Share

Chapter 4

Brianna

Ilang minuto nang nakalabas si Dean ay nananatili pa rin akong natunganga sa nilabasan niyang pintuan. For the first time ay pinuntahan niya ako sa classroom ko kahit pa para lamang ibigay ang naiwan kong sapatos sa labas kanina. Kahit gano'n lang ay masaya pa rin ako na pinuntahan niya ako.

"Breath, Brianna, for Pete's sake! Wala na siya pero halos hindi ka pa rin humihinga diyan. Gusto mo bang siya ang maging dahilan para matigok ka?" may pagkainis sa tono ng boses ni Peter nang magsalita. Bahagya pa nitong niyugyog ang aking balikat na tila ginigising ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakahanda na ang nakamamatay kong tingin para sa kanya. "Oopss, sorry. Ginigising lang kita dahil baka nangangarap ka pa rin," tabingi ang pagkakangiti na turan niya.

"Makukulong ba ako kung papatay ako ngayon ng kutong-lupa?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakahanda ko siyang sakalin kapag mahawakan ko siya. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya ay dahan-dahan naman siyang umaatras.

"Pigilan mo ang sarilimo, Brianna. Makukulong ka pa rin kahit isang kutong-lupa lamang ang papatayin mo. Hindi ba classmates?"

Aba't naghanap pa talaga ng kakampi ang magaling kong kaibigan.

"Sige lang, Brianna. Patayin mo ang isang 'yan para mabawasan ang mga mapang-asar nating mga kaklase. Huwag kang mag-alala at hindi ka namin isusumbong sa mga pulis," sigaw ng isang kaklase naming babae. Nagtawanan naman ang ibang mga kaklase namin na nakarinig at sumang-ayon sa sinabi ni Mika.

"Paano ba 'yan, Peter? wala kang kakampi rito. Kaya buburahin na kita sa mundo para mabawasan ang madalas na gumagawa ng problema sa buhay ko," nakangisi kong sabi sa kanya. Ipinakita ko pa sa kanya ang aking kamao habang sinusuntok ng mahina ang kaliwa kong palad. Nagmukha tuloy akong siga na nananakot sa isang estudyante na walang kalaban-laban.

Nang tumakbo si Peter palabas sa classroom namin ay agad ko siyang hinabol para lamang bumangga sa katawan ng taong papasok. Mabuti na lamang at maliksi akong nahawakan sa baywang ng taong nakabangga ko kaya hindi ako tumilapon. Napakunot-noo ako nang maamoy ko ang pamilyar na amoy ng lalaking pinapangarap ko. Natulala na lamang ako nang pag-angat ko ng aking ulo ay mukha ni Dean ang aking nasilayan. Sa pagkabigla ay hindi ako nakapagsalita.

"Labhan mo 'to. Dahil sa'yo kaya narumihan ang damit ko kaya ikaw ang dapat na maglaba at hindi ang mommy ko," ani Dean matapos initsa sa mukha ko ang uniform niyang may marka ng aking sapatos. Hindi pa nga ako nakakasagot ay agad na niya akong tinalikuran.

Nang wala na si Dean sa harapan ko ay parang tangang inamoy ko ang uniform niya. Ang bango talaga ng pabangong gamit niya. ito ang pabango na kahit na kailan ay hinding-hindi ko pagsasawaang amuyin kahit araw-araw ko pang ko pang gawin.

"Tsk, tsk, tsk. Malala ka na talaga, Brianna," naiiling na bulong ni Peter sa tainga ko nang dumaan siya para pumasok sa loob ng classroom namin.

Wala akong pakialam kahit ano pa ang sabihin niya. Pasalamat nga siya dahil dumating si Dean kung kaya't wala na ako sa mood na patayin ang mapang-asar kong kaibigan.

***

Katatapos ko pa lamang magtanim ng mga bulaklak sa maliit na garden site ng section namin kaya madumi ang kamay ko. Lumapit ako sa gripo na nakadikit sa pader para maghugas ng marurumi kong kamay.

"Hi, Brianna. Natapos mo na bang itanim ang mga ipinapatanim sa'yo ni Miss Salome?" tanong sa akin ng kaklase kong si Mia na lumapit sa akin at naghugas din ng kamay kahit na malinis naman ang mga kamay niya.

Alam ko kung ano ang pakay niya kung bakit niya ako nilapitan. Mangangalap din ng mai-tsi-tsismis sa clasroom namin. Kung si Rhea ay numero unong tsismosa ito naman ay numero unong usyusera.

"Uuwi ka na ba pagkatapos mong maghugas ng kamay?" inumpisahan na agad nito ang pagiging usyusera.

"Hindi. Pupunta pa ako sa classroom at kukunin ko ang bag ko bago umuwi," taas ang kilay at pilosopong sagot ko sa kanya.

Napakamot ito sa batok dahil sa sagot ko. "Para nagtatanong lang naman ako, eh."

"Bakit? Sinagot ko rin lang naman ang tanong mo, ah?" painosente kong sabi sa kanya.

"Ang ibig kong sabihin ay kung uuwi ka na ba pagkatapos mong maghugas ng kamay at pagkatapos mong pumunta sa classroom para kunin ang bag mo. Hindi ba may date kayo ni Peter ngayon?" namimilog sa curiousity ang mga mata nito.

"Hindi date 'yon, okay? Peace offering niya sa akin iyon kaya kami kakain ng ice cream," pagtatama ko sa maling iniisip niya. Kanina sa loob ng classroom ay hindi ako tinigilan ni Peter hangga't hindi ko siya napapatawad. At bilang peace offering niya sa akin ay ililibre niya ako ng ice cream diyan lang sa labas at tapat ng school namin.

"Sus, kunwari ka pa. Hindi naman namin aagawin sa'yo si Peter kaya umamin ka na," pagpupumilit niya.

I just rolled my eyes. Wala akong plano na palawigin pa ang paliwanag ko sa kanya. Kahit naman kasi ano pang paliwanag ang gawin ko sa kanya ay tila sarado na ang utak nito. Lubos ang paniniwala nito na may relasyon nga kaming dalawa ni Peter.

Hindi ko na pinag-aksayahan pa ng oras si Mia. Dagli ko na siyang iniwan kahit dumadaldal pa. Kinuha ko sa classroom namin ang bag ko't nagmadaling lumabas ng silid. Siguradong naiinip na ngayon si Peter habang hinihintay ako sa tapat ng main gate. Walking distance lamang ang ice cream parlor mula sa main gate namin kaya maglalakad na lang kaming dalawa. Hindi lang naman kami magtatagal kaya hindi pa masasaraduhan ng gate ang mga bisikleta namin.

"Bry!"

Hindi pa ako nakakalayo sa classroom namin nang marinig ko ang pagtawag na iyon sa pangalan ko ng isang taong napaka-pamilyar sa akin ang boses.

Hindi ako lumingon dahil natatakot ako na baka nagkamali lang ako ng dinig at hindi naman ako ang tinatawag. Kahit isang beses kasi ay wala pang tao na tumawag sa akin ng "Bry".

"Saan ka pupunta at tila nagmamadali ka?" kunot ang noong tawag sa akin ni Dean nang makalapit na siya. Siya at wala nang iba pa ang kauna-unahang tao na nagbigay sa akin ng ganoong palayaw. Kaya magmula ngayon ay siya lamang ang maaaring tumawag sa akin sa ganoong palayaw.

"Dean, ikaw pala," kunwari ay nagulat kong reaksiyon. Huminga ako ng malalim dahil tila hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng aking puso.

"Where are you going?" ulit nito sa tanong nito kanina pero sa salitang English naman.

"Kakain lang kami ng ice cream ni Peter. Gusto mong sumama?"

"No thanks," mabilis nitong sagot. Hindi ko alam kung namalikmata lamang ako kasi dahil nakita ko siya na biglang napasimangot. Bigla tuloy akong nangarap na kaya siya sumimangot ay dahil naiinis siya na sasama akong kumain ng ice cream kay Peter.

Inaasahan ko na iyon talaga ang isasagot ni Dean pero na-disappoint pa rin ako. Deep inside my heart, umaasa pa rin ako na sasama siya para matagal-tagal ko siyang makausap.

"Ah," ang tanging nasambit ko. " Bakit mo pala ako tinawag?"

Mabuti na lang at bigla kong naalalang itanong iyon. Bakit nga ba niya ako tinawag kung hindi naman pala niya balak na sumama sa amin ni Peter? Ano kaya ang kailangan niya sa akin?

"Tumawag sa akin ang daddy mo. Hindi ka raw niya makuntak kaya sa akin na siya tumawag," ani Dean sa akin habang seryoso ang anyo.

"Si Daddy?" kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag para tingnan kung tumawag nga siya. "Wala naman, ah," sabi ko nang makita ko na wala namang miscalled mula sa number ng daddy ko.

"Ewan ko. Basta iyon ang sabi ni Tito Roman sa akin kanina kaya hinanap kita. Umuwi ka raw ng maaga at may sasabihin daw siya," kibit-balikat na wika nito. Pagkatapos ay bigla na lamang niya akong tinalikuran at naglakad palayo. "Tatayo ka na lang ba diyan? Hindi ka ba uuwi?" tanong nito nang lumingon at nakitang nakatayo lamang ako habang nakatingin sa kanya.

