Share

Chapter 3

Ang dami kong isinakripisyo para sa oportunidad na ito kaya dapat maging maganda ang kalabasan nito. Simula bata pa ay hindi na kami mapaghiwalay ni Gen. Palagi kaming magkasama saan man. 'Tapos iyong pamilya ko... iniwan ko alang-alang sa trabahong naghihintay sa 'kin.

Ngayon lang nag-sink in sa akin ang lahat. Ngunit wala na akong magagawa pa. Nandito na ako, babyahe na patungong Manila kung saan pumabor sa akin ang swerte. 

Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na may trabaho na ako. After my countless attempts... hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. Masaya ako at excited pero nalulungkot rin. Nalulungkot ako kasi kinailangan kong iwan ang pamilya ko at kaibigan ko para kumita ng pera. Wala, e. Ganito talaga ang buhay. Kailangan makipagsapalaran kahit walang kasiguraduhan, kahit mahirap man mawalay sa mga minamahal. 

That's why I salute those OFW since then. They are the real heroes. The real strong people. Dahil patuloy parin sila sa pagtatrabaho sa kabila nang pangungulila nila sa kanilang mga mahal sa buhay na naiwan sa Pilipinas.

Pinahid ko ang takas na luha na dumaloy sa aking pisngi at pinakalma ang sarili. Nagsisimula pa lang ako. Simula pa lamang ito, Alyana. Kailangan kong maging matatag dahil para rin ito sa kanila. Nangako akong i-aahon ko sila sa hirap at ako naman ang manlilibre kay Gen. Parati na lamang siya ang naglilibre sa akin, e. Pinapangako kong babalik ako nang may ipagmamalaki na at masasabing pinagsikapang resulta.

Inihilig ko ang aking baba sa backpack na nakakandong sa akin at hinayaang magpatangay sa antok. Maganda na sana panaginip ko ngunit naalimpungatan ako dahil ang ingay nitong katabi ko. Mapungay ang mga mata ko habang salubong ang mga kilay na nilingon ang katabi kong kanina pa may katawagan sa cellphone, ang lakas ng boses niya. Parang siya lang ang pasahero. Legit, ang sarap barahin.

Pero sa huli ay tiniis ko nalang din. Kailangan kong matutong magtiis at pahabain pa ang pasensya ko. Duh, babysitter lang naman ang lola nyo. Knowing mga bata ngayon, makukulit at malilikot. Kailangan hindi ako mabilis mapikon para hindi din mabilis mapaalis.

"Sta. Mesa!" Tumigil ang bus kasabay ng pagsigaw ng konduktor.

Huminga muna ako nang malalim bago hinawakan nang mahigpit ang mga dalang gamit. Tumayo ako at pinausog ang katabi kong wala pa yatang balak magpadaan. Bigwasan ko siya d'yan, e. Bad mood na ako ngayon. Idagdag pa na hindi ako nakaidlip dahil sa kaniya. Mukha siyang nobita, nakasalamin at may bangs. Parang tanga.

Sinamaan ko ito ng tingin bago tumalikod at dire-diretsong lumabas ng bus. 

Sumalubong sa akin ang kakaibang hangin ng syudad. Napapikit ako, hinihintay ang sariwang hangin na nakasanayan kong langhapin. Mapait nalang akong napangiti at nagmulat dahil na-realize kong kaiba nga pala ang syudad sa probinsya. Dapat sanayin ko na ang sarili ko sa bagong atmosphere na ito. Siguro nga ito talaga ang kapalaran ko. 

Binitbit ko na ang mga gamit at nagsimulang maglakad. Halos mahilo ako sa dami ng mabibilis na sasakyang dumaraan, mga nagtatayugang building at iba pa. May nakita akong ale na may bitbit na mga paninda. Naisipan kong magtanong.

Hindi naman masama magtanong 'di ba?

"Excuse me, ate!" Lumingon naman ito sa akin."Saan po dito ang mansiyon ng mga Madrial?" Pinasigla ko ang boses. Pinagmumukhang friendly ang sarili kahit 'di naman. Charot.

Naningkit muna ang mga mata niya, para akong kinikilatis. Hala siya. Na-concious tuloy ako. Ngayon lang ba siya nakakita ng dyosa? 

"Kita mo 'yang daan na iyan?" Itinuro niya ang daan sa kaliwa namin."Dumiretso ka riyan tapos may madadaanan kang paahon, tumawid ka lang doon at may makikita kang subdivision. Kailangan ng ID doon at hindi ka papapasukin kapag wala ka niyon. Ang subdivision na iyon ay pag-aari ng mga Madrial." Paliwanag niya.

Napatango ako sa kabila ng paghanga. Wow, may sariling subdivision! Sana all! Lalo yata akong maiihi sa kaba.

Nagpasalamat ako kay ate at sinunod ang sinabi niya. Nagdiretso nga ako sa kaliwang daan at pinagpawisan ako ng bongga nang makita nga ang paahon na daan. Gusto ko nalang mahimatay. Pero sige, go lang. Para sa ekonomiya. Laban! Para sa kinabukasan ng pamilya. Laban!

