Share

Chapter 8

Author: eleb_heart
last update Last Updated: 2025-06-06 14:10:30

BIGLANG sumagot si Keizer sa lolo nito. “Ang sabi sa akin ni Bella ay ayaw niya pa raw ipaalam sa magulang niya.” sagot nito.

Agad niyang nilingon ito na nanlalaki ang mga mata. Bakit siya ang itinuturo nito? Wala naman siyang sinasabing ganun. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita ang lolo nito na halatang hindi nasiyahan sa sinabi ni Keizer. Nilingon siya nito. “Hija, alam mo naman na ang pinakamahalaga sa isang babae ay ang reputasyon niya. Nagsasama na kayo ni Keizer at naipasa niyo na ang mga requirements hindi ba? Tyaka isa pa, magseseminar kayo ngayon at pagkatapos ay makukuha na ninyo ang marriage certificate ninyo pagkatapos ay pwede na kayong pumili ng petsa ng kasal ninyo pagkatapos ay ayaw mo pang sabihin sa pamilya mo? Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ay hayaan mong ako ang magsabi sa kanila.” tuloy tuloy na sabi nito sa kaniya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.

Sunod sunod ang naging paglunok niya sa labis na kaba. Baka mamaya ay magtungo nga ito bigla sa bahay nila at magulantang ang kanyang ina. Puno ng pag-aalalang tumingin siya rito. “Huwag na po kayong mag-abala lolo alam kong sobrang busy niyo rin po. Isa pa, pag-uusapan po namin ni Keizer kung kailan namin sasabihin sa pamilya ko kaya huwag na po kayong mag-alala.” kagat labing sabi niya rito.

Ilang sandali pa ay biglang nabuhayan ang mukha nito at nagliwanag. “Kung ganun ay pwede na kayong makasal sa loob ng dalawang buwan o isa hindi ba? Isa pa, panigurado ay graduate ka na nun kaya magkakaroon ka na ng maraming oras. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang mag-asikaso ng lahat kasama ang tauhan ko para sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay mo at dapat na maging grande iyon!” masayang bulalas nito.

Alam niya na maging si Kesizer ay hindi kayang sawayin ang gusto nito kaya wala na lang silang magagawa kundi ang pumayag sa gusto nito. Nanatili sila at nagkwentuhan doon hanggang sa humapon.

Pinipilit sila ng matanda na doon na maghapunan kaya lang ay tumanggi siya. Isa pa, napansin niya na medyo ilang din si Keizer sa mga tao doon at mukhang hindi malapit sa mga ito dahil sa lahat ng oras ay magkasalubong lang ang mga kilay nito at malamig ang mga mata. Alas tres ng hapon ay umalis sila doon at dumiretso sa munisipyo upang dumalo sa kanilang seminar. Halos dalawang oras din ang inabot nila doon at alas singko na nang makaalis sila. Dahil nga yung seminar na lang ang kulang sa requirements nila ay ini-release na ang kanilang marriage certificate at dala-dala na nila ngunit wala pang date.

Habang nasa byahe ay bigla niyang nilingon si Keizer na abala sa pagmamaneho. Ngayon niya napagtanto kung bakit ganun na lang ang pagkatao nito. Napakalamig at para bang hindi man lang marunong ngumiti dahil siguro sa pamilyang kinalakihan nito.

Kanina pa niya iyon iniisip at hindi iyon sa mawala-wala. Nag-iwas siya ng tingin mula rito at pagkatapos ay tumanaw sa labas ng bintana ng kotse. Nagulat na lang siya nang marinig niya ang boses ni KEizer. “Bukas ay pumunta tayo sa bahay ninyo.” sabi nito sa kaniya.

Nilingon niya ito at napatingin nang hindi makapaniwala rito. Halos malaglag din ang kanyang panga dahil hindi niya inaasahan na sasabihin nito iyon. “Anong sabi mo?” ulit niyang tanong dito.

