NAPAKA tahimik ng paligid at nakakailang sobra hanggang sa tuluyan nang nagsalita ang pinaka bunsong kapatid ni Keizer. “Kuya grabe ang bilis ng pangyayari ah at may bride ka na kaagad.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Hindi ko akalain na pumayag kang magpakasal sa Kuya ko ng agad agad, uso pa pala ngayon ang ganun. Tyaka balita ko ay nag-aaral ka pa diba? Ano na ulit ang course mo? Nursing?” tanong nito sa kaniya ngunit puno ng panunuya ang mga mata nito.
Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Ilang sandali pa ay marahan itong natawa habang nakatingin sa kaniya. “Ilang taon ka na? 21? Super bata pa ah.” sabi pa nitong muli.
Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil lang ni Bella sa kanyang labi. Ang lahat ng sinabi nito ng mga oras na iyon ay totoo at ni isa sa mga iyon ay hindi niya pa nasabi man lang kay Keizer kaya paano nalaman ng kapatid nito ang tungkol sa kaniya? Mukhang pina-imbestigahan siya ng mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainis dahil doon.
Nilingon niya si Keizer at hindi niya itinago sa kanyang mga mata ang inis niya. Ilang sandali pa ay muli niyang narinig ang ipinakilala ni Keizer sa kaniya na Tita nito, malamang na hindi ito ang ina niya at baka second wife lang ito. Ang dalawang babae ay tiyak na half sister niya lang siguro. “Alam mo ba na hindi lang basta-basta ang pamilya namin at hindi lang din basta basta ang mga nakakapasok. Pwede ko bang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng iyong mga magulang hija?” maingat na tanong nito sa kaniya ngunit ang mga mata nito ay hindi pa rin nagbabago habang nakatingin sa kaniya.
Ang matanda ng mga oras na iyon ay nakatingin dito ng masama ngunit wala lang itong pakialam at tuloy pa rin sa pagsasalita. “Ah, ano po. Ang nanay ko ay nagpapatakbo ng maliit na klinika at wala ang tatay ko naman po ay ilang taong wala na…” mahina niyang sagot rito.
Nakaupo si Bella doon at pagkatapos ay agad na namutla ang kanyang mukha nang makita niya ang pagbabago ng mukha nito. Alam niya ang dahilan kung bakit dahil paano niya nagawang nakapasok sa napakayamang pamilya sa ganuong klaseng background hindi ba? Ang nababagay sa isang taong mayaman katulad ni Keizer ay mayaman din at kapantay nito hindi katulad niya. Napakagat labi na lang siya. Wala siyang dahilan para magsinungaling kaya mas mainam na lang na sabihin niya ang totoo sa mga ito.
“Keizer, ni minsan ay wala kang narinig sa akin pero paano mo naman nagawang magpapasok sa pamilya natin ng ganitong klaseng babae na ang ganun ang background niya? Hindi ka ba natatakot na husgahan ng mga tao kapag nalaman nila?” tanong nito kay Keizer.
Nagyuko na lang siya ng ulo dahil sa harap harapang pangungutya sa kaniya, parang gusto na lang niyang lamunin ng mga oras na iyon. Mas lalo pang namutla ang kanyang mukha. Wala na siyang ibang gustong gawin ng mga oras na iyon kundi ang tumayo at umalis doon.
Napakuyom ang kanyang mga kamay at halos mangilid ang kanyang mga luha hanggang sa tuluyan niyang narinig ang malamig na boses ni Keizer. “Tita hindi ka ba nahihiya sa sinasabi mo? Nakalimutan mo na rin ba kung paano ka nakapasok sa pamilya namin? Isa pa, ano naman ngayon kung galing siya sa ganuong pamilya? Wala naman sa akin iyon. Idagdag pa na si lolo mismo ang pumili sa kaniya na mapangasawa ko kaya kung ano man ang sabihin ng ibang tao ay labas ka na doon. Problema ko na iyon.” tuloy tuloy na sabi nito sa malamig na tinig.
Kapansin-pansin ang kagaspangan ng pakikipag-usap ni Keizer rito. Ilang sandali pa ay hinawakan nito ang kamay niya at tumayo pagkatapos ay hinila na siya paalis doon.
Tumayo din naman kaagad ang tiyahin ni KEizer at malakas na sumigaw. “Tumigil ka! Ganyan ka na ba kabastos ngayon?!” sigaw nito ngunit hindi ito pinansin ni Keizer at tuloy-tuloy lang sa paglalakad.
Nilingon ni Margaret ang matanda na nasa gitna ng mesa. “Papa, tingnan niyo kung gaano siya kabastos sa akin!” reklamo niya rito kaya lang ay malakas na hinampas ng matanda ang kamay sa mesa kung saan ay isang nakakabinging tunog ang umalingawngaw.
“Pare-parehas lang kayong sakit sa ulo!” galit na bulalas nito. “Keizer tumigil ka! Dalhin mo si Bella sa taas at doon tayo mag-usap!” sabi nito dahilan para mapatigil si KEizer sa paglalakad.
