Share

CHAPTER 5

NALIE ATHALIA....

Matapos ang nangyari sa bahay nila ni Lincoln at matapos s'yang palayasin nito sa mismong pamamahay nilang mag-asawa ay nagpasya s'yang umuwi sa kan'yang condo na mabigat ang puso.

Kung hindi s'ya naging sigurista ay baka sa kalsada s'ya pupulutin pagkatapos mapalayas ng asawa.

Kahit papaano ay marami na naman s'yang naipundar na mga property na lingid sa kaalaman ng manlolokong asawa n'ya.

Hindi n'ya alam pero parang ramdam n'ya na kailangan n'yang magkaroon ng mga sariling property kaya lingid sa kaalaman ng asawa n'ya ay marami s'yang nabili na mga ari-arian na nakapangalan sa kan'ya at hindi conjugal nilang dalawa ni Lincoln.

Nang maalala ang asawa ay mahigpit n'yang naikuyom ang mga kamao at pinipigilan ang sarili na maiyak. Ngunit mas lalo lang bumigat ang kan'yang dibdib kaya naman ay malakas n'yang pinokpok ang manibela at napasigaw dahil sa sobrang sakit.

Oo nga at wala sila masyadong mga happy moments na mag-asawa ngunit minahal nya ng totoo si Lincoln at hindi n'ya na naisip pa ang buhay n'ya na hindi ito ang kan'yang kasama sa pagtanda.

Halos sa lalaki umiikot ang kan'yang buhay na sa pag-aakala n'ya ay magiging ok na ang lahat at magiging magkasama na sila hanggang sa huli dahil wala naman silang problema sa kanilang pagsasama.

Ngunit nagkakamali pala s'ya sa kan'yang pinaniniwalaan at harap-harapan na niloloko ng kan'yang magaling na asawa at matalik na kaibigan.

Kahit minsan ay hindi pumasok sa isip n'ya na magagawa ni Cynthia na agawin ang kan'yang asawa. Parang kapatid na ang turing n'ya rito ngunit inahas lang s'ya ng kaibigan at sa lahat ng tao ay ang asawa n'ya pa ang pinatos nito.

Naglaglagan ang kan'yang mga luha dahil sa sobrang sama ng loob. Padausdos s'yang naupo sa sofa at itinakip ang mga palad sa mukha habang malakas na napahagulhol ng iyak.

Ang sakit! Sobrang sakit ng kan'yang nararamdaman sa mga oras na iyon. Pinagsawa n'ya ang kan'yang sarili sa pag-iyak at ng mapagod ay dahan-dahan s'yang tumayo at pumasok sa kan'yang kwarto.

Hinubad n'ya ang lahat ng kan'yang damit at pumasok sa banyo. May malaking salamin na dingding ang kan'yang banyo at wala sa sarili na napatingin s'ya sa kan'yang imahe sa salamin.

Mapait s'yang napangiti habang pinagmamasdan ang kan'yang sarili. Kung sa katawan lang ay may ibubuga naman s'ya. She has a perfect curve na nasa tamang anggulo.

Ang problema lang sa kan'ya ay hindi s'ya palaayos at madalas ay mga conservative clothes ang kan'yang suot. Never n'ya pang naranasan na magsuot ng mga sexy o revealing na mga damit dahil nasanay s'ya na naka palda at blusa na may mahabang manggas.

Para sa kan'ya ay wala namang mali sa kan'yang suot ngunit hindi na pala masaya ang kan'yang asawa sa kan'yang mala-manang na fashion kaya naghanap ito ng babae na sopistikada at revealing manamit.

Mahina s'yang natawa ng sumagi sa kan'yang isip kung paano manamit si Cynthia. Halos kita na ang kaluluwa nito madalas at ito siguro ang dahilan kung bakit nagugustohan ni Lincoln ang babae.

Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo at pumasok na sa shower. Naligo s'ya na parang wala sa kan'yang sarili. Ilang minuto s'yang nanatili na nakatulala lang sa ilalim ng shower kung saan ay bumabagsak ang malamig na tubig sa kan'yang katawan.

Ngunit ng mahimasmasan ay agad s'yang gumalaw para maligo ng maayos. Kiniskis n'ya ang kan'yang buong katawan hanggang sa nakaramdam na s'ya ng hapdi sa balat dahil sa sobrang pagkiskis rito.

Nang magsawa sa ginagawa ay nagpasya na s'yang lumabas ng shower. Agad n'yang tinuyo ang katawan at ang kan'yang buhok bago lumabas ng banyo.

Dumiretso s'ya sa kan'yang closet at naghagilap ng masusuot. Halos lahat ng kan'yang mga damit sa closet ay pang manang at wala man lang s'ya may nakita na maikli na short or palda. Halos lahat at mahaba na akala mo ay takot na takot na mahanginan ang kan'yang balat.

Hinablot n'ya ang isang puting polo at isang pantalon na maong. Pagkatapos at tinungo n'ya ang kan'yang drawer at naghanap ng gunting. May nakita naman s'ya kaya agad n'ya itong kinuha at lumapit sa kan'yang kama.

Inilatag n'ya roon ang pantalon at walang pag-alinlangan na ginupit hanggang sa hita. Nang matapos ang ginagawa ay nagsuot s'ya ng panloob at isinuot ang puting polo at ang pantalon na ginupit na ngayon ay naging short na matapos n'yang gupitin.

Itinali n'ya ang dulo ng kan'yang suot na polo sa pusod banda at itinupi ang manggas nito. Binuksan n'ya din ang butones sa dibdib showing her cleavage na sumisilip sa nabuksan na mga butones.

Pinatuyo n'ya ang kan'yang buhok gamit ang blower at itinali ito ng pataas. Ngayon lang s'ya nagtali ng buhok dahil madalas ay nakalugay lang ang kan'yang mahaba at itim na itim na buhok.

