LOGINILANG sandali lang at tinatakbo na nila ang kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue o mas kilala sa tawag na EDSA.
Tahimik lang siyang naupo sa passenger ng sasakyan ng lalaking kahit pangalan ay hindi niya alam. Pero ito, paano nito nalamang kung ano ang pangalan niya?
“Pinagtanong ko sa mga kasamahan mo sa trabaho, kung iyon ang iniisip mo,” ang lalaki.
Napalingon si Jade dahil sa kanyang narinig. “P-Paano mo nalaman na iyon ang iniisip ko? Manghuhula ka ba?” taka niyang tanong.
Ngumiti lang ito sa kanya nang lingunin siya.
Sa isang iglap pakiramdam niya ay parang nahipnotismohan siyang bigla dahil sa well, ngayon lang niya napansin na angking kagwapuhan pala ng lalaki.
At hindi lang ito basta gwapo kundi saksakan ng gwapo.
Moreno, matangos ang ilong, mapupula ang mga labi na parang kay sarap kung humalik. May three-day beard nakadagdag sa angkin nitong karisma, at maganda ang pangangatawan. Kanina, napansin niyang matangkad rin ito dahil lumampas lang ng kaunti sa balikat nito ang height niyang five feet and six inches.
“I hope I passed your standard,” ang sinabi nitong iyon ang pumukaw ng tila ba nagde-day dreaming niyang isipan.
“S-Sorry,” aniyang nagbawi ng tingin.
“It’s okay, hindi ikaw ang unang babaeng natulala sa kagwapuhan ko,” anitong nilingon siya saka kinindatan.
Mabilis na nag-init ang mukha ni Jade sa narinig. “Well I must say isa ka ngang tipikal na mayaman,” aniya sa nadidismayang tono.
Nagpakawala ng mahinang tawa ang lalaki dahil doon. “Dave, David Del Carmen,” pakilala nito.
Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon at hanggang sa marating nila ang bahay niya. “Thank you,” aniyang umakma nang bababa.
Ngumiti ang lalaki. “Hindi mo pa nasasabi sa akin kung ano ang nangyari kanina sa office nang manager mo? Pero dahil umuwi ka ng maaga, ibig sabihin ba nito na-fire ka?”
Kung anuman ang inis na nararamdaman ni Jade para sa lalaki kanina ay mabilis na hinawi ng mabait na tono ng pananalita na ginamit nito sa kanya.
“Tama ka,” ang maikling sagot niya. “Sige, salamat nalang ulit, pero gusto ko nang magpahinga,” ang malungkot niyang sagot saka na bumaba ng kotse ng lalaki.
*****
NAKAHIGA na si Dave ay hindi parin nawawala sa isipan niya ang nangyari nang gabing iyon. At kahit hindi niya aminin, alam niyang kasama siya sa mga dahilan kung bakit nawalan ng trabaho si Jade.
Well, kung tutuusin kaya niya itong bigyan ng trabaho kung gugustuhin lang niya. Pwede niya itong irekomenda bilang sales representative sa chains of supermarket na pag-aari ng kanilang pamilya. Pero hindi niya gusto. Parang ibang trabaho ang kanina pa niya pinag-iisipan at gusto niyang ialok kay Jade. At iyon ay ang magpanggap ito bilang nobya niya.
*****
MAAGA pa kinabukasan ay ginising na si Jade ng magkakasunod na katok sa gate. Wala talaga sa mood niya ang bumangon kasi gusto niyang mag-ipon ng sapat na lakas para sa susunod na araw na gagawin niyang paghahanap ng trabaho. Pero halatang ayaw magpapigil ng bisita niya kaya napilitan siyang bumangon. Noon niya kinuha ang kanyang bra na nakasampay sa silya na nasa loob ng kanyang kwarto saka iyon isinuot bago lumabas.
“Good morning! Breakfast?”
Literal na napanganga si Jade nang si Dave ang mabungaran niya doon. May dala itong supot na na may lamang styopore ng pagkain. Nang itaas iyon ng binata ay biglang humalimuyak ang mabango niyong aroma. Kaya naman mabilis siyang ginutom.