"Ha? Siyempre, uuwi na rin ako," nabigla kong sagot. Bakit ko naman palalampasin ang pagkakataong ito para makasabay si Dean pauwi sa mga bahay namin?

Ito ang unang beses na kinausap niya ako ng matagal. Hindi iyong tipo na isa hanggang dalawang pangungusap lamang ang sinasabi niya sa akin at pagkatapos ay hindi na niya ako ulit kakausaping. I won't let this chance slip in my hands. Sa sobrang saya ay nakalimutan ko si Peter na naghihintay pala sa akin sa may main gate.

PAKIRAMDAM ko ay lumulutang ako sa alapaap habang kasabay kong nagbi-bisikleta si Dean pauwi sa mga bahay namin. Hindi ko talaga ini-expect na matutupad ang isa sa mga pinakaaasam-asam ko. Ang makasabay siya sa pauwi nang hindi ako nakabuntot lamang sa kanyang likuran.

"Ano'ng nginingiti-ngiti mo d'yan?" mayamaya'y tanong niya sa akin habang binabagtas namin ang kahabaan ng makitid na kalsada ngunit napapaligiran naman ng magagandang bulaklak ang gilid ng kalsada.

"Wala lang. Masaya lang ako dahil kasabay kitang umuwi ngayon. Feeling ko, hindi ito totoo."

Hindi sumagot si Dean pero nakita ko na may gumuhit na ngiti sa kanyang mga labi. Lalo lamang akong napangiti. Dahil sa unang pagkakataon ay napangiti ko siya.Mas guwapo at mas approachable pala siya kung nakangiti. Nahiling ko tuloy na sana'y palagi siyang ganito araw-araw.

Pakiramdam ko ay ibang Dean ang kasama ko ngayon. Malayo sa Dean na palaging seryoso ang mukha, nakakunot ang noo at higit sa lahat, hindi marunong ngumiti.

"Yahoo!!!" parang baliw na sigaw ko. Pakiramdam ko kasi'y parang sasabog sa tuwa ang dibdib ko kapag hindi ko ito nailabas.

Grabe. Kasabay ko lamang si Dean pauwi sa bahay namin ay ganito na ang nararamdaman ko. Ano pa kaya kung boyfriend ko na siya talaga? Baka malunod na ako niyan sa tuwa.

"Bry, totoo ba ang sinasabi nila na boyfriend mo na raw si Peter?" mayamaya'y biglang tanong ni Dean pero sa kalsada nakatutok ang paningin.

"Hind—aayy!"

Magsasalita sana ako para sagutin ang tanong niya ngunit hindi natuloy dahil bigla akong napatili. Bigla kasing nahulog ang bike ko kasama ako sa gilid ng kalsada. Mabuti na lamang at mga bulaklak na walang tinik ang nakatanim sa area na 'yon kaya hindi ako nasugatan.

"Bry!" malakas na sabit ni Dean sa pangalan ko nang makita niya ang nangyari sa akin. Agad niyang inihinto ang kanyang bike at mabilis akong nilapitan para tulungang makatayo. "'Ayos ka lang ba, Bry? Nasaktan ka ba? Hindi ka kasi nakatingin sa dinadaanan mo, eh."

Medyo napahikbi ako ng mahina. Hindi dahil sa nasaktan ako kundi dahil sa sobra akong napahiya kay Dean. Baka isipin niya na sobrang tanga-tanga ko.

Sa ilang beses na dumaan ako sa lugar na ito ay kung bakit ngayon pa ako nalaglag sa gilid ng kalsada kung kailan kasama ko pa si Dean.

"It hurts," mahina kong sambit. Hindi ko naiwasan ang pagpatak ng dalawang butil ng luha sa aking mga mata. Nahihiya kasi ako kay Dean dahil nagmukha akong inginudngod sa damuhan. May mga kumapit kasi sa buhok at damit ko na mga tuyong dahon ng halaman at mga damo.

"Nasaktan ka? Saan? Dadalhin kita sa clinic. Hindi pa naman tayo masyadong nakakalayo sa school," natataranta ang anyo na wika ni Dean.

Umiling ako ng tatlong habang sige pa rin sa pagtulo ang aking mga luha. "I'm really hurts. But my pride only."

Natawa si Dean nang marinig ang sinabi ko. "Akala ko kung ano na ang masakit sa'yo. Pride mo lang pala. Huwag kang mag-alala at ako lang naman ang nakakita nang mag-dive ka papunta sa mga tanim na bulaklak."

Bigla akong napatigil sa pag-iyak at napatitig na lamang sa guwapong mukha ng lalaking kaharap ko. Totoo ba talaga itong nakikita ko at narinig ko? Hindi ba ako nananaginip lamang? Si Dean? Tumatawa ng malakas sa harapan ko? At nag-aalala pa siya akin?

"Mas guwapo ka kapag palagi kang ganyan. Nakangiti at hindi nakasimangot," hindi napigilan kong sabihin sa kanya.

Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni Dean kaya pinagsisihan ko kung bakit sinabi ko pa ang mga katagang iyon. Akala ko ay magagalit siya at iiwanan ako pero nagulat ako nang sa halip na iwan niya ako gaya ng aking iniisip ay bigla na lamang niya akong binuhat pabalik sa ibabaw ng kalsada.

Tulala ako at hindi makapagsalita. Hindi ako makapaniwala na binuhat niya ako. Okay lang pala na malaglag ako araw-araw basta palagi niya akong bubuhatin pabalik sa kalsada. Kung ganito ang mangyayari ay palagi na akong magpapahulog sa gilid ng kalsada.

"Let's go. Baka hinihintay ka na sa inyo," aniya sa akin. Tinulungan pa niya ako na makasakay sa sarili kong bisikleta bago ito sumakay sa sariling bisikleta.

Itinuloy na namin ang aming naantalang pag-uwi dahil sa akin. Masayang-masaya pa rin ang pakiramdam ko kahit na nahulog ako sa gilid ng kalsada at lumangoy sa mga bulaklak. Pakiramdam ko ay ito na ang simula ng pagiging malapit namin Dean. At sa sobrang saya ko ay nakalimutan ko ang kaibigan ko na siguradong naghihintay pa rin sa akin sa main gate hanggang sa mga sandaling ito. Kahit ang i-text man lang si Peter at ipaalam na huwag na akong hintayin ay tuluyan ko na ring nakalimutan. Siguro, ganito talaga ang ma-in love. Halos makalimutan mo lahat kapag nasa tabi mo ang taong matagal mo nang pinapangarap.

"NANDITO ka na pala, Brianna. Mag-meryenda ka diyan at may niluto akong ginataang bilo-bilo sa kusina," salubong sa akin ni Mommy pagkauwi ko sa bahay namin.

"Opo, Mommy. Siguradong mapapakain ako ngayon ng marami," masigla ang tono ng boses na wika sa kanya.

"Mukhang ang ganda ng mood ng aming bride ngayon, ah," nakangiting puna sa akin ni Mommy.

Madalas kapag kaming apat lang ang nakakarinig ay "bride" ang itinatawag sa akin ni Mommy. At siyempre, gustong-gusto ko naman kapag tinatawag niya ako sa palayaw na 'yon. Bride, Dean's bride. Ang sarap pakinggan sa tainga. At balang-araw ay magkakatotoo rin ang lahat. Magiging bride ako ni Dean at magiging groom ko naman siya.

"Sabay kaming umuwi ni Dean kanina, Mommy," kinikilig na pagkukuwento ko sa kanya.

"Oh really? Mukhang magbubunga na rin sa wakas ang effort sa pagbuntot-buntot mo sa kanya."

"Mommy naman. Hindi ko naman siya binubuntutan, ah," napasimangot kong react sa sinabi niya. "Ginagawa ko lang naman 'yon kapag papasok kami sa school."

"Hindi ba pagbuntot ang tawag mo do'n?" natatawang tanong ni Mommy.

Nahihiyang ngumiti lamang ako sa sinabi ni Mommy at hindi nagkomento. Pagkatapos ay pumunta ako sa kusina at nagsandok ng mabangong ginataang bilo-bilo na nasa kaldero. Dinala iyon sa dinning table at upang doon lantakan.

"Nasa'n nga pala si Daddy, Mommy? Ang sabi kasi ni Dean ay tinawagan siya ni Daddy kasi hindi ko raw sinagot ang tawag niya. Nang tingnan ko ang phone ko ay wala namang tawag mula kay Daddy," bigla kong naalalang itanong iyon habang kumakain ako ng gintaang bilo-bilo.

"O? Sinabi iyan sa'yo ni Dean?" nakakunot ang noo na tanong ni Mommy. "Wala rito ang daddy mo at nasa Maynila. Umalis kanina at may aasikasuhin daw na mahalagang bagay."

"Gano'n ba?" napapaisip kong tugon. "Akala ko kasi'y may kailangan si Daddy kaya pinauuwi niya ako ng maaga. Pero okay lang 'yon, kasi dahil do'n ay nakasabay ko naman si Dean pauwi rito. Kaya masaya ako."

Hindi na nagbigay ng komento si Mommy sa sinabi ko. Sa halip ay isang mahiwagang ngiti ang sumilay sa manipis ngunit mapulang mga labi niya. Pero hindi ko na pinag-aksayahan pang alamin kung para saan ang mahiwagang ngiting iyon ni Mommy. Busy kasi ako sa paggunita sa nakakakilig naming eksena ni Dean kanina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status