LOGINNapatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong.
"Here's our room" untag ni sir. Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan. Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hindi nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong tumango. Simple lang naman pala ang gagawin ko. Marunong naman akong magluto dahil tinuruan ako ni nanay dati. Ang sabi niya, kakailanganin ko ito kapag nag-asawa na ako. Ngunit hindi ko naman naisip na pwede ko palang magagamit ito sa boss ko na asawa ko rin. "What? May tanong ka pa?" aniya nang mapansing nakatitig pa rin ako. "Ano kasi, sir. Kailangan ba talaga magkasama tayo sa iisang kwarto?" Saglit siyang natigilan sa tanong ko. "Naiilang ka ba?" Nang tumango ako ay tumayo siya at ipinakita sa akin ang isa pang silid— katabi lang ng master's bedroom. Tahimik lang akong tumango at nagpasalamat sa kaniya. Pagpasok ko sa kwarto ay labis akong namangha sa ganda. Malaki ang espasyo at maganda ang desinyo. Beige, white, at dark brown lang ang kulay na naglalaro sa loob nito. Malaki ang kama at may vanity mirror pa sa gilid. Mayroon ding malaking closet at may sariling cr pa. Parang hindi ako nababagay sa ganitong kwarto. Mahilig sa beige si sir hindi kagaya ng mga lalaking nababasa ko sa libro dati. Kadalasan kasi sa mga lalaking bida ay mahilig sa itim, puti, at abong kulay. Nang matapos sa pag-ayos ng mga gamit ko ay naisipan kong lumabas at ipagluto siya. Binuksan ko ang p***o. Muntik pa akong matisod sa sobrang gulat. Nakasandal si sir sa hamba ng p***o habang nakatingin sa direksyon ko. Kung hindi lang ako nakatigil agad ay baka mahalikan ko na si sir sa sobrang lapit. Nakatitig lang siya sa akin na para bang sinasaulo ang buong mukha ko. Habang ako naman ay tamang pigil lang ng hininga. Ilang minuto din kami sa ganoong posisyon bago ko naisipang umatras. Yumuko ako sa labis na hiya. "Kanina ka pa diyan?" hindi ko magawang tumingin sa kaniya dahil alam kong namumula ang mukha ko ngayon. Nang hindi siya sumagot ay muli akong nagtanong. "Ano ho ang gusto niyong kainin, sir?" nauutal kong tanong sa kaniya. Nakakahiya. Bakit ba siya nag-abang sa labas ng kwarto ko? May kailangan ba siyang ipagawa sa akin? "Ikaw" "Po?" napatanga ako sa sagot niya. Tumikhim siya at umayos ng tayo. "Ikaw ang bahala" Tumalikod siya at iniwan akong nakatanga. Napabuntong-hininga ako sa nangyari. Pumasok na lang ako sa kusina. Dahil wala akong maisip na gusto ni sir ay tiningnan ko nalang kung ano ang available na lulutuin sa kusina niya. Nang makita ang manok ay naisipan kong ipagluto siya ng chicken curry. Magugustuhan niya kaya ang luto ko? Hindi pa naman ako kasing-galing ni nanay sa pagluluto kahit pa mahilig ako sa ganito. Sinimulan ko na ang pagluluto. Para lang akong nasa bahay namin. Kumekembot ako habang hinahalo ang niluluto. Hindi alintana ang paligid, kung may makakakita man sa akin. Kaya laking gulat ko nang pagharap ko ay ang nakangising mukha ni sir ang tumambad sa akin. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko. Mas lalo akong nahiya nang dahan-dahan siyang humakbang palapit sa akin. Isang pulgada na lang ang layo niya sa akin nang dahan-dahan siyang yumuko, suot pa rin ang pilyong ngiti. Hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko ay dinig niya ang malakas na tibok ng puso ko. Hahalikan niya ba ako? Mas lalo akong nahiya nang marinig ang kalansing ng takip ng kawali at naramdaman ko nalang ang init ng singaw mula sa niluluto kong ulam. Nakakahiya. Iniisip ko pa naman na hahalikan niya ako. 