Wala pa man ay natataranta na siya. Hindi pa siya handa na umuwi sa kanilang bahay para sabihin na ikakasal na siya!

Pero napagkasunduan na nilang magpapakasal sila pagkatapos ng dalawang buwan. Hindi na ba siya makakaatras pa? Hindi na ito nagsalita pa pagkatapos nitong sabihin sa kaniya iyon at napuno na naman ng katahimikan ang paligid hanggang sa tuluyan silang makarating sa bahay.

Pagkatapos nilang maghapunan ay umupo sa kama at puno ng pag-aalinlangan kung tatawag ba siya sa kanyang ina ngunit sa huli ay tumawag pa rin siya. Sinabi niya lang dito na uuwi siya bukas nang may kasama. Wala siyang ibang sinabi kundi iyon lang dahil wala siyang lakas ng loob pa. Nang masabi nga niya iyon ay ibinaba na niya kaagad ang tawag dahil natatakot siya na magtanong ang kanyang ina.

Hindi naman siya gaanong natatakot sa kanyang ina ngunit ang inaalala niya ang kanyang kapatid, ngayon pa lang ay naiisip na niya kung ano ang magiging reaksyon nito kapag sinabi niyang magpapakasal na siya. Simula bata siya ay napakahigpit ng kanyang Kuya sa kaniya at ni wala itong pinapayagan na makalapit sa kaniya kaya lang ay talagang na-inlove siya kay Patrick at wala na itong nagawa pa.

Bigla siyang napalingon sa folder kung nasaan nakalagay ang kanilang marriage certificate at napaisip, magagalit kaya ang kapatid niya? Napabuntong hininga siya. Tiyak na magagalit ito lalo pa at 21 years old pa lang siya. Sa mata nito ay napakabata pa niya.

Isa pa, tandang-tanda pa niya na pauulit ulit nitong sinasabi sa kaniya na ang pagkakaroon ng nobyo ay pwede niya namang gawin basta pagkatapos niyang grumaduate. Nahiga na lang siya na puno ng pag-aalala. Ang dami niyang iniisip at dahil doon ay hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.

Nagising si Bella dahil sa panaginip. Puno ng pawis ang kanyang noo. Napahinga siyang malalim at pagkatapos ay pinunasan ang pawis sa kanyang noo. Akala niya kung totoo na. Napanaginipan niya kasi ang kaniyanga Kuya na hindi maipinta ang mukha at pauulit ulit siyang tinatanong kung bakit magpapakasal na siya at bakit ni hindi man lang siya nagtanong dito bago magdesisyon.

Muli siyang napapikit at hindi niya namamalayang nakatulog na naman pala siya at pagkagising siya ay tanghali na. Kung hindi pa siya ginising ni Manang Luring ay hindi pa siya magigising. Agad siyang naligo at nagbihis lalo pa at sabi nito ay kanina pa raw naghihintay sa kaniya si Keizer sa baba.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 14

    HINDI mapigilan ni Bella na manginig dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay maingat niyang nilingon si Keizer. Halata s amukha nito ang pagod. Tiyak na napakarami nitong ginawa at inasikaso ngunit sa halip na magpahinga ay sinundo pa siya niti. Bakit hindi na lang kasi ito nag-utos ng tauhan nito?Nang makarating sila sa kotse ay agad nitong binitawan ang kamay niya. Sumakay ito sa kotse kung kaya ay dali-dali rin namang siyang sumakay sa kotse. Nang makasakay ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mapatingin sa mukha nito.Sa puntong iyon ay bigla na lang siyang nilingon ni Keizer kaya dali-dali naman niyang iniiwas ang kanyang mga mata. Sa totoo lang ay nag-aalala siya, ilang beses siyang binastos ng kapatid niya at hindi niya maiwasang magtanong sa isip niya kung hindi ba ito galit.Pinaandar nito ang sasakyan at pagkatapos ay mahinang nagtanong. “Kumain ka na ba?” tanong nito sa knaiya.Mabilis na umiling si Bella. Napabuntong hininga si Keizer at muling nagsalita. “May kailangang as

