Sa bahay pugad kung saan dinala nung Allan sina Marife at Berry ay sinalubong sila ng babaeng namamahala sa mga taong nakatira doon.
"Sila na ba ang bagong talent na sinasabi ni Madam Lorena?" tanong ng babaeng halos hindi naman nalalayo ang edad kina Berry sa lalaking umaalalay sa magkaibigan."Sila nga Jessa, ikaw na ang bahala sa dalawang yan. Mga mukhang walang muwang, turuan mo na muna bago mo isabak sa trabaho sa club para may idea sila kung ano ang gagawin nila sa club. Magpapahinga na muna ako at mamaya ihahatid ko na naman ang mga alagang kalapati mo. Ipatawag mo na lang ako mamaya kapag nakaready na kayong lahat," aning saad ng lalaki sa nagngangalang Jessa."Bahala ka, basta siguraduhin mong nakalock ang gate at ang mga kasamahan mo ay nagbabantay roon. Mahirap ng matakasan tayo ng mga ito dahil tayo ang malilintikan," biling saad ni Jessa kay Allan."Kahit hindi mo ipaalala Jessa, Alam ng mga tao ko ang trabaho nila rito. Wag mo kong manduhan ha! hindi ikaw ang boss ko," paangil na sagot nung Allan sa babae na inirapan na lang ang lalaki at hinarap silang magkaibigan."Kayong dalawa, sumunod kayo sa akin!" utos ng babae kina Berry at Marife.Walang imik na sumunod ang magkaibigan kay Jessa. Malawak ang bakuran ng lugar at dalawang palapag ang kabuuan ng malaking bahay. Sa itaas ng bahay sila dinala ng babae.Paakyat pa lang sina Berry at Marife ay pansin na nila ang ilang mga kababaehan na nakatanaw sa kanilang pagdating. Ang iba ay mapapansin agad ang awa sa mga mata nito, ang iba naman ay parang natutuwa sa pagdating nila at ang iba ay mga nakataas na ang kilay sa kanilang magkaibigan. Halos mga kaedaran lang din nila ang mga babaeng nakikita nila Berry at sapalagay nila ay katulad din nila ang sinapit ng mga babaeng iyon."Maupo kayong dalawa," utos sa kanila nung Jessa.Naupo sina Berry at Marife at parehong nakikiramdam sa paligid habang kinakausap sila nung babaeng sa tingin nila ay hindi naman ganoon kasama ang ugali."Mga mukhang isa rin kayo sa mga naloko ni Cristy. Saang probinsiya kayo narecruit ng balasubas na babaeng 'yon? Ikaw, maganda at makinis ka at maganda rin ang hubog ng iyong katawan, pwede kang maging dancer sa club. Anong pangalan mo?" aning tanong ni Jessa na napansin agad nito ang katangian ni Berry."Be-Berry Marasigan po ang pangalan ko, ma'am." sagot agad ng dalaga dahil sa takot."Maganda rin ang pangalan mo ha, bagay sa iyo. Ikaw, anong pangalan mo? medyo payat ka lang pero maganda ka rin at lalo kang gaganda kapag naayusan ka at tumaba ng kaunti. Magkaibigan kayong dalawa?" seryosong tanong pa ng babae sa kanila."Maria Fe Cantiga po. Taga Catanduanes kaming dalawa at oo, nadenggoy kami ng demonyang babae na yun at kaya kami naririto ngayon ay dahil sa kanya. Kapag nagkasalubong uli ang landas namin ng talipandas na gurang na iyon ay naku lintik lang ang walang ganti talaga!. Dahil sa ginawa niya sa amin ni Berry hindi ko alam kung anong kakahantungan ng buhay namin rito," mahumanay na sagot ni Marife ngunit halata ang galit nito sa babaeng naging dahilan ng pagkakasadlak nila ni Berry sa trabahong hindi nila kailanman ginustong pasuking magkaibigan.Hindi naman pinansin ng babae ang galit ni Marife at nagpatuloy sa pag iinterview at briefing nito sa dalawa."Dito kayo manunuluyan sa bahay pugad sa buong araw at sa gabi ay sa club kayo magtatrabaho bilang mga entertainer at dancer. May makukuha naman kayong sahod tuwing katapusan ng buwan, anim na libo. Hindi naman sobrang sama ng mga boss natin at maayos naman silang tumutupad sa