Share

CHAPTER 5

- Lily -

Papadyak-padyak akong lumabas ng FrimCoffée. Madilim ang aura ng pagmumukha ko at dahil sa sobrang pagkabwisit ngayong umaga. Kay aga-aga pero kamalasan agad ang bumati sa akin. Isa lang naman ang dahilan kung bakit minalas agad ako ngayong araw. Si Dracula.

Kulang na lang ay punitin ko sa sobrang pagkaasar ang papel na ibinigay ng baklang manager kanina pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng FrimCoffée. Hindi ko man lang naibaba ang handbag ko at pinabasa agad ang isang letter. Letter iyon na may pirma pa ng isang attorney, ang walang iba kundi ang tukmol na si Draco Frimmenger lalo at may tatak ng selyo pa. Halos lumuwa ang mga mata ko pagkabasa dahil andun ang pirma ko mula kagabi. Ang walang h*******k, gumawa ng isang kasunduan na mukhang matagal na niya pinagplanuhan. Magiging kasambahay ako sa pamamahay niya sa loob ng tatlong buwan at sasahod ako ng isang milyon sa loob nun. At kung tatanggihan ko si kumag ay ako pa ang magbibigay sa kaniya ng limang milyon bilang danyos sa pagsapak ko sa kaniya kagabi. Lalo pa at may medical certificate pang naka-attach sa letter napakahayup talaga ng Dracula na iyon. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba ang lahat o talagang sinadya niya mangyari ang mga bagay na iyon dahil mukhang planado ng demonyo.

Kung limang milyon lang din ay barya lang iyon sa bank account ko at kayang kaya ko isampal sa pagmumukha ng Dracula na iyon na tiyak ay mukhang scammer, pero nagkataon pang hawak ngayon ni Mom ang mga debit cards ko at isang card lang ang merun ako ngayon at hindi iyon aabot ng isang milyon dahil pangkain lang ang ibinigay ni Dad sa akin nang malaman na nagtatrabaho na naman ako at dito nga sa coffee shop na ito. Kaya grounded na naman ang beauty ko para gumala at mag shopping. Kaya kahit labag sa loob ay muli at pumirma na naman ako sa panibagong papel na inabot ni manager sa akin na pumapayag na maging kasambahay ng siraulong si Dracula.

“Ms. Griffer!" rinig kong tawag ni manager sa akin.

Agad akong napalingon dito at pinakita kong masama ang mukha ko. Mataray na tinignan ko ang baklitang manager na ito.

Tumikhim muna ito na akala mo ay may plema sa lalamunan.

“Ito pala ang address ni Mr. Draco Frimmenger" sabay abot sa akin ng isang business card.

Kahit nakabusangot at kinuha ko sa kamay ni baklitang manager ang tarheta at binasa ang nakalagay mula roon. Kunot noo akong napatingin sa manager.

“Laguna? Pupunta pa akong Laguna??" Asar kong salita.

“Yes po Ms. Lialyn Griffer. Kaya good luck and best wishes to your next career." nag-bow pa ito sa akin sabay talikod at naglakad ng napakabilis.

Hindi man lang ako nakapagsalita sa sinabi ng baklang ito. Napameywang na lang ako sa sobrang pagkaasar ngayong umaga.

“Hah! Hayup na araw to.!" asar kong palatak sa hangin.

