Share

KABANATA 11

Kanina pa kinakabahan si Zarina sa hindi niya malaman na dahilan. Pakiramdam niya kailangan na niyang umuwi kahit pa na wala naman naghihintay sa kaniya roon.

“Huy! Para kang tanga diyan! Kanina pa ako salita nang salita pero ikaw kanina pa lingon nang lingon sa likuran mo. May nakikita ka ba na hindi namin nakikita, Zia?” naguguluhan na tanong ni LC.

“Kinakabahan kasi ako,” pag-amin niya na nagpakawala nang malakas na tawa ni LC.

“Ano ka ba naman, Zia! Okay, lang ang kabahan, ‘wag ka lang nerbiyusin.” Patawa-tawa pa nitong sagot.

Napakunot-noong inismiran lang ni Zarina ang kaibigan at hindi niya na ito sinagot.

“Babe, okay ka lang ba? Kanina ka pa hindi mapakali, gusto mo na bang umuwi na tayo?” mahinang bulong ni Marlon sa tainga niya.

“Hmmmm… Okay lang ba? Kanina pa kasi may tumatawag sa cellphone ko, eh! Naka-silent na nga para hindi ko marinig.”

“Baka si Mommy mo na ‘yang tumatawag sa’yo.”

"Ewan! 'Di—"

“Huy! Kayo bang dalawa! Magbubulungan na lang ba kayo, d’yan? Aba’y kanina pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status