Share

Chapter 4

Author: Aria
last update Last Updated: 2025-09-30 20:37:41

"CAN'T you really remember your name? And who you are?" nakapalumbabang tanong niya sa dalaga at napakamot sa pisngi.

Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay kumagat lang ito sa tinapay na hawak hawak niya na may palamang peanut butter. 

Marahas siyang napabuntong hininga, ayaw makinig sa kanya ng dalaga sa mahigit dalawang linggo na ang nakararaan pero hirap pa rin siyang turuan ang dalaga, dahil puro pagkain ang inaatupag nito. Hindi naman tumataba, she's still sexy. He knows that. 

"Read this," utos niya, sabay pakita ng flashcard sa dalaga. Tinignan lang siya nito pagkatapos ay sinunod nitong tignan ang flashcard na hawak niya. 

May pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa flashcard pagkatapos ay hinablot niya iyon sa kaniya. Puno ng kuryusidad na tinignan ng dalaga ang flashcard at dinala ito sa bibig niya at nginatngat. 

Napasabunot sa sariling buhok si Dominic dahil sa ginawa ng dalaga, pakiramdam niya maaga siyang mababaliw sa pag-aalaga dito.

"Hindi 'yan pagkain, huwag mong isubo," naiinis niyang sabi at kinuha ang flashcard sa dalaga.

"Ap-ple," pagbabasa niya. "Read this App-le," pagpipilit niya na puno ng pagpapasensiya sa dalaga. 

Dinaig niya pa ang nagtuturo ng kinder na estudyante. Nakatitig lang sa kaniya ang dalaga at hindi nagsasalita. 

Malalim siyang napabuntong hininga, ano nalang ang gagawin niya para turuan ito? Mababaliw na siya!

"Okay, mag-umpisa tayo sa pangalan ko," anito. "Ang pangalan ko ay Do-mi-nic," pagpapantig niya sa sariling pangalan.

"Now say it," utos niya at tinitigan ang dalaga. Ilang sandali ang namutawing katahimikan.

"Dom-" halos mahulog siya sa sariling kinauupuan dahil sa sinabi ng dalaga,

"Dang! Say it my peanut, say it," nasisiyahang sabi niya. Inubos muna nang dalaga ang kinakain nitong tinapay at lumunok bago nagsalita. 

"Do- domi!" sigaw na pabigkas nito napasapo sa sariling noo si Dominic dahil sa sinabi ng dalaga, "Domi!" 

"Anong domi? Hindi ako dumi, ako si Dominic hindi dumi," pagpapalatak nito.

"Domi," nakangusong sabi ng dalaga sa kaniya.

"Iyan ba talaga ang gusto mong itawag sa akin?" tanong niya.

Sunod sunod ang naging pagtango ng dalaga. Pangalan lang pala niya ang makapagsasalita dito. Parang natutunaw ang puso niya sa sayang nadarama, pangalan niya ang unang binanggit nito.

"That's good my peanut. Mabuti naman at nakakapagsalita kana," ngiting-ngiti na sabi niya. "Now say your name, A-ra."

Umiling ang dalaga at tinuro ang peanut butter na katabi lang nila.

"No, magtatae ka sa ginagawa mo," sita niya dito, sa isang araw yata ay kaya nitong ubusin ang isang garapon ng peanut butter. 

Ilang sandali lang ay halos maluha luha na ang dalaga habang nakatingin sa kaniya at nakanguso. Mababaliw na talaga siya!

"Okay ganito, bibigyan kita niyan kapag nabigkas mo ang sariling pangalan mo," aniya, nanatiling nakasimangot ang dalaga habang nakatingin sa kaniya. 

"Domi!" may malambing na boses na sabi sa kaniya nito sabay turo sa peanut butter. 

Umiling siya, hindi siya pwedeng maging marupok sa pagiging malambing ng boses nito. "No, hindi mo ako madadaan diyan," pagmamatigas niya.

"Now say your name," utos niya.

"Ma-" tumigil ito sa pagsasalita at tumingin na naman sa peanut butter, "M- mara." 

"No, hindi Mara. It's Ara, not Mara," pagtatama niya. 

"Mara!" pagpupumilit ng dalaga. "Mara," mahina nitong pag-uulit.