'Yon pala chini-check niya lang ang niluluto ko. Dali-dali akong gumilid upang bigyan siya ng space. Yumuko ako at nanginginig na binigyan siya ng kutsara. "B-baka gusto niyo pong tikman, sir" nauutal kong sabi, namumula pa rin sa labis na hiya at... dismaya? Bakit naman ako madi-dismaya? Dahil ba inaasahan kong halikan niya ako? Jusko naman! Nakakahiya ang iniisip mo, Shaira! Tiningnan ko ang mukha ni sir nang tikman niya ang niluluto ko. Ngayon naman ay kaba ang nararamdamdan ko, baka hindi niya magustuhan ang pagkakaluto. Baka makulangan siya sa timpla. "Hmm…" Hmm? Ano 'yon? Hmm dahil masarap o hmm dahil pangit ang lasa? "Eat with me" aniya bago ibaba ang kutsara sa lababo. Mabilis akong kumilos upang ihanda ang mga kakainan namin. Tahimik lang kaming kumakain. Wala sa amin ang gustong magsimula ng usapan. Kahit ramdam ko pa rin ang nanunukso niyang tingin ay hindi ako tumingin sa kaniya. Nahihiya pa rin ako. Ang daming nangyari. Parang kanina lang muntik na kaming magkahalikan, ngayon naman ay nakita na akong sumasayaw. Nakakahiya talaga. Baka ano pa ang isipin niya. "Magaling ka palang magluto" Halos mabilaukan ako nang bigla siyang magsalita. Hindi iyon tanong. Parang pinapahayag niya na magaling akong magluto. Napangiti ako. "Mahilig po kasi akong magluto. Lagi din akong tinuturuan ni nanay dati" pagbabahagi ko. "Hmm..." Hindi na kami muling nag-usap hanggang matapos kaming kumain. Ngayon ay pupunta kami sa office niya. Dala-dala ko ang gamit niya. May ibinigay din siya sa akin na parang ID. Pass daw, aniya. Pagpasok namin sa building ay binati siya ng lahat. Sabagay, siya ang CEO ng kompanyang ito. Nakapangalan na rin sa kaniya ang kompanyang ito dahil agad nilang inasikaso ang mga papeles pagkatapos malaman ni Mr. Melchor ang tungkol sa pag-aasawa ng kaniyang anak. Sumakay kami sa elevator. Para akong batang nakabuntot lang sa kaniya. Paglabas namin ay sinalubong kami ng isang maliit na babae na may dalang mga papeles. Sa tingin ko ay secretary nya iyon. Mayroon silang pinag-uusapan na hindi ko maintindihan. Pumasok sila sa isang malaking p***o. Nagulat ako nang pagsarhan nila ako. Nakalimutan na yata ako ni sir. Pinihit ko ang doorknob at sinilip sila. Seryosong nakaupo na si sir habang may tinitingnang mga papel sa harap. Ito ata ang dala ng secretary niya kanina. Hindi nila ako napansin nang pumasok ako at umupo sa itim na leather sofa. May pinag-uusapan pa rin sila. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitingin sa mga gamit dito sa loob. Mula sa chandelier, sa vases, sa malaking glass window at ang katabing building. Na-engganyo akong tumingin sa labas. Bago ko pa man mapigilan ang sarili ay napansin ko na lang ang sarili kong lumapit sa glass window at tumingin sa ibaba. Napasinghap ako sa sobrang taas ng kinaroroonan namin ngayon. Kapag mahulog ako rito ay hindi na ako makikitang buhay. Napatingin ako sa isang naka-frame na certificate. "Uhm, excuse me?" tawag sakin ng secretary. Napalingon ako sa kaniya. Mukha siyang suplada sa suot niyang glasses. "Po?" "Huwag ka sanang lumapit diyan baka—" "It's okay, Kyla" putol ni sir sa sasabihin ni Kyla "Sino siya, sir?" Kinakabahan ako sa tanong ng babae. Alam kong gusto ako ni sir pero hindi niya pwedeng sabihin ang totoong relasyon naming dalawa. "She's Shaira Chavez, my personal assistant" cold niyang pagkilala. Napabuntong-hininga ako sa naging sagot niya. Para akong nabunutan ng tinik. Baka husgahan ako ng secretary niya kapag nalaman nitong