Nang lumingon siya ay nakita niyang dinampot ng matanda ang tungkod nito at pagkatapos dinuro ito sa lalaking nasa tabi nito, marahil ay anak nito iyon at ang ama ni Keizer. “Kasalanan mo ang lahat kung bakit ganito ang bahay ngayon! Nagdala ka ng gulo sa pamamahay ko at ang nag-iisang apo ako ay umalis at iniwan ako ritong mag-isa kasama ninyo!” sigaw nito sa anak.
~~~
Sa study room sila pinapunta ng matanda at pareho silang nakaupo ng mga oras na iyon ni Keizer. Ang mukha ng matanda ay mas naging maaliwalas na kaysa noong nasa baba ito at mukhang mas maganda na rin ang mood. Nakangiti itong tumingin sa kaniya at pagkatapos ay inabot pa ang kamay niya upang marahang hawakan. “Hija, gusto ko ng magka apo sa inyo.” kaagad na sabi nito at halos mapaubo siya sa labis na gulat.
Hindi niya akalain na sasabihin na naman nito iyon sa kaniya. Tiningnan niya si Keizer at pinandidilatan siya nito ng mata at para bang sinasabi nito na huwag na huwag siyang magsasalita ng mga bagay na hindi dapat.
Sa halip ay si KEizer na lang ang sumagot sa sinabi ng lolo nito. “Lolo naman, dalawang araw pa lang kaming magkasama.” sabi nito.
Agad naman na nilingon ng matanda si Keizer. “Ako nga noon, nakabuo kami kaagad ng lola mo.” sabi nito.
Namula na lang ang mukha ni Bella. Hindi niya magawang ibuka ang kanyang bibig dahil baka mamaya ay kung ano lang ang maisagot niya rito. Tumikhim si KEizer at tumingin sa lolo nito. “Lolo, hindi ba kayo natatakot? Baka mamaya ay multuhin kayo ni lola dahil sa mga sinasabi ninyo.” sabi nito.
Agad naman na naging seryoso ang matanda dahil sa narinig. Ilang sandali pa ay muli itong nagtanong. “Siya nga pala hijo, binisita mo na ba ang magiging biyenan mo? Naipasa na natin ang mga requirements at dapat nang pag-usapan ang kasal.”
Natigilan si Bella nang marinig niya ang sinabi ng matanda. Biyenan? Hindi ba ang tinutukoy nito ay ang Mama niya? Nang mabanggit nito ang tungkol sa bagay na iyon ay bigla siyang namutla. Paano ba naman ay ang akala ng kanyang pamilya ay nag-aaral siyag mabuti. Ano na lang ang magiging reaksyon ng mga ito kapag nalaman nila ang tungkol sa pagpapakasal niya? Baka pilayin siya ng mga ito! Nang maisip niya ang masungit niyang kapatid ay bigla siyang natakot at gusto nang umiyak. Naalala niya kasi na noong naging boyfriend niya ng ang ex na niya ngayon ay nagalit ito sa kaniya at halos ilang buwan din na hindi siya nito kinausap.
…
TINITIGAN ni Annete ang larawan ni Bella at ng lalaking mapapangasawa daw nito. Mula sa larawan hanggang sa personal ay masasabi niyang gwapo ito. Ang kamay nito ay napakalambot na para bang wala itong ginagawang napakahirap sa buhay. Binasa niya ang marriage certificate at doon niya nakita na halos magte-trenta na pala ito at halos ilang taon din ang taon nito kay BElla. Hindi niya maiwasang hindi magtanong sa kanyang isip, hindi ba ang boyfriend noon ni Bella ay si Patrick? Bakit ngayon ay iba na ang pinakikilala nito sa kaniya? Nasaan na si Patrick? Anong nangyari sa kanilang dalawa? Napakaraming tanong ang nabuo sa isip ni Annete ng mga oras na iyon ngunit hindi niya magawang magtanong kay Bella ng diretso.Samantala, maingat naman na tiningnan ni Bella ang mukha ng kanyang ina at parang sasabog ang dibdib niya. Binasa niya ang kanyang labi at nilingon si KEizer. Wala siyang alam na sabihin sa kanyang ina, napakagat siya sa kanyang labi at pilit na nag-iisip kung ano ang dapat niy
PAGBABA niya ay ang inis na mukha nito ang bumungad sa kaniya. “Napakatagal mo!” inis na bulalas nito sa kaniya.Ang mga mata nito ay malamig na nakatingin sa kaniya at dahil doon ay hindi na lang niya maiwasang hindi mapasimangot. Wala man lang itong kalambig-lambing sa kaniya. Kahit na hindi naman sana sila tunay na magkasintahan ay pwede naman sana itong maging mabait sa kaniya hindi ba? Nakuha na nila ang marriage certificate nila at magpapakasal na sila at kahit na sa papel lang iyon at kasunduan ay magpapakasal pa rin sila kaya niya rin maiwasang hindi mainis.Padabog siyang bumaba, halos ayaw na niyang umuwi sa bahay nila kasama ito ngunit wala siyang magagawa dahil alam niya na mas magagalit lang ito sa kaniya kapag nagmatigas pa siya rito. Sinuyod niya ito ng tingin at nakasuot ito ng mamahaling suit at mukhang kagalang-galang. Sa unang tingin pa lang ay malalaman mo nang galing ito sa isang prominenteng pamilya at kapag nakita naman siguro ito ng kanyang ina at Kuya ay hindi