Mabuti nalang at dinala ko ang aking ID. Girl scout kaya ako noong elementary, palaging handa! 

Nilakasan ko ang loob ko habang kausap ko na ang guard ng subdivision. Ang intimidating ni Kuya, grabe kung makatingin parang ang laki ng kasalanan ko sa buong angkan niya. Nanatili nalang akong tahimik habang naghihintay na ma-check nila ang ID ko. Saka lang ako nakahinga nang maluwag nang pinapasok na nila ako. Akala ko ihahatid nila ako hanggang mansiyon pero hindi pala. I'm so assuming talaga. 

"Wow..." nalaglag ang panga ko sa paghanga sa kasalukuyang nakikita ng mga mata ko.

Hindi ko na kailangang maghanap pa dahil sa mismong eleganteng gate pa lamang ay nagsusumigaw na ang apelyidong hinahanap ko, ramdam ko ang kapangyarihan at awtoridad sa buong paligid. Tahimik ang subdivision, ang gaganda at lalaki ng mga kabahayan pero pinaka nangingibabaw ang mansiyon ng mga Madrial. Parang kapag inilapat ko ang dulo ng daliri ko sa kanilang gate ay mapapaso ako. Bumundol ang dibdib ko sa sobrang kaba, napahawak ako nang mahigpit sa bag na dala.

Kaunti nalang talaga pwede na ako mamatay kung hindi lang nagpakita ang isang kasambahay. Sa itsura ni ate ay tila ka-edad lang siya ni nanay. Maganda rin, infairness. Magaganda't guwapo lang yata ang tinatanggap nila dito. Buti nalang hindi ako mahihirapan.

"Ano pong kailangan nyo?" Tanong ni ate.

Medyo lumapit ako sa gate."Uhm, hi po! Ako po 'yung natanggap bilang babysitter---" hindi na niya ako pinatapos. Excited 'yarn?

"Ikaw na pala 'yon, sige! Pasok ka!" Masigla niyang ani sabay binuksan ang engrandeng gate. 

"Salamat po!" Nilibot ko ang paligid. Kung sa labas ay halos mahimatay na ako, mukhang mauubusan na ako ng hininga nang makita ang loob.

Paano pa kaya ang mismong kalooban ng mansiyon? Baka paglamayan na ako!

"Tayo na sa loob! Kanina ka pa hinihintay ni Madam at Senyor." Sabi ni ate, iginiya ako sa higanteng double doors.

Halos kapusin ako ng hininga. Totoo ba 'to? Pwede ko bang sampalin ang sarili ko? Baka kasi nananaginip lang ako sa byahe. Kinurot ko ng kaunti ang palad ko. Napangiwi ako. So totoo talaga 'to. Humaba ang leeg ko at nagningning ang mata matapos makita ang infinity pool sa bandang backyard ng mansiyon. Maging ang ornamentals ay nakahilera sa mga sariwang halaman. Ang sosyal ng garden nila, sa gitna niyon ay may fountain na gawa sa marmol. May mga puno pa ng palm tree, sa lawak ng bakuran ay pwedeng-pwedeng gawing park at mag-picnic.

Hindi na mawala ang kaba ko lalo na nang nabuksan nang tuluyan ang double doors. Dagdag pa 'yung sinabi ni ate. Madam at Senyor daw. Jusko, 'yung mga bansag pa lang nila feeling ko bigating pamilya talaga itong napasukan ko. Shemay...

Sa labas ay mangilan-ngilan ang mga kasambahay kaya nagtaka ako pero nang makita ko ang mismong loob ng mansion, nandoon pala ang karamihan. Sa sobrang lawak at laki ng mansiyon, hindi masasabing magulo ang paligid. Ang dami pa ngang espasyo bukod pa sa bulwagan. Iyong grand staircase nila, wala akong masabi. Pa-ikot iyon,  mataas at ilang bahagdan pa bago marating ang second floor. Muntik pang tumulo ang laway ko pagkatingala ko sa chandelier na nasa gitnang itaas. 

Iniwan ako saglit ni ate para kausapin ang kapwa niya kasambahay. Tinanong niya kung nasaan na daw sina Madam at Senyor na tinatawag nila.

Sobra akong nanliliit. Pakiramdam ko hindi talaga ako bagay sa mga lugar na ganito. Nakakapanliit naman. Mas angat pa 'yung carpet nila kaysa sa akin. Pinamukha talaga sa akin na hampaslupa ako. Grabe naman.

"So, it's you!" 

Napapitlag ako at agad inangat ang paningin sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakangiting babae kasama ang lalaking kabaliktaran niya, seryoso ang mukha. Kapwa sila bumababa sa engrandeng hagdanan. Napakurap ako.

Tunay ba sila?