Nagpahid s'ya ng kauting lipstick sa labi at pagkatapos ay sinipat n'ya ang kan'yang kabuoan sa salamin.

Mapait s'yang ngumiti ng makita ang kan'yang hitsura. Para s'yang p****k na trying hard. Rumagasa ang sakit sa kan'yang dibdib ng bumalik sa isip n'ya ang ginawang panloloko ng asawa at ng matalik na kaibigan.

Binaklas n'ya ang suot na polo at hinubad ito kasunod ang kan'yang short. Hindi n'ya dapat baguhin ang kan'yang sarili para lang ipakita kay Lincoln na kaya n'ya rin ang magsuot ng katulad sa nga sinusuot ni Cynthia.

Hindi s'ya ganong klase ng babae at kahit kailan ay hindi s'ya gagaya ninoman para lamang na mapansin ng ibang tao.

Bumalik s'ya ulit sa kan'yang closet at kumuha ng slacks at pinarisan ng isang puting blouse na may pagka pormal.

Pagkatapos ay nagbihis at itinali ang kan'yang buhok. Wala naman sigurong mali kung magtali s'ya ng buhok. Kinuha n'ya ang susi ng kan'yang sasakyan at lumabas ng condo.

Gabi na pala at hindi n'ya man lang namalayan ang oras. Pumasok s'ya sa kan'yang sasakyan at agad na pinaharurot ito paalis. Hindi n'ya alam kung saan pupunta at natagpuan n'ya na lamang ang kan'yang sarili na nasa harapan na ng isang bar.

Gusto n'yang makalimot kahit ngayong gabi lang kaya nagpasya na s'yang pumasok sa loob ngunit agad ding natigilan ng may marinig na pamilyar na pagtawa mula sa kan'yang likoran.

"Well...well..well! Look who's here honey?" ang malandi na boses ni Cynthia na puno ng pang-uuyam ang nagpatigil sa kan'ya sa akmang pagpasok sa bar. Nagbuga s'ya ng hangin at inipon ang lahat ng lakas sa katawan bago humarap sa mga ito.

Ang nang-iinsulto na mukha nito ang bumungad sa kan'ya habang si Lincoln naman ay seryoso ngunit nakataas ang sulok ng labi na nakatingin sa kan'ya.

"What are you doing here Nalie?" nakangising tanong ni Cynthia.

"What do you think Cynthia?" taas kilay na sagot n'ya rito. Bakit ba s'ya matatakot sa babaeng ito? Hindi s'ya ang may atraso sa babae kundi ito ang may ginawang mali sa kan'ya ngunit sa inaasta nito ngayon ay dinaig pa ang naligo ng bleach dahil sa pagmamalinis na akala mo ay walang ginawang kasalanan.

"Don't tell me magba-bar ka?" nakataas ang kilay na tanong ng babae sa kan'ya.

"Bakit hindi ba pwedeng pumasok sa bar na ito? May pera naman ako na ibabayad sa iinumin ko," malamig na sagot n'ya rito ngunit malakas lamang itong tumawa sa kan'yang sinabi. Nakakakuha na sila ng atensyon ng ibang mga tao at nakaramdam na rin s'ya ng pagkapahiya ngunit tinatagan n'ya ang kan'yang sarili at walang takot na hinarap ang babae at ang asawa n'ya.

"Nakakatawa ka Nalie! May pera ka ngang pambayad sa bar na ito but look at you! Dinaig mo pa ang manang na nagtitinda ng mga gulay sa palengke! Gosh! Nakakahiya ka talaga! Mabuti na lang pala honey at iniwan mo na ang kahiya-hiyang babae na yan dahil kung hindi ay mapapahiya ka ng bongga dahil sa kabaduyan n'ya," matalas ang dila na sabi ni Cynthia at hindi matatawarang insulto ang ibinato nito sa kan'ya.

Naikuyom n'ya ang kan'yang mga kamao at akmang sasagutin ito sa sinabi nito at pang-aalipusta nito sa kan'ya ngunit may braso na bigla na lamang pumulupot sa kan'yang bewang at hinapit s'ya palapit rito.

"Do you think you are beautiful with your skimpy outfit Ms? Well... there is nothing good the way you dress. You looks like a cheap p****k sa gilid-gilid," matigas at malamig ang boses na sabi ng lalaki na humapit sa kan'ya.

Tiningala n'ya ito para tingnan kung sino ang pangahas na lalaki ngunit agad ding natigilan at umawang ang kan'yang bibig ng makilala ang naturang tao.

"Judge C-Carson?" mahina at nauutal na tawag n'ya sa binata. Tumunghay ito sa kan'ya at matamis na ngumiti na ikinakabog ng kan'yang puso ng sobrang lakas.

"I got you Doc, leave it to me, " sabi nito habang nakangiti pa rin ngunit agad na pinutol ng galit na boses ng asawa n'ya.

"How dare you insult my girlfriend! Hindi mo ba ako kilala?" sigaw ni Lincoln kay judge Carson ngunit hindi man lang nakitaan ng pagkatinag o takot ang lalaki.

"At ako kilala mo ba? The next time your girlfriend insult doctor Nalie, I will make sure na sa bilanggoan s'ya pupulutin," matalim at matigas na sagot ni judge Carson sa mga ito. Natigilan pareho ang dalawa at hindi nakahuma at kinuha naman ni judge Carson ang pagkakataong iyon para hatakin s'ya papasok ng bar at hindi man lang s'ya nakapag protesta dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari.

Mga Comments (22)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
to the rescue SI Judge Carson
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
to the rescue ka judge Carson
goodnovel comment avatar
Robelyn Senador
sana all may taga pagtanggol...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status