"But it's Ara," pagtatama niya ulit dito.

Umiling ang dalaga, "Mara."

Malalim siyang napabuntong hininga, "Okay, Mara," bakit naman Mara ang sinasabi nito. 

Paano kung ang Mara ay kakonekta sa totoong pangalan nito? Mara? Napakamot siya sa ulo, ano na ang gagawin niya?

"Niel? Kian?" malakas na tawag niya sa dalawang kapatid. 

"Bakit kuya?" tanong ni Kian sa kaniya.

"Ano na naman?" naiinis na tanong ni Niel.

"Baka gusto mong bawasan ko yong baon mo?" pananakot niya dito, agad na ngumiti ang kapatid niya.

"Hindi ka mabiro Kuya, ano ‘yong iuutos mo?" 

"Bantayan niyo si Ara, may gagawin lang ako," aniya at tumayo. "Ibigay mo ‘yong peanut butter na tira sa kanya." 

Parang naintindihan nito ang sinabi niya dahil umaliwalas ang mukha ng dalaga. "Domi!" napatampal na naman siya sa sariling noo, pakiramdam niya dumi siya sa tuwing tinatawag siya ng dalaga na Domi.

Iniwan niya ang mga ito sa sala at pumasok sa sariling kwarto na tinutulugan nila ng dalaga. 

Binuksan niya ang laptop at nagtipa doon, He tried to search 'Mara' in the internet.

Maraming lumabas na mukha na hindi naman kamukha ng dalaga, may mga pangalan rin na lumalabas. At may isang pangalan na nakakuha ng atensyon niya. 

Amara Eloise Rodriguez, yan ang pangalan na nakasulat. Pinindot niya ang pangalan para makita ang pictures at ang mga detalye ukol dito. 

When he saw the pictures, nang makita niya ang litrato ng taong 'yon halos mahulog siya sa kinauupuan niya. 

Fierce, fearless could be seen on that woman's face. That's what you can see in the picture that comes out. Different from the woman here in their house who has an innocent face. 

Literal na nakanganga si Dominic nang makita ang litrato ng babae. Bakit ganito? Siya ba talaga ang babaeng ito?

Mukhang salbahe ang babaeng nasa larawan pero bakit napakaamo ng babaeng nandito sa bahay nila? 

Pinakatitigan niyang mabuti ang litrato ng babae at nagtingin-tingin pa sa ibang pictures nito, pero pareho parin. Pareho parin ang mukha. 

Napasabunot siya sa sariling buhok at kagat labing binasa ang nakasulat sa.

Amara Eloise Rodriguez is the youngest business woman who owns the well known and famous luxurious company and hotels in Asia. She also known as ruthless CEO 

But sadly something bad happened to her, the plane she was on crashed and until now she is still not found.

Paulit ulit na binasa ni Dominic ang nakasulat at ikinurap kurap pa niya ng ilang beses ang mga mata niya. 

CEO? Ruthless? Business woman? Plane crash?

Ang babaeng tinulungan niya ay hindi basta bastang babae lang. Nagbasa pa siya ng ilang article tungkol sa dalaga.

Nakita niya ang ilang larawan nito na may itong baril habang nakatutok iyon sa harapan at walang takot ang mga mata nito. 

Sa ibang litrato rin nito ay may kasama rin itong apat na babae na kagaya lang nito.

Bago pa siya mabaliw ay isinara na niya ang laptop niya at napasandal sa kinauupuan. 

What to do? Yan ang katanungan sa isip niya ngayon. Ano ang gagawin niya? 

Kung ibabalik niya ang dalaga, paano? 

At isa pa napalapit narin ang loob niya dito, at may kakaiba siyang nararamdaman dito na ayaw niyang pangalanan. 

Ayaw niyang maiwan ulit. Pero hindi niya pwedeng angkinin ang dalaga. Kailangan niya itong ibalik para maipagamot ito, hindi ganito ang buhay na nakasanayan ng dalaga. 

Malalim siyang napabuntong hininga ng mabasa ang isang article tungkol sa dalaga. Wala na pala itong mga magulang. Namatay ang ina nito sa heart disease at ang ama naman nito ay namatay sa car accident. 

Paano nakayanan ng dalaga ang mabuhay na wala ang mga magulang nito? 

Maraming pumapasok sa isip ni Dominic at naguguluhan siya ng husto. Hindi niya alam kung ibabalik ba niya ang dalaga o hahayaang panatilihin ito sa puder niya.

Pero kung iisipin mas mabuti kung bumalik na ang dalaga sa pinanggalingan nito. 

Kinagabihan lumabas siya ng kanyang silid dahil hindi siya makatulog samantalang tulog naman na ang dalaga. 

Nagtimpla siya ng kape at lumabas ng bahay umupo siya sa mahabang bangko na nasa tapat lang ng bahay nila. Tanaw na tanaw ang buwan at ang maraming bituin sa kalangitan. 

Sumimsim siya sa dala dalang tasa na may lamang mainit na kape. Hanggang ngayon ay iniisip parin niya ang nabasa at nakita niya kanina sa laptop. 

Narinig niyang bumukas ang pinto ng bahay nila pero hindi niya iyon nilingon, ilang sandali lang ay narinig niya ang boses ng ama. 

"Malalim na ang gabi, bakit gising ka pa anak?" tanong nito sa kanya.

"Hindi ako makatulog," sagot niya. Ilang sandaling katahimikan ang namutawi sa kanilang mag-ama.

"May gumugulo ba sayo?" tanong nito sa kanya na ikinabasag ng katahimikan.

Malalim siyang napabuntong hininga at tumango, "Opo. Tay nalaman ko na kung sino talaga si Ara." 

Napakunot ang noo ng tatay niya habang nakatingin sa kanya pero hindi ito nagsalita kaya ipinagpatuloy niya ang pagsasalita.

"Nakita ko po sa internet kanina. Hindi natin siya kagaya Tay. Nasa mataas at kilalang uri siya. Kinatatakutan at iginagalang. Mayaman at kilala ng karamihan." 

"Ano ang nangyari sa kaniya at nagkaganyan siya? Paano siya napunta rito?" tanong ng ama.

"Lumagpak ang sinasakyan niyang eroplano at matagal na po siyang pinaghahanap," mahinang sagot niya, tama lang para marinig siya ng ama. 

Natahimik ang ama niya, "Kailangan natin siyang ibalik sa kanila Dominic," seryosong sabi nito na ikinatahimik niya.

Matapos ang pag-uusap nila ng kanyang ama ay pumasok na siya sa loob ng kanyang silid. Mahimbing paring natutulog ang dalaga sa malambot na kama. 

Tumabi siya dito at tinitigan kung gaano kaganda at kaamo ang mukha nito. Gusto niyang maging maayos na ang kalagayan nito. At kapag ibinalik niya ito sa kanila alam niyang magiging maayos na ito.

Hinaplos niya ang pisngi ng dalaga na parang bang isa itong babasaging bagay sa kung paano niya ito haplusin.

Makikita pa kaya niya ito kapag ibinalik na niya ito sa kanila? Magkikita pa kaya sila?

Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ng dalaga para halikan ito sa labi, ng dumampi ang labi niya sa labi nito ay hindi niya maiwasang hindi mapapikit at marahang kagatin 'yon, naramdaman niyang gumalaw ang labi ng dalaga kaya napahiwalay siya dito. 

Napalunok siya ng makitang mulat na ang mga mata ng dalaga. "Nagising ba kita?" mahinahon niyang tanong dito, hindi siya nito sinagot at nanatiling nakatingin lang sa kanya. 

"Domi," mahinang bigkas nito sa pangalan niya.

"Why?" mahinahong tanong niya, nagulat siya ng bigla siyang yakapin ng dalaga. 

"Domi," ulit nito sa pangalan niya, hindi niya napigilan ang ilang butil ng luha ang kumawala sa mga mata niya. 

Nasasaktan siya sa hindi malamang dahilan. 

"Sleep now, Mara," sabi niya bago ng makahiwalay sa yakap ng dalaga. "Sleep." 

Umiling ang dalaga. At sumandal sa bisig niya, na dahilan para lumakas ang tibok ng puso niya sa hindi malamang dahilan. 

