LOGIN"TAY, hindi sa akin pwedeng sumama si Ara, paano kung mawala yan sa bayan? At saka makikipagkita ako sa kaibigan ko." may pagpapasensya niyang sabi sa tatay niya.
"Tignan mo naman siya Dom, halos maiyak na at gustong sumama sa'yo." pangungunsensiya nang tatay niya, napabuntong hininga siya at napatingin sa deriksyon ni Ara.
Her eyes are pleading while looking at him, nagsusumamo ang mga mata nito. Naglakad ito palapit sa kaniya at humawak sa bisig niya.
"Look Ara, hindi kita pwedeng isama. Paano na lang kung mawala ka sa bayan?" problemadong tanong niya at napakamot sa batok, "Marami pa namang manloloko doon."
Umiling ang dalaga sa kaniya at mas hinigpitan pa ang pagkakakapit sa kanya.
Muli na namang napabuntong hininga si Dominic.
"Come with me." wala na siyang nagawa kundi ang isama ito.
Mahigit kalahating oras ang biyahe papuntang bayan mula sa bahay nila at talagang malayo 'yon. Dahil kasama nga niya ang dalaga hindi nