공유

Chapter 4

작가: Moonstone13
last update 최신 업데이트: 2024-03-23 12:09:03

"Marife, anong iniisip mo?" pagpuna ni Berry sa kaibigan na biglang tumahimik.

"Huwag mo muna akong pansinin Berry," matamlay na turan ni Marife sa kanya.

"Galit ka ba sa 'kin? kanina ko pa kase napapansin ang pananahimik mo. Nararamdam kong may gumugulo sa iyong isipan, ano ba 'yon? sabihin mo naman sa akin," mahumanay na tanong ni Berry sa kaibigan ng maiwan silang dalawa sa kusina.

Nagpaalam kase kanina sa kanila si Janna na may kukunin lang sa silid nito at babalikan daw sila agad, pagkatapos silang maipaghain ng makakain nila.

"Berry, ayoko sa ganitong lugar. Gusto kong tumakas pero ikaw ang iniisip ko, hindi kita pwedeng iwan at ayokong mapahamak ka dahil sa binabalak ko," mahinang pahayag ni Marife na ikinalaki ng mga mata ni Berry.

"Fe, huwag na nating subukan. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Jessa sa atin kanina?!" takot na saad ni Berry at yumuko.

"Patawarin mo 'ko, Marife! kase ng dahil sa akin nakasama ka rito ng dahil sa pagpupumilit kong samahan mo ako. Kung hindi kita pinilit na sumama tayo kay Aling Cristy, sana wala ka rito at ako lang ang mapapahamak at hindi ka kasama," humihikbing turan ni Berry na sising-sisi sa ginawang pagtitiwala sa taong hindi pa niya lubos na nakikilala.

"Huwag ka ng umiyak Berry, hindi kita sinisisi sa nangyari. Hindi mo kasalanan kung bakit tayo narito ngayon. Tumahan ka na! Alam mong hindi kita kayang pabayaan, mahal kita Berry, dahil parang kapatid na ang turing ko sa 'yo," aning wika ni Marife.

"Hindi ko maipapangako sa iyo na aalisin ko sa isip ko ang pagtakas dito Berry. Hindi na muna ngayon dahil sigurado akong hihigpitan nila ang pagbabantay sa ating dalawa," matapang na saad ni Marife.

Tinignan lang ni Berry ang kaibigan na seryoso sa sinabi nito. Hindi na nagkomento pa ang dalaga at nanahimik na ng marinig nilang may yabag ng paa na papalapit sa kanila.

"Tapos na ba kayong kumain? kung tapos na kayo, pakihugasan n'yo na muna ang pinagkainan ninyo at mamaya ay sumunod kayong dalawa sa akin, para makita ninyo ang tutulugan ninyo," aning utos ni Janna sa magkaibigan na mabilis na tinapos ang pagkain nila at nagtulungan na iligpit ang pinagkainan.

"Dito sa bahay pugad ay hindi kayo masasaktan kung magiging masunurin kayo. Walang mananakit sa inyo rito at safe kayo dito. Hindi naman ganoon kasama ang ugali ni Madam, mukhang pera lang talaga siya." wika ni Janna na mahinang bumungisngis na tila ba sinusubukan na patawanin ang dalawang kausap niya.

Wala naman naging ibang reaksyon sina Berry at Marife. Seryoso lang silang nakikinig sa mga sasabihin pa ni Janna.

"Ang hirap ninyong patawanin ah!" angal ni Janna na ikinasulyap ng magkaibigan sa isa't isa.

"Wag n'yo ng intindihin ang huling sinabi ko." muling saad ni Janna at sumeryoso na.

"May panuntunang pinatutupad para sa inyo si Madam. Gawin lang ninyo ang trabaho n'yo ng maayos, wala kayong magiging problema," litanya ni Janna sa kanila habang naghuhugas silang magkaibigan sa lababo.

"Janna, may tanong ako?" wikang tanong ni Marife na ikinasulyap ni Berry sa kaibigan.

"Ano yun?" sagot naman ng babae.

"Magkapatid kayo ni Jessa, ang sabi mo di ba. Matagal na ba kayong naririto? Nagtatrabaho rin ba kayo sa club?" tanong ni Marife na sinisimulan ng kuhanin ang loob ni Janna para makakuha ng mga impormasyon mula sa babae sa kinaroroonan nila.

"Ah oo, matagal na rin kami ni ate sa lugar na 'to," aning sagot agad ni Janna.

"Hindi ako nagpupunta sa club, kita naman ninyo ang kalagayan ko di ba! si ate Jessa ang paminsan-minsan lang magtungo roon kapag iniutos ni Madam sa kanya o kung kailangan niyang baguhin ang ayos ng club dahil sa kanya ipinagkakatiwala ni Madam iyon." dugtong pang saad ni Janna na ikinahugot ng malalim na paghinga ni Marife.

