nila sa kumpanya ng mga Lozada ang meeting kanina kaya naman tiyak na sa akin isisi iyon pag nagkataong hindi natuloy.

“I don’t think so. Ethan will not fire you just because of that. You are like a sister to him and he cares for you a lot.” Mahabang paliwanag niyo.

“Sa akin? Parang hindi naman po ganun ang turing niya sa akin.” Tanggi ko dahil ang naalala ko lang ay ang pang-aalaska sa akin nito sa trabaho. Isa pa, ay naalala ko ang nakaw na halik sa akin nito. May kapatid ba na babae na ginaganun?

“Believe me, he does.” Seryosong sabi nito at tumingin sa akin. Hindi ko alam kung pinapagaan lang din nito ang loob ko kaya nasabi niya yun.

“But don’t worry, if he fired you I will definitely hire you sa company namin.” Sabi nito at pilit na ngumiti sa akin.

Linggo ng umaga ay maaga pa rin akong nagising. Hindi lang dahil sa nangyari sa kagabi kung hindi dahil na rin sa pag-aalala kay Ian.

Wala na nga ito atang balak man lang na magparamdam sa akin pa. Pero hindi ko naman hahayaan na ganun na lang matapos ang lahat. Nainspire ako kay Selene, kailangan kong maging matapang na harapin kung ano man ang tunay na nangyayari.

Kailangan kong malaman kung ano ba ang problema ng boyfriend at sosolusyunan iyon ng magkasama. Nakapagpasya na ako, ipaglalaban ko ang relasyon namin.

Nakaligo at nakagayak na ako ng lumabas ng kwarto ang nanay ko.

“Aba, ang aga mo. Wala ka namang pasok ngayon, diba?” Bungad sa akin ni nanay ng maabutan ako nito sa sala na nagsusuot na ng sandals kong pang-alis.

“Opo, nay. May lalakarin lang po ako sandali.” Paalam ko at kinuha na ang sling bag na ipinatong ko sa mesa.

“Anak naman. Tuwing linggo ka na nga lang na walang trabaho ay aalis ka pa.” Bakas ang pagtatampo sa boses ng nanay ko.

“Sorry po pero promise sandali lang po ako talaga.” Mabilis akong lumapit kay nanay at hinalikan ito sa pisngi. Madali lang namang lambingin ang nanay ko kaya nangiti na agad ito. Sinamantala ko naman yun at agad na umalis na.

Pumara na agad ako ng taxi at mabilis namang nakasakay dahil Linggo ngayon. Tiyak din na walang traffic.

Sa bandang Mandaluyong ang bahay nila Ian at doon ang punta ko. Sigurado akong nakauwi na ito mula sa bakasyon dahil sabi ng nanay nito ay tatlong araw lang ang paalam nito.

Iniiwasan ako ng boyfriend kaya wala akong choice kung hindi ang puntahan ito mismo sa bahay nila. Inagahan ko din para siguradong nasa bahay ito.

Aminin ko man o hindi ay may kaba sa puso ko. Una ay dahil matagal tagal ko na itong hindi nakikita at nakakusap man lang. Pangalawa ay natatakot ako sa maari kong malaman kapag kinompronta ko ito.

Nanginginig ang mga kamay ko ng kumukuha na ako ng pera sa wallet ko. Nakahinto na kasi kami sa tapat ng gate ng bahay ng boyfriend. Lalong sumikbo ang kaba sa dibdib ko at pakiramdam ko nga ay nanlalamig na ang buong katawan ko.

“Ate Ava? Long time no see.” Masayang bati ni Maymay, ang nakababatang kapatid ni Ian. Agad nito akong pinapasok.

“Nay! Si Ate Ava nandito po.” Sigaw pa nito ng lumalakad na kami papasok sa loob.

“Good morning po, Tita.” Bati ko sa nanay ni Ian ng lumabas ito mula sa kusina. Nagtataka ang mukha nito pero pilit naman na ngumiti sa akin.

“Iha, bakit naparito ka ata eh ke aga aga pa.” Tanong nito pagkatapos na ayain ako nitong maupo.

“Pasensya na po, gusto ko po kasi sanang makausap si Ian.” Diretso ko ng sabi dahil ayoko na din magpaligoy-ligoy pa.

“Bakit? Hindi pa ba kayo nagkakausap hanggang ngayon?” Takang tanong nito sa akin.

“Ay, hindi pa po simula nung nagbakasyon siya. Nakauwi na po ba siya?” Tanong kong muli at nananlangin na nakauwi na nga ang nobyo.

“Kahapon pa siya nakauwi, iha. Pumasok na nga siya kanina.” Napamaang ako sa sinabi ni Tita. Talaga palang walang kabalak balak si Ian na kausapin man lang ako.