may mas malalim kaming koneksyon sa isa't isa. Kita naman kasi sa ayos ko na hindi ako mayaman. Kahit pa may maipagmamalaki akong mukha ay halata pa rin sa akin kung saan ako nagmula. "Personal assistant? Hindi ko alam na kailangan mo pala ng P.A, Mr. Arañez" puno ng sarkasmong aniya. "So? I'm very busy right now. You may leave" Umirap lang si Kyla . Tiningnan niya pa ako bago siya nag-martsa palabas. Napatingin ako kay sir na kasalukuyang may pinipirmahan. Nakaupo lang ako sa sofa at hinihintay ang oras na matapos siya sa ginagawa. Naiinip na ako. Ano bang magagawa ko dito? "Gusto mong ipagtimpla kita ng kape?" sa halip ay tanong ko. Nag-angat siya ng tingin at tumango sa akin. "Itanong mo kay Kyla kung saan ang pantry" utos niya bago bumalik sa ginagawa. Tumango ako kahit pa man di niya nakikita. Lumabas ako at nakita ko si Kyla sa kaniyang cubicle. Agad ko siyang nilapitan at nagtanong. Wala naman siyang sinasabi. Sinamahan niya lang ako. Ang galing, may sariling pantry ang kompanya nila. Hindi magugutom ang mga employees. Maraming kape ang nandito at hindi ko alam kung ano ang gusto ni sir, hindi ko rin naitanong. "Black coffee, huwag damihan ang sugar. 'Yan ang gusto ni, Mr. Arañez" biglang sabi ni Kyla na nanonood lang. Agad akong tumalima. Kumuha ako ng itim na mug at nagsimulang mag-timpla. "Hindi pa rin mag-sink in sa isip ko na mayroon na siyang personal assistant ngayon" "Huh?" Napatingin ako sa kaniya dahil hindi ko maintindihan kung bakit niya nasabi iyon. Kakaiba ang ngiting iginawad niya sa akin. "Si Mr. Arañez. Ayaw niya magkaroon ng P.A kaya hindi ako makapaniwalang P.A ka niya" may pagdududa sa boses niya. "P.A niya ako" lang ang tanging nasambit ko. Tumango-tango siya sa akin na parang ayaw maniwala. Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na kasal kami ni sir dahil mas lalong hindi siya maniniwala. Mananatili akong katulong sa harap ng ibang tao. Iyon ang usapan namin at hindi ko ito susuwayin dahil binayaran niya ako para itago ang lihim na ito."Shaira! Shaira!" mabilis akong lumabas sa kitchen nang marinig ang tawag sa akin ni sir Maverick. "Po? Anong problema, sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. "Samahan mo akong kumain" iminuwestra niya ang upuan sa harap niya. Laging ganito ang setup namin. Sa lahat ng katulong dito sa bahay ay ako ang lagi niyang tinatawag upang samahan siyang kumain. Hindi lingid sa kaalaman ko ang nararamdamdan ni sir sa akin. Lagi ko siyang naririnig na pinupuri ako dahilan kung bakit maraming galit na katulong dito sa mansyon ng mga Arañez. "Umupo ka. Hindi dapat nagpapalipas ng gutom ang isang magandang katulad mo" puri niya sa akin. Ang anak ng boss ko na si sir Maverick Arañez ay isang bachelor. Twenty seven years old na siya ngayon ngunit wala pa siyang ipinakilalang babae sa mga magulang niya. Lagi niyang sinasabi na may nagugustuhan siya ngunit hindi niya maaaring sabihin. "Kumusta pala ang trabaho mo, Sir?" tanong ko upang maiwasan ang ilang na namagitan. "Pwede ba akong mag-a