"Malapit talaga kayong mag ate sa may ari ng club noh!" pasimpleng pagkuha pa ng impormasyon ni Marife na hindi naman nahahalata ni Janna.

"Bata pa lang kami ng dalhin kami rito ni Madam. Anak kami ng kaibigan ni Madam Lorena. Inampon niya kaming magkapatid dahil sa kanya kami inihabilin ng mama namin bago siya malagutan ng buhay. Inaruga, pinalaki at pinag-aral niya naman kami hanggang sa makatapos ng college, pero secretarial course lang ang pinakuha sa amin ni Madam. Siya ang nagdedecide para sa aming magkapatid. Hindi man niya kami itinuring na parang mga anak, but atleast naging maayos naman ang pakikitungo niya sa amin, kahit na ang pakiramdam namin ay ikinulong niya kami sa lugar na ito," kwento ni Janna sa kanila.

Bahagyang nakaramdam ng awa sina Marife at Berry sa magkapatid dahil sa narinig kay Janna.

"Ako ang namamahala sa gawaing bahay rito at si ate Jessa sa inyong mga kalapati naman, iyon ang tawag sa mga babaeng nakatira dito na nagtatrabaho sa club nila Madam Lorena. Kaya kung maririnig ninyo ang katagang mga alagang kalapati ni ate Jessa ay kayo ang tinutukoy ng mga 'yon," dagdag pang wika sa magkaibigan.

"Ang ate ko ang nag aasikaso ng mga kakailanganin ninyong costume at props sa club, pati ang pagbabantay sa inyo rito at sa pagtuturo ng sayaw," ani pang sabi ni Janna na ikinatango ni Marife habang si Berry ay sa kaibigan nakatuon ang isipan.

"Ah, nakatapos ka naman pala ng pag aaral. May mga nakaalis na ba rito na tulad namin?" muling tanong ni Marife na inilihis na ang usapan sa katauhan ng magkapatid at kung ano talaga ang papel ng mga ito sa lugar na iyon.

"Mayroon naman na. Ang iba mga binayaran ng mga naging costumer nila ang paglaya nila rito, kapalit ang katawan nila. Ang iba naman ay nagsumikap na makaipon ng isang daang libo para makalaya. Pero may ilan rin na hindi na umalis dito kahit matagal ng bayad. Mas gustong manatiling magtrabaho sa club dahil malaki ang naipapadala nilang pera sa pamilya nila at free lodging pa. Mamaya ipapakilala ko sa inyo sina Ginalyn at Aireen, na matagal na rin dito." dagdag pang ani ni Janna.

"Pinipilit ba nila ang mga babae rito na magpagamit o magpagalaw sa costumer?" pag uusisa pa rin ni Marife na ikinabaling muli ng tingin ni Berry sa kaibigan dahil sa nagugulumihanan na siya sa mga itinatanong nito kay Janna.

Agad namang pinisil ni Marife ang kamay ni Berry na nakuha naman ng dalaga ang ibig sabihin kaya nanahimik lang at nakinig sa dalawa.

"Hindi, Alam n'yo iyon ang ikinaganda sa palakad dito ni Madam Lorena, kayo ang magdedesisyon para sa sarili ninyo. Ang gusto lang niya ay gawin n'yo ng maayos ang trabaho ninyo sa club," sagot naman agad ni Janna.

"Ano bang magiging trabaho namin sa club?" tanong naman ni Berry na hindi na makatiis na magtanong din.

"Hindi pa ata nasabi sa inyo ni ate Jessa na magsasayaw kayo sa club gabi-gabi at mag ientertain kayo ng costumer na gustong magtable sa inyo sa club," pahayag sa kanila ni Janna.

"Ano?! Eh paano yan, hindi ako marunong sumayaw?" gulat na bulalas ni Berry habang si Marife ay tahimik lang.

"Tuturuan naman kayong dalawa ni ate Jessa. Tara na sa silid ninyo para makilala na rin ninyo ang iba at makakatrabaho ninyo sa club," pagputol na ni Janna sa tanungan portion nilang tatlo sa kusina.

Lumabas na sila sa kusina at naglakad na sa pinakasala at doon ay may nasalubong silang ilang babae na ipinakilala naman sila ni Janna.

Nang makarating sila sa harapan ng pintuan ng isa sa mga silid ay pinapasok sila ni Janna roon at sinabing iyon ang magiging kwarto nila.

Sa loob ng silid ay may tatlong double deck, may sariling banyo at malaking built in cabinet na may anim na locker door na lagayan ng mga sari-sarili nilang gamit.

"May bago na naman palang recruit, Janna. Mga naloko din ba?" tanong ng isang babaeng nakasalampak ng upo sa ibabaw ng higaan nito.

"Nagoyo rin ni Aling Cristy, ang dinig kong sabi ni Madam kay ate Jessa," normal na sagot ni Janna sa babae.

