Share

CHAPTER 32

Author: janeebee
last update Huling Na-update: 2025-08-05 14:37:35

CHAPTER 32

Halos mapatalon si Anna sa gulat sa sigaw ni Sasha pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa opisina. Bago niya maisara ang pinto, kita niya ang tinginan ng mga empleyado sa gawi niya, inuusisa ang dahilan ng sigaw ni Sasha.

“ My goodness, Anna! Almost five hours ang nasayang sa araw ko ngayon dahil sa katangahan mo! “ Nanggagalaiting hiyaw ni Sasha na pabagsak na naupo sa swivel chair niya. “ Marunong ka naman sigurong mag double check ‘di ba? Bakit hindi mo ginawa?! “

Napalunok nang mariin si Anna bago sumagot. “Ma’am Sasha, ginagawa ko po siya palagi--”

“ Palagi?! So, bakit nangyari ‘to?! “ tanong nito rason para hindi agad nakasagot si Anna. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa nito, nakayuko dahil sa nararamdamang hiya sa nangyari at pati sa sarili.

Hindi sumipot ang dapat sana’y kikitaing kliyente ni Sasha sa kadahilanang ini-reschedule nito ang meeting sa susunod pang araw. May email ito kagabi at hindi ito agad nabasa ni Anna dahil nasa spam, kung kaya n
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 32

    CHAPTER 32 Halos mapatalon si Anna sa gulat sa sigaw ni Sasha pagkapasok na pagkapasok pa lang nila sa opisina. Bago niya maisara ang pinto, kita niya ang tinginan ng mga empleyado sa gawi niya, inuusisa ang dahilan ng sigaw ni Sasha. “ My goodness, Anna! Almost five hours ang nasayang sa araw ko ngayon dahil sa katangahan mo! “ Nanggagalaiting hiyaw ni Sasha na pabagsak na naupo sa swivel chair niya. “ Marunong ka naman sigurong mag double check ‘di ba? Bakit hindi mo ginawa?! “ Napalunok nang mariin si Anna bago sumagot. “Ma’am Sasha, ginagawa ko po siya palagi--” “ Palagi?! So, bakit nangyari ‘to?! “ tanong nito rason para hindi agad nakasagot si Anna. Nanatili siyang nakatayo sa harap ng mesa nito, nakayuko dahil sa nararamdamang hiya sa nangyari at pati sa sarili. Hindi sumipot ang dapat sana’y kikitaing kliyente ni Sasha sa kadahilanang ini-reschedule nito ang meeting sa susunod pang araw. May email ito kagabi at hindi ito agad nabasa ni Anna dahil nasa spam, kung kaya n

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 31

    CHAPTER 31 Hindi alam ni Javier kung dapat ba siyang maging masaya sa binalita sa kaniya ni Anna tungkol sa pagkakaron nito ng trabaho bilang assistant ng kaniyang ina. Kanina pa siya nakatitig sa cellphone, nag-iisip ng itutugon sa mensaheng natanggap ngunit lumipas na ang sampung minuto ay ni isang letra ay wala siyang matipa. Kumawala sa kaniya ang isang malalim na buntong hininga at inilapag ang cellphone sa mesa. Nakaka-isang gabi pa lang sila sa dating bahay na ilang beses na niyang nilayasan, ngunit hindi na niya kayang tiisin ang presenya ng ina sa tuwing malapit ito sa kaniya. Ni hindi niya ito magawang tignan sa mata kahit maraming beses na niya itong nararamdaman na tumitingin sa kaniya. “ Sir Javier? “ May kumatok sa nakabukas na pinto ng opisina ni Javier, isa sa mga staff niya. “ Baka po magpapasabay kayo ng lunch? Magpapadeliver po kami. “ “ Ah, hindi na. Lalabas din kasi ako mamaya. Thank you. “ Nakangiting tugon ni Javier. Tumango naman ang staff niya bago umalis

