Share

Chapter 5

Author: Moonstone13
last update Last Updated: 2024-03-23 12:09:11

Samantalang ang lalaking nakakita kaninang tanghali kina Berry sa labas ng club ay nakabalik na sa loob ng opisina nito bilang CEO (Chief Executive Officer.) sa kanilang kumpanya.

Pagkatapos niyang maihatid ang matalik niyang kaibigan na si Cyrus sa bahay nito ay agad siyang nagbalik sa Construction Company nila.

"Shlt!" murang wika ni Jayden dahil sa naiinis siya sa sarili kanina pa. Hindi siya makapagfocus sa kanyang ginagawa dahil sa paulit-ulit niyang naalala ang mukha ng babaeng nanalamin sa salamin ng kanyang kotse.

Kanina pa siya sa harap ng screen ng laptop niya pero wala siyang nagagawa o natatapos. Napatayo na siya sa kanyang swivel chair upang makapag-isip ng kanyang gagawin para maalis sa isipan niya ang mukha ng babaeng probinsyana.

Paroo't parito, pabalik-balik na ang lakad niya sa loob ng kanyang opisina. Ngunit walang ibang pumapasok sa isipan niya. Nag-aalala siya para sa babaeng probinsyana.

Naalala niya ng pumasok ito sa loob ng club kasama ang dalawang babae at naisip niyang hindi maganda ang kahahantungan ng mga babaeng bagong salta sa siyudad. Pansin pa naman niya na may pagkainosente rin ang babae.

Sa isipan pa naman niya ay baka sapilitan papagsayawin o gawing parausan ng costumer sa club ang babaeng nakita niya. Naiisip pa lang niya iyon ay nakakaramdam na siya ng panibugho sa taong gagawa nun sa babae.

Hindi maintindihan ni Jayden ang sarili kung bakit siya sobrang nag aalala sa babae at kung bakit hindi ito mawala sa kanyang isipan. Samantalang hindi naman niya kilala ang babae at unang beses pa lamang niya na nasilayan ang mukha ng babaeng iyon. Sinubukan na niyang idivert sa iba ang isipan niya pero bumabalik pa rin siya sa pag-aalala para sa babae.

Naalala ni Jayden ang puting panyo na pagmamay-ari ng babae, kaya inilabas niya mula sa bulsa ng kanyang suot na slack pants ang panyo ni Berry at tinitigan niya iyon.

"I think, you really need my help woman, kaya siguro hindi ka mawala-wala sa aking isipan. Sana ay okay ka lang sa mga oras na 'to at sana ay makita kitang muli mamaya Berry," sambit ni Jayden na walang ibang nakaririnig.

Malalim siyang nag-iisip ng gagawin n'ya para mailigtas ang babae sa kapahamakan ng tumunog naman ang kanyang cellphone at agad niyang inaccept ang call ng hindi man lang sinipat sa screen ng phone niya kung sino ang caller.

"Hi Babe, where are you?" tinig ng isang babae na nakilala agad ni Jayden kung sino.

Napangisi si Jayden ng marinig ang boses ni Ishie Mallari na isang International Fashion Model.

Almost five months ng magka-fling sina Jayden at Ishie, na nagsimula sa one night stand after nilang magkakilala sa isang sikat na night bar sa Malate at sa tingin naman nila ay compatible naman silang dalawa, kaya naging exclusively dating sila, hanggang sa naging humored boyfriend na nga siya ng modelo sa social media dahil kilala naman si Ishie bilang fashion model sa magazine at influencer na rin at si Jayden naman ay sikat na car racer.

"Babe, nasa opisina ako, why?" tanong ni Jayden.

"Nothing, just checking on you Babe,"sagot ng babae sa kabilang linya.

"Oh really?! I thought you miss me, kaya ka tumawag," nakangiting turan niya.

Narinig ni Jayden ang mahinang hagikhik ng dalaga.

"You, where are you?" tanong niya pa kay Ishie.

"Mall in North Edsa, buying gift for a friend para sa birthday party niya tomorrow," normal lang na sagot ng babaeng kausap ni Jayden.

