Share

KABANATA 15

Author: Jessica Adams
last update Last Updated: 2025-10-28 16:39:51

MALAMIG man ang loob ng kwarto, hindi iyon sapat para pagaanin ang pamimigat ng dibdib na nararamdaman pa rin ni Celeste hanggang ngayon. Nakabibingi ang katahimikan ng paligid. At tanging ang marahang beep ng monitor na nakakabit kay Salvador ang maririnig. Ang tunog nito ay tila bai sang orasan na nagpapaalala sa dalaga na kapag naging abnormal ang beep niyon ay magdudulot na naman ng alarma. Hindi lang sa kanya, kundi pati na rin sa mga taong nasa ospital na nagsusumikap para maisalba ang buhay ng kanyang lolo.

Sa ngayon—sa sitwasyong ito, ang tunog ng monitor ang nagsisilbing orasan ng buhay ni Salvador. Ito ang magbibigay sa kanilang lahat ng signal. Ito ang kanyang pag-asa—na sana ay manatili itong gumagawa ng mahinang ingay. Na sana ay hindi ito magbago. Dahil tuwing binabalikan niya sa isip niya ang lahat ng sinabi ng doktor, kahit pa gusto niyang makausap si Salvador at pinananabikan niyang maka-bonding ito, dahil nga imposible ay kontento at mas pipiliin na niya ang ganito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 37

    “MEDYO matagal na rin mula nung huli nating nagawa ang ganito,” si Juliana iyon.Sunday at nagyaya ang Mama niyang mamasyal sa mall. Si Mario noon ay nasa bahay at busy sa tinatapos nitong report para sa conference nito kinabukasan.“Yeah, sayang nga lang at wala si Papa,” aniyang pinagmasdan ang magandang mukha ng kanyang ina.Nasa isang fast food sila noon at kumakain ng paboritong spaghetti at fried chicken ni Juliana. Ang kanyang ina, hindi niya masasabing lumaki itong may ginintuang kutsara sa bibig. Hindi rin naman ito galing sa mahirap na pamilya. Ang nakakatuwa lang sa Mama niya, ang mga paborito nitong pagkain noon pa man ay hindi nagbabago at hindi nito nakakalimutan. Isa sa maraming magagandang katangiang gustong-gusto niya rito. “Oh, bakit?” si Juliana nang marahil mapuna nito ang paraan ng pagtitig niya rito.Magkakasunod na umiling si Marcus. “Naisip ko lang, maswerte si Papa sa’yo, Ma,” pag-amin niya.Tumawa ng mahina ang kanyang ina. “Maswerte din ako sa kanya. Kasi ku

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 36

    “WOW, ang taas ng grade mo ah! In fairness, nanghihinayang tuloy ako na hindi ko nakita ang presentation mo,” ang masayang komento ni Pauline.Katulad ng nauna na nilang napagkasunduan ay kumain sila ng pancit sa canteen pagkatapos ng presentation niya sa CAS building.“Ako nga rin hindi ko inasahan na ganoon ang magiging reaksyon niya sa presentation ko,” hindi niya napigilang sabihin habang ngiting-ngiti.“Hindi ba tama ako? Mabait si Sir Marcus. Kaya sana kahit kaunting appreciation lang magkaroon ka sa kanya. Kasi hindi mo makikita ang magaganda qualities ng isang tao hanggang nabubulagan ka ng galit at inis,” paliwanag sa kanya ni Pauline sa mabait at nagpapaunawa nitong tono.Ngumiti si Celeste. “Salamat, Pau,”aniya pa.Nagkibit ng mga balikat nito ang kaibigan niya. “Para ano pa at naging bestfriend kita kung hindi ko maitatama ang mga hindi magaganda at maling paniniwala mo,” anito sa kanya.Lumapad ang pagkakangiti ni Celeste. “Dahil dyan, sasabihan ko ulit si Mang Damian na