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 30

    CHAPTER 30 “ Puwede bang ipagpaliban niyo muna ang kasal na binabalak niyo? “ hindi alam ni Anna kung ano ang magiging reaksyon niya sa naring mula kay Sasha. “ P-Po? “ Kumawala ang pilit na tawa kay Anna upang matakpan ang tinatagong kaba. “ Puwede ko po bang malaman kung bakit, Ma’am Sasha? “ “ Sa tingin mo, bakit? “ tanong pabalik nito kaya lalong napuno ng katanungan ang isip ni Anna. Wala siyang nakikitang ibang rason kundi ang katotohanan na hindi siya nito gustong maging legal na manugang. “ Hindi ko po alam, Ma’am...” sagot na lamang ni Anna, nahihiyang ngumiti kay Sasha. “ S-Siguro po dahil ayaw niyo po? “ Kumawala ang mahinang tawa kay Sasha, tumalikod kay Anna upang maglakad-lakad sa gilid ng pool. “ Isang beses ka lang ikakasal, kaya bakit titipirin niyo iyong mga sarili niyo sa civil wedding? Hindi mo ba gustong ma-experience ang kasal kagaya kay Sebastian at doon sa dating kasamahan niyo? Iyong katulong din? “ Unti-unting bumaba ang labi ni Anna mula sa pagkakangi

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 29

    CHAPTER 29 Namayani nang ilang segundong katahimikan ang buong kusina dahil sa biglaang pagtayo ni Javier mula sa pagkakaupo at sa pagkabasag ng baso na nasagi niya. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa kaniya, nakaabang sa sunod na kilos na gagawin at sa paliwanag na sasabihin nang magsalita si Sasha. “ Manang Vee? “ Tawag nito sa kasambahay nila na nasa counter ng kusina. Agad namang lumapit si Vee sa dining table at lumapit kay Sasha na may ngiti pa rin sa labi habang nakatingin sa basag na baso sa sahig. “ Bakit po, Ma’am? “ “ May ginagawa ka pa ba? “ Nilipat ni Sasha ang tingin sa kasambahay saka itinuro ang mga nagkalat na piraso ng nabasag na baso. “ Pakilinis mamaya ‘to, okay? Baka mabubog pa tayo kapag nadaan sa gawi na ‘yan. Kumuha ka na rin ng isa pang baso. “ Agad namang sumunod si Vee na saglit sinipat ng tingin si Javier bago umalis sa dining area para kumuha ng walis at dustpan. Mariin namang napalunok ng laway si Anna sa nararamdamang tensyon sa mesa. Inangat ni

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 28

    CHAPTER 28 Ala tres y medya nang hapon nang matapos sa pag-aayos ng mga gamit sina Anna at Javier. Ramdam ang pagod at gutom ng dalawa na pinili munang mahiga sa kama upang makapagpahinga. “ Sana this week, gumising na si Allan...” Buntong hiningang wika ni Anna, ibinaba ang cellphone matapos basahin ang mensahe mula sa ina tungkol sa kalagayan ng kapatid niya. Lumingon siya sa likuran at nakitang nakasandal sa headboard ng kama si Javier kaya lumapit siya rito upang sumandal sa balikat nito. “ Sakit sa ulo ang kapatid ko na ‘yon, pero mahal na mahal namin iyon. Humanda talaga siya saakin kapag nagising yan. “ Bahagyang natawa si Javier. “ Nandoon na iyong concern mo, pero dinagdagan mo pa ng pagbabanta. “ “ Eh kasi naman, eh...” Napabuga sa hangin si Anna. “ Masama ba akong ate kung mas naaaawa ako sa magulang ko kaysa sa kapatid ko? Hindi naman hahantong sa ganito ang lahat kung matino siya. Siya gumawa ng kalokohan pero kami ang nagdurusa. “ Piniling hindi sumagot ni Javier.

  • BOOK 2: Maid For You Too   CHAPTER 27

    CHAPTER 27 Akala ni Anna, sanay na ang mga mata niyang makakita ng mga magagara at nag lalakihang bahay sa ilang taon niyang pagta-trabaho sa siyudad, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mamangha nang makarating sa bahay na pagmamay-ari ni Sasha. May dalawang palapag ito at ang parking space ay tila kasing-laki lamang ng bahay nila sa probinsya. Dalawang sasakyan ang nakaparada doon--isang sedan at crossover. Ang railing ay gawa sa salamin na para bang nakakatakot nadampian ng kamay niya dahil baka mabasag. “ Sa picture ko lang nakikita dati bahay niyo. Ngayon nandito na ako...” wala sa sariling sambit ni Anna, tulala pa ring pinagmamasdan ang bahay na nasa harap niya. Kanina pa sila nakababa ng sasakyan, kasama ang dalawang maleta na dala-dala nila ni Javier. “ Saan mo nakita? “ tanong ni Javier, pinunasan ang pawis sa sentido niya habang nakaangat ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay. Huling punta niya, wala na sa balkonahe ang mesa at silya na madalas niyang tambayan noong

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status