Share

Chapter 45

Matapos makapaghapunan nila Berry at Jayden ay inaya ni Jayden si Berry sa labas.

Naglakad lakad sila sa dalampasigan na magkahawak ang kamay.

"Pagbalik ba ng maynila ay didiretso na tayo sa bahay mo?" tanong ni Berry.

"Oo, bakit? may gusto ka bang puntahan muna natin?"

"Wala naman, naitanong ko lang." sagot ni Berry.

"Pag nasa maynila na tayo ipapahanap ko na ang biological mother mo. May kilala ako kung sino ang makakatulong sa atin upang mapadali ang paghahanap sa tunay mong ina."

Tumigil sa paglalakad si Berry at bumuntong hininga. Tinanaw ang karagatan at muling napabuntong hininga.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Jayden.

"Naisip ko lang kung ako ba ay hinahanap din ng tunay kong ina o hinayaan na lang talaga niya ako sa mag asawang nagpalaki sa akin at nagbigay ng tunay na pagmamahal ng magulang sa akin." turan ni Berry na ikinatitig ni Jayden sa mukha ng dalaga.

"Nalaman mo ba ang dahilan kung bakit ka iniwan ng ina mo?" muling tanong ni Jayden.

"Hindi eh! ang nabasa ko lang sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status