Ilang minuto pa akong nakatayo at tulala sa kawalan ng magpasiyang kunin ko ang cellphone ko. Sakto naman na online si Akeera. Pero imbes na gumaan ang pakiramdam ko ay mas lalo lamang sumama ang pakiramdam ko dahil ginawang joke pa ng kaibigan ko ang hinaing ko sa buhay. Anyways kailangan ko muna ngang umuwi para makapag isip isip ng tama.

~~~~~~~~

Putakte yan! Kahit mukha akong bangag pagkagising ay pinilit kong bumangon ng maaga dahil kailangan kong umuwi ng mansiyon. Paano ba naman ay nagpakasawa kami sa alak kagabi kasama ng mga kaibigan ko sa bahay. Ang mga gaga ay may kaniya-kaniyang agenda rin pala sa buhay kaya napalaban kami sa inuman. Si Cassandra na isang nurse ay nakuhang maging private nurse ng isang mayamang lumpo. Habang si Max naman ay maglalaho naman dahil sa hectic na trabaho na di naman bago sa amin. Pinagtawanan pa ako ng mga kaibigan kong iyon dahil nawalan na daw ng bisa ang pagka-amasona ko sa lahat ng bagay. Kahit gusto kong maglupasay sa inis ay hindi ko magawa. Bagkus maraming mga idea ang pumasok sa utak ko para pahirapan ang walang hiyang Dracula na iyon. Ha! Hindi ata papaapi ang isang katulad kong maganda, makinis at mautak na si Lialyn Griffer! Mata lang ng animal na Dracula na iyon ang walang latay sa akin kapag nagkamali iyon sa akin.

“Keep the change" sabay abot ko ng isang libo kay Manong taxi driver.

Tanging shoulder bag lang naman ang bitbit ko sa katawan dahil cellphone at wallet lang ang dala ko. Hindi ko kailangan magbitbit ng mga damit ko dahil sandamakmak ang mga designer clothes ko ang nasa closet ko. Taas noo akong bumaba ng taxi at mabilis rin itong umalis. Dahil mataas ang gate ng mansiyon ay nag-doorbell ako. Wala pang isang minuto ay bumukas ang napakalaking gate at lumabas ang dalawang security guards at mukhang nagulat dahil sa mala-dyosa kong ganda sa umagang ito.

“Magandang umaga po Ma'am Lily!" sabay na yuko ng dalawa sa akin.

Kahit may hang-over ako ay kailangan ko pa rin maging good mood lalo pa at mga mabubuting tauhan ito sa aming mansiyon. At syempre dahil napakaganda ko naman, ay dapat lang din na maganda ang ipinapakita kong asal sa mga ito. Depende pa rin sa mood ko.

“Goodmorning!" ngumiti ako sa kanila at nilagpasan ang dalawa.

Maraming mga kasambahay ang bumati sa akin at nginitian ko na lamang sila dahil mapapagod ang bibig ko kung sasagutin ko pa sila isa isa.

“Oh my Dear!" malakas na tawag ni Mom sa akin habang pababa ng hagdan. Nakasuot pa ito ng duster at naka-slippers na mabalahibo habang nakataas at puyod ang buhok.

“Mommy!"

Mabilis kong niyakap si Mom ng mahigpit at hinalikan ito sa pisngi.

“Si Dad po?" tanong ko.

“Kakaalis lang nila ng kapatid mo. Alam mo na may pinapa-ready lang sa office dahil pinagbabakasyon na ng Dad mo si Leandro para pagbalik ay may lakas sa trabaho."

“Ahh" nakahinga ako ng maluwag dahil hindi kami magkikita ng kumag kong kakambal kahit na gusto ko pa sana itong sapakin sa mukha dahil sa nangyari nung nakaraang gabi.

Alam kong walang alam ang mga magulang namin dahil sa pangyayaring iyon ng sunduin ako ni Leandro dahil inuwi ako nito sa bahay ng mga kaibigan ko. Pinaulanan ko rin kasi ito ng yawyaw dahil sa tindi ng pagkabwisit ko kay Dracula.