“A-Anong ginagawa mo dito?” nang tila mahimasmasan ay iyon ang naitanong niya.
Nakangiti si Dave nang magsalita. “Papasukin mo naman muna ako, please?” anito sa mabait na tono.
Noon naiiling na binuksan ni Jade ang gate saka pinatuloy ang binata. Simpleng pambahay lang ang suot niya, short shorts at white t-shirt kaya mabilis siyang nakaramdam ng pagkailang lalo nang makita niyang sinuyod siya ni Dave ng humahangang tingin mula ulo hanggang paa.
“You look beautiful, I mean perfectly beautiful,” anito pa sa kanya.
“T-Thank you,” ang nag-stutter niyang sagot.
Sa loob ay mabilis niyang inayos ang dalang pagkain ni Dave. Nagtimpla narin siya ng kape para sa kanilang dalawa. Hindi nagtagal ay magkasama na nilang pinagsaluhan ang dala nitong almusal. Iyon ay fried rice, fried eggs, tapa ng baka at corned beef.
“Gutom na gutom ka pala, hindi ka ba kumain kagabi pag-uwi mo?” tanong ni Dave habang nakatingin ito sa kanya.
Magkakasunod siyang umiling. “Sino ba naman ang magkakaroon ng ganang kumain eh nawalan ako ng trabaho? Nakakagalit lang, ako na ang na-harass ako pa ang pinagbayad. Alam mo bang pati iyon mga gamit na nasira sa nangyari sa akin kinuha kaya wala na akong babalikan na sweldo doon,” kwento niya saka magkakasunod na umiling.
“You know what, didiretsahin na kita. May gusto sana akong I-offer sa iyo na trabaho kung papayag ka.”
KAHIT totoong nilamon na talaga siya ng tuluyan ng nainom niyang alak ay hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Jade ang pagtaas-baba ng dibdib ni Dave dahil sa kanyang ginawa.Pagkatapos niyang padaanan ng hintuturo niya ang mga labi nito ay ibinaba naman niya sa malapad at matipuno nitong dibdib ang kanyang mga haplos. This time gamit na niya ang dalawa niyang mga kamay.“You’re killing me,” nasa tono ng pananalita ni Dave ang matinding temtasyon at nagustuhan iyon ng dalaga.“Yeah? So why don’t you do the first move?” she asked him seductively.Noon umangat ang sulok ng labi ni Dave at pagkatapos ay inilapit ang baso nitong may laman na alak at sinaid iyon.“Nope,” anito sa tono na nanunukso bagaman nakangiti.Sa puntong iyon ay nakaramdam ng matinding challenge si Jade hindi lang dahil sa tono ng pananalita ng binata kundi pati na rin sa nakikita niyang damdamin sa mga mata nito.Ala
MATAGAL na napatitig si Jade sa mukha ni Dave dahil sa sinabi nitong iyon.So, hindi pa nga talaga niya lubusang kilala ang lalaki dahil marami pa siyang hindi nalalaman tungkol rito.“Kaya umalis si Papa nang mamatay si Danilo, kasi labis niyang dinamdam ang nangyari. Ang totoo kasi masyadong malapit si Papa sa kapatid kong iyon. Kasi ang palaging sinasabi sa akin ni Mama noong bata pa ako, ang nanay ni Danilo ang talagang mahal ng tatay namin,” paliwanag ni Dave sa kanya.“Ibig sabihin ba noon pinagseselosan ng mother mo si Danilo?” paglilinaw niyang tanong.Nagkibit ng mga balikat nito si Dave saka nagsalita.“Maybe, kasi kung hindi, bakit naman ganoon ang trato niya sa kapatid ko? Bakit palagi siyang galit kay Danilo kahit kung tutuusin ay sinubukan naman ng brother ko na mapalapit sa kanya?”Nagbuntong hininga si Jade dahil sa kanyang narinig.“Mahirap talaga kapag hindi buo ang pagmamaha