"Hindi pa rin pala nakukulong ang walanghiyang yun, may sa palos talaga!" komentong sabi ng babae.

"Welcome girls sa putikan. Ako pala si Airene, itong katabi ko si Ginalyn. Naloko rin ako ni Aling Cristy na katulad ninyong probinsyana na inalok niya ng magandang trabaho dito sa Maynila yun pala ay pagkakaperahan niya at gagawing pambayad sa kinuha niyang pera na ten times ang balik," saad naman ng isang babae na nakahiga sa isa pang double deck.

"Hello, ako si Berry at ito si Marife ang kaibigan ko," pagpapakilala naman ni Berry sa dalawang babae na makakasama nila sa silid.

"Sa isang double deck na lang kayong dalawa, magkaibigan naman na kayo. Maiwan ko na muna kayo, girls behave kayo rito ha, kung ayaw ninyong mabartolina ni Allan," paalam ni Janna sa kanila.

"Nanakot ka pa! Oo, alam na namin yon!" naiiritang sabi ni Ginalyn kay Janna na hindi pinansin ang itinuran ng babae.

"Ayusin na muna ninyo ang mga gamit ninyong dalawa at mamaya na tayo magkwentuhan. Tayong apat lang dito sa silid kaya wag kayong mahiya sa amin ni Aireen. Ayaw lang namin na madumi at maingay sa kwarto at gusto namin ay marunong makisama at higit sa lahat ay galit kami sa malikot ang kamay. Kaya kung gusto ninyo kaming makasundo ay susunod kayo sa gusto namin, nagkakaintindihan ba tayo?" mahabang litanya ni Ginalyn sa kanilang magkaibigan.

Nagkatitigan pa muna sina Berry at Marife bago sumang-ayon sa sinabi ni Ginalyn sa kanila.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
GIRLY DE TOMAS
bakit kasi my mga taong ganon manloloko sa kapwa kita mo nag alok ng trabho akla.mo.maayos un pala dancer sa club hnd kpa nag umpisa my utang kna masaklap iba pa nakinabang ..
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter Finale

    Pagkababa nila Jayden at Berry sa hagdan na akay ang kanilang kambal ay napaiyak ang Mommy Sandra ni Jayden na pinatatahan ng kanilang Daddy na nasa tabi ng Mommy nila. "Mom, Dad," bati ni Jayden na mababanaag sa mukha nito ang sobrang saya ng makita sila. "Tita Sandra, Tito Jasper," nahihiyang bati ni Berry na hindi makatingin sa mga mata ng mga magulang ni Jayden. "Berry, Iha, na miss kita! Napakaganda mo na noon mas gumanda ka pa ngayon. Hiyang ka sa pagkakaroon ng anak. Sila na ang mga apo naman di ba?!" "Yes po Tita Sandra, si Jay-Dee po at si Jay-Vee." nagagalak na ipinakilala ni Berry ang kambal sa kanilang Lola. "Twin's, sila ang parents ng Daddy ninyo kaya grand parent's din ninyo sila katulad ni LoloDad na Daddy ko naman." pagpapakilala at paliwanag na rin ni Berry sa dalawang bata. "Hello po! MommyLa, DaddyLo. nice to see you po." saad ng isa sa kambal. "Mom, Dad, siya po si JV. May balat po siya sa braso." aning saad ni Jayden upang malaman ng magulang nito agad kun

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 123

    Nakabalik ng bahay sina Don Alejandro ng bandang hapon na nga. Inantok na kase ang kambal kaya nagpasya na silang umuwe na. Nakaabang naman na sa labas ng pinto ng bahay sina Jayden at Berry dahil naabisuhan na sila ni Jade. "Mommy..,!" "Daddy..,!" Pasigaw na sambit ng kambal ng bumukas ang pintuan ng van na sinakyan ng mga ito ng makita silang dalawa na nakalapit na sa van. Dahil mga nakaseatbelt pa ang mga bata ay excited na nagkakakawag ang kambal sa kinauupuan ng mga ito. "Wag malikot, wait lang mga pogi kong pamangkin. Jayden, ikaw na nga kumuha sa mga anak ninyo." saad ni Jade na ikinalapit naman agad ni Jayden na tinulungan na rin ni Berry. "Daddy, Mommy, Me and JD eat french fries and hotdog with LoloDad and Tita Jade." masayang pagkukwento ni JV kaagad. "And we play also in jumping gym, Mommy. Nag slide kami ni JV and tita Jade." saad naman ni JD. "Wow, mukhang nag enjoy ang twins ni Mommy ah! Next time, sama kami sa inyo ni Daddy ha!" nakangiting wika ni Berry na haw

