Masuk
Lily's POV
Kung may paligsahan lang sana sa pagiging mukhang pera, sigurado akong hall of famer na ang pamilya namin. Tumingin ako sa paligid ng aming barong-barong ang dingding naming kalahati ay kalawanging yero at kalahati ay lumang plywood na halos maging pulbos na dahil sa katakawan ng mga anay. Sa tuwing lalakas ang hangin, nagdarasal ako na sana huwag tangayin ang bubong namin dahil paniguradong sa kangkungan ang bagsak namin. Sa gitna ng aming munting mesa, nakahain ang aming pangmatagalang paborito: isang platong asin at dalawang pirasong tuyo na hinati pa sa aming apat nina Nanay at ng dalawa kong nakababatang kapatid. Nakakatawa na lang kung iisipin, dahil kung tutuusin, mas madami pa ata ang asin sa dugo ko kaysa sa kuryente sa aming poste. Pero sa kabila ng lahat ng 'to, hindi ko hinahayaan na maging kulay abo ang buhay namin. "Nay, huwag kang mag-alala," sabi ko habang itinataas ang kalahating tuyo na parang nagtataas ng tropeo sa isang Miss Universe pageant. "Ang tuyo na 'to ay hindi lang simpleng ulam ngayong gabi. Isipin mo na lang na pugo ito na inihaw sa mamahaling restawran sa Paris! Medyo maalat lang nang konti, pero 'yun ang secret ingredient!" Napailing na lang si Nanay habang nakangiti nang tipid, bagaman nakikita ko ang labis na pagod at pag-aalala sa kanyang mga mata. Hindi ko kayang tiisin na makitang ganito ang pamilya ko. Habang nagtatawanan kami sa mesa, naglalaro sa utak ko ang mga pangarap na halos ayaw kong bitawan. Balang araw, balang araw talaga, makakahawak din ako ng milyun-milyong piso na nanggaling sa sarili kong pawis. Iyong tipong hindi na namin kailangang maghati sa iisang pirasong tuyo, at iyong hindi na kami magtatago tuwing may kakatok sa p***o. Pangarap kong bilhan si Nanay ng totoong bahay iyong sementado, may malaking gate, at walang anay na nag-aabang sa bawat sulok. Gusto kong makatikim ang mga kapatid ko ng masasarap na pagkain na madalas lang naming makita sa mga patalastas sa lumang TV ng kapitbahay. Pero sa ngayon, ang realidad ay parang malamig na tubig na gumigising sa akin tuwing umaga. Kahit anong gawin kong pagpapatawa, hindi pwedeng pambayad ng utang ang halakhak, at lalong hindi pwedeng ipakain sa gutom na tiyan ang mga pangarap lang. Pumatak ang alas-siyete ng gabi nang biglang kalampagin ang aming tila pabagsak nang p***o. "Neneng! Ang utang niyo! Dalawang linggo na kayong delayed! Kapag hindi kayo nagbayad ngayong araw, kukunin ko na 'yang TV niyo!" sigaw ng bumbay mula sa labas. Mabilis kong itinago si Nanay sa likod ko habang dahan-dahan kong binuksan ang p***o, ibinibigay ang pinakamalapad at pinakaplastik kong ngiti. "Naku, Bossing! Kalma lang, baka tumaas ang presyon mo, mapamahal pa sa ospital! Nag-ipon lang kami ni Nanay, konting pasensya pa. Susunod na linggo, doble ang ibabayad namin sa 'yo, pramis! May kasama pang bonus na tawa!" Mabilis kong pinalipas ang galit ng bumbay gamit ang makapal kong mukha at walang katapusang pambobola, pero nang makapagsalita ang barangay officer na kasama nito, biglang huminto ang ikot ng mundo ko. Nag-iwan sila ng huling babala: dalawang linggo na lang ang ibinibigay sa aming lugar bago tuluyang gibain ang buong sitio para sa gagawin daw na commercial building. Nang gabing 'yon, habang tulog na ang lahat at ang tanging naririnig ko na lang ay ang tik-tak ng lumang orasan at ang patak ng tubig mula sa may sirang bubong, hindi ko na napigilang maiyak. Saan kami pupunta kapag giniba ang bahay namin? Saan kami kukuha ng pambayad sa dumaraming utang? Doon na ako nagdesisyon. Kailangan kong kumilos. Hindi ako pwedeng manatili rito habang pinapanood ang pamilya kong unti-unting nalulunod sa hirap. Kinabukasan, pumunta ako sa bayan at nakipagkita sa isang recruiter na nagpapakilalang nagnanais tumulong sa mga tulad kong gustong magtrabaho sa Maynila. Inalok niya ako ng isang trabaho bilang stay-in housemaid sa isang eksklusibo at napakamamahaling subdibisyon sa gitna ng lungsod. Sabi niya, malaki daw ang pasweldo dahil kilala at napakayamang pamilya ang