Share

KABANATA 12

KINABUKASAN masakit ang ulo ni Zarina nang magmulat siya ng mata. Agad sumalubong sa kaniya ang madilim niyang kuwarto dahil natatabingan nang makapal na kurtina ang bahagi ng bintana at pinto niya sa balkonahe. Tumagilid pa siya sa pagkakahiga at kinapa ang cellphone sa gilid ng kaniyang kama. Binuksan niya ‘yon para tiningnan kung anong oras na ng mga sandaling ‘yon. Pasado alas dos na ng hapon pero pakiramdam niya ay kulang pa rin siya sa tulog. Hindi niya alam kung anong oras siya nakatulog kanina basta alam niya ay mag-uumaga na ‘yon. Dahil sa sama ng loob niya nahirapan siyang makatulog agad. Hindi na rin niya nagawang pumasok sa school dahil hindi siya nagising sa alarm na naka-set sa phone niya. Ang pinagdadasal na lang niya na sana si LC naman ang pumasok ngayon para makopya niya ang notes nito.

Umupo siya sa kama at hinilot-hilot ang sentido. Dinaig pa niya ang nag-exam kagabi dahil sumasakit ang ulo niya sa walang katapusan na sermon ng Mommy Carol niya tungkol sa nangyari
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status