Share

CHAPTER 85

Penulis: CALLIEYAH JULY
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-03 19:33:24
TIMOTHY

Nang makita ko ang text message ay mabilis akong tumayo. Wala akong pakialam sa party na ito dahil ang inaasahan ko talaga ay makita ang mag-ina ko. Lumabas ako sa venue para tawagan ang number na nagtext sa akin.

“Hello, Zevi?”

“Hello po, daddy.” narinig ko ang boses niya kaya bigla na lang pumatak ang luha ko. Sobrang miss na miss ko na talaga ang mga anak ko.

“Yes, boss. I’m here, nasaan ka? Puwede ba tayong magkita? Si Zian kasama mo ba? Ang mommy mo kasama mo rin ba?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

“Where are you po, daddy?”

“Nandito ako sa labas. Lumabas muna ako kasi gusto ko na makausap ka ng maayos.”

“Wala ka po dito sa loob?” tanong niya sa akin.

“Wala po, dito ako sa labas. Gusto mo bang puntahan kita d’yan?” tanong ko sa kanya.

“Ako na lang po ang pupunta. Kasama ko po si Zian,” sagot niya sa akin.

“Okay, I’ll wait here.” sabi ko sa kanya.

Nawala na ang tawag. Ako naman itong lakad ng lakad dahil sa kaba na nararamdaman ko. Kinakabahan ako pero mas lamang ang ex
CALLIEYAH JULY

Sorry po now lang nakapag-update.. nagpahinga lang po ako dahil sobrang naubos ang energy ko noong saturday update hahha! back to update na po ulit tayo..

| 53
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (13)
goodnovel comment avatar
Ria Villorente Dequiña
Thank you u ms. Author.. Nxt update po
goodnovel comment avatar
Yanne Bueno Nerizo
maniniwala lang cguro si Zen na walang kasalanan si Tim pag kina Olivia at Ryan galing...
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sana pakinggan mo SI Tim na magpaliwanag Zen
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 100

    ZENNARANakahawak ako sa braso ni Jetro habang papasok kami sa loob ng party venue. May suot rin akong maskara. Ang totoo ay sobrang kinakabahan talaga ako ngayon. Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mangyayari sa akin dito. Sobrang kinakabahan ako lalo na sinabi niya na bawal akong magsalita. Inaasahan ko na rin na magkikita kami ni Tim dahil gusto kong humingi sa kanya ng tulong kapag may pagkakataon.Sa totoo lang ay malaki ang chance na makahingi ako ng tulong. Hinihiling ko na sana ay hindi pumunta ang mga anak ko dito. Hindi ko alam ang gagawin ko once na nandito sila. Alam ko kasi na gagamitin ni Jetro ang mga mga anak ko laban sa akin. Kailangan kong mag-isip ng maayos.“Tandaan mo ang sinabi ko,” pabulong na sabi niya sa akin.Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang party. Ito pala ang party para sa partnership ni Timothy at Mrs. Miller. Sa totoo lang ay natutuwa ako dahil mas mabuti na ang ganito kaysa naman si Jetro ang maging partner ng M

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 99

    ZENNARANaging maluwag sa akin si Jetro. Ilang linggo na siyang ganito. Hinahayaan niya ako na gumala dito sa bahay pero bawal akong lumabas sa main door. Sa ngayon ay pinipilit ko ang sarili ko na pakisamahan siya para may pagkakataon ako na makalabas sa bahay na ito.Hindi siya umaalis ng bahay kaya naman wala akong mahanap na tyempo para makaalis. Kahit ang pagtulong dito sa bahay ay hindi niya ako hinahayaan. Nababagot ako at naiinip pero pilit kong nilalabanan dahil ayaw kong maghinala siya sa akin na may binabalak akong gawin.Ngayon ay nasa office room niya siya kaya naman naghanda ako ng meryenda para sa kanya. Hapon na ngayon at alam ko na kapag ganitong oras ay tapos na siya sa ginagawa niya. Bitbit ang tray na may lamang pagkain ay umakyat ako papunta sa office room niya.Kumatok ako ng tatlong beses.“Come in,” narinig ko na sabi niya kaya naman pumasok na ako sa loob.“Jet, busy ka pa rin ba?” tanong ko sa kanya.“Tapos na ako sa trabaho ko. May kailangan ka ba?” tanong ni