usapan. Ang bawat isa sa inyo ay maaaring makalaya sa lugar na ito basta maibigay na ninyo ang isang daang libong halaga ng pang tubos sa sarili ninyo. Kaya kung gusto ninyong mapadali ang pag alis ninyo rito ay gumawa kayo ng paraan upang makalikom ng ganoong halaga, naiitindihan n'yo?" mahabang paliwanag ni Jessa sa dalawa na tumango lang."Si Allan ang tagahatid at sundo ninyo sa Club. Wala kayong dapat na ikapangamba kay Allan dahil hindi kayo sasaktan nun kung hindi ipag- uutos ni boss. Sa bahay na ito ay safe naman kayo, walang gagalaw sa inyo rito at walang mananakit sa inyong tauhan ni Madam Lorena. Except na lang kung magtatangka kayong tumakas. Syempre ibang usapan na kung susuway kayo sa rules. Kung hindi ninyo makuha ang ibig kong sabihin ipapaintindi ko para sa inyo," litanya ni Jessa kina Berry at Marife na magkahawak kamay at pinakikinggan ang bawat sabihin ng babae sa kanila."Kapag matigas ang ulo ninyo rito ay mapaparusahan kayo. Kapag kayo ay nagtangkang tumakas at mahuli kayo, ipagdasal na ninyo ang buhay ninyo dahil baka ibenta kayo sa mga halang ang bitukang kakilala ni boss dahil sa katigasan at tapang na ipapamalas ninyo. Kaya ngayon pa lang ay binabalaan ko na kayong mga bago rito. Hindi sa tinatakot ko kayo pero kailan lang may isang babae rito na nagtangka at ngayon ang alam ko ay ginawa ng sex slave ng mga tauhan ng mga Mafia na kakilala nila boss," pananakot na saad ng babae sa kanila.Nagkatinginan sina Berry at Marife na napansin naman ni Jessa. "Kaya kung ayaw ninyong sapitin ang dinanas ng ibang mga babae rito ay magpakabait kayo," matinding payo na may pananakot ng babae sa magkaibigan."Kumain na ba kayo?" muling tanong ni Jessa."H-Hindi pa nga po!" mahinang sagot ni Berry."Hindi kami pinakain ni Aling Cristy kanina, habang nasa byahe kami ay binigyan niya lang kami ng biscuits at bottled water ni Berry," sagot naman ni Marife.Lumayo ng bahagya si Jessa sa kanila at pasigaw na tinawag ang pangalang Janna na isa yatang kasambahay roon sa bahay pugad."Janna, maghain ka at kakain silang dalawa," utos ni Jessa sa babaeng lumabas sa isang pintuan."May natira pang ulam at kanin kanina, iinitin ko na lang iyon para sa kanilang dalawa, kasya naman na siguro sa kanila ang tirang kanin," wika ni Janna na isa pa lang PWD (Person with Disabilities.) may polio ang babaeng nagngangalang Janna."Asikasuhin mo na muna sila, Janna. Ikaw na muna ang bahala sa kanila at matutulog na muna ako," saad ni Jessa at tinalikuran na silang tatlo ng babae."Oo na, alam ko naman na ang gagawin ko," pabalang naman na sagot ni Janna na hindi pinansin ni Jessa at nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad."Welcome mga girls sa bahay pugad. Ako si Janna ang utusan ni Jessa rito sa bahay. Actually magkapatid kami ng gaga kong ate na yon! Mabait naman yan, huwag lang ninyo gagalitin dahil makikita ninyo kung paano rin yan magalit. Pahihirapan kayo niyan sa rehersal ninyo," Nakangiting pakilala nung Janna sa kanila."Hi / Hello," magkapanabay na bati nila Marife at Berry, na nabawasan ng kaunti ang takot at kabang kanina pa nila nararamdaman at dahil iyon kay Janna na sa tingin nila ay maari nilang maging kaibigan sa bahay na iyon.Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun
Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw
"Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD
Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si
Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under
Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo