Kinabukasan ay patuloy ko pa rin siyang sinundan. Hindi ako mapakali simula no’ng nakita ko siya sa ospital kaya dapat ngayon ay todo bantay na talaga ako.
Ngayon ay sinusundan ko ang sasakyan nito papunta sa hindi pamilyar na lugar . Habang tumatakbo ang oras ay palakas rin nang palakas ang tibok ng puso ko dahil nagkaka-ideya na ako kung saan ang punta niya. Tatlong oras ang naging biyahe nang makarating kami sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Isang malaking mansyon ang naroon at maraming mga nakasuot ng itim na suit ang nagbabantay sa paligid.
Pumasok siya roon habang ako ay nagpark sa ‘di kalayuan at pinakiramdaman ang paligid. Sinigurado ko munang tago ang presensya ko bago ako naglakad palapit sa bakuran. Napansin ko rin ang mga cctv camera kaya naman nagdesisyon akong umakyat na lang ng puno. Mabilis lang akong nakaakyat nang hindi napapansin ng nagbabantay sa gate. Nang makarating sa taas ay kita ang bukas na binta
Nagising ako nang biglang mag-ring ang phone ko. Naka-ilang ring pa ‘yon kaya naman ginawa kong pantakip ang unan sa tainga ko para hindi marindi sa tunog. Ilang minuto matapos ang pag-ring, tumunog ulit ito. The hell! Sino ba ‘tong istorbo na ‘to?! Inis kong kinuha ang telepono at sinagot ‘yon nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.“What?” Garalgal pa ang boses ko at humihikab nang sagutin ‘yon.“Good morning, Vanna. Free ka ba today?” Boses ‘yon ni Emma. Nang tingnan ko ang screen ay pangalan ni Jasper ang naka-register.“Pwede ba kung tatawag ka lang para tanungin kung free ako, i-check mo muna ang oras?” Umagang-umaga pero mainit na agad ang ulo ko.“Huh? Anong oras na ah,” inosenteng sagot niya. Nagkusot muna ako ng mata bago tingnan ang orasan sa phone. What?! Alas-onse na! Sa gulat ko ay nahulog sa muk
“Wooh! What a life!” sigaw ni Jasper nang makarating kami sa isla. Nakakamangha ang lugar, tahimik at payapa.“Sigaw pa, Jasper, nang ma-engkanto ka,” bara sa kaniya ni Emma. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jai. Narito pala siya sa likod ko.Naglakad ako palapit sa kubo at pinagmasdan ang paligid. Napaka-peaceful.“Ang ingay mo!” rinig ko ang sigaw ni Emma.“Wow, mas malakas pa nga ‘yang boses mo!” sagot din sa kaniya ni Jasper. At nagbangayan na naman silang dalawa.Sumunod si Jai sa direksyon ko at ngumiti siya nang makalapit. Tumango lang ako dahil naiilang pa ako sa kaniya. Sina Ryven at Jiro naman ay magkasama na ngayon habang seryosong nag-uusap.“Oh, Vanna. Why don’t you join them?” tanong sa akin ni Jai at tiningnan ang direksyon nina Emma at Jasper na nagsasabuyan
Papasok ako sa University! And Fellin did it without asking my permission, diretso siya kaagad kay Dad. The hell! Ako ang papasok kaya dapat ay sabihan niya man lang ako. Pero wala na akong magagawa dahil naka-enroll na ako. In fact, ngayon ang first day ko sa University. Anong oras na pero hindi pa rin ako nakakabihis. Just what the hell is she planning?Nang kausapin ko naman si Fellin para ipaliwanag ‘yon ay sinabi nitong may nalaman siyang panibagong impormasyon tungkol sa Verlian. Gusto niyang malaman kung ano nga ba ang totoong relasyon nina Matthew at Ryven. At ako ang inilagay niya sa alanganing posisyon. Great. Napakatalino nga naman ng kapatid ko. Dito nakasalalay kung ano ang magiging desisyon nila kay Ryven. Kung dapat nga ba talaga siyang katakutan o kailangang protektahan dahil maaaring ginagamit lang siya ni Matthew.Nagulat ako no’ng malaman ko ‘yon. Sarili niyang anak gagamitin niya laban sa kalaban n