"Nasa malapit ka lang pala, gusto mong pumunta rito? I know you miss me, that's why napatawag ka," pag-iimbita ni Jayden kay Ishie, na napapangisi pa.

"Are you sure, you wanna see me? gusto mo ngayon na ba sa opisina mo or kita na lang tayo later sa restaurant na malapit lang sa kumpanya ninyo para magdinner?" sambit na tanong ng babaeng halata naman sa boses na naiexcite na may halong pang-aakit ang pagkakasabi nito ng kataga kay Jayden.

Napailing naman ang lalaki sa sinabi ni Ishie gayong halata naman sa babae na gusto nito ang pag iimbita niya rito. "Busy later, may importanteng lakad kami nila Cyrus," sagot niya kay Ishie kahit wala naman talaga silang lakad na magkakaibigan dahil may plano siya para mamayang gabi.

"Uhmm.. Okay!, sige, darating ako," humahagikhik na saad ni Ishie sa kanya.

"Okay, I'll wait you here, see you, babe!" seryoso naman niyang turan bago ini-off ang phone call.

Saglit na nawala sa isip ni Jayden ang babae sa labas ng club sa kanyang isipan. Ibinalik n'ya sa kanyang bulsa ang puting panyo at pinindot ang button ng intercom na connected sa table ng secretary niya ng mapansin niyang wala na pala siyang bottled water.

"Yes boss?" tanong agad ng secretary niyang si Arianne mula sa intercom.

"Can you please, give me a cup of coffee and bring me some bottled water please, wala na akong stock dito," aning utos niya sa sekretarya.

"Ah okay po, Boss," ani namang saad ni Arianne at mabilis na kumilos matapos makipag usap sa boss niya sa intercom.

Dala ang isang tasang kape at apat na bottled ng mineral water ay pumasok si Arianne sa loob ng opisina ng boss niya.

"Boss, your coffee and water," saad ng secretary kay Jayden na nakatuon na sa ginagawa sa laptop nito.

"Thanks, ilapag mo na lang diyan, Arianne. Nga pala parating si Ishie, padiretsuhin mo na lang pagdating niya," seryosong wika ng lalaki na nakuha na agad ni Arianne ang ibig iparating sa kanya ng boss.

"Okay boss, sige po!" at iniwan na ang boss sa loob ng opisina.

Ilang minuto lang ay dumating na rin si Ishie na napakaganda at napakasopistikada nito sa suot na kulay itim na halter mini dress na hakab na hakab sa makurba nitong katawan. Suot ang wallet sling bag at naka-stiletto na sandals na 3 inches ang taas na lalong nagpatangkad pa sa babae.

Paglapit pa lang ni Ishie sa table ni Arianne ay agad itong binati ng sekretarya ni Jayden na hindi man lang pinagkaabalahan na batiin din o ngitian man lang si Arianne.

Tumayo na ang secretary ni Jayden at kinatok ang pinto ng boss na hindi na rin hinintay pa na sumagot ang boss niya at bahagyang ibinukas ang pintuan ng opisina ni Jayden at naglakad papasok si Ishie na hindi man lang nagpasalamat sa sekretarya ni Jayden.

Naningkit na lang ang mata ni Arianne sa girlfriend ng boss niya ng sa pagpasok ng babae ay ito na mismo ang kusang nagsara na itinaboy pa siya sa pamamagitan ng pag gesture nito ng kamay sa harapan niya at narinig pa niyang inilock ang pintuan ng kanyang boss.

Napailing at nagkibit balikat na lamang si Arianne dahil alam niyang gagawin na naman ng boss niyang motel room ang opisina nito.

Gwapo ang boss niyang CEO ng Gallardo Curtis Construction Company, pero hindi niya type ang isang Jayden Pereira Curtis na mabait nga ay papalit-palit naman ito ng babae.

Alam niyang hindi rin magtatagal ay magsasawa rin ang CEO nila sa Ishie Mallari na iyon at darating din ang babaeng magpapatino sa babaero niyang boss.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
naku jay tama ka need ng help ni Berry puntahan muna hahahha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter Finale

    Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 123

    Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 122

    "Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 121

    Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 120

    Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 119

    Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status