Share

CHAPTER 6

NALIE ATHALIA...

Namalayan n'ya na lang na ipinasok na s'ya ng lalaki sa isang pribadong silid. Sa hinuha n'ya ay isa itong vip room para sa mga gustong mgkaroon ng privacy.

Inilibot n'ya ang tingin sa paligid at nakita n'ya na kumpleto sa mga gamit sa loob ng kwartong iyon. May tv, may billiard table, may mahabang mesa at may natatakpan na mga pagkain sa ibabaw nito, may mahabang sofa at mga upoan na pwedeng upoan kung pang maramihan ang gagamit sa kwartong pinagdalhan sa kan'ya ng judge.

"Sit down doctor Nalie," ang baritonong boses ni judge Carson ang nagpabalik sa kan'ya sa sarili. Marahas n'yang nilingon ang lalaki at naabutan n'ya itong mataman na nakatingin sa kan'ya.

"Bakit mo ako dinala rito?" matigas at may diin na tanong n'ya sa binata. Mahina itong natawa at tumaas ang sulok ng labi nito na nakatingin sa kan'ya.

"Seriously? As far as I remember, I saved you from those two idiots just now," nakataas ang kilay na sagot ni judge Carson sa kan'ya.

"You don't need to do that! Kaya kong ipangtanggol ang sarili ko," singhal n'ya rito.

"Kaya mong ipangtanggol ang sarili mo? Eh sa hinayaan mo nga lang ang dalawang iyon na alipustahin ka at pagsabihan ng kung ano-ano! Bakit hindi ka lumaban? You have all the right to fight pero nakatayo ka lang sa harapan nila at hinayaan silang dalawa na alipustahin at insultohin ka!" malamig na sagot ng lalaki sa kan'ya.

Ang bawat kataga na binibitawan nito ay parang punyal na tumatarak sa kan'yang puso dahil may bahagi ng pagkatao n'ya na sinasabing tama ang lalaki. Kaya n'ya namang ipangtanggol ang kan'yang sarili ngunit hindi talaga s'ya ganon ka asal aso para patulan ang mga nanghahamak sa kan'ya lalo na kung nasa publikong lugar sila.

She was raised by her parents na may respeto sa kapwa at sa sarili. Kahit mahirap lamang sila ngunit hindi nagkulang ang kan'yang mga magulang sa pangaral sa kan'ya tungkol sa mga mabubuting ugali.

"Hindi ako iskandalosang tao judge Carson at iyon ang dahilan kung bakit hindi ko pinatulan ang dalawang iyon," mahinahong sagot n'ya sa lalaki ngunit mahina lamang itong natawa at namulsa sa kan'yang harapan.

"Ang tapang-tapang mong manampal ng judge na anytime ay pwede kang kasuhan pero sa dalawang iyon ay wala ka man lang ginawa," nang-uuyam na sabi nito. Sumagi sa kan'yang isip ang nangyari sa kaso kaya naman ay biglang uminit ang kan'yang ulo at nabuhay ang galit n'ya sa lalaking kaharap.

"How dare you! May kasalanan ka pa sa akin dahil ipinatalo mo ang kaso ng batang ginahasa ng doctor na yon tapos kung makaasta ka ngayon ay parang wala kang ginawang kasalanan sa akin!" galit na singhal n'ya sa lalaki. Nakita n'ya ang biglang pag-iba ng mukha nito at parang natataranta at hindi alam ang gagawin ngunit agad ding nakabawi at seryosong nagsalita.

"We don't talk about the case, we will talk about you and those two idiots outside kanina," mahinahong sabi nito na ikinapangingkit ng kan'yang mga mata.

"No! You need to answer me the truth kung bakit natalo sa kaso ang mga magulang ng bata na namolestya. Tell me judge Carson, magkano ba ang ibinayad sayo ng doctor na iyon para ipanalo mo ang kaso n'ya at hahayaan s'yang gumala sa labas ng libre?" matigas at mariin ang bawat pagbigkas n'ya ng bawat kataga rito.

Alam n'ya na may mali sa mga sinabi n'ya rito at lumalabas na pinagbibintangan n'ya ito pero dahil sa magkahalong galit sa asawa n'ya at kay Cynthia pati na ang galit n'ya rito dahil sa nangyari sa court room kanina ay sumabog ang kan'yang pagtitimpi at ito ang napagbuntonan n'ya ng lahat ng galit n'ya na mayroon s'ya sa kan'yang katawan ngayon.

"Watch your word Dr. Jabar, hindi maganda sa pandinig ang mga sinasabi mo. And for your general information, never pa akong tumanggap ng kahit isang kusing para lang ipanalo ang kaso. I'm always fair to everyone at kung nanalo man ang doctor na yon na sinasabi mo, it is because kulang ang mga ebedensya na iniharap n'yo sa korte para madiin ang gagong iyon," sagot nito sa kan'ya na ikinasalubong ng kan'yang kilay.