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 13

    ANG mga mata nito ay nag-aapoy sa matinding galit. “Sa tingin mo anong nangyayari sa akin huh? Sino ka sa tingin mo para magdesisyon ng pabigla-bigla huh? Sino ang nagbigay sayo ng lakas ng loob para gawin iyon huh?” nagtatagis ang mga bagang na tanong nito sa kaniya.Ang boses nito ay nakakatakot kaya mas lalo pa siyang nanginig sa takot. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasagutin ang kanyang kapatid. Takot na takot siya at dahil doon ay agad na bumagsak ang luha sa kanyang mga mata. Sa totoo lang ay mali naman talaga ang ginawa niya at padalos dalos nga talaga ngunit matanda na siya. 21 years old na siya at masasabing nasa tamang pag-iisip na siya at alam na niya ang ginagawa niya.Nang makita nitong luhaan na ang kanyang mukha ay agad na lumambot ang mukha nito ng kaunti at bahagya nitong niluwagan ang pagkakahawak nito sa kamay niya ngunit nananatiling hawak nito iyon at hindi binitawan. Ilang sandali pa ay itinaas nito ang kamay at pinunasan ang luha na dumulas sa pisngi niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 12

    SA buong buhay ni Bella ay parang iyon ang pagkain na napakahirap lunukin. Sa hapag kasi ay hindi pa rin nagbabago ang kapaligiran, napakalamig pa rin. Ang mga mata ng kanyang kapatid ay nanatiling malamig habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Keizer, lalong lalo na kapag tumitingin ito kay Keizer. Hindi niya alam kung napapansin ba nito ang titig ng kapatid at ipinagsasawalang bahala lang iyon ngunit kalmado pa rin naman ito kahit papano. Walang mababakas na anumang ekspresyon sa mukha nito ngunit ang mga galaw nito ay napaka magalang sa harap ng kanyang ina at kapatid.Sa totoo lang ay naiipit siya sa pagitan ng dalawa at hindi niya rin maiwasang hindi manginig sa takot. Nag-aalala pa rin siya at wala siyang ibang iniisip kundi matapos na kaagad ang lahat at bumilis ang takbo ng oras. Ilang sandali pa ay nag-umpisa nang pag-usapan ni Keizer at ng kanyang ina ang tungkol sa kasal at paminsan minsan ay sumasabat ang kanyang Kuya na katulad ng sabi nito kanina ay hindi ito papayag na

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 11

    ISANG matamis na ngiti ang biglang gumuhit sa labi ni Paul nang makita niya ang kanyang nakababatang kapatid. Hindi niya sinagot ang tanong nang kanyang ina at nang makita niya ang isang bagong mukha sa loob ng pamamahay nila ay dali-daling nabura ang ngiti sa labi niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya.Ang lalaking naroon ay malayong malayo sa itsura ni Patrick. Isa pa, sa unang tingin niya pa lang noon sa Patrick na iyon ay wala ng magandang gagawin kahit na ano pang magandang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya maiwasang hindi magalit dito. Palagi niyang gustong paghiwalayin ang mga ito noon pero ang lalaking nasa harap niya ay mukhang hindi katulad nito. Bukod na nga sa gwapo ito ay mukha rin itong kagalang-galang at nasisiguro niya na kahit sinong babae ang makakita rito ay magkakagusto. “Sino siya?” malamig na tanong niya at tiningnan si Bella na nasa harapan niya.Sunod sunod na napalunok si Bella nang makita niya ang galit sa mga mata ng kanyang Kuya. hindi niya maiwa

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 10

    TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy

  • BACHELOR SERIES#3: KEIZER VILLAFUENTE   Chapter 9

    PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status