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 98

    ZENNARANakatulog pala ako at hindi ko man lang namalayan. Kaagad akong tumingin sa labas at nakita ko na madilim na. Gabi na ngayon. Malungkot akong nakatingin sa labas dahil hindi ko inaasahan na mangyayari sa akin ang bagay na ito.Ang mas nakakalungkot pa ay may ginawa si Jetro na sobra kinasusuklaman ko. Gumawa pa siya ng babae na alam kong gagamitin niya para magpanggap na ako. Sobrang galit ako sa sarili ko dahil hinayaan ko na lokohin niya ako.Nag-aalala ako para sa mga anak ko. Para kay mama at higit sa lahat kay Tim. Alam ko na naging matigas ako sa kanya. Pero dahil ‘yun sa mahal ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit pa galit ako sa kanya. Hindi madali para sa akin na tanggapin na ang taong minahal ko ang naging dahilan rin ng paghihirap ko.Aaminin ko na matigas ang puso ko sa kanya pero kapag nakikita ko siya ay gusto ko siyang yakapin. Masyado lang mataas ang pride ko. Isa sa reason kaya mas pinili ko na sa condo building rin na ‘yon kami titira para magkita sila

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 97

    TIMOTHYMaaga akong pumasok sa trabaho ko. Kahit pa hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa kakaisip kung paano ko ba makukuha ang loob ni Zen. As much as possible ay gusto kong kunin ang loob niya sa paraan na alam ko. Na hindi ako magiging mapilit at harsh sa kanya. Gusto ko na kunin ang loob niya sa mabuting usapan. Gawin ang dapat kong gawin para mapatawad niya ako.Habang nagtatrabaho ako ay hindi maalis-alis sa isip ko ang mag-ina ko. Gusto ko ng umuwi pero may mga trabaho ako na kailangan kong tapusin. Kaya kahit pa gusto ay mas pinili ko na magstay dito sa company. Hanggang sa sumapit na ang uwian at nagulat ako dahil nakatanggap ako ng text message mula kay Zen.Zen: Hi, okay lang ba kung sasabay kami sa ‘yo sa dinner?Zen: Kung okay lang?Me: Of course.Mabilis akong nagreply sa kanya. Walang dahilan para tumanggi ako. Walang paglagyan ang saya sa puso ko ngayon. Kung kanina ay problemado ako kung paano ko sila makakasama ay ngayon naman nabuhay ang lahat ng pag-asa ko.Kaya n

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 96

    ZENNARA “Kung sino ka man na dumukot sa akin ay palabasin mo ako dito! Hayop ka! Palabasin mo ako!” sigaw ko dahil galit na galit na ako. “Magpakita ka sa akin! Ilabas mo ako dito!” patuloy akong sumisigaw kahit hindi ko alam kung naririnig ba nila ako. Masakit na rin ang lalamunan ko pero wala akong pakialam. Hanggang sa bigla na lang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang tao. Ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko. “Ikaw?” hindi makapaniwala na bulalas ko habang nakatingin sa kanya ng hindi man lang kumukurap ang mga mata ko. “May inaasahan ka pa ba na iba?” nakangisi na tanong niya sa akin. “Bakit? Anong ibig sabihin nito?” “Bakit? Bakit mo ginawa ang bagay na ‘to?” tanong ko ulit sa taong nasa harapan ko. “Bakit naman hindi? May karapatan naman siguro ako na gawin ang lahat ng gusto ko,” sagot pa niya sa akin. “Nasaan ang mga anak ko?” galit na tanong ko sa kanya. “Pinatay ko na sila,” sagot niya sa akin kaya umahon ang galit sa puso ko. Hindi ko inaasahan na it

  • BILLIONAIRE DADDY'S TWINS: Winning Back the Ex-WIFE   CHAPTER 95

    ZENNARANagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Kaagad akong bumangon para tingnan kung nasaan ba ako. Ang huling naaalala ko ay nasa loob ako ng silid ko. “Nasaan ako?” tanong ko sa sarili ko.Lumapit ako sa may bintana. Naka-lock ito pero nakikita ko naman ang mga halaman sa baba. Ang ganda ng mga bulaklak sa garden. May balcony rin ang silid na ito pero naka-lock rin ang pintuan bago makalabas sa balcony.“Nananaginip ba ako?” tanong ko sa sarili ko.Kinurot ko ang sarili ko pero nasaktan ako kaya ibig sabihin ay hindi ako nananaginip at totoo ang nangyayaring ito sa akin. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa lugar na ito. Sino ang dumukot sa akin? Nasaan ako?Lumapit ako sa may pintuan at kinalampag ko ito pero wala yatang nakakarinig sa akin o baka naririnig naman nila ako pero ayaw lang nila akong pagbuksan. Tumigil na ako kaysa sumakit ang kamay ko sa kakahampas sa pintuan. Naglakad ako papunta sa may kama, umupo ako at iniisip ko ang mga anak ko.Nasaan sila? Kinuha rin k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status