Se connecterPaulit-ulit nitong winawasak ang buhay niya. Una, sa emosyon, at ngayon naman, sa pisikal na paraan sa pamamagitan ng pagkukulong sa kanya. Hindi alam ni Hannah kung saang lugar siya dinala ni Zach."Nasaan ang cellphone ko?"Mabilis siyang lumingon at sinuyod ng tingin ang buong silid. Naglakad siya patungo sa kama at marahas na binuksan ang mga drawer, sinilip ang bawat sulok. Pero walang nakitang cellphone si Hannah.Biglang napako ang kanyang paningin sa dingding. Isang napakalaking frame na litrato ang nakasabit doon. Nanlaki ang mga mata ni Hannah nang makitang mukha niya iyon. Nanigas siya sa kinatatayuan. Anong kalokohan ito?Dahan-dahan siyang lumapit. Siya nga iyon. Suot ang itim na turtleneck na isinuot niya ilang buwan na ang nakalipas. Pero walang maalala si Hannah na may kumuha ng litrato niya noong araw na iyon.Si Zach ang kumuha. Nanlamig ang buo niyang katawan. She didn’t remember posing. Hindi rin niya natatandaang ngumiti siya nang gano'n. Paano nito nakuha ang san
Mariing ipinikit ni Hannah ang kanyang mga mata. Ayaw niyang buksan ang mga iyon. She could feel him,his presence swirling in the room like a whisper, like something possessed.It sent a chill down her spine. Hindi lamang dahil sa takot. May kakaiba ring kalituhan sa nararamdaman niya, isang hindi kanais-nais na reaksyon ng katawan na lalo lamang nagpagulo sa kanyang isipan.Gustong sumigaw ni Hannah. Gusto niyang magising mula sa bangungot na ito at harapin si Zach. How could he do this to her? How could he inject her like that?Paano kung may masamang epekto sa sanggol ang anumang ipinainom o itinurok nito? Biglang bumukas ang mga mata ni Hannah sa matinding pagkataranta. Agad niyang inilapat ang magkabilang kamay sa tiyan. Nanginginig ang mga daliri niya.Huminga siya nang malalim, saka marahang idiniin ang palad sa kanyang tiyan. Wala naman siyang nararamdamang kakaiba. She was still okay.Then she heard it, his throat clearing, deliberately calm. Parang gusto nitong ipaalam na ma
"Dahil natatakot ako!" he finally shouted, his composure cracking. "I was scared of losing everything, my mother, my position, and you. Pero nawala ka pa rin sa akin. At ngayon, nandito ako para itama ang lahat."Unti-unting umiwas ng tingin si Hannah. Parang may sariling isip ang kanyang kamay na dahan-dahang napunta sa tiyan niya. Mabilis siyang kumurap. Pilit nilulunok ang mga luhang nagbabadyang tumulo."Hindi mo na maaayos ito. Hindi sa pamamagitan ng mga dokumento, hindi sa pamimilit, at lalong hindi sa pagpaparamdam sa akin ng konsensya." Huminga siya nang malalim bago muling tumingin kay Zach. "At hinding-hindi mo ako mapipilit na bumalik sa'yo gamit ang konsensya."Lumambot ang mga mata ni Zach. "I'm not here to guilt you. I'm here because I love you. And I can't let you get on that plane."Matalim siyang tinitigan ni Hannah."Wala kang karapatang magdesisyon para sa akin." Matigas na ang kanyang tinig ngayon. "Sa pagkakataong ito, ako ang magdedesisyon para sa sarili ko. At
Magulo ang buhok ni Zach. Namumula ang mga mata, at mabilis ang paghinga na para bang katatakbo lamang nang napakalayo."A... anong ginagawa mo rito?" tanong ni Hannah, halos manginig ang boses."Dapat ako ang nagtatanong niyan," sagot nito habang dahan-dahang lumalapit. "Totoo bang aalis ka na lang? Maglalaho ka nang hindi man lang nagpapaalam?"Tumuwid si Hannah at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanyang bag."Wala kang karapatang tanungin ako.""Mayro’n," he snapped. "Dahil hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag."Napakagat-labi si Ana."Binigyan kita ng pagkakataon, Zach. Paulit-ulit. Mas marami pa kaysa sa nararapat. Pero sa bawat pagkakataon na ibinibigay ko sa’yo... iba ang pinipili mo."Bahagyang napapikit si Zach, tila tinamaan ng bawat salitang binitiwan niya."Hindi ko siya pinakasalan," mahina nitong sabi matapos ang ilang segundong katahimikan.Napalunok si Hannah habang unti-unting kumirot ang kanyang dibdib."Congratulations," mapakla niyang saad