“WHAT do you mean long story? Ano ba talagang nangyari Dave?” tanong ulit niya saka naupo sa tabi ng binata.Noon malungkot siyang nilingon ng binata.“Hindi ko alam kung anong gagawin ko, ang lahat ng nangyari sa ating dalawa at ang lahat ng nakaraan, hindi ko alam,” sagot sa kanya ni Dave.Mula nang makilala niya si Dave ay ngayon pa lamang niya ito nakita sa ganitong anyo. Parang hopeless at nanghihina. Parang nawala ang tigas sa itsura nito, dahilan kaya hindi niya napigilan ang matinding pagkahabag na naramdaman niya para sa binata.“Sabihin mo sa akin, makikinig ako,” aniyang hinawakan ang kamay ng binata pagkatapos.Nakita niyang kumibot ang mga labi ni Dave. Pero bago pa man ito nakapagsalita ay nakita na niya ang pag-agos ng mga luha ng binata. This time ay hindi na siya nagdalawang isip. She pulled the young man saka ito mahigpit na niyakap.“It’s okay,” aniya.Ilang sand
NANG araw ring iyon ay naunang pinuntahan ni Dave si Jude para kausapin ito. Sa simula ay tunay nga namang nagdalawang isip siyang gawin iyon dahil baka magalit ito pero nagkamali siya.Katulad kasi ni Jade ay likas na mabait ang lalaki at naunawaan nito ang lahat ng ipinaliwanag niya.Mula sa ginawa niyang pag-amin sa dito sa lahat ng sinabi sa kanya ni Atty. Vergara.“Hindi ko naisip na kapatid mo si sir Danilo although magkapareho kayo kayo ng apelyido. Inisip ko kasi na baka nagkataon lang. Maliit nga ang mundo katulad ng sinasabi nila,” komento pa ni Jude.They way on their way para kausapin ang kanyang ina. Gusto kasi niya na nakaharap si Jude oras na sabihin niya kay Olivia ang tungkol sa lahat ng nalamang niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin siya makapaniwala na nagawang itago ng mother niya ang lahat ng tungkol sa kanyang nalaman.“Yeah, small world. And personally, gusto kong humingi ng tawad. Sa pagsisimula ng mul
“…after all, you didn't know me before, just think that I am one of the many women who have gone through your life that you can replace anytime…”Ang mga salitang iyon ang ngayon ay paulit-ulit na tila ba sirang plakang nagpi-play sa pandinig ni Dave.Kinabukasan iyon at hindi na rin naman siya umuwi. Nag-stay siya sa kanyang penthouse dahil pakiramdam niya dito siya makakapag-isip ng mas magandang solusyon sa kanyang problema.Kahit anong gawin niya wala siyang maramdamang hinanakit kay Jade. Siguro dahil alam niya ang totoo. Dahil alam niya kung gaano siya nito kamahal.Ang totoo nagagalit siya sa sarili niya pero lalong higit sa kanyang ina. Kung hindi dahil sa panghihimasok nito ay hindi mangyayari sa kanya at kay Jade ang ganito.Kung tutuusin pwede niyang puntahan si Olivia at pagsalitaan ng hindi magaganda. Pero sa abot ng kaniyang makakaya ay pinipigilan niya iyon. Dahil alam niya at nakatitiyak siya na or
NARINIG ni Jade ang sinabing iyon ng binata at agad na ay na-overwhelm ng matinding kaligayahan ang kanyang puso. Pero gaano mang katindi ang kagustuhan niyang sagutin si Dave ng isang sweet yes ay hindi niya magawa.Hinayaan nalang niyang angkinin si Dave.Sa ganoong paraan man lang sana ay magawa niyang maiparamdam dito ang katotohanan ng kanyang nararamdaman. Ang tunay na nasa puso niya.Minabuti niyang mag-pretend na hindi niya naririnig ang sinasabi ng binata dahil hindi rin niya ito kayang i-reject.*****MATAGAL nang tulog si Dave nang mula sa mahigpit nitong pagkakayakap sa kanya ay pinagsikan ni Jade ang makawala.Alam niyang hindi ito ang huli dahil sigurado siyang gagawa si Dave ng paraan para maulit ito.Sa puntong iyon ay hindi napigilan ni Jade ang matawa ng mahina kasabay ng muling pagpatak ng kanyang luha. Para lang pagsisihan ang hindi niya pagpipigil dahil iyon ang gumising sa binata.“Hey,” ang na
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