“Sino ka ba talaga?”Mabilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nanatiling diretso at seryoso ang tingin nito sa akin at ayokong iwasan iyon dahil makakadagdag lang ‘yon sa suspetsya niya. Matalim ang tingin namin sa isa’t isa na halos hindi na rin kami kumukurap.Maya-maya ay ngumisi ako sa kaniya. Bigla siyang nagtaka dahil sa ekspresyon ko.“Akala ko ba mag-la-law ka?” sakastikong tanong ko rito na dahilan ng pagsalubong ng kilay niya. Pero sa totoo lang ay abot langit na ang kaba ko ngayon. “Why don’t you find it yourself, then?”Mas lalong naging matalim ang tingin niya sa akin pero tinatapatan ko rin ‘yon. Nanatili kami sa gano’ng posisyon ng mga ilang segundo.“Jiro.”Sabay kaming napatingin sa kinaroroonan ng boses ng sumigaw na ‘yon. Nang makita naming si Ryven &l
Nagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng kwarto ko. What the hell? Tinatamad pa akong bumangon dahil tatlong oras lang ang tulog ko. Sabado ngayon kaya dapat ay binabawi ko ang tulog ko dahil simula nang pumasok ako sa university ay ilang oras na lang akong nakakatulog. Ang hirap ng kurso ni Ryven, dagdag pang pang-doctor ang sulat niya.Inis akong napabangon nang makarinig ulit ng katok.“Ano ba!” sigaw ko. Nang buksan ko ang pintuan ay kinukusot ko pa ang mga mata ko. Pero nang makita ko na kung sino ‘yon ay nagsalubong ang kilay ko.“Fellin?”“What the hell happened to you?” iyon agad ang bungad niya sa akin. Siguro ay napansin na nito ang eyebags kong busog na busog.“This is your fault,” sagot ko.Paano ba naman kasi, tinambakan kami ng assignments kahit weekends na. Tapos may pinagawa
He needs protection. Seriously, hindi na tama ang ginagawa ni Matthew kay Ryven. Hindi ko maintindihan kung paano niya nagagawang saktan ang sarili niyang anak.“Nasaan ang medicine kit mo?” tanong ko rito. Seryoso pa rin ang mukha ko at nahahalata kong naiilang na siya dahil doon.Tinuro niya sa akin ang kinaroroonan non kaya agad ko itong kinuha at sinimulang gamutin ang mga sugat niya. Wala na siyang damit ngayon dahil pinatanggal ko ito para mas mapadali ang paggamot.Pinilit ko talaga siyang sabihin sa akin ang totoo at tama nga ako. Lahat ng sugat at peklat na ‘to ay galing sa kademonyohan ni Matthew. Hindi na ako nakapagtanong pa kung bakit dahil nahalata kong ayaw niya nang pag-usapan pa ‘yon.Seriously? Anong klaseng demonyo ba ang sumapi kay Matthew para magawang ganituhin ang anak? Si Dad nga na pinalaki si Gin kahit hindi nito tunay na anak ay hindi niya natamo ang
Malakas ang tibok ng puso ko ngayong nandito kami sa basement. Kaming dalawa lang ni Fellin ang nandito dahil hindi pa rin nakakauwi si Fion galing sa misyon na binigay ni Dad. Si Gin naman ay wala rin dito. Hindi ko alam kung saan siya nagpupunta dahil hindi rin naman sinasabi ni Dad kung anong pinagawa nito sa kaniya.Ilang beses na akong napalunok nang magsalita siya.“So, pumunta ka sa condo ni Ryven pero hindi mo sinabi sa akin,” panimula nito. Naging sarkastiko ang tono niya kaya mas lalo akong kinabahan. Narinig niya ang usapan namin ni Ryven noong isang araw.“B-biglaan kasi. Nakalimutan ko ring sabihin sa ‘yo.” Napayuko ako dahil sa pagkautal. Nang tingnan ko siya ay wala pa ring emosyon ang mga mata nito.“Anong pinag-usapan n’yo?” tanong niyang muli. Tumikhim ako bago sumagot.“Tungkol lang sa project,” sagot
“What are you doing here?” tanong kaagad ni Ryven nang makababa na si Matthew mula sa sasakyan. Pero halata pa rin dito ang kaba na pinagtakhan ko.“I didn’t came here for you. I came here for Fevianna.” Saka ito tumingin sa akin. Inilibot ko ang paningin sa paligid dahil binanggit niya ang totoo kong pangalan, baka may makarinig. Buti na lang ay iilan na lang ang mga estudyanteng napapadaan at malayo sila sa amin kaya walang makakarinig sa kung ano mang pag-uusapan namin.“What do you want?” tanong ko. Kahit na kinakabahan din ay pinilit kong magmukhang hindi nababahala sa presensya niya.Ngumisi ito at humakbang palapit sa akin pero biglang pumagitna si Ryven. Laking gulat ko nang gawin niya ‘yon, napaatras pa ako habang nanlalaki ang mga mata. Likod niya na lang ang nakikita ko ngayon at hindi ko alam kung anong ekspresyon nito.“You’re o