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 35

    “ANO bang instruction niya, ite-text mo ba siya o tatawagan?” iyon ang magkasunod na naitanong sa kanya ni Pauline habang naglalakad sila papunta ng CAS building. “Wala naman siyang sinabi. Saka, hayaan mo na iyon, Pau, puntahan nalang natin siya para makaraos na ako,” pagtatapos na niya sa usapang iyon. “Okay, sige. Basta doon lang ako sa may bench sa labas. Maghihintay sa’yo,” anito sa kanya.Nilingon niya si Pauline at pagkatapos ay nginitian. “Kahit palagi mo akong kinokontra pagdating kay Sir Marcus, andyan ka pa rin naman talaga,” aniyang ngiting-ngiti saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Tinawanan lang din muna ni Pauline ang sinabi niyang iyon. “Pagkatapos ng presentation mo kain tayo,” anito.“Sure, iyon lang pala. Pansit, iyong sa canteen, libre ko,” aniya rito.Matamis ang ngiting pumunit sa mga labi ni Pauline. Sa totoo lang kagaya ng sinabi niya kanina kahit sa maraming pagkakataon ay mas panig si Pauline kay Marcus, hindi pa rin niyon nababago ang katotohnang i

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 34

    “MABUTI naman kung ganoon. Sigurado akong matutuwa ang lolo mo oras na marinig ang mga salitang iyan mula sa iyo,” ani Mang Damian na halatang masaya rin sa isinagot niya.Hindi na nagsalita pa si Celeste pagkatapos ng sinabing iyon ng matanda. Isang oras din ang byahe mula SJU hanggang sa mansyon. At dahil nga inihatid pa nila si Pauline ay medyo na-extend ng kaunti ang oras. Kaya mas pinili nalang ng dalaga na abalahin ang sarili niya tanawing nasa labas ng bintana. Sandaling sinulyapan ni Celeste ang kanyang suot na relo. Malapit ng mag-six PM kaya madilim na rin. Pero ganoon pa man ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin niya ang isang pamilyar na bultong bumaba mula sa isang kulay puting SUV. Walang iba kundi si Marcus.Nasa kabayanan na sila noon ng Mercedes. Medyo traffic at ang sasakyan ng binata ay nakatigil sa harap ng isang kilalang bangko. At dahil nga mahaba ang linya ng mga sasakyang hindi agad makausad ay nagkaroon ng chance si Celeste na panoorin ang lalaki. Napangiti

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 33

    SANDALING tila nakiraan sa pagitan nilang dalawa ang katahimikan. Wala kasi siyang masabi habang si Marcus ay ay pansamantalang naging busy sa laptop nito. “Okay,” ang lalaki na siyang bumasag ng maikli pero nakabibinging katahimikan. “As I have said, gusto kitang bigyan ng chance,” pagpapatuloy nito saka tumitig ng tuwid sa kanyang mga mata.Hindi kumibo si Celeste. Pero sa isip niya ay nandoon ang side comment na– kung makapagsalita si Marcus ay parang masyadong magiging malaki ang utang na loob niya rito. At hindi rin naman niya maikakaila ang tungkol doon.“Gustong kong mag-ready ka ng presentation. Sa tingin ko kaya mo na iyon sa makalawa,” very considerate ang tono ni Marcus. At kahit pa sabihing may history siya ng inis sa lalaki ay na-appreciate niya ito sa pagkakataong ito. Bagay at katotohanan na kapag nalaman ni Pauline ay tiyak uulanin siya ng pang-aalaska nito. “Ano pong topic, Sir Marcus?” ang naging tanong-sagot niya.Kahit pa sabihing nakatitig si Celeste sa maiitim

  • BENEATH THE SURGEON'S BLADE (FILIPINO)   KABANATA 32

    “Yeah, okay lang iyon. Pero kung hindi mo ako masasamahan, okay lang din. Walang problema,” ang mabait at mahinahong paliwanag ni Celeste.Noon sandaling sinipat ni Pauline ang suot nitong relo. Pagkatapos ay nagbuka ito ng bibig para sagutin siya. “Sige, basta ihahatid mo ako ah. Ite-text ko na ang Tita ko na medyo mali-late ako ng uwi,” anitong pagkatapos ng sinabi ay saka nito inilabas sa loob ng bag nito cellphone saka sinimulang mag-text.Naging mabilis ang paglipas ng kalahating oras pero nanatili silang naghihintay pa rin doon. Kaya mas pinili niyang abalahin na lamang ang sarili sa pagbabasa ng novel na hiniram niya sa library. Hanggang sa nadagdagan na naman iyon ng another ten minutes nang sa wakas ay bumukas rin ang pinto ng faculty room. Pero dahil naiinis ay mas pinili ni Celeste ang magpatay-malisya nalang. Hindi siya lumingon kahit ang pa-cute na boses ng babaeng estudyante na nag-iinarte ang naririnig niya. “Ah–if you don’t mind po Sir Marcus, pwede ko po bang kayong

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status