LOGIN"Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick.
"Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-apply sa kompanya mo?" biro ko. Si sir Maverick na ngayon ang humahawak sa kompanya nang magkasakit ang kaniyang ama. Magaling siyang magpatakbo at mabilis din siyang nakilala sa industriyang ito. "Bakit kailangan mo pang mag-trabaho kung pwede ka namang maging kabiyak ko?" deretsong sagot niya. Napatanga ako sa sinabi niya? Nag-propose ba siya sa akin? At paano ako matatanggap ng pamilya niya gayong isa lamang akong katulong na walang ibang maipagmamalaki kundi ang sipag. "Do me a favor. Pakasalan mo ako upang tuluyan nang mapasaakin ang kompanya ni papa" seryosong aniya. Lumingon-lingon ako baka may makarinig at mas lalo na naman akong pag-initan ng mga dalagang katulong. "Huwag kang mag-alala. Ililihim natin ang pagpapakasal. Hindi kita ipakilala bilang asawa ko. Wala kang ibang gagawin. Papakasalan mo lang ako at ililihim natin ito. Babayaran kita ng malaki" Ang mga puri niya sa akin ay isang hakbang upang maisagawa ang hindi magandang plano. Hindi ibig sabihin nito ay nagugustuhan niya ako. Gusto niya lang makuha ng tuluyan ang kompanya ng papa niya. Kapag naikasal siya sa akin ay ipapangalan na sa kaniya ang kompanya. At kapag nangyari iyon ay babayaran niya ako ng malaki na makatutulong sa pagpapagamot sa may sakit kong ina. "Ano? Payag ka?" nginitian niya ako. "Payag ako, ngunit ipangako mo sa akin na tutulungan mo akong mapagamot si nanay" matapang kong ani. Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang mukha. "Maliit lang ang magagastos sa pag papa-opera sa nanay mo. Deal" Ngumisi ako at tinanggap ang pakikipag-kamay sa kaniya. Handa kong isugal ang kapayapaan ko para sa nanay ko. Handa akong isuko ang lahat. Nang araw ding iyon ay sabay kaming pumunta sa isang malapit at pribadong law office para sa isang sibil na kasal. Walang nakakaalam sa plano namin maliban kay tiya Annabelle na siyang nagsisilbing witness ng aming kasal. "Gawin mong pendant ang singsing upang hindi malaman ng iba na kasal ka na" utos niya sa akin. Patuloy pa rin ako sa pagiging house maid. Walang nakakahalata sa namamagitan sa amin ni sir. Kahit si tiya Annabelle ay nanatiling tahimik. Halos hindi na rin ako kinausap ni sir Maverick. Nakaramdam ako ng konting hapdi sa aking puso. Ngunit hinayaan ko na lang dahil natupad naman niya ang kahilingan kong ipagamot si nanay. Lumipas ang mga araw, madalang ko na lang makikita si sir Maverick. Marahil ay busy sa trabaho o kaya ay iniiwasan ako. Nasasaktan ako sa huling naiisip. Nagkaroon din ng munting selebrasyon ang mga Arañez nang malamang kasal na si sir Maverick. Hinahanap pa sa kaniya ang napangasawa ngunit hindi niya naman pwedeng sabihin na ako ang pinakasalan niya. "Iho, kung hindi mo maipakilala sa amin ang asawa mo ngayon, ipakilala mo siya sa amin sa susunod na taon. Gusto kong makilala ang manugang ko" nakangiting hiling ni Mr. Melchor Arañez sa anak. "Oo, nga kuya. Gusto kong makita kung maganda ba siya" sabat ni Mikaela—ang nag-iisa niyang kapatid. "Huwag niyo ngang pinipilit ang anak ko. Magsasabi siya kung kailan niya gusto" saway