"What do you mean na kulang? We have all the evidence at lahat ng ipinasa namin sa korte ay legit at totoong mga copy sa nangyari na pang momolestya sa dalagita," inis na singhal n'ya rito. Nakita n'ya kung paano magsalubong ang kilay ng lalaki at puno ng pagtataka ang mga mata na sinalubong ang kan'yang galit na tingin.

"There is no evidence na naipresenta katulad ng sinasabi mo Dr. Jabar kaya hindi naging matibay ang pagdiin n'yo sa doctor na iyon dahil ang natanggap na ebedensya sa korte ay hindi matitibay na naging dahilan para hindi pwedeng kasohan ang nasasakdal," sagot ng binata.

Wala sa sarili na naikuyom n'ya ang mga kamao at umigting ang mga panga dahil sa galit. Kung ganon, ang ibig bang sabihin ay sinabotahe sila ng kanilang abogado?

Ito ba ang tumanggap ng pera mula aa kalaban at sinadyang hindi ipasa sa korte ang mga ebedensya na nakuha n'ya. Kung totoo ang sinasabi ni judge Carson ay tama s'ya sa kan'yang hinala.

Dahil sa galit ay hindi n'ya napigilan ang maiyak sa harapan ng lalaki. Sobrang bigat na ng nararamdaman n'ya at dumagdag pa ito sa kan'yang problema.

Napahikbi s'ya at hindi alintana na nasa harapan n'ya ang lalaki. Wala s'yang pakialam at hindi s'ya nakaramdam ng pagkapahiya dito kung makita man nito na umiiyak s'ya.

"I'm sorry!" boses ni judge Carson ang nagpabalik sa kan'yang diwa. Marahas n'yang pinahid ang mga luha at pagak na tumawa.

"Mukhang pinagkakaisahan ako ng langit ngayong araw ah! Kotang-kota na ako sa sakit sa araw na ito, sana bukas ay hindi ko na maramdaman pa ang ganitong pakiramdam. This is too much!" wala sa sariling sabi n'ya habang nakatingin sa kawalan.

"Come here! Have a sit at mag relax ka muna kahit saglit lang," aya sa kan'ya ng binata at inalalayan s'ya nito at inakay patungo sa sofa. Hindi n'ya man lang nakuha na tumanggi rito at nagpatianod na lang sa paghawak nito sa kan'yang pulso para akayain paupo.

"What do you want to eat? There's food here in case nagugutom ka," tanong ng binata sabay mwestra ng kamay sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.

"Thanks, pero gusto ko lang na malasing ngayon," parang wala sa sarili na sagot n'ya rito. Natigilan ito sa ginagawa at napalingon sa kan'ya.

"Kumain ka ba kanina?" mahinahong tanong ng binata. Hindi n'ya alam pero parang kaswal na lang sa kanila ang mag-usap ng ganito at parang matagal na silang magkakilala kung mag-usap sila.

"No!" maikling sagot n'ya rito. Nagbuga ito ng hangin at kumuha ng plato at lumapit sa mahabang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.

Tahimik naman s'ya na nagpapahid ng kan'yang mga luha at pinipilit na pakalmahin ang kan'yang sarili. Natigil lang s'ya sa ginagawang pagpapakalma sa sarili n'ya ng tumayo sa kan'yang harapan si judge Carson na may hawak na plato na may mga pagkain at nakaumang sa kan'ya.

"Kumain ka muna! Mamaya mo na isipin ang ang mga problema mo," seryosong sabi nito. Nagulat man sa inasta ng binata ngunit hindi s'ya nagpahalata. Walang imik na inabot n'ya ang plato at inilagay sa kan'yang kandungan.

"Eat doc," utos nito sa kan'ya at naupo sa kan'yang tabi. Inangat n'ya ang kutsara at tinidor para simulan na ang pagkain. Napapikit s'ya ng malasahan ang pagkain na ibinigay ni judge Carson.

Ngayon n'ya lang naramdaman na gutom na gutom pala s'ya. Walang imik s'yang kumakain ng maramdaman na parang may nakatingin sa kan'ya kaya nag-angat s'ya ng tingin at naabutan ang galit na mukha ng binata habang nakatingin sa kan'yang pisngi.

"What?" sita n'ya rito. Umigting ang panga nito at ilang beses na gumalaw ang adams apple ng lalaki.

"Who slapped you?" mahina ngunit may diin na tanong ng lalaki sa kan'ya. Nag-iwas s'ya ng tingin dito at ipinagpatuloy na lang ang pagkain.

Hindi n'ya man lang nakita kanina na nag marka pala ang sampal ni Lincoln sa kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pinagbuhatan s'ya ng kamay ng asawa.

Hindi naman nagtanong pa si judge Carson at hinayaan na muna s'yang kumain ngunit nakikita n'ya sa gilid ng kan'yang mga mata ang mahigpit na pagkuyom ng kamao nito na ikinatigil n'ya sa pagkain at agad na nag-angat ng ulo rito.