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 122

    "Anong oras na?" tanong ni Berry matapos ang huli nilang rounds sa ibabaw uli ng kama. "Magtatanghali na." "Hala ang kambal," "Nasa mall sila kasama ni Jade at ng Dad mo. Umalis sila kanina pa. Nag chat sa akin si Jade kaya okay lang kahit na mamaya pa tayo lumabas ng kwarto mo. Maghapon daw muna sila sa mall mga alas kwatro na raw sila babalik dahil nag i enjoy ang mga anak natin sa jumping gym ng mall." "Ah, hindi ka ba nagugutom? wala pa tayong agahan at magtatanghali na ang sabi mo." "Busog na busog naman na ako sa iyo." nakangiting sagot ni Jayden. "Pero gutom na ako. Pwedeng bang ikaw na lang muna ang bumaba nahihiya ako sa mga kasambahay." "Jade, wala kang dapat na ikahiya alam nila na ako ang ama ng kambal. Kaya sure akong kahit na isipin nila na may nangyari sa atin sa loob ng kwartong ito ay hindi na big deal sa kanila iyon." "Mamayang gabi pupunta dito sina Mom at Dad at mamanhikan na sila para pag usapan ang magiging kasal nating dalawa at makilala na rin sina JD

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 121

    Unang nagising si Jayden sa kanilang dalawa at palagay niya ay maliwanag na sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang mukha ni Berry at nakayakap sa kanyang katawan ang babaeng mahal niya. Hinagkan niya sa ulo si Berry at inayos niya ang kumot na nakapatong sa katawan nito na nakalihis.Bumangon muna si Jayden upang umihi sa banyo at maligo na rin ng mabilisan dahil medyo nanlalagkit ang kanyang balat.Paglabas niya ng banyo ay hinanap niya sa bulsa ng pantalon niyang hinubad kagabi ang kanyang cellphone.Binasa niya ang mga message na na send sa cellphone niya at nabasa niya ang chat sa kanya ni Julius, ng Mommy niya at ni Jade.Umalis raw ang kanyang kapatid kasama sina JD, JV at si Don Alejandro. Nagpunta sa isang sikat na fast food chain upang mag breakfast at pagkatapos daw ay didiretso na ng mall dahil alas nuebe pa raw ng umaga magbubukas iyon. Hindi na sila pinaistorbo ni Don Alejandro dahil sigurado raw ang matanda na pinuyat ni Jayden ang unica iha ng Don.Napangiti si

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 120

    Nagpatiunang maglakad si Berry pataas at sumunod naman si Jayden na nag init ang katawan at mabilis ang pintig ng puso. Ganun din ang nararamdaman ni Berry na para siyang biglang lalagnatin. Pagpasok nila sa loob ng silid ni Berry ay inilock agad ni Jayden ang pinto at hinawakan ang isang kamay ni Berry. Napatingin si Berry sa mga mata ni Jayden at para siyang hinihila ng lalaki hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Para silang mga uhaw na uhaw na matagal na nanabik sa bawat isa kung maglalaplapàn ng kanilang mga bibig. Binuhat ni Jayden ang katawan ni Berry na ang mga binti nito ay nakapulot sa baywang niya habang sila ay naghàhalikàn pa rin. Ibinababa ni Jayden pahiga si Berry sa ibabaw ng malambot na kama at mabilis na naghubad ng mga saplot habang siya ay tinititigan ni Berry. Tumayo si Berry at kusang hinubad ang kanyang mga suot, bra at panty lang ang naiwan at naglakad papasok sa loob ng banyo na sinundan din ni Jayden agad. Nahubad na ni Berry ang kanyang mga under

  • BOUGHT BY THE BILLIONAIRE   Chapter 119

    Matapos ang ilang minutong pag uusap nilang lahat sa sala ay naging maayos at malinaw na ang lahat sa kanila. Official ng nagkabalikan sina Jade at Jayden at bago umalis ang magkaibigang Marco at Lawrence ay ipinaalala uli ng kuya ni Berry ang bilin nito kanina kay Jayden na ikinaningkit ng mata ni Berry sa nakatatandang kapatid dahil wala itong preno sa pagsasabi kahit na naroon sa harap nila sina Marco, Jade at Don Alejandro. Nagpaalam na rin si Don Alejandro na matutulog na dahil maghahating gabi na rin kaya talaga antok na ang matanda. Si Jade ay sa silid ng kambal natulog dahil iyon ang gusto nito. May malaki kaseng sofa bed sa loob ng silid ng mga pamangkin niya na parang pinasadya talaga ng makita niya iyon kanina. Palagay ni Jade ay para talaga iyon kay Berry kapag gusto nitong doon sa silid ng mga bata matulog. Hindi na nagtanong si Don Alejandro kung saan matutulog si Jayden ng magpahatid ito kay Lara sa kwarto kasunod si Jade na umakyat na rin sa itaas. "Pwede na ba tayo

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status