Napatanga ako sa laki ng penthouse ni sir Maverick. Penthouse ba talaga to? Mas malaki pa yata ang sala nito kesa buong bahay namin. Ngayong araw ay lumipat na ako sa penthouse gaya ng napag-usapan namin ni sir noong nakaraang gabi. At gaya ng napag-usapan ay hindi ako nandito bilang asawa, kundi bilang personal na katulong. "Here's our room" untag ni sir.Our room? Magkasama kami sa iisang kwarto? Akala ko ba nandito lang ako dahil kailangan niya ng personal na katulong? Hindi naman kami pwedeng magsama sa iisang kwarto dahil hindi naman ako sigurado sa inamin niya noong nakaraan.Umupo siya sa sofa nang naka-de-kwatro. Pinanood ko lamang siya habang ginagawa niya iyon. Ako naman ay patuloy na inililibot ang tingin sa buong bahay. Maganda ang desinyo, bumabagay sa kulay ng puting kesame at beige na dingding. "Si Aling Bebang ang maglilinis dito. Ang gagawin mo ay ipagluluto lang ako dahil gusto kong matikman ang luto mo. Sasamahan mo rin ako sa lahat ng lakad ko" sabi niya nang hi
Isang linggo na simula noong tumira ako sa penthouse ni sir. Araw-araw niya akong dinadala sa office niya. Kapag nasa office niya ako ay wala akong ibang ginagawa kundi ang ipagtimpla siya ng kape at papanoorin siya buong maghapon.Sa loob ng isang linggo ay si Kyla lang ang nakakausap ko. Hindi naman pala siya suplada. Sa katunayan nga ay mabait si Kyla. Nalaman kong magka-barkada pala sila ni sir. Marami sila sa kanilang grupo ngunit ang iba daw ay madalang nalang makakasama dahil mayroon ng mga sariling pamilya. Namangha pa ako dahil kaibigan niya ang kinuha niyang secretary at hindi ibang tao. "Lima nalang kami sa barkada na wala pang anak. Sa tingin ko, si Mr. Arañez ang susunod na hindi na pwede sa mga gala dahil may anak ng binabantayan" kwento ni Kyla.Tumikhim ako. Hindi niya alam ang namagitan sa amin ni sir. Ngunit hindi ko maiwasang magduda na may napapansin siya sa mga kilos namin. "May girlfriend si sir? Tumawa lang siya ng nakakaloko kaya nagtaka ako. Nagsisinungalin
Nagising ako dahil sa lamig na nararamdamdan. Pagmulat ko ng mata ay agad na sumikdo ang sakit sa aking ulo. Mariin akong pumikit at hinilot ang sintido. Bumangon ako at agad ding napayakap sa katawan nang mapansing wala akong damit. Nilibot ko ang paningin sa loob ng kwarto ko. Litong-lito ako sa nangyari.Naninigas ang katawan ko nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Dahan-dahan akong lumingon at halos ipagdarasal ko na sana ay kainin ako ng lupa nang makita ang katabi. Bakit nandito si sir? Anong nangyari, bakit kapwa kami nakahubad?"Hmm" ungol ni sir.Parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko maalala kung paano pero alam kong may nangyari sa amin. Napag-usapan na namin na hindi muna pasukin ito. Kapag nagbunga ito ay malalaman ng lahat ang sekreto namin. Masasaktan si nanay. Tumayo ako, tinakpan ang sarili gamit ang kumot at agad na nagsisi nang humakbang ako. Sobrang sakit ng nasa baba ko. Impit akong napahiyaw sa hapdi."Don't move" nagulat ako nang magising siya. Tiningnan ko
Lunes na nang makabalik kami sa penthouse ni sir. Iyon ay dahil gusto pa nilang manatili sa bahay noong linggo. Bumalik sa normal ang lahat, maliban sa naging sweet at bukas kami sa isa't isa. Pagkatapos naming mag-agahan ay gumayak na kami papuntang office. Nakasalubong namin si Kyla na may nanunuyang tingin. "Over naman sa hangover. Buong weekend talaga kayong wala?" umirap siya bago kami talikuran. "Akala ko pumasok ka noong sabado?" tanong ko kay sir na tahimik lang papasok sa office. "Na-miss kita, eh. Anong magagawa ko?" depensa niya. "Pwede mo naman akong I-text na lang. Hindi mo naman kailangang umabsent" umismid ako. "Hindi ka nga nagre-reply kaya pinuntahan na kita" parang batang tampo niya. Inismiran ko na lang siya upang itago ang kilig. Kung dati ay naka-pokus lang siya sa kaniyang laptop. Ngayon naman ay halos hindi na siya mag-trabaho kakatitig sa akin. "Hindi naman ako mawawala, sir" umismid lang ako. "Gusto kong titigan ka" "Bakit? Ako ba ang trabaho







