Umaga nang araw na iyon, sabay kumain si Mahalia at ang ina nito. Raine was not there. Tahimik silang kumakain nang biglang naduduwal si Mahalia. Tumakbo siya paakyat sa kanyang kwarto, at dumeretso siya sa comfort room nito. Nakakunot rin ang noo ni Natassia na sinundan ang anak. Hinapuhap nito ang likod nito habang nagduduwal ito sa may lababo.“May masakit ba sayo, anak?” tanong ni Natassia na nag-aalala.Duwal nang duwal si Mahalia pero wala naman lumalabas. Biglang umikot ang kanyang paningin at hinimatay, buti’t naalalayan siya ni Natassia bago mabulagta sa sahig.“Mahalia, anak…” tawag nito sa pag-aalala. “Help! Help me!”May pumasok na dalawang katulong sa comfort room kung saan nahimatay si Mahalia. Tinulungan nila si Natassia na dalhin sa kama ang walang malay. Nang nahiga na nila ito rito, nagmamadaling nagtungo si Natassia sa kwarto nila ni Raine, dinampot niya ang cellphone niya nasa night stand at tinawagan ang lalaki. Isang dial lamang niya dito, sumagot agad ito.“bak
“Anak, bumaba kana!”Nagmamadaling bumaba ng hagdanan si Mahalia nang marinig niya si Natassia na tinatawag siya. Nasa baba ito ng hagdan, hinihintay siya. Nang makita siya umuna na itong naglakad palabas ng kabahayan. Nakasunod naman si Mahalia dito hanggang sa parking area kung nakahanda na ang sasakyan at driver ng mag-ina sa gagawin nilang pamamasyal.Pumasok si Mahalia sa back seat, nasa loob na rin si Natassia. Magkatabi sila nang tiningnan ng ina ang kaubuhan ng anak. Inayos naman ni Mahalia ang pag-upo nang mapansin niyang nakatingin ang katabi sa kanya.“Napakaganda mo,” puri ni Natassia sa anak. Nginitian niya ito. “Kamukhang-kamukha mo ang iyong ama.”Ngumiti pabalik si Mahalia. “S-salamat po,” tugon nito, bahagyang namumula sa hiya ngunit masaya sa papuri.“Ma’am Natassia, alis na po ba tayo?” tanong ng driver na nasa upuan. Isa lamang itong Pilipino, sinama nila sa Paris.“Oo, alis na tayo,” sagot niya nang may sigasig. Pinatakbo naman nito ang sasakyan. Ibinalik niya ang
Hindi makapaniwala si Mahalia sa mga nalaman. Ang totoo niyang ina ay si Natassia ang ang kanyang ama ay namatay. Ninakaw lamang siya ng tatay Lando at nanay Tessa. Anong dahilan ng mga ito para gawin ang binibintag?Ilang araw ng nagkukulong si Mahalia sa loob ng silid. Hindi niya alam kung nasaan siya, basta ang alam niya sumakay sila ng sasakyan na panghimpapawid bago sila makarating sa malaking bahay kung nasaan sila sa kasalukuyan.May kumatok sa pintua. “Anak, Mahalia… ang mommy mo ito, buksan mo ang pintuan,” ani Natassia na siyang kumakatok na nasa labas ng pintuan. “Papasok ako hah…”Nakahiga si Mahalia sa kama, binalutan niya ang kanyang katawan ng kumot. Wala siyang balak na sagutin ang nasa labas ng kwarto. Ilang beses na siyang nagmakaawa dito na ibalik siya sa mga mahal niya sa buhay pero hindi siya nito pinapakinggan. Kahit sinabi na niya ang ginawa sa kanya ni Raine na kasa-kasama rin nila.Bumukas ang pintuan at pumasok dito si Natassia. “Anak, bumangon kana. Saluhan
Bumuntong-hininga si Crisostomo habang nakatingin sa kaibigan na nakahandusay sa sahig ng sala. Ilang araw na itong nanatili sa bahay ng ama para hintayin ang kanyang asawa. At wala rn itong tigil sa kakainom. Nagmumukha na itong lasinggero na tao, walang ligo ng ilang araw, at pinapabayaan nito ang sarili. Kahit ang suot nitong pantalon noong araw na lumuwas siya ng Maynila ay ito parin ang kasalukuyang suot.“Boss, huwag mo naman pabayaan ang iyong sarili… paano kung pagbalik ni boss-maam, patay kana.”“Umalis kana, Crisostomo. I don’t need your stupid advice…” Pilit na inaabot ni Gainne ang bote ng alak na nasa center table. Inunahan siya ng kaibigan na damputin iyon. “Fuck! Give me that gaddamn beer!” Nakagyat si Crisostomo sa tulin ng pagkasalita ni Gainne kahit na lasing ito. Napailing-iling na lamang siya. “Get up there, boss! Paano mo mahahanap si boss-ma’am kung naglalasing ka diyan…?” bulalas niya. Ibinalik niya sa mesa ang bote ng alak. “Meron akong nalaman pero hindi ko s
“Cris, have you tracked which country they went to?”Nasa phone holder ang cellphone ni Gainne habang kausap ang tinutukoy. Nagmamahiho siya nang tumawag ito, agad rin naman niya itong sinagot.“Boss, I tried everything to get the details of your father's flight, pero wala – ang nalaman ko sumakay sila ng pribado na eroplano,” sagot ni Crisostomo.Pinatay ni Gainne ang tawag, mas lalo niyang pinabilisan niya pagpapatakbo ng kotse na minamanihuan. Nang makarating siya sa pribadong garahe sa loob ng airport ground, pinarada niya agad ito dito. Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan at patakbo na tinungo ang executive lounge. Pagdating niya doon, sumalubong agad sa kaniya ang airport manager.“Good afternoon, Sir. Gainne,” bati ni Ronaldo Perez, ang manager ng airport.“Where is dad? Sabihin mo sa akin kung saan siya pumunta?!” bulyaw ni Gainne sa manager. “Nasaan sila? Saang bansa sila pumunta!?” sunod-sunod niyang tanong.Raine barquin owned the Heveanly International Airport. Kaya kila
Hinanap ni Gainne ang mga magulang ng asawa niya. Umakyat siya sa silid nito ngunit wala ito roon. Kahit si Crisostomo o si manang Gella hindi niya mahagilap. Nagtungo siya sa isang lugar ng bahay na hindi pa niya nasuri, ang underground. Hindi nga siya nagkamali, nandoon ang mga hinahanap niya. Kinulong ang mga ito dito.“Boss, is that you? Open the door! Fuck your father do this to us! Buti hindi kami pinatay!”Kinuha ni Gainne ang susi na nakasabit sa gilid ng pintuan at binuksan ang pinto. Si Lando ang una niyang nasilayan na puno ng pag-aalala.“Boss, what happened?” tanong ni Crisostomo.“Nasaan ang anak namin, Barquin?!” tanong ni Lando.Walang sinagot si Gainne sa dalawang nagtatanong, sinuri niya ang dalawang matandang babae na nakaupo sa gilid ng kama na nasa loob ng underground. Nakasunod naman si Lando sa kaniya na naghihintay ng sagot niya.Tinulungan niya si manang Gella na tumayo. Si Crisostomo ay si Tessa naman. Akay-akay nila ang mga matatanda habang palabas ng underg