Tahimik lang si Jayden sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho. Si Ishie naman ay nakikiramdam dahil batid niyang may hindi nagustuhan kanina si Jayden sa naging usapan nila sa dinner na kasalo ang parents niya."Galit ka ba?" hindi nakatiis na tanong ni Ishie."Bakit mo sinabi sa parents mo na magpapakasal tayo bago mahalata ng ibang tao ang tiyan mo? wala sa napagkasunduan natin ang bagay na iyon Ishie." naiinis na wika ni Jayden."I know, sorry na! sinabi ko lang naman iyon para pumayag sina Dad na tumira ako sa bahay mo. May pagka-old school ang mommy ko, napansin mo naman siguro. Nahirapan nga akong mapapayag siya sa gusto ko. Gagawan ko na lang ng paraan kapag malapit na, madali namang ayusin yun. Lulusutan ko na lang, Iisip muna rin ako ng magandang irarason kung bakit kailangang mapostpone ang kasal kapag nagtanong uli si Mommy at Daddy." paliwanag na lang ni Ishie.Bumuntong hininga si Jayden. "Ishie, ibinigay ko ang tiwala ko sa iyo sa set up na ito kaya umaasa akong tutupad
Kinabukasan ay pinilit ni Berry ang sarili na makasabay ng breakfast kina Jayden at Ishie kahit na sinabi ni Jayden na ayos lang naman kung sa kwarto silang dalawa mag almusal.Nahihiya siya kay Ishie dahil hindi nga niya nasalubong ang pagdating ng babae kagabi.Magkasabay silang bumaba ni Jayden papunta sa hapagkainan ng datnan nila si Ishie na nilalantakan ang manggang hilaw na pasalubong ni Jayden para kay Berry."Good morning, bakit ang tagal naman ninyong bumaba? kanina pa ako rito naghihintay sa inyo." pagbati ng babae sa kanila."G-good morning." balik bati ni Berry na halatang mugto pa ang mata sa kakaiyak kahapon."Nakapag agahan ka na ba? napaka-aga pa para kumain ng mangga, Ishie." paninita ni Jayden sa babae na hindi na nabati dahil sa nakita niyang ginagawa ni Ishie."Bakit ba? Sa natakam ako ng makita kong may manggang hilaw sa kusina. Kinain ko na wala namang gustong kumain ang sabi ni Manang. Isa pa alam mo namang naglilihi pa ako sa mangga di ba!" saad ni Ishie ng tu
Ilang araw ang lumipas na nagkakaiwasan sina Berry at Ishie. Nahahalata iyon ni Jayden pero hindi niya sinisita o kinokompronta ang dalawa. Sa tuwing kakausapin siya ni Ishie ay sa cellphone na lang ito nagsasabi ng gusto nito at si Berry naman ay napanatag na rin dahil hindi na siya binubulabog ni Ishie para makaramdam ng guilt.Isang araw ay tumawag si Cyrus kay Jayden at sinabi nitong nakamit na nila Marife at Marlon ang hustisya. Naiganti na nila ang pagkamatay ng dalawa at ipinasa nito sa messenger ni Jayden ang ipinalabas na balita sa tv. Ipinakita iyon ni Jayden kay Berry kaya naging maayos na ang pakiramdam ng dalaga.Ang address naman na ibinigay ng tauhan ni Cyrus ay pinuntahan ni Jayden upang makilala at makausap na sana ang tunay na ina ni Berry ngunit masamang balita naman ang nabatid niya. Alam niyang made-depress na naman si Berry kapag sinabi niyang matagal na palang nakalibing sa sementeryo ang katawan ng ina nito. Pero kailangan niyang ipaalam kay Berry ng hindi na i
"Natutuwa akong makitang magkasundo na kayong dalawa. Sana ay palagi kayong ganito. Mababawasan na rin ang iniisip na problema ng anak ko." saad ni Sandra na mommy ni Jayden ng lapitan niya sina Ishie at Berry."Hello Tita Sandra, kanina pa po ba kayo riyan?" tanong ni Ishie na bineso-beso muna ang ina ni Jayden na kunware ay hindi alam na paparating ang ginang."Kadarating ko lang ng marinig ko ang pinag- usapan ninyo. I'm glad na magkaibigan na kayong dalawa. Sang ayon ako sa naging pananaw mo Ishie alang-alang sa magiging anak mo, na apo ko." natutuwang turan ni Sandra.Malawak ang ngiting nagpasalamat si Ishie."Kumusta ka na Berry? naikwento sa akin ng asawa ko na marami ka raw pinagdaanang hindi maganda nitong nakaraang mga araw. Pasensya ka na at hindi kita nadamayan at marami akong naging trabaho. Ngayon na lang lumuwag ang schedule ko." saad na pangungumusta naman ng ina ni Jayden sa nobya ng anak matapos yakapin ng mahigpit."Maayos na po ako Tita Sandra, palagi naman po sa