"Masungit ka ba talaga?" wala sa sariling tanong niya dito at yumuko para makita ang mukha ng dalaga. Umiling ang dalaga na parang naiintindihan siya dahilan para mahina niyang ikatawa.

"Totoo bang wala kang awa?" mahina niyang tanong ulit dito. Umiling na naman ang dalaga. Napahinga siya ng malalim at sinuklay-suklay ang buhok ng dalaga gamit ang kamay niya at hinalikan ito sa buhok. 

"Nakakaawa ka naman pala dahil wala ka nang mga magulang," sabi niya na para bang matinong kausap. Tumango ang dalaga dahil sa sinabi niya na ikinangiti niya. 

"Mayroon ka naman ng bagong pamilya at kami 'yon," sabi ulit niya na ikinatingin sa kanya ng dalaga. 

"Sleep now Mara, matulog na tayo," sabi niya at inalalayang umayos ng higa ang dalaga. 

Umayos narin siya ng higa at ipinikit ang mga mata hanggang sa tuluyan narin siyang makatulog. 

Kinaumagahan maaga siyang nagising dahilan para magising narin ang dalaga. Ganito ang palaging nangyayari tuwing umaga, kapag nagigising siya nagigising narin ang dalaga.

"Matulog ka pa, maaga pa," aniya umiling lang ito sa kaniya at kinusot kusot ang mga mata.

Lumabas na siya ng silid at sumunod naman sa kanya ito. "Anong gusto mong almusal?" tanong niya dito ng makarating sila ng kusina. 

Inilibot ng dalaga ang paningin niya at tumigil ito sa peanut butter. Napakamot sa pisngi si Dominic, bakit pa nga ba siya magtatanong kong palaging ito naman ang almusal ng dalaga ang peanut butter na palaman sa tinapay. 

Hindi niya nabasa sa mga article na nakasulat tungkol sa dalaga na paborito nito ang peanut butter.

"Okay, gagawan kita. Sit there," utos niya na agad namang sinonod nito. Napailing nalang siya at pinainit ang tinapay pagkatapos ay pinalamanan niya iyon ng peanut butter. 

Nagtimpla rin siya ng gatas para dito at kape naman para sa kanya. Inilapag niya ang platong may laman na tinapay sa harapan nila, agad na kumuha ang dalaga at nilantakan iyon. Napailing nalang siya at akmang kukuha na ng tinapay sa plato ng matalim siyang tignan ng dalaga at hinampas ang kamay niya. 

"Ako ang may gawa at bumili niyan tapos hindi mo man lang ako bibigyan?" napapantastikuhang tanong niya dito, mabilis na tumango ang dalaga at inilayo sa kaniya ang platong may lamang tinapay. 

Napapailing siyang humigop ng kape at tumayo, magkakanin nalang siya at magluluto ng sariling ulam.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 1

    “UNCLE thank you for coming here,” salubong ni Amara sa uncle niya at hinalikan ito sa pisngi. “Don’t mention it my niece, so why do you want to talk to me?” her uncle asked. “Uncle I want you to pay a visit everyday here in my company, because I do not trust the vice president who will manage my company while I’m gone,” seryosong sabi ni Amara sa uncle niya na para bang nakikipag-usap lang sa isang business partner.“Where are you going?” nagtatakang tanong ng uncle niya. She massages her temple when she remembers why she needed to leave for a while.“Something happened in my company in Hong Kong, that’s why I need to go there. Ayokong ipagkatiwala sa iba at baka mas malugi pa ako,” walang emosyon niyang sabi sa kaniyang uncle. She’s very hands-on when it comes to work. Kaya nang malaman niya na may nangyaring hindi maganda sa kumpanya sa Hongkong ay hindi siya nagdalawang isip na ipahanda ang private jet niya. At mamayang gabi ang alis niya, gusto niyang bago siya umalis ay maih

