Share

Chapter 6 part 1

"Girls, pinatatawag na kayo ni Ate Jessa," aning wika ng isang babaeng bigla na lamang pumasok sa silid nila Berry na ikinagulat nilang apat dahil hindi man lang kumatok ang babae sa pinto.

Katatapos lang nila Berry at Marife na ayusin ang mga damit nila sa nakalaang cabinet para sa kanila sa loob ng silid na iyon. Habang ang dalawa nilang kasama ay busy sa kanilang mga ginagawa.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"singhal ni Ginalyn sa babaeng nakatingin kina Berry at Marife.

"Dito pala sa kwarto ninyo inilagay ang mga bagong dating. Hi, im Teresa, Tere na lang for short. Bago lang din ako, magdadalawang linggo pa lang," aning bati sa kanila ng babaeng kumuha ng kanilang atensyon.

Napakunot noo si Marife at si Berry ay napatitig sa mukha ni Teresa.

Kung titignan nila kase ng mabuti si Teresa ay para itong hindi problemado na katulad nila. Samantalang sinabi nito na bago pa lang din pala ito sa lugar na iyon.

"Hi din, ako si Berry at siya naman si Marife. Magkaibigan kaming dalawa," balik bati naman ni Berry.

"Hello Teresa!" pagbati na may matipid na ngiti naman ang ibinigay ni Fe sa bagong kakilala.

"Sige na Teresa, lalabas na kami. Mamaya ka na makipagkumustahan sa kanila at baka mainip si ate Jessa sa iyo matalakan ka pa. Bumalik ka na sa sala," utos ni Aireen naman sa babae na halata ang pagiging madaldal.

"Kayo, wag kayo basta-basta magtitiwala sa mga kasama ninyo rito sa pugad. Hindi lahat mababait at maganda ang magiging pakikitungo sa inyo rito. Hangga't kaya ninyong umiwas sa gulo, iwasan ninyo para hindi kayo mapahamak," payo ni Ginalyn sa kanilang dalawa na ikinatango nilang sabay sa babae.

"Matagal na ba kayo rito?" tanong ni Marife.

"Maglilimang buwan na ko dito. Si Ginalyn ang matagal na talaga dito," sagot ni Aireen.

"Hindi pa rin ba ninyo natutubos ang sarili ninyo, sa tagal na ninyo rito?" tanong muli ni Marife na pinakikinggan lang ni Berry.

"Malapit na ko, kaunting ipon pa. Matatakasan ko na rin ang buhay na ganito," sagot ni Aireen.

"Matagal na akong bayad, kung tutuusin malaya na ko na umalis dito sa pugad. Nakalabas na rin ako dati, pero nagdesisyon akong bumalik. Mahabang kwento, at saka ko na itutuloy dahil baka masigawan na tayo ni ate Jessa. Tara na sa sala," Sagot ni Ginalyn na nakitaan nila ng lungkot sa mga mata.

Naunang lumabas sa silid sina Ginalyn at Aireen na sinundan nilang magkaibigan.

Sa sala ay nakita nila Berry ang ibang mga babae sa pugad na nagkukumpulan sa isang tabi. Mahigit bente ang bilang nila kasama na silang dalawa ni Marife.

"Dito kayong dalawang bago sa harapan at magpakilala kayo sa kanila," utos sa kanila ni Jessa.

Magkasunuran lumapit sina Marife at Berry kay Jessa at sinunod ang utos nito na magpakilala.

Nauna si Marife na nagpakilala at sumunod naman si Berry. Pagkatapos nila ay iniutos ni Jessa sa mga babae na ipakilala rin nila ang mga sarili nila sa dalawa.

"Okay, ngayon na magkakakilala na kayo ay uumpisahan na natin ang meeting. Wala na munang rehersal ngayong araw dahil may lalakarin akong importante. Kung ano ang ginawa ninyo kagabi ay ganun na lang din ang gawin ninyo mamaya. Magpalit na muna kayo Ginalyn at Vanessa ng pwesto ngayong gabi at si Trina na muna ang magiging star of the night," panimula na ni Jessa sa pagpupulong nila.

Tumango naman ang tatlong babae na binanggit ang pangalan.

"Sa mga baguhan naman sa pag ientertain na muna kayo ng costumer at panoorin ninyo ang mga ginagawa ng mga kasama n'yo sa itaas ng stage kapag sumasayaw sila. Sa mga susunod na araw ay aakyat rin kayo ng stage para magsayaw."

"Berry at Marife, sa grupo kayo ni Ginalyn. Alam na niya kung papaano kayo ihahandle pagdating sa club. Bawal kayong ilabas ng mga costumer. May mga private room sa loob ng club kung sakali na papayag kayong mag extra service," tinuro pa ang magkaibigan na alam naman na sila ang pinatutungkulan dahil sila lang naman ang bago.

Matamang nakikinig ang magkaibigan sa sinasabi ni Jessa pero si Berry ay wala namang gaanong maunawaan.

"Kung gusto ninyong makabayad agad at makaalis rito, gamitin n'yo ang ganda at charm ninyo, ang katawan n'yo. Malay ninyo, tulad ng iba na nauna sa inyo rito ay may mauto rin kayong mga costumer," pagbigay pa ng payo ni Jessa sa mga babaeng ang iba ay natawa, samantalang ang iba ay halatang hindi nagustuhan ang idea na isinuhestiyon ng babae sa kanila.

Napakuyom ng kamao niya si Marife sa narinig, si Berry naman ay umawang ang bibig dahil sa nakuha niya na ang ibig sabihin ng extra service na sinasabi ni Jessa.

"Kayong dalawang bago ipapadala ko kay Janna ang susuotin ninyo mamaya at si Janna na rin muna ang mag aayos sa inyong dalawa. Magpakabait kayo roon dahil ang mga kaartehan ninyo rito sa pugad ay hindi pupwede roon kay Moira," ani pang turan ni Jessa sa kanila.

"Sige na maghapunan na kayo at magsipaligo na rin ang iba sa inyo para hindi kayo magahol. Ayaw ni Allan ng pinaghihintay siya ng matagal," utos pa nito sa mga babaeng nakapaligid sa kanya.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
jusmiyo hnd maiwasan salbahe na costumer ingat Berry at marife
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status