로그인Nakangiti si Blane habang marahang hinahaplos ang buhok ni Melissa, na mahimbing na nakahiga sa ibabaw ng kanyang dibdib. Hinayaan niya itong magpahinga. Alam niyang napagod ito lalo na at ito ang halos gumawa kanina. Lumipas ang ilang minuto, hanggang sa mapansin niyang tuluyan na itong nakatulog. Bahagya siyang napatawa, saka marahang bumulong. “Oh, Melissa…” mahina niyang sambit, puno ng damdaming hindi niya madaling maipaliwanag. “You don’t know how much I’ve wanted this… every single day. Ikaw at ako, ganito lang, habang yakap ang isa't isa pagkatapos ng lahat.” Patuloy ang marahan niyang paghagod sa buhok nito, tila ayaw bitawan ang sandaling iyon. Alam niyang malalim na ang tulog nito at hindi nito naririnig ang mga sinasabi niya. “I know you have things to deal with,” dagdag niya, mas mababa na ang boses, “and I’m willing to help you, without expecting anything in return. But I wanted this moment too… to be with you… to have you like this, even just for a while.” Sag
Pinutol ni Melissa ang halik at marahang itinulak palayo si Blane. Saglit itong natigilan, nakita niya sa mga mata nito ang bahagyang pagprotesta. Ngunit hindi niya ito itinulak para tapusin iyon. Sa halip, tumayo siya at walang salitang hinawakan ang kamay nito. Hinila niya ito papunta sa kabilang pinto, sa isang nakasarang pinto sa loob ng opisina niya. Pagbukas niya ng pinto, tumambad ang isang payak na silid, maliit, maayos, at halos walang dekorasyon. May isang single bed na maayos ang pagkakatiklop ng kumot at unan, isang maliit na side table na may lamp, at simpleng cabinet sa gilid. Walang anumang disenyo sa loob, lugar lang na ginawa para lang maging pahingahan niya. Tahimik silang pumasok. Hanggang sa makarating sila sa paanan ng kama. Doon, marahan niya itong tinulak pababa. Umupo si Blane, hindi inaalis ang tingin sa kanya, tila ba hinihintay ang bawat susunod niyang gagawin. “You helped me leave the casino safely,” mahinang sabi niya, ang boses ay kontrolado n
"There’s a crumb on your lip." mahinang sabi nito, bahagyang nakangiti. Nanigas si Melissa. Parang sabay-sabay na sumabog ang lahat ng sensasyon sa loob niya, ang init ng haplos, ang lapit ng mukha nito at ang mga titig nito na tila tumatagos sa kanya. Masyado itong malapit. Masyadong… delikado. Pinasya niyang umiwas at bahagyang umatras sa kinauupuan. “I—I can handle that,” mabilis niyang sabi, halatang naguguluhan. Agad niyang kinuha ang napkin at pinunasan ang sariling labi, saka nagkunwaring abala sa pagkain. Ngunit hindi niya maitago ang bahagyang panginginig ng kanyang kamay. Tahimik lang si Blane, pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Alam nito. Alam nito ang epekto nito sa kanya. At tila hindi iyon aksidente. Mas lalong bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sinubukan niyang ibalik sa normal ang lahat. “Kumain ka na,” sabi niya, pilit na nagpakanormal. “Baka lumamig na ang pagkain.” Ngunit hindi agad kumilos si Blane. Sa halip, sumandal ito nang bahagya sa upu
Nang magsalita si Blane, tila tumigil sandali ang mundo ni Melissa. “Then let me help you get your revenge, Melissa.” Saglit siyang natigilan. May kung anong bumigat sa dibdib niya, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa kakaibang gaan na matagal na niyang hindi naramdaman. Ngunit mabilis din niya iyong pinigil. Bahagya siyang umiling at umatras ng kalahating hakbang. “No… it’s okay,” mahinahon niyang sagot, pilit pinapanatiling matatag ang tinig. “I can handle it.” Bahagyang kumunot ang noo ng binata, tila hindi inaasahan ang pagtanggi niya. “Hindi dahil ayaw ko,” dagdag niya, iniiwas ang tingin. “Ayoko lang na maabala ka… at ayokong masanay.” Noong una, malinaw ang plano niya, gagamitin niya si Blane para maghiganti. Walang emosyon. Walang komplikasyon na namamagitan sa kanila. Lahat ay kontrolado niya. Ngunit hindi niya inaasahan na ang sarili niyang damdamin ang unang tatraydor sa kanya. Hindi niya napansin kung kailan nagsimulang magbago ang lahat kung kailan nagi