nagmamay-ari ng mansyon. Kahit may kaunting kaba sa aking dibdib dahil wala pa akong nakikitang kahit kanino doon, mabilis kong tinanggap ang alok. Wala na akong ibang mapagpipilian pa; pera na ang nakalatag sa harap ko, at hindi ko na pwedeng hayaang maging luha lang ito. Dumating ang araw ng aking pag-alis. Nakatayo ako sa pantalan habang nakahawak nang mahigpit sa luma kong bag na naglalaman ng ilang pirasong damit at ng buo kong pag-asa. Nakatayo sa harap ko si Nanay, hawak ang aking mga kamay habang patuloy na umaagos ang mga luha sa kanyang pisngi. "Inday, mag-iingat ka roon sa Maynila, ha? Iba ang buhay sa malaking lungsod. Huwag kang magpapadala sa tukso at huwag mong kalilimutan ang magdasal," paalala ni Nanay sa akin, boses ay nanginginig sa labis na pag-aalala. Niyakap ko nang napakahigpit ang aking ina, pinipigilan ang sarili kong maiyak dahil ayaw kong umalis na mabigat ang kanyang loob. Pinunasan ko ang patak ng luha sa aking pisngi at inangat ang aking panga. Tinitigan ko si Nanay sa kanyang mga mata habang pilit na ibinabalik ang aking masiyahing mukha. "Nay, huwag kang umiyak, pumapangit ka lalo!" pambibiro ko sa kanya upang maibsan ang lungkot. "Pangako, Nay, tandaan mo 'tong sinasabi ko ngayon sa harap ng dagat na 'to. Pagbaba ko sa barkong 'yan, gagawin ko ang lahat. Babalik ako rito sa probinsya na napakayaman na natin! O kaya naman, kapag hindi kayanin sa sariling pawis, babalik ako rito na may dalang napakayamang lalaki na makakapag-ahon sa atin sa kahirapan! Gagawin kong donya ang pamilya natin, taga-paypay ka na lang araw-araw!" Natawa si Nanay sa kabila ng kanyang mga luha, at 'un ang huling imahe na gusto kong baunin. Kumaway ako sa kanila habang dahan-dahang gumagalaw ang barko palayo sa daungan. Sa paglayag ng barko patungong Maynila, buo na ang loob ko. Hindi ako natatakot sa kahit anong trabahong naghihintay sa akin doon. Handa akong magtiis, handa akong magsumikap, at higit sa lahat, handa kong harapin ang kahit sinong amo mabait man o halimaw basta para sa pamilya ko. Maynila, maghanda ka na, dahil dumarating na si Inday!Lily "Inday" AlvarezIsang buwan na ang nakalipas mula nang magsimula ako bilang stay-in maid at personal na "parusahan" ng aking nakatatakot ngunit napakagwapong amo na si Damien Halbert Palma. At ngayong araw na ito... ang pinakahihintay ng bawat mamamayang Pilipino ANG SWELDO DAY!Nakatayo ako sa loob ng napakalaking opisina ni Damien sa itaas na palapag ng mansyon. Nakaupo siya sa kanyang swivel chair, nakasalamin na may manipis na gold frame, at seryosong nagbabasa ng mga kontrata."Amo Mr. Daks... baka naman po?" pambubola ko habang ginagalaw-galaw ang dalawa kong kamay sa harap niya na parang nanlilimos ng barya. "September 12 na po ngayong araw. Sabi mo isang milyon ang sweldo ko buwan-buwan?"Tumingin sa akin si Damien mula sa ibabaw ng kanyang salamin. May kinuha siyang isang kulay itim na envelope mula sa kanyang drawer at inilagay ito sa ibabaw ng glass desk."Here," malamig niyang wika.Mabilis kong kinulit ang sobre at binuksan ito. Lumabas ang isang tsekeng nakapangalan
Lily "Inday" Alvarez"Heto na naman po tayo sa paborito kong lugar ang kusina kung saan ako dapat nagtatrabaho at hindi binabastos!" bulong ko sa sarili ko habang nagtatadtad ng bawang at sibuyas sa ibabaw ng malaking stainless kitchen counter.Tahimik ang buong mansyon ngayong hapon. Pagkatapos ng nangyaring aksyon at bakbakan ng dila sa study room kagabi, medyo masakit pa ang leeg ko sa mga markang iniwan ng amo kong si Damien Halbert Palma ang walang iba kundi si Mr. Daks. Pumasok siya nang maaga sa kumpanya niya, kaya akala ko ay makakahinga na ako nang maluwag. Makakapagluto ako ng paborito kong adobo nang walang humahawak sa suso ko o nananakot na tatanggalan ako ng sweldo.Ngunit nagkamali ako.Habang busy ako sa paghahalo ng toyo at suka sa mangkok, biglang may naramdaman akong malamig na hangin sa likod ko. Sumunod doon ang isang amoy ng mamahaling panlalaking pabango hindi amoy mint at tabako ni Damien, kundi amoy matamis na woodsy perfume."Well, well... Look who's cooking