Nasa mundo pa ba ako ng mga tao? All my life akala ko si Marian Rivera at Liza Soberano na ang pinaka magandang babaeng nakita ko. Ano itong naglalakad pababa ng hagdan? Higit pa siya sa Hollywood actress! Napakaamo ng kaniyang mukha, maliit ang baywang kaya kita ang pagkakahapit ng suot niyang dress na kumikinang. Ako dyosa? Ang kapal naman ng mukha ko.

Tuluyan na silang nakababa at nakapunta sa harapan ko kaya mas napagmasdan ko silang dalawa. Iyong lalaking kasama niya ay naka-tuxedo. Kahit hindi ito nakangiti ay sobrang guwapo parin, iyong panga at kilay, jaw-dropping! Tingin ko'y ka-edad lang sila nina nanay ngunit bakit parang mas matanda pa ako sa kanila ng ilang taon? Kamusta naman ako? Nakakapanliit.

Mahinhing tumawa ang ginang."Oh, I know that look too well. Hija, inuunahan na kita, don't feel intimidated! It's just me and my husband. Come on, lahat nalang kayo ay gan'yan sa amin. Nakakapagtampo, ha." Biro ba iyon? Ba't ang ganda?

Nakakawit ang braso niya sa braso ng kaniyang asawa. Natauhan ako at nahihiyang yumuko.

"Magandang umaga po sa inyo... Mr. and Mrs. Madrial." Pinigilan ko ang pangangatal ng aking mga tuhod.

Tumawa ulit si Mrs. Madrial. Masayahin pala siya. Akala ko mataray. Ganun mga napapanood ko sa mga teleserye, e.

"Too much formality! Anyway, good morning, too. You're the babysitter, right? Klea have told us about you and your resume." Napaangat ulit ako ng tingin at tumango doon.

"Yes po..."

"But before anything else, let's get to know each other first. Theodore Madrial," napatunganga pa ako nang ilahad no'ng lalaki ang kamay nito."Her husband." Baritono ang boses nito. Nakakatakot naman.

"Nice to meet you po, Mr. Theodore..." nababalisa kong tinanggap ang kamay niya. Ang laki naman niyon! Ni wala pa sa kalahati ang akin.

"And I'm Anisha Madrial, her wife. You are?" Mukhang natural talagang masiyahin ang ilaw ng tahanan ng mga Madrial.

"Ikinagagalak ko pong makilala kayo! Ako po si Alyana Oliveros," pagpapakilala ko pabalik. Kumunot ang noo ni Mrs. Anisha.

"You're still young, I see. How old are you, Alyana?" Hindi ba niya natatandaan sa resume? Charot.

"24 po..." malapit na mag-25, ilang months nalang.

Nagkatinginan sila ng kaniyang asawa. 

Nagkibit-balikat si Mr. Madrial."Just fine for our son, Anisha." 

"You think so?" Tanong naman ni Madam Anisha.

Hindi ko na maintindihan ang pinag-uusapan nila. Nakakahiya namang maki-epal pero ramdam ko na ang pangangalay ng aking mga balikat dahil sa mga bitbit ko.

"P-paumahin po sa pagsingit..." usal ko kaya't natigil silang dalawa at napatingin ulit sa akin. Kaya ko ito!"Gusto ko lang po itanong kung sino ba ang aalagaan kong bata? Uhm... nasaan po siya?" 

Natulala sa akin ang mag-asawa. Sa ganda ko ba? Hindi, e. Parang may mali silang narinig. May mali ba akong nasabi?

Labis na akong nagtataka nang mas lumapit sa akin si Mrs. Madrial, tiningnan niya pa muna ang kanyang asawa sa paraang naaaliw.

"Klea didn't tell you, did she?" Ang tono niya ay may bahid ng pagka-amuse.

Naguguluhan akong tumango. Tipid siyang napailing habang natatawa. Muntik ko na ngang isipin na baliw siya. Sayang naman ang dyosa pa naman niya kung babagsak lang siya sa mental hospital.

"Manang Helen?" Tinawag niya si ate na naghatid sa akin kanina. Lumapit ito."Bring Gio here. He should meet Alyana," hindi ko alam kung ako lang ang nakakita sa sandaling pagngisi nito.

Agad tumalima si ate Helen. Nawewerduhan na ako sa ikinikilos ng mag-asawa sa harapan ko ngunit minuto lang ang lumipas, may narinig akong mahihinang yabag papalapit.

Ang inaasahan ko ay batang kasing laki ni Zoren o mas maliit pa sa kaniya ang tatambad sa akin ngunit unti-unting nahulog ang panga ko sa sahig nang tumigil sa aking harapan si Ate Helen kasama ang isang matangkad na lalaki, malaki ang katawan... lalaking hindi ko akalain na malalapatan ng mga mata ko.

Kusa akong napahawak sa dibdib ko pagka-angat ko ng tingin sa mukha nito, parang hindi tumatanggap ng panlalait. 

Hindi pa man ako nakakarecover ay magiliw nang nagsalita si Mrs. Madrial."He's our second son, Giordan Madrial, and you're going to babysit him." 

What?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status