Ilang sandali pa ay inayos ko sa malaki kong traveling bag ang mga gamit at susuotin ko. Hindi naman ako papayag na magsusuot ng pangkatulong ang beauty kong ito. Kung aurahan ay dapat na palaban. Yung pak na pak ang ganda ko para mangisay ang Dracula na iyon. Pati mga sexy lingerie at bikinis ko ay hindi ko pinalagpas. Ang mga sikat na branded ng make-ups ko ay hindi ko pinalampas. Para akong sasabak sa Ms. universe at natatawa na lang ako sa aking kabaliwan. May isa pang idea ang kumislap sa aking utak. Kaya hindi na nawala ang pagkangisi ng aking labi.

Sabay kaming nag-lunch ni Mom, hindi na ito nagulat ng sabihin kong wala na akong trabaho. Para nga bang sanay na ito dahil sa mga previous work ko.

“I have to go Mom!" sabay halik sa pisngi nito.

“Oh siya mag-iingat ka. Wag mong pinamamadali sa pagmamaneho si Mang Onad." paalala pa sa akin ni Mom.

Nag flying kiss na lamang ako bilang sagot at agad na sumakay ng kotse. Bukod sa driver ay may tatlo pa akong bodyguards na kasama na kahit labag sa loob kong kasama sila ay wala rin naman akong magagawa.

Wala pang trenta minutos ay nakarating kami sa isang sikat at malaking mall dito sa Quezon city, mataray ang aking mukha at hindi binibigyan ng pansin ang mga bwisit sa kapaligiran. Alam ko naman na mas higit pa akong maganda kesa sa kahit sinong celebrity na itabi sa akin.

Pumasok ako sa mga kilalang boutique store at namili ng mga damit na kahit hindi ko naman na kailangan. Trip ko lang kasi, tulad na rin ng shoes at ilan pang accessories at kaartehan sa katawan. Kumain muna kami at ang panghuli ay pumasok ako sa isang sikat na hair salon. Habang bantay sarado ang tatlo kong bodyguards na may mga bitbit ng mga pinamili ko. Habang nilalagyan ng gamot ang buhok ko ay may dalawang babae naman ang nakatoka para ako ay magpa- manicure at pedicure.

“Oh my Gosh ang gwapo ni kuyah!"

“Ay sheet makalaglag panty!"

“Ang pogi grabe!"

Nangunot ang noo ko sa sunod-sunod na bulungan kong naririnig. Hindi ko naman makita kung sinong nilalang ang kinatilian ng mga babae at mga baklitang parang ngayon lang nakakita ng gwapo dahil nasa bandang dulo ako at kinuha ko ang pwestong pang VIP na ako lang at ang staff lang ng salon ang makikita ko.

Matapos ang ilang oras kong palalagi ay natapos rin.

“Wow ang ganda mo pa ma'am! Nagmukha kang fairy." bulalas ng bakla sa akin.

“Para kang Hollywood actress madam!"

“Ngayon lang ako nakakita ng living Barbie doll"

“Thanks" very proud naman ako sa aking sarili. Maski ako ay talagang gandang ganda sa sarili. Pinakulayan ko ang dating itim na itim kong buhok ng ash-gray. Bumagay ang kulay ng buhok ko sa maliit kong mukha at dahil maputi at makinis ang balat ko ay mas lalong tumingkad ang kagandahan ko.

Ang Ganda mo talaga Lily. I'm so proud of you!

Para akong sikat na artista nang lumabas ng salon at dahil nagsuot ako ng black na shades ay daig ko pa si Paris Hilton na naglalakad kasama ng mga bantay ko. Lahat ng mga tao ay napapatingin sa akin. Natural bihira lang sa kanilang buhay ang makakita ng diyosa kaya dapat nila iyong ipagpasalamat. Marami rin ang nagtataasang mga kilay na mga kababaihan na alam ko na namang mga insecure sa kagandahan ko. Kaya mas lalo kong pinagbuti ang paglalakad na parang ramp model.

Pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse ng aking bodyguard at hinawakan ako sa aking kamay. Nang akmang papasok na ako ng may malaking braso ang biglang pumulupot sa aking sexy na katawan.

“Ahhh!!" malakas kong tili.

Maski ang bodyguard ko ay nagulat.

“What the he ll!" agad akong napalingon kung sino mang h*******k na may lakas ng loob sa unang pagkakataon na may humawak sa aking katawan. Dahil kahit sino ay wala pang nakakahawak sa katawan kong ito.