naman ni madam Theresa sa mag-ama. Nakita ko ang pag-alpas ng ngiti ni sir Maverick sa kakulitan ng pamilya. Nagulat din ako nang bigla siyang tumingin sa akin. Nakangiti pa rin at puno ng mangha ang mukha. Nakapila kaming lahat na mga katulong dito sa gilid. Nasa gitna ako at kaharap pa mismo sa inuupan niya kaya madali niya akong makita. Kung babanggitin ng mag-anak ang salitang asawa ay napapatingin siya sa akin. Kinakabahan ako baka may makakahalata. "May binili akong penthouse. Sumama ka sa'kin upang maaalagaan kita ng maayos" Biglang sumulpot si sir Maverick sa tabi ko pagkatapos ng handaan. Malalim na ang gabi, marahil tulog na ang lahat pero heto ako at nagmumuni-muni pa sa labas. Kung hindi lang ako ginulat ni sir ay baka naiiyak na ako sa sobrang lungkot. "Ako dapat ang nag-aalaga sa'yo dahil katulong lang ako" tanging sagot ko na lang. "Hindi ba't inaalagaan ng mga lalaki ang kanilang asawa? Happy wife, happy life, ika nga" inismiran ko siya sa sinabi niyang ito. Kung hindi niya lang ako binayaran ay hindi ako papayag na magpapakasal sa kaniya. Kay layo ng agwat ng aming buhay. Siya ay nasa ibabaw at nagsasaboy ng mga pagkain habang ako naman sa ibaba ay tumutuka lang upang mabuhay. "Katulong pa rin ako. Nagta-trabaho ako sa inyo upang mabuhay" bumuntong-hininga ako. "Kung iyan ang inaalala mo, maaari ka pa ring manilbihan sa akin. Sumama ka sa akin sa penthouse at doon mo ako pagsilbihan" Hinawakan niya ang kamay ko. Napabuntung-hininga ako dahil alam kong hindi na ako makakatanggi sa gusto niya. Kahit hindi niya ako pilitin, napapayag niya pa rin ako sa simpleng hawak niya sa kamay ko. "Bakit ka nga pala hindi umuuwi ng ilang araw?" sa halip ay tanong ko. "Nagtatampo ka ba?" Mabilis akong lumayo sa kaniya. Wala ako sa lugar para magtampo. Isa lamang akong hamak na katulong. Kahit pinakasalan niya ako ay hindi pa rin maaalis ang katotohanang pera lang ang nagdugtong sa aming dalawa. Umiling ako kahit alam kong nasasaktan ako sa pag-Iwas niya sa akin. "Shaira, ang ganda mo" biglang puri niya. Binigyan ko siya nang hindi makapaniwalang tingin. Nakuha na niya ang gusto niya. Bakit kailangan pa niyang magsinungaling? May kailangan pa ba siyang iba? "Sabihin mo na kung anong gusto mo, Sir?" deretsang tanong ko. Isang beses siyang bumuntong-hininga bago sumagot sa tanong ko. "Gusto ni papa ng apo" Natutop ako sa kinatayuan ko. Hindi ko maibigay ang kaniyang kahilingan. Hindi dapat ako ang magbibigay sa kaniya ng anak. Sa katunayan nga, hindi dapat ako ang pinakasalan niya. Alam kong may nagugustuhan siyang babae. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kaniya dahil sa angking kagwapuhan at tikas ng katawan. "Hindi ko kayang ibigay ang kahilingan mo, Sir" "Alam ko. Sinasabi ko lang baka sakaling pagbibigyan mo ako" dumaan ang sakit sa mata niya, hindi lang ako sigurado dahil sa dilim. "Gusto kita, Shai. Hindi ang kompanya ang rason ko kung bakit kita pinilit na pakasalan ako. Gusto kita, matagal na" Hindi ko alam kong paano ko nakayanan ang gabing iyon. Mayroon akong nalaman tungkol sa kaniyang nararamdaman. Noong inalok niya ako ng kasal ay nawaksi sa isipan ko ang pagtingin niya