“He is?” kunot-noong tanong ni Axel, bahagyang nakatitig sa lalaking nasa likuran ni Melissa. Saglit na natigilan si Melissa. Paano nito hindi nakilala si Blane Han? Ngunit agad din niyang naunawaan. Hindi naman kasi kailanman nagkaroon ng pagkakataon sina Axel at Bianca na makalapit sa mga Han brothers. Sa bawat business gathering na dinaluhan nila, palagi silang nasa malayo, mga tagamasid lamang. Walang lakas ng loob na sumalubong sa presensya ng magkakapatid, lalo na kay Blane Han. Ang lalaking kilala sa mundo ng negosyo bilang malamig, dominante, at walang awa. At ngayon, nakasuot ito ng simpleng itim na jacket at sumbrero, halos hindi makilala. Malayo sa karaniwan nitong anyo na naka-coat and tie, perpekto at walang kapintasan. Ngunit kahit ganoon, hindi pa rin nito maitago ang lakas ng kanyang presensya. “Ahh, he is—” sisimulan pa lang sana ni Melissa ang pagpapakilala nang may marinig silang malakas na tinig. “Darling! Ano pa bang ginagawa mo diyan? Male-late na t
Wala nang pagdadalawang-isip, sumabay sina Melissa at Blane sa agos ng mga taong nag-uunahang makalabas. Nakisiksik sila sa mga nagkakagulong katawan, pilit na umiiwas na mapansin ng mga bantay na ngayon ay abala sa pag-aawat. Ramdam ni Melissa ang mabilis na tibok ng kanyang puso habang hinahatak siya ni Blane. Sinubukan niyang huwag ng lumingon pa, hindi sila tumigil sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang pintuan. At sa wakas ay nakalabas sila ng casino. Sinalubong sila ng malamig na hangin ng gabi, alas sais na pala, magkahawak pa rin ang mga kamay nila ni Blane habang naglakad patungo sa sasakyan nito. Binuksan ng binata ang pinto para sa kanya, at agad siyang pumasok. Sumunod ito sa driver's seat at walang pag-aatubiling binuhay ang makina at pinaandar ang sasakyan. Nilisan nila ang lugar, nakahinga siya ng maluwag ng matiyak na malayo na sila sa mapanganib na lugar na iyon. Tahimik ang loob ng sasakyan habang tinatahak nila ang kalsada. Tanging ang tunog ng makina
“Alright, it's settled then. I need a written contract," Sabi ni Melissa. “Alright.” Anito, naglakad si Mr. Han pabalik sa desk table nito at naupo sa swivel chair, binuksan ang laptop at saglit na nag tipa. Melissa stood opposite him, her gaze drifting over the sharp lines of his face, the c
Napangiwi si Melissa nang lagyan niya ng band aid ang sulok ng kanyang labi, nagkasugat iyon ng sampalin siya ng malakas ni Axel kanina. Saglit pa niyang sinulyapan ang sariling repleksyon sa side mirror ng sasakyan, hindi pa rin naman nakabawas sa taglay niyang kagandahan ang maliit na sugat sa mu
Maingat na inihiga ni Blane ang batang babae sa kama. Nakatulog ito sa balikat niya kanina, inayos niya ang kumot pagkuwa’y masuyong hinaplos ang ulo nito. Dalawang linggo na rin simula ng mailigtas niya ito sa isang slavery auction. Nagkataon lang ang pagpunta niya sa auction house na nagbebe
Hindi nagtagal ay nakauwi ng bahay si Melissa, ang mansiyon ng mga Romero. Simula ng ikasal sila ni Axel, doon na rin ito tumira subalit hindi ito kailanman tumabi sa kanya. Magkahiwalay sila nito ng silid, noong una ay ikinasasama niya iyon ng loob at palagi niya itong pinapakiusapan na matulog sa