BIGLANG sumagot si Keizer sa lolo nito. “Ang sabi sa akin ni Bella ay ayaw niya pa raw ipaalam sa magulang niya.” sagot nito.Agad niyang nilingon ito na nanlalaki ang mga mata. Bakit siya ang itinuturo nito? Wala naman siyang sinasabing ganun. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita ang lolo nito na halatang hindi nasiyahan sa sinabi ni Keizer. Nilingon siya nito. “Hija, alam mo naman na ang pinakamahalaga sa isang babae ay ang reputasyon niya. Nagsasama na kayo ni Keizer at naipasa niyo na ang mga requirements hindi ba? Tyaka isa pa, magseseminar kayo ngayon at pagkatapos ay makukuha na ninyo ang marriage certificate ninyo pagkatapos ay pwede na kayong pumili ng petsa ng kasal ninyo pagkatapos ay ayaw mo pang sabihin sa pamilya mo? Kung hindi mo kayang sabihin sa kanila ay hayaan mong ako ang magsabi sa kanila.” tuloy tuloy na sabi nito sa kaniya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.Sunod sunod ang naging paglunok niya sa labis na kaba. Baka mamaya ay magtungo nga ito bigla sa bahay n
NAPAKA tahimik ng paligid at nakakailang sobra hanggang sa tuluyan nang nagsalita ang pinaka bunsong kapatid ni Keizer. “Kuya grabe ang bilis ng pangyayari ah at may bride ka na kaagad.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay nilingon siya nito. “Hindi ko akalain na pumayag kang magpakasal sa Kuya ko ng agad agad, uso pa pala ngayon ang ganun. Tyaka balita ko ay nag-aaral ka pa diba? Ano na ulit ang course mo? Nursing?” tanong nito sa kaniya ngunit puno ng panunuya ang mga mata nito.Hindi siya sumagot at nanatili lang na tahimik. Ilang sandali pa ay marahan itong natawa habang nakatingin sa kaniya. “Ilang taon ka na? 21? Super bata pa ah.” sabi pa nitong muli.Isang nahihiyang ngiti ang ipinaskil lang ni Bella sa kanyang labi. Ang lahat ng sinabi nito ng mga oras na iyon ay totoo at ni isa sa mga iyon ay hindi niya pa nasabi man lang kay Keizer kaya paano nalaman ng kapatid nito ang tungkol sa kaniya? Mukhang pina-imbestigahan siya ng mga ito. Hindi niya tuloy maiwasang hindi mainis da
NAHILA siya mula sa kanyang pag-iisip nang marinig niya ang tinig nito. “Wala kang dapat ipag-alala. Basta samahan mo lang ako.” sabi nito sa kaniya.Hindi siya tumingin dito ngunit mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na sinulyapan siya nito at kahit papano sa sinabi nitong iyon ay medyo kumalma rin ng kaunti ang pakiramdam niya. Isa pa, naisip niya bakit nga ba naman ito kakabahan sana e mga kamag-anak nito ang kikitain nila? Malamang wala naman sigurong mangyayaring masama hindi ba?Ngumuso siya. “Sinong nagsabi sayo na nang-aalala ako? Hindi ko lang alam kung paano ako haharap sa kanila.” pag-amin niya, nahihiya siya. Hindi niya rin alam kung paano makisalamuha sa mga taong mayaman kagaya nito.Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay nag-focus na lang sa pagmamaneho pero hindi niya alam kung ilang beses siyang nagpakawala ng buntong hininga.Hindi na lang din siya umimik hanggang sa tuluyan nang pumasok ang kotse ni Keizer sa isang napakataas na gate at pagpasok pa lang n
NAIWANG nakatayo si Keizer doon at mahigpit na nakakunot ang noo. Mukhang napasobra nga yata siya dahil nakalimutan niya na ilang taon pa lang ang babaeng iyon. Inaamin niya na naging marahas ang mga binitawan niyang salita at ni hindi man lang pinag-isipan ang mga iyon bago niya ito sabihin. Nang maalala niya ang namumula nitong mga mata habang hilam ng luha ay bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt. Isa pa ang nangyari kagabi sa pagitan nila. Napahilot na lang siya ng wala sa oras sa kanyang sentido at napamura ng ilang ulit sa isip niya.Dali-dali siyang lumabas upang habulin ito. Nakita niya ito sa harapan ng bahay sa may garden at nakasalampak sa damuhan habang umiiyak. Habang papalapit ay kitang- kita niya kung paano yumugyog ang balikat nito dahil sa matinding pag-iyak. Mas lalo pa tuloy siyang nakonsensya dahil sa mga sinabi niya.Binagalan niya ang kanyang paglalakad. Hindi niya maalala kung gaano na nga ba katagal ang lumipas noong huli siyang nanuyo ng isang babae? Napa