sa'kin. Kaya ngayong inamin niya ang nararamdamdan para sa'kin ay muling nanumbalik kung paano niya ako titigan. Sumilay ang maliit na ngiti sa aking labi nang mapagtantong isa akong masuwerteng babae. Hindi lang nagkakagusto sa akin ang lalaking pinangarap ng iba, pinakasalan pa. Kaya naman, kahit lihim ang relasyon namin, habang-buhay ko itong iingatan.Matapos ang naging sagutan namin ni Eleanor ay mabilis siyang nag-martsa paalis ng bahay. Lumabas naman si Shan mula sa kusina at may bitbit na juice at sandwich. At talagang pumili pa ng mamahaling pagkain ang higad na iyon. "Nasaan na ang maarteng babae, ate? Nandito na ang hiniling niya. Umutang pa ako ng pera kay Ate Lea" Para akong nanggagalaiti sa narinig. Ang lakaw ng loob niyang humiling ng malaki gayong halos masuka na siya sa pandidiri sa aming bahay."Umuwi na. Sana hinayaan mo na lang siyang mamatay sa gutom"Nakakainis. Marahil siya ang gumawa ng paraan upang matanggal sa listahan ng mga honor ang kapatid ko."Sino siya, ate? Bakit sinabi niya kanina inagaw mo si Kuya Maverick? Totoo po ba iyon? Totoo din po ba na may relasyon din kayo ni Mr. Melchor? Kaya ba kayo nag-usap kanina?" sunud-sunod niyang tanong.Aba't! Iba din talaga ang tama ng babaeng iyon. Ginawa na nga akong mang-aagaw, ginawa pa akong kerida ng ama ng asawa ko. Anong paninira pa ba ang gagawin niya upa
Tahimik lang ako habang kaharap ko si Mr. Melchor. Pinauna ko na ang kapatid ko dahil mayroon daw kaming pag-uusapan. Tahimik lang kami habang naghihintay sa order namin. "Anong gusto mong pag-uusapan?" walang emosyon kong tanong. "Tungkol sa tatay mo" Napatingin ako sa kaniya. Deretso lang ang tingin niya sa akin. Tumayo na ako. "Kung tungkol sa mga magulang ko, ayaw kong makipag-usap" Bago pa man ako tuluyang makaalis ay nagsalita na si Mr. Melchor. "Hindi inagaw ng nanay mo si Erwin" Para akong napako sa kinatayuan. Sa isang iglap lang ay nakaupo na ulit ako sa harap niya. Wala munang nagsalita sa amin nang ilapag serbidor ang aming pagkain. "Ikuwento mo ang lahat ng pwede kong malaman" sabi ko habang sinubo ang inorder niyang steak para sa'kin. Huminga siya nang malalim bago nagsimulang mag-kuwento. Lumingon siya sa paligid, parang sinisiguro kung may makakarinig ba sa amin. "Bago palang tumuntong ng labong-walo si Theresa ay nakatakda na siyang ikasal sa ana
"Ate Lea, maraming salamat po talaga at pumayag kayong samahan si nanay dito. Nag-aalala na ho kasi kami kay nanay. Tahimik pa rin" Humiling ako sa kapitbahay naming si Ate Lea na bantayan muna si nanay habang nasa paaralan kami. Natatakot ako na kapag mag-isa lang siya dito ay may mangyayaring masama sa kaniya. "Ano ka ba. Wala iyon, Shaira. Nag-aalala na rin ako diyan kay Manang Sherly" mula sa akin ay inilipat niya ang kaniyang paningin kay Shan na tahimik lang sa tabi. "Malugod na pagbati sa'yo, iho" Tumango lang si Shan. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari sa akin. Hindi naman ako nanunumbat. Sa katunayan nga, desisyon ko ito sa hangad na mapaganda ang aming buhay. Hindi ko naman alam na magiging ganito pala ang lahat. Hindi ko pa nga natatanong kay nanay ang gumugulo sa isipan ko. Wala akong puso na magtanong sa kaniya. Lalo pa ngayon na parang may dinaramdam siyang malaking problema. Gusto ko man siyang damayan ay hindi ko muna ginawa. Hihintayin kong siya