Isang linggo ang mabilis na lumipas at naging abala si Berry sa pag aalaga kay Patricia dahil dalawang araw na rin na nasa ospital si Lanie dahil sa naaksidente itong nadulas sa loob ng banyo at malala ang pagkakabagsak ng balakang nito at na sprain pa ang isang paa.Si Ishie naman ay pinag iingat ng doktor dahil mahina raw ang kapit ng baby sa tiyan niya. Ibinilin din ng doktor na wag muna itong maglalabas ng bahay dahil baka matagtag siya. Ngunit may pagkamatigas talaga ang ulo ni Ishie at hindi nakikinig sa payo ng ibang tao sa kanya.Isang araw na naglalaro sina Berry at Patricia sa sala ng lumapit sa kanila si Ishie dahil naboboring daw ito sa loob ng kwarto. Pinanood ni Ishie si Berry at ang bata na masayang naglalaro ng bahay-bahayan. Inaya si Ishie ng bata na makipaglaro ngunit hindi pinansin ni Ishie at inabala ang sarili niya sa pagpindot sa cellphone nito."Ishie, gusto mong sumali sa amin ni Pat?" tanong ni Berry dahil natameme ang bata dahil sa parang walang narinig na pa
Nang tumigil na sa pag iyak si Berry ay binalikan niya si Patricia sa kwarto ng nakapikit at nakatakip ang dalawang kamay sa dalawang tenga niya dahil madadaanan at madadaanan niya ang kwarto ni Ishie. Ayaw niyang maramdaman siya ng dalawa dahil baka mapurnada ang gagawin niyang paglayas. Mabilis niyang kinuha ang malaking bag niya na laman ang mga luma niyang damit na ibinalik sa kanya ni Jayden. Kumuha pa siya sa cabinet niya ng ilang pares ng underwear at ipinasok niya rin ang isang pares ng running shoes, ilang short pants at ilang shirt. Dinampot niya ang wallet niya na may lamang ilang daan at ilang libong piso na ibinigay ni Jayden sa kanya noon para daw sa emergency at ang litrato ng kanyang ina kasama ng mga dokumento niya at diary ng umampon sa kanya.Desidido na si Berry na layasan na si Jayden dahil sa maling pag aakala niyang niloko at pinapaasa lang talaga siya ng lalaki dahil sa kanyang nakita kanina. Minahal talaga niya si Jayden kaya nga kahit na anong marinig niya n
Nakasama na nga ni Anne si Berry sa bahay ng amo niyang si Senyora Amara. Nang pumayag ang ginang at naawa sa dalaga dahil na rin sa pakiusap ni Anne.Kanina matapos ang ginang na makapangumpisal sa pari ay nilapitan nilang dalawa ang ginang at ipinakilala ni Anne si Berry. Sinabi ni Anne sa amo niya na kakilala niya si Berry noon pa at naghahanap ng mapapasukang trabaho si Berry kahit bilang katulong dahil naglayas ito sa kanila.Gumawa ng kwento si Anne na sinakyan naman ni Berry na kahit may kaunting pagsisinungaling sa sinabi ni Anne ay mas marami pa rin ang katotohanan. Ang mali lang naman sa sinabi ni Anne ay lumayas siya sa malupit niyang tiyahin at mga pinsan. Siguro ay dahil doon ay naawa sa kanya ang senyora kaya pumayag itong isama na siya. Dahil sa sapat naman na ang kasambahay ng ginang ay hindi na raw siya makukuha nito bilang bagong kasambahay sa bahay nito. Ipinaalala ni Anne sa amo niya na naghahanap ng maid ang nakatira sa tapat ng bahay ng senyora na kakilala naman
Umakyat si Jqyden sa itaas at pilit na pina-aalis si Ishie sa bahay niya. Inaawat siya ng babae na tigilan na ang ginagawa niya kahit na natatakot na rin sa galit ni Jayden.Nag iiyak si Jayden sa galit na nararamdaman kay Ishie at sa katangahan niya na rin dahil nagtiwala pa rin siya kay Ishie, kaya naman siya nagawang layasan ni Berry. Aalis na sana si Jayden para hanapin si Berry ng habulin siya ni Ishie sa hagdan."Jayden pakiusap, wag mo na siyang habulin pa. Ako na lang ang mahalin mo. Magkaka-anak naman na tayong dalawa, kami na lang ng baby natin ang isipin mo, please Jayden. Mahal kita, give me a chance na maipadama ko iyon sa 'yo Jayden. Ako na lang, Jayden, ako na lang. Pangako na kahit anong mangyari hindi ako bibitaw sa iyo." pagmamakaawa ni Ishie na hindi pinakinggan ni Jayden."Umalis ka diyan Ishie, wag mo akong harangan. Hahanapin ko si Berry, hahanapin ko ang babaeng mahal ko." pasigaw na utos ni Jayden sa babae na ayaw namang tumigil sa pagharang sa kanya.Iniiling