“Ako nang bahala mag-uwi sa kaniya. Magsiuwi na kayo."

Boses ng damuho na biglang kinainit ng dugo ko ang impaktong si Dracula. Bumitaw naman kagad ang bodyguard sa akin at agad na napayuko na para bang hiyang hiya.

“Hoy! Sino ka bang animal ka para utusan ang mga bantay ko?! At saka pwede ba bitiwan mo ako!" malakas kong singhal sa kumag na ito na kulang nalang ay bugahan ko ng apoy. Ang tindi ng pagkakayapos nito sa aking katawan. Ramdam ko ang mainit nitong katawan. Kahit na matangkad na ako sa height kong 5'7, ay nakatingala ako rito dahil sadiyang matangkad ito tulad ng kakambal kong si Leandro na nasa 6'3 ang taas.

Nakatingin lang si Dracula sa akin at nakakunot ang noo. Walang salitang lumabas sa bibig nito at walang hiya ako nitong binitbit sa katabing kotse ko. Ang hayup na ito ay piniwersa akong ipasok sa loob ng sasakyan nito.

“Hoy!!"

Pero para lamang itong bingi. Sumenyas lang ito sa mga bantay ko at agad na pumasok at naupo sa drivers seat.

Ako naman ay nanggigigil sa pagkabwisit sa impakto na ito. Ang ganda ganda ko pa namang naglalakad palabas ng mall na ito pero ngayon ay biglang pumanget ang kapaligiran dahil sa kulasang Dracula na ito.

“Kidnapping ‘tong ginagawa mo sa akin Dracula! Dinagdagan mo pa talaga ang galit ko sayo!"

Walang imik si kumag at diretso lang ang tingin sa daan habang nagmamaneho. Kaya umarangkada na naman ang matabil kong bibig.

“Gagawin mo na nga akong katulong sa pamamahay mo kikidnapin mo pa ako. Saan ka kaya kumukuha ng kakapalan ng mukha?! Humanda ka sa akin at ipapakulong kita." matapang kong tirada rito.

Ang bwisit ay parang walang naririnig.

“Kukuha ako ng magaling na abogado para ipakulong kang impakto ka!".

“Kakasuhan kita ng kidnapping, sasabihin ko manyakis kang panget ka. Scammer pa kapal ng mukha."

“Go ahead" walang ganang sagot nito sa akin kaya mas lalong umusok ang bumbunan ko.

Bago pa ako tubuan ng sungay sa pagkaasar sa impakto na ito ay nakagat ko ang pang-ibaba kong labi dahil baka paulanin ko na ito ng matinding mura. Agad kong kinuha ang cellphone ko sa aking handbag at mabilis na tinawagan ang numero ni Max. Out of coverage area naman tong babaeng ito. Wala akong choice kundi ang kakambal ko na naman ang tatawagan ko. Dalawang ring pa bago ako nito sagutin.

“What" bungad nito sa akin.

“Help me! Someone is kidnapping me. He looks like a monster!" paawa ang boses ko para saklolohan ako ni Leandro.

“Yeah?" parang walang gana nitong sagot sa akin. Imbes na mag-alala sa akin ay para pang di naniniwala kung mapapahamak ba ako.

“Pisti ka di mo ako tutulungan dito? Hahayaan mo lang akong kunin ng masamang nilalang dito?!" masamang loob na palatak ko.

“Umuwi ka na lang malaki kana. Bye." at agad ngang naglaho sa kabilang linya ang magaling kong kakambal. Hayup na buhay.

“Ahhhh!!" malakas kong sigaw sa sobrang frustration. Nagulat pa ako ng biglang humalakhak ang isang impakto na katabi ko.

“Pinagtatawanan mo akong gago ka?!" kulang nalang ay ibato ko ang hawak-hawak kong cellphone sa pagmumukha ng bwisit na ito.

Hindi naman ito sumagot bagkus ay pangiti-ngiti na lang na parang galing takas sa mental. Nanahimik na lang ako at baka masakal ko ng wala sa oras ang animal na ito at baka bigla itong matigok at madamay pa ako. Hindi pa ako handang mawala sa mundong ibabaw dahil sayang ang ganda ko.

Hindi ko na namalayan ay nakarating na kami sa tapat ng aming mansiyon. Hindi ko na ito pinansin at wala akong balak papasukin ito sa loob ng aming pamamahay at baka magbigay pa ito ng kamalasan.