Lily "Inday" AlvarezNakalagay sa silver tray ang tatlong baso ng malamig na orange juice. Naka-straight ang likod ko, nakangiti ako nang pilit, at pilit kong ginagayang maging pormal kagaya ng mga maid sa mga Tagalog teleserye."Kaya mo 'to, Inday. Isang milyong piso ang sweldo, huwag kang shunga ngayon," bulong ko sa sarili ko habang naglalakad patungong grand living room.Pero nagbago ang ikot ng mundo ko nang marinig ko ang isang boses. Hindi iyon ang baritone at malamig na boses ng amo kong si Damien Halbert Palma o mas kilala sa sarili kong utak bilang si "Mr. Daks." Mas magaan ang boses na ito, may halong panunuya at peligro."You’re playing a dangerous game, Damien. The underground shipment in Subic? Mine now. At kapag hindi ka pa sumuko, isusunod ko 'yang mamahaling kumpanya mo," wika ng lalaking nakaupo sa leather sofa.Siya si Harold Ace Salvador. Guwapo, makisig, nakatatakot ang ngiti, at halatang malakas din ang amoy ng pera. Ang pangunahing karibal ni Mr. Daks sa undergr
Lily “Inday” Alvarez’s POVAlas-dos na ng madaling araw. Gising na gising pa rin ang kaluluwa ko habang nakatitig sa kisame ng maliit kong kwarto. Umiikot ang electric fan na parang hihingain na ng huling hininga, pero hindi ang init ng panahon ang nagpapasikip ng dibdib ko.Yung labi pa rin talaga ni Mr. Daks!Ewan ko ba. Mula nang maidikit niya ako sa pader sa secret room niya kagabi, wala nang ibang pumasok sa utak ko kundi iyong mapupulang labi na iyon. Amoy mint at mamahaling tabako. Isang halik lang naman, eh! Hindi naman mababawasan ang milyones niya sa bangko kapag nadikit lang ang labi niya sa labi ko nang kahit tatlong segundo lang!"Lily, diskarte lang 'yan," bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang bumabangon. "Ang taong nagigipit, sa halik kumakapits! Walang maiaahon na pamilya kung duwag ka!"Kinuha ko ang kulay purple kong palaman sa pillowcase paborito kong kulay, siyempre at ang kulay gintong duplicate key na pinitik ko sa mayordoma noong isang araw habang naglilini
Lily “Inday” Alvarez’s POVClang!Ayan na. Yari na. Ang shunga mo talaga, Lily! Sa dinami-dami ng pwedeng matabig sa nakatagong kwarto na 'to, bakit iyong mamahaling crystal glass pa na mukhang mas mahal pa sa buong barangay namin sa probinsya?!Hindi pa man nakakalapag sa sahig ang mga nabasag na bubog, narinig ko na ang mabibigat at mabilis na yabag ng paa galing sa labas. Parang yabag ng higanteng galit na ewan.Bumukas ang pinto.At doon, iniluwal ng kadiliman ang aking napakagwapo, napakatangkad, pero napakasungit na amo si Mr. Daks. O si Damien Halbert Palma, para pormal."What the hell are you doing here?!" sigaw niya. Ang lalim ng boses, parang lindol na gumigiba sa pundasyon ng buong mansyon."A-amo! Nagpupunas lang po ako ng... ng alikabok sa mga baril niyo! Baka kasi kalawangin, sayang naman!" pautal-utal kong dahilan habang nakataas ang dalawa kong kamay, hawak pa rin ang lumang basahan na dala ko.Hindi man lang iyon pinansin ni Damien. Sa isang mabilis at matulin na gala
Lily's POV Ikalawang linggo ko na sa mansyon at masasabi kong medyo nakaka-adjust na ako sa ugali ng aking among si Mr. Daks. Kahit na napakasungit at laging nakasimangot, napansin kong hindi naman siya totoong nananakit ng katulong nananakot lang gamit ang kanyang baritone na boses na paborito kong pakinggan araw-araw.Hapon na at medyo tahimik ang mansyon dahil umalis si Damien kasama ang kanyang mga alipores para sa isang sinasabi nilang "business meeting." Hawak ko ang aking kulay rosas na feather duster at ang aking mamahaling panlinis habang naglalakad sa ikalawang palapag.Habang nagpupunas ako ng mga frame ng painting sa dulo ng hallway, napansin ko ang isang pintuan na kulay itim na gawa sa mabigat na kahoy. Nakasara ito ngunit napansin kong may kaunting celang nakaawang sa trangka."Aba... nakabukas?" bulong ko sa sarili ko habang dahan-dahang lumalapit.Naalala ko ang babala ng mayordoma na huwag papasok sa mga nakalock na pinto. Pero dahil likas akong usyosa at curious ku