“Anong sabi mo?”“Mananatili na ako sa China,” ulit ni Hannah.Napatingin sa kanya ang ina bago dahan-dahang naupo. Halatang nabigla ito sa narinig. Matagal siyang tinitigan ni Diana.“Bakit? Bakit gusto mong manatili sa China? Kailan ka pa nagdesisyon niyan? Ang alam ko, balak mo lang umalis. Alam mong wala roon ang trabaho mo at ang paaralan ni Marvin. At hindi rin naman ako permanenteng nakatira roon.”“Maghahanap ako ng taong mag-aalaga kay Marvin,” kalmadong sagot ni Hannah. “Pero doon na ako titira, Ma.”“Kailan mo pa napagdesisyunan iyan?”“Ngayon lang.”“Hannah, seryoso ka ba? Lilipat ka sa isang lugar na napakalayo sa ating lahat? Ano ba talaga ang gusto mong gawin?”“Ma, sana maintindihan ninyo ako. Nakapag-book na po ako ng flight. Bukas na ang alis ko.”“At ang trabaho mo?” tanong ng kanyang ina.“Nag-resign na po ako.”Napatingin ito sa kanya na tila hindi makapaniwala.“Nag-resign ka?” halos pabulong nitong ulit.“Opo, Ma.”Natahimik ang buong silid. Tahimik lamang na na
Napayuko si Cresia. Masakit man aminin, may katotohanan ang sinabi ni Hannah.Muli siyang tinignan nito. "O baka, ikaw ang babaeng tunay niyang mahal. At siya lang ang masyadong duwag para ipaglaban ka."Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Hannah. Hindi na niya iyon napigilan."Love shouldn’t feel like this. It shouldn’t be this confusing. Or painful."Tumango si Cresia. "Alam ko. But maybe, that ring is him trying to say something he’s too scared to admit out loud."Matagal na natahimik si Hannah. Muli niyang tinignan ang singsing. Hindi na niya ito muling sinubukang tanggalin. Hindi dahil tinanggap na niya ito. Kundi dahil wala na siyang lakas para lumaban. Maya-maya ay marahan siyang tumayo."Kailangan kong magsimba."Nagulat si Cresia. "Sigurado ka?"Tumango si Hannah. "Matagal na akong hindi nakakapagsimba. Gusto kong kausapin ang Diyos. Gusto kong itanong kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Pakiramdam ko... hindi ko na kaya. Kailangan ko nang tulungan Niya." Humugot siya n
Dahan-dahang nagmulat ng mga mata si Hannah habang sinasalubong ng malambot na liwanag ng umaga ang silid. Umupo siya sa kama at bahagyang nahulog ang kumot sa kanyang baywang. Agad na namula ang mga pisngi niya nang bumalik sa isipan ang mga alaala ng nangyari kagabi.Ibinaba ni Hannah ang kanyang
Napayuko si Hannah bago muling tumingin kay Zach habang mabilis ang tibok ng kanyang puso. Ano kaya ang ibig nitong sabihin sa patikim?Mainit na tsokolate, sa isip niya. Iyon lang naman siguro ang tinutukoy nito, ‘di ba? Iyon lang ang tanging maaaring ibig sabihin niyon.“Heto,” sabi niya habang i
“Anong nangyayari rito?” Zara asked, walking over to the scene with her husband beside her.Bahagyang naningkit ang mga mata nito habang palipat-lipat ang tingin kina Hannah at Veronica. Pagkatapos ay bumaba ang tingin sa damit ni Hannah, at sa kanyang basang buhok. Napasinghap si Zara sa nakita.“
Naglakad si Zach patungo sa pinto habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng kanyang pantalon. Sumulyap siya sa video intercom screen na nagpapakita ng tanawin sa labas. Marahas siyang napabuga ng hangin nang makita si Veronica. Bigla na naman itong dumating nang walang pasabi. “Zach, buksan mo a