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 2

    TATLONG araw na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang dalaga. Malayo ang hospital sa lugar na tinitirhan ni Dominic. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa kanilang bahay.Nang gabing iyon gulat na gulat ang kanyang tatay maging ang dalawang kapatid nang makita nila ito na buhat buhat ang walang malay na babae. Mabilis niyang ipinaliwanag ang nangyari, pagkatapos ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang Doctor. Napabuntong hininga nalang siya habang pinagmamasdan ang dalaga, mabuti nalang at bakasyon ngayon at wala siyang pasok bilang isang professor. Hindi naman sila ganoon kayaman, sakto lang ang kinikita niya bilang isang teacher para pang-tustos sa pang araw-araw nila, dahil siya rin ang breadwinner ng kanilang pamilya.Sa sariling kwarto niya hinayaang manatili ang dalaga, nag-aalala siya ng husto rito kahit pa na hindi niya ito kilala. Bumukas ang pinto kaya napatingin siya doon, pumasok ang kanyang nakababatang kapatid.“Kuya di pa po ba gising si A

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 3

    "TAY, hindi sa akin pwedeng sumama si Ara, paano kung mawala yan sa bayan? At saka makikipagkita ako sa kaibigan ko." may pagpapasensya niyang sabi sa tatay niya. "Tignan mo naman siya Dom, halos maiyak na at gustong sumama sa'yo." pangungunsensiya nang tatay niya, napabuntong hininga siya at napatingin sa deriksyon ni Ara.Her eyes are pleading while looking at him, nagsusumamo ang mga mata nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at humawak sa bisig niya. "Look Ara, hindi kita pwedeng isama. Paano na lang kung mawala ka sa bayan?" problemadong tanong niya at napakamot sa batok, "Marami pa namang manloloko doon." Umiling ang dalaga sa kaniya at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanya.Muli na namang napabuntong hininga si Dominic. "Come with me." wala na siyang nagawa kundi ang isama ito.Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang bayan mula sa bahay nila at talagang malayo 'yon. Dahil kasama nga niya ang dalaga hindi nalang siya makikipagkita sa kaibigan niyang doktor."Huwag

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 4

    "CAN'T you really remember your name? And who you are?" nakapalumbabang tanong niya sa dalaga at napakamot sa pisngi.Hindi sumagot ang dalaga bagkus ay kumagat lang ito sa tinapay na hawak hawak niya na may palamang peanut butter. Marahas siyang napabuntong hininga, ayaw makinig sa kanya ng dalaga sa mahigit dalawang linggo na ang nakararaan pero hirap pa rin siyang turuan ang dalaga, dahil puro pagkain ang inaatupag nito. Hindi naman tumataba, she's still sexy. He knows that. "Read this," utos niya, sabay pakita ng flashcard sa dalaga. Tinignan lang siya nito pagkatapos ay sinunod nitong tignan ang flashcard na hawak niya. May pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa flashcard pagkatapos ay hinablot niya iyon sa kaniya. Puno ng kuryusidad na tinignan ng dalaga ang flashcard at dinala ito sa bibig niya at nginatngat. Napasabunot sa sariling buhok si Dominic dahil sa ginawa ng dalaga, pakiramdam niya maaga siyang mababaliw sa pag-aalaga dito."Hindi 'yan pagkain, huwag mo

  • Babysitting The Lost Billionaire    Chapter 5

    "PASS the ball," sigaw niya sa dalaga, kaya sinunod naman nito ang sinabi niya. Mabuti naman at nakakaintindi na ito at hindi na mahirap kausapin kagaya ng dati. Ngayon ay naglalaro sila ng batuhang bola, at ang magaling niyang kapatid na si Niel ang nakaisip nito. Nakausap na niya ang buong pamilya tungkol sa dalaga. At gusto niyang gumawa ng magandang ala ala kasama ito at ito nga ang isa sa naisip ng kapatid niya, maglaro. At mamaya lang ay pupunta sila ng dagat na malapit lang sa kanila para pagmasdan ang paglubog ng araw.Nang masalo niya ang binatong bola ni Ara o Mara ay binato niya si Niel na natamaan sa paanan. "Ang daya!" pagpapalatak ng kapatid."Bye! Bye Kuya," natatawang sabi ni Kian ng ito na lang ang natira. Kinuha ng dalaga ang bola."Pass the ball again Ara," utos na naman niya na ginawa naman ulit ng dalaga. Nang masalo niya ang ibinato ng dalaga ay saka niya binato si Kian ngunit dahil maliit na paslit ito at maliksi ay nailagan niya iyon. Pinulot ng dalaga ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status