Kung may kasalanan ako sa boyfriend ay maiitindihan ko ang ginagawang pag-iwas na niyang iyon pero siya ang may atraso sa akin. Bakit siya ang umiiwas? Bakit siya ang biglang nawala? Pwede naman niya akong kausapin ng maayos kung may gumugulo man sa isip nito.

“Po? Wala siya dito?” Para akong nanlumo sa nadinig kanina. Sayang naman pala ang gising ko ng maaga.

Umiling lang ito pero mukhang may naalalang bigla.

“Pero alam ko na kung saang branch siya ngayon. Sa may Robinsons Magnolia na daw pala.”

Nabuhayan akong bigla ng loob. Malapit lang din naman yun mula dito kaya siguradong makakarating ako doon ng mabilis. Pero sana lang ay harapin ako nito kahit pa nasa trabaho ito ngayon.

Agad na akong nagpaalam at tumungo na sa mall.

“Hi, Miss. Andiyan ba si Ian?” Pagpasok pa lang sa restaurant ay dumiretso ako sa cashier na agad namang ngumiti sa akin.

“Si Sir Ian po? Ay nasa loob po, sa office po ata niya.” Sagot nito.

“Pwede ko ba siyang makausap?” Malumanay kong tanong.

“Sige, sasabihin ko po kay sir. Sino po pala sila?” Saglit akong nag-isip. Kung sasabihin ko kasing ako ito ay tiyak na hindi na naman ako nito haharapin at mababalewala ang pinunta ko.

“Pakisabi na bagong supplier.” Pagsisinungaling ko.

“Supplier po ng?”

Ng ano nga ba? Sumulyap ako sa paligid at nakita ang menu nila na nakapatong sa counter.  Una kong nakita ko ang seafood section ng menu kaya yun na lang ang naisip ko.

“Seafood supplies kamo.” Agad kong sagot. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng isang kilay nito. Mali ba ang nasabi ko? Pagkatapos nun ay agad naman na tumalikod ang babae.

Tumalikod muna ako para naman kung sumulyap ito ay hindi ako agad makita nito at makakuha pa ng pagkakataon na umatras. It’s now or never.

Kahit pakiramdam ko ay maiihi ako sa kaba ay titiisin ko ito. Kailangan ko itong makausap para maayos namin ang gusot na ito sa relasyon namin.

May tiwala pa rin ako kay Ian at alam kong hindi ako nito niloloko at kahit anong sabihin nito ngayon ay agad na paniniwalaan ko. Handa akong pakinggan kung ano man ang dahilan niya sa ginawang pagsisinungaling at pag-iwas sa akin. Kaya kong gawin ang lahat para sa pagmamahalan naming dalawa.

Lumabas ang babae pagkaraan ng ilang minuto at sinabing mag-antay muna ako dahil kasalukuyang may ginagawa ito. Iginaya ako ng babae sa upuan sa may labas ng opisina nito kaya tahimik na lamang akong umupo doon.

Tanaw ko ang mga chef at waistress na busy sa kani kanilang mga gawain. Nakita ko pa ang nag giya sa akin doon na may kausap na isang customer na lalaki. Mukhang marami rami ang kumakain doon dahil siguro Linggo ngayon.

Tumingin ako sa relo at mag aalas 10 pa lang naman ng umaga. Marahil ay nagseserve din sila ng breakfast. Naalala ko na hindi pa nga pala ako nakapagalmusal.

Biglang sumikbo na naman ang kaba sa dibdib ng maalala kung bakit ako nandito. Pero malapit ko nang makausap ang boyfriend kaya kaya ko ito. Di bale at malapit na akong mabunutan ng tinik. Ilang araw na din kasi akong hindi mapakali at hindi makatulog ng maayos.

Gustong gusto ko nang maharap si Ian ng maliwanagan ang lahat ng ito. Kahit ano pa man ang bagay na yun ay tiyak na magiging maayos ang lahat sa aming dalawa. Maiintindihan ko naman kung ano man ang dahilan ng pagsisinungaling at pag-iwas niya sa akin. Baka may problema lang ito at gustong mapag-isa.

Alam kong mahal ako ni Ian at mahal na mahal ko din naman siya.

Matagal tagal na akong nag-aantay sa labas pero wala pa ring Ian na lumalabas mula sa opisina. Hindi ko tuloy alam kung tinawag ba talaga ng babae si Ian sa loob.

Para na akong maiihi sa kaba at excitement na makausap ang boyfriend. Napansin ko na bahagyang nakauwang ang pinto ng opisina at may mumunting boses pa akong nadidinig  mula sa loob noon. Alam kong isa sa mga nagsasalita ay si Ian dahil agad kong nabosesan ang nobyo.

Dala ng inip sa pag-aantay ay naisipan ko na lamang na tumayo. Dahan-dahan akong sumilip pero…

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status