Bago pa ako tuluyang makababa ng sasakyan ni Dracula ay nagsalita ito.

“I'll pick you up at six in a morning tomorrow."

“Wala kang masusundo bukas gago! Maghanap ka ng katulong mo." matapang kong salita rito at tuluyang lumabas sa kotse nito. Pabalibag kong sinara ang pintuan at wala akong pakialam kung naalog ang kaluluwa nito sa lakas ng ginawa ko.

Hindi ko na nagawang pansinin ang mga kasambahay na nakasalubong ko. Paakyat na ako ng hagdan ng makita ko ang kakambal ko pababa naman ng hagdan, naka-topless pa ito kaya kitang-kita ang sandamakmak nitong tattoo sa katawan habang may hawak na cellphone sa tenga nito na mukhang enjoy sa katawagan dahil kung tudo ang ngisi. Bwisit na ito, samantalang ako kanina ay walang kagana-gana nitong kausap at pinatayan pa ng tawag. Nag- middle finger ako sa kaniya at kumunot ang noo nito sa akin. Tinalikuran ko na ito dahil baka masipa ko ito at gumulong pababa.

“Lily!" malakas na boses ni Dad.

sheet nakita pa ata ako ni Daddy. Galit na galit pa naman ito kapag nahuhuli akong gumagawa ng kabaliwan.

“Dad"

“Matanda kana ganiyan pa rin ang ginagawa mo sa kapatid mo? Hindi kana ba talaga magbabago malapit ka ng magtrenta."

“Daddy No!" ang layo ko pa para mag-trenta pero palaging ganun ang sermon ni Dad sa akin.

“Honey ako na kakausap sa anak mo. Magpahinga kana." sulpot ni Mom sa tabi ni Dad.

“Atatakihin ako sa puso sa batang iyan" tumalikod naman si Dad at pumasok sa elavator para umakyat sa kwarto ng mga ito.

“Lialyn anu na naman yang pinaggagawa mo." mataray na salita ni Mom.

“Wala po Mommy. Gusto ko na pong magpahinga."

Tumitig ito sa akin at hinila ako sa kamay. Sinamahan ako ni Mom hanggang sa aking kwarto. Hinayaan lamang ako nito hanggang sa maghalf bath ako. Paglabas ko ay naka-ready na ang pajamas ko at undies.

Nakita ko si Mom na binuksan nito ang traveling bag ko. Kaya nagmamadali akong lumapit rito.

“San ang punta mo?" tanong nito sa akin.

“A-ah anu po Mommy. M-magbabakasyon po sana ako. Tama bakasyon." nautal pa ako dahil nagsisimula na naman akong mag-sinungaling.

“Bakasyon? Kailan naman? Sino kasama mo? Saan ang bakasyon mo?" tanong ni Mommy na parang imbestigador.

“A-ah kasama ko ang friends ko sa bahay ‘My and also bukas na po iyon"

“Bukas?" napahalukipkip si Mom na parang tinitimbang kong nagsasabi ako ng totoo.

“Y-yes" napangiwi ako. Tama magbabakasyon na lang ako at pupunta akong germany. Tatakasan ko nalang si Dracula. Who you ba siya para katakutan.

Napabuntong hininga si Mommy.

“Okay have a safe flight kung totoo man yan. Anyway i'll put your money back to your account my dear. You look so beautiful my baby with your new hair."

“Thanks Mommy"

Humalik si Mommy sa akin at lumabas na rin ng kwarto.

Napangisi ako bigla dahil may namuong idea sa utak ko. Aagahan kong gumising buhay ng maaga para walang masundo ang impaktong si Dracula. Masaya akong nahiga sa aking malambot na kama. Nagset pa ako ng alarm para sure. Maya-maya pa ay narinig ko ang text message sa phone. Busangot ang mukha ko ng mabasa ang mensahe na kahit unregistered number ay alam kong sa isang impakto galing.

I'll pick you tomorrow by 6 in the morning. Don't giving me a headache  of trying  to escape me  or  else I will punish you. Goodnight pretty. Xoxo

“Siraulo to!" malakas kong salita sabay hagis ng phone ko sa taas ng bedside table.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status