Mahirap makalimot lalo na kung ang taong iniiwasan mo ay palaging nagpapakita sa'yo. Halos araw-araw sumusulpot si Maverick sa bahay. Nagdadala ng kung ano-ano. Kahit anong gawin kong pagtulak sa kaniya at nanatili siyang matatag. Nag-aalala na nga ako sa trabaho niya bilang CEO ng kanilang kompanya na ngayon ay pagmamay-ari na niya. "Hayaan mo muna akong iparamdam sa'yo ang aking pagmamahal, Shai" pagmamaktol niyang nang pauwiin ko siya. "Babagsak ang kompanya niyo kung hindi ka babalik doon" malamig kong saad. Binalita ni Kyla sa akin noong nakaraang linggo na marami siyang tinanggal na trabahanta. Lahat daw ng employees ay natatakot sa kaniya. Takot na sila dati pa, iyon ang napapansin ko. Ngunit base sa ibinalita ni Kyla, parang lumala ang pagiging strikto ni Maverick. Maging si Kyla ay natatakot ng magkamali. "Mahihintay ako ng trabaho, Shaira. Ayokong maghintay pa ng ilang araw bago kita suyuin, baka mawala na ang pagmamahal mo sa'kin" Kinagat ko ang labi ko. Gusto kong
Nanginginig pa rin ang buo kong katawan habang nakasakay sa kotse ni Maverick. Kinakabahan ako baka may nangyari ng masama sa nanay ko. Sa likod nakaupo si Shan na pilit pino-proseso ang pangyayari.Nang dumating si Maverick sa bahay namin kanina ay mabilis niya akong hinalikan sa labi na ipinagtaka ng kapatid ko. Napilitan kaming sabihin sa kaniya ang lahat. Sinisisi niya ang sarili niya dahil kinailangan ko pa daw isakripisyo ang sarili kong kaligayahan para mabigyan lang siya ng maayos na buhay. Ngunit sinisiguro ko naman sa kaniya na masaya ako para hindi na siya mag-alala pa. Ngunit hindi yata ito tanggap no Shan.Napabuntong-hininga na lang ako. Matatanggap pa rin niya ito kalaunan. Sa ngayon ay hayaan ko muna siyang mag-isip. Unahin ko muna si nanay. Baka nagugutom na siya o di kaya ay nilalamig. Sana walang nanakit sa kaniya. Hindi ko maiwasang ipagdasal ang kalagayan ng nanay ko. Nasaan man siya ngayon sana ay ligtas na siya. At sana mahanap na namin siya."Huwag kang mag-ala
Ilang araw pa akong nanatili sa hospital bago ako ma-discharge. At sa lahat ng araw na iyon ay hindi ko nakita si Maverick. Hindi naging maganda ang huli naming pag-uusap. Ngunit tumatak sa isip ko ang huli niyang sinabi bago siya lumabas sa kwarto ko.Kaya niya bang talikuran ang mama niya para sa'kin? Kung ako ang nasa posisyon niya ay mahihirapan ako, lalo pa't mahal na mahal ko ang aking nanay. Kaya kung pinagsisihan man niya ang sinabi niya ay ayos lang sa'kin. Hindi ko rin naman gustong magalit ang mga magulang niya dahil lang sa'kin.Ngayon ang discharge ko kaya lubos akong natuwa. Paglabas ko dito ay sisiguruhin kong makakahanap ako ng panibagong pagta-trabahuan. May ipon naman ako ngunit hindi naman pwedeng aasa lang kami dito. Hindi ko sasabihin kay nanay dahil hindi niya ako papayagan, lalo na sa sitwasyon ko ngayon."Nabayaran na pala ang bills natin? Sinong nagbayad?" takang tanong ko.Sa pagkakaalam ko, malaki ang bayarin ko dito sa hospital lalo pa't nasa private room a