"Are you mad?" wala sa sariling tanong n'ya sa binata. Mas lalong umigting ang panga nito ngunit hindi naman s'ya sinagot kaya kibit-balikat na lang na ipinagpatuloy n'ya ang pagkain hanggang sa hindi n'ya namalayan na naubos n'ya na pala ang kan'yang kinakain.

Akmang tatayo s'ya para ilagay sa mesa ang plato na ginamit ngunit mabilis na nahawakan ni judge Carson ang kan'yang kamay at agad na kinuha ang plato na hawak n'ya.

Nakasunod lang ang mga mata n'ya rito hanggang sa bumalik ito na may bitbit na isang baso ng tubig at inabot sa kan'ya. Hindi n'ya alam pero sa ginagawang pag-aasikaso ng lalaki sa kan'ya ngayon na hindi n'ya naman kilala ay nakaramdam s'ya ng kaunting saya sa kan'yang puso. Hindi n'ya naranasan kay Lincoln ang pagsilbihan ng asawa at hindi din big deal sa kan'ya ang ganon dahil nasanay s'ya na walang nag-aalaga sa kan'ya kaya ok lang kahit walang ganito na trato mula kay Lincoln.

Ngunit iba pala ang pakiramdam na may nag-aalaga sayo katulad ng ginagawa ni judge Carson ngayon sa kan'ya.

Walang pag-alinlangan n'ya naman itong tinanggap at agad na tinungga. Naupo sa kan'yang tabi ang lalaki at sa gilid ng kan'yang mga mata ay nakita n'ya ang mataman na tingin nito. Hindi n'ya ito nilingon at nagkunwaring hindi n'ya alam na nakatingin ito sa kan'ya.

"Sino ang dalawang iyon kanina? At sino sa kanila ang sumampal sayo?" seryoso ngunit matigas ang bawat pagkakabigkas nito sa kataga na tanong sa kan'ya. Nagbuga s'ya ng hangin dahil mukhang hindi s'ya nito tatantanan sa katatanong tungkol sa dalawang mga traidor.

"My husband and my best friend," sagot n'ya rito. Nakagat n'ya ang kan'yang labi ng maramdaman ang pagsigid ng sakit sa kan'yang puso.

"What? Asawa mo at kaibigan?" gulat na tanong nito. Pagak s'yang natawa at nilingon ito at kita n'ya ang gulat sa mukha ng lalaki.

"Yeah! After the hearing kanina ay umuwi agad ako sa bahay dahil masama ang loob ko sa pagkatalo sa kaso at naabotan ko silang dalawa sa mismong kwarto namin at parehong walang damit. Kinompronta ko sila at inamin naman nila na matagal na nila akong niloloko. My husband kicked me out from our house at mas pinili ang kabit n'ya kaya ako nandito ngayon para sana makalimot sa lahat ng nangyari ngayong araw ngunit mukhang sinusundan pa rin ako ng malas hanggang dito," mahabang kwento n'ya rito. Hindi n'ya maintindihan ang sarili kung bakit sinabi n'ya sa lalaki ang nangyari sa kanila ng asawa n'ya.

Siguro ay dahil wala s'yang mapagsabihan sa sakit na nararamdaman n'ya ngayon kaya madali para sa kan'ya ang magkwento dito.

"And who slapped you?" narinig n'yang tanong ng lalaki. Mahina s'yang natawa at hinaplos ang kan'yang pisngi na sinampal ni Lincoln kanina para lang mapangiwi ng maramdaman ang sakit sa parteng iyon ng kan'yang mukha.

"My husband!" sagot n'ya sabay yuko dahil biglang sumigid ang sakit sa kan'yang puso ng banggitin n'ya ang katagang asawa. Hindi n'ya nakita ang reaction sa mukha ni judge Carson dahil nakayuko s'ya at ang sapatos lamang nito na nasa sahig ang nakikita ng kan'yang mga mata.

Agad namang tumayo ang binata at tinungo ang maliit na ref sa gilid. Pagbalik nito ay may hawak na itong ice pack sa kamay. Kinuha nito ang isang panyo mula sa bulsa at ibinalot sa naturang ice pack na hawak at bumalik sa kan'yang kinauupoan.

Nagulat s'ya sa ginawa ni judge Carson sa kan'ya at hindi agad nakahuma. Dahan-dahan at puno ng pag-iingat na idinampi nito sa bahagi ng kan'yang pisngi na namaga ang panyo na may ice pack sa loob.

"I will make sure that your jerk husband will pay for what he did to you!" matigas at nakakatakot na sabi nito na ikinagulat n'ya. Hindi s'ya nakahuma ng ilang segundo at nakatingin lamang sa mga mata ng lalaki na nagbabadya ng katakot-takot na panganib sa mga mata nito.

Siobelicious

Thank you for reading babies ❤️❤️

| 2
Mga Comments (27)
goodnovel comment avatar
Scarlet Suarez Presquito
maganda, wala na, walang episode
goodnovel comment avatar
Mylen Kalaw Msrp
nelie Ayan na Ang iyung tagapatangol.gogogo judge
goodnovel comment avatar
Aldrich Sode
. ang ganda naman , ang sweet ni judge,
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status