Share

Chapter 6

Brianna

"Bakit sambakol na naman iyang mukha mo? Nag-asaran na naman ba kayo ni Bryle at ikaw na naman ang talo?" tanong ni Peter nang lumapit siya sa kinauupuan ko.

"Wala ako sa mood Peter kaya puwede bang huwag mo muna akong asarin?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Dahil sa nakita ko kanina kaya napagbuntunan ko tuloy ng inis ang walang muwang kong kaibigan.

"Aba, Miss Briannang masungit. Bakit ikaw ang nagsusungit ngayon sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit at mainis sa'yo dahil hindi mo ako sinipot kahapon? Nagmukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa'yo kahapon," nakasimangot niyang saad. Napakagat ako ng mga labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala siya sinipot kahapon dahil kay Dean. Ni hindi ko nga siya nakuhang i-text or tawagan para sabihin na hindi ako makakarting. And it's all Dean's fault. Nakakalimutan ko talaga ang lahat kapag nasa paligid ko si Dean.

"Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo," hindi ko na sinabi sa kanya na dahil kay Dean kaya nakalimutan ko ang usapan namin. Siguradong mas magtatampo siya kapag sinabi ko ang totoo.

"So paano 'yan? Hindi kita ililibre ngayon dahil ikaw na ang manlilibre bilang pagpalubag-loob sa ginawa mong pang-iindiyan sa akin kahapon?" nakangising sabi niya. Wala na ang pagtatampo sa kanyang boses. Ganito naman talaga si Peter. Kapag naiinis or nagagalit siya sa akin ay hindi umaabot ang isang oras na hindi kami nagkakabati agad. Mabilis kasing mawala ang tampo niya sa akin o inis.

"Naisahan mo ako dooon, ah," inirapan ko siya na tinawanan niya lamang. "Oo na, ililibre na kita ng lunch bukas."

"Sabi mo 'yan ha? Walang bawian at walang indiyanan," naniniguradong wika ni Peter. Mukhang magkaka-trust issue pa yata itong kaibigan ko sa akin.

"Hindi na nga. Kahit kainin mo pa ang mga kaldero sa canteen ay babayaran ko rin," ganting biro ko sa knya.

Hinawakan ni Peter ang magkabila kong pisngi at pinanggigilang pisilin. "Ganyan ang kilala kong Brianna. Mabait na may pagka-masungit. Hindi bagay sa'yo ang nakasimangot dahil nababawasan ang kagandahan mo."

"Pasalamat ka at pinapalabas mong maganda ako dahil kung hindi ay tadyak ang aabutin mo sa akin ngayon." Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at dahan-dahang inalis ang mga kamay niyang nakahawak sa mga pisngi ko. May bahagyang ngiti sa mga labi ko ngunit hindi iyong klase ng ngiti na natutuwa. Paano ba siya matutuwa gayong ginawa na naman niya ang isang bagay na pinakaayaw ko. Ang hawakan at pisilin ang mukha ko.

"Hindi lang pala mabait at may pagkamasungit ang kaibigan ko kundi may pagka-bayolente pa." Nakangiwing dagdag nito sa sinabi na mga pang-uri patungkol sa akin. Paano ba naman kasi hindi siya mapapangiwi eh kinukurot ko siya ng pino habang inaalis ko ang mga kamay niya.

Biglang pumasok ang adviser namin na si Miss Salome kay napabalik si Peter sa sarili niyang upuan.

"Class listen. Next week ay magkakaroon tayo an acquaintance party kaya magsipag-handa kayo. Gusto ko na maging active kayo sa paghahanda para sa party," anunsiyo niya sa buong klase. Umingay tuloy ang buong silid. Mga kaklase ko kasi ay mahihilig sa mga okasyon.

"Ma'am, puwedeng magbaon ng alak?" malakas ang loob na tanong ng kaklase naming si Jerome. Siya ang kaklase namin na bata pa nga lang ay marunong nang uminom ng alak.

"Gusto mo bang ipatawag ko sa guidance office ang parents mo?" nakangiti ngunit may pagbabanta sa tono ng teacher namin.

"Siyempre Ma'am hindi. Nagtatanong lang naman kung puwede at baka makalusot," tabingi ang ngiti na sagot ni Jerome.

"Class remember, bawal magdala ng alak, okay? Mga under age pa kayo kaya bawal pa kayong uminom ng nakakalasing na inumin. Maliwanag?'

"Yes Ma'am!!" sabay-sabay na sagot naming lahat.

"Very good. Okay, let's continue what we discussed yesterday."

Lahat kami ay natahimik na at nakinig sa mga itinuturo sa amin ni Miss Salome. Ngunit ang isip ko ay tumatakbo. Iniisip ko kung dadalo ba si Dean sa party? Lagi kasi siyang hindi dumadalo sa acquaintance party.

***

Naglalakad ako patungo sa  paradahan ng mga bisikleta ng mga estudyate nang madaanan ko ang grupo ni Ivy na nakatayo sa daan na tila may hinihintay.

"Siguradong hindi ka tatanggihan ni Dean kapag tinanong mo siya kung puwede mo ba siyang maging ka-date sa gabi ng acquaintance party," narinig kong wika ng kaibigan ni Ivy na si Trina.

Napasimangot ako sa aking narinig. Si Dean pala ang hinihintay ng mga hitad. Bakit kailangan pa niya ng ka-date eh acquaintance party naman ang magaganap at hindi prom night na kailangan niya ng ka-date?

"Si Dean paparating na," pa-impit na tili ng isa pang kaibigan ni Ivy na si Rain.

Dahan-dahan lamang ang ginagawa kong pag-aalis ng kadenang nakatali sa bike ko. Hinihintay ko kasi na makapagsabi si Ivy kay Dean. Gusto kong malaman kung papayag ba ito na maging ka-date ni Ivy sa party.

"Hi Dean. Dadalo ka ba sa acquaintance party? Puwede ba kitang maging date sa gabing iyon?" makapal ang mukha na tanong ni Ivy kay Dean.

Kunwari ay hindi ako nakikinig sa usapan nila ngunit ang totoo ay halos pigilin ko ang paghinga ko dahil ako yata ang mas excited na malaman kung ano ang magiging sagot ni Dean sa tanong ni Ivy.

"Hi Brianna! Puwede ba kitang maka-date sa gabi ng acquaintance party?"

Sobrang nakatuon ang atensiyon ko sa magiging sagot ni Dean kaya hindi ko napansin ang biglang paglapit sa akin ni Alex. Ang numero unong playboy sa school namin. Sa gulat ko sa biglaan niyang pagsasalita ay napahawak ako sa aking dibdib.

"Multo ka ba? Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot at magsasalita diyan?" hindi napigilang tanong ko sa kanya.

"Sorry. Nagulat ba kita?" napapakamot sa batok na tanong niya sa akin.

Kung ibang babae lamang siya ay siguradong kinilig na siya sa gesture ni Alex. Cute kasi ito habang nagkakamot sa batok at may nahihiyang ngiti sa mga labi. Ngunit hindi siya katulad  ng ibang babae na mag-swoon kapag nakakakita ng guwapong lalaki na nagpapa-cute. Dahil para sa kanya ay walang ibang lalaki na makakakuh sa kanyang atensiyon kundi tanging si Dean lamang.

Ibubuka ko na ang bibig ko para sana tanggihan si Alex ngunit hindi natuloy nang marinig ko ang tila naiinip na boses ni Ivy.

"Ano na Dean? Pupunta ka ba sa party at puwedeng maging ka-date kita?" untag ni Ivy kay Dean na hindi pa pala sinasagot ang tanong ng babae. Tama naman na muli akong kinausap ni Alex at walang pakundangang nagtapat ng nararamdaman niya sa akin.

"Alam mo kasi Brianna matagal na kitang crush. Kaso hindi kita malapitan dahil palagi mong kasama si Peter. Pero nilakasan ko na ng loob ko ngayon dahil gusto kitang maka-date sa acquaintance party," muling kausap ni Alex sa akin. Ngunit wala sa kanya ang atensiyon ko kundi naroon sa lalaking malapit lamang sa amin.

"Pumayag ka na, Brianna. Maraming babae ang nagkakandarapang maka-date si Alex kaya masuwerte ka at ikaw ang niyaya niya maka-date. Huwag ka nang mag-inarte pa diyan," biglang singit ng boses ni Ivy. Napasimangot ako nang marinig ko ang sinabi niya sa akin.

"Bakit hindi na lang kayong dalawa ni Alex ang mag-date?" sagot ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang maging sarcastic ang tono ng boses ko. Nainis kasi ako sa pakikialam niya lalo na nang sabihin niya na huwag na akong mag-inarte pa. Tila pinapalabas niya na nagpapakipot lamang ako.

"Hindi si Alex ang gusto ko kundi si Dean at hindi ko rin siya gustong maka-date," nakairap niyang sagot sa sinabi ko. Kahit paano ay bumilib ako sa tapang niyang aminin sa harap ng ibang  tao ang nararamdaman niya para kay Dean. Hindi ko tuloy naiwasan ang makadama ng inggit sa pagiging prangka at malakas ang loob na katulad niya. In short, makapal ang mukha at in other words ay walang hiya si Ivy. "Ano Dean? Naghihintay ako sa sagot mo?"muling tanong niya kay Dean.

Napatingin ako ky Dean na nakatingin din sa akin. Hinihintay ko na tanggihan niya si Ivy katulad ng gagawin kong patanggi kay Alex. Ngunit nadismaya ako nang marinig ko ang sagot niya kay Ivy.

"Sure. Pupunta ako sa party," sagot ni Dean kay Ivy.

"Talaga? Hihintayin kita sa bahay para sabay tayong pumunta sa party," tuwang-tuwa ang hitsura ni Ivy. Tiningnan niya ako pailalim bago nakaingos na naglakad patungo sa naghihintay na driver ng pamilya nito.

"Sa akin, Brianna? Papayag ka rin ba na maka-date ko sa party katulad nina Dean at Ivy?" bilang tanong ni Alex na muntik ko nang makalimutan na nasa harap ko pala.

Ngumiti ako ng matamis sa kanya. "Sure. Why not?"

"Talaga? Yes!" malakas na sigaw ni Alex na daig pa ang nanalo sa lotto ang hitsura. "Susunduin kita sa bahay ninyo ng alas siyete ng gabi, ha?"

Tumango lamang ako sa sinabi niya. Matamis ang ngiti sa mga labi na nagpaalam siya sa akin.

Pagkaalis ni Alex ay tuluyan ko nang inalis ang kadenang nakakabit sa bike ko. Sumakay ako sa bike ko na hindi tinitingnan si Dean. Naiinis kasi ako sa kanya dahil pumayag siya na maging ka-date ni Ivy. Bakit siya pumayag? May ba siya kay Ivy kaya gusto niyang ma-date ang babae sa acquaintance party? Sabagay, si Ivy ang pinakamagandang babae sa school namin kaya kung sino man ang magiging ka-date nito ay tiyak na magiging proud.

"Talaga bang papayag ka na maging ka-date ang Alex na iyon?" tanong ni Dean na hindi ko namalayang nasa tapat ko na pala at sumasabay na sa akin sa pagbibisikleta. Kung sa ibang pagkakataon ay kikiligin ako dahil kinakausap niya ako at kasabay ko pa siya sa daan ngunit hindi sa mga oras na ito. Talagang naiinis ako sa kanya. Or mas tamang sabihin yata na dahil ngseselos ako na magiging ka-date niya si Ivy kaya naiinis ako sa kanya.

Hindi ko siya sinagot kaya ang ginawa niya ay inunahan ako at huminto siya sa unahan mismo ng aking bisikleta. Bigla tuloy akong nagpreno para hindi ko siya mabangga.

"Ano ba? Bakit ba bigla ka na lang huminto sa unahan ko?" sita ko sa kanya.

"Papayag ka ba talaga na maging ka-date si Alex sa acquaintance paryt?" seryosos ang mukha na ulit niya sa itanong niya sa akin.

"Pumayag na ako kanina na maging ka-date siya 'di ba?" Ano ba ang problema niya? Ayaw ba niya ako na maging ka-date ni Alex? Kung ayaw niya ay tinanggihan niya sana si Ivy kanina at niyaya sana  niya ako na maging ka-date niya pero hindi niya ginawa.

"Alam mo ba na playboy ang taong iyon? Lahat ng mga nakaka-date niya ay inuuwi niya sa bahay nila at nakukuha niya ang pagkababae. At pagkatapos ay ipinagmamalaki niya sa ibang mga lalaki," inis ang tono ng boses na wika ni Dean.

Nakaramdam ako ng munting kirot sa aking dibdib nang marinig ko ang sinabi niya. Ganoon ba kababa ang tingin niya sa akin? Na basta na lamang papayag na gawin ang gusto ni Alex? Hindi ba niya talaga nahahalata na may gusto ako sa kanya?

"Kung ano man ang gusto naming gawin pagkatapos ng date namin ay wala ka nang pakialam do'n."

Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Kaagad na akong nag-pedal sa aking bisikleta at inunahan ko siya. Masama ang loob ko sakanya. Sa tinagal-tagal ng pagkakagusto ko sa kanya ay hindi man lang niya nahalata ang damdamin ko? Ganoon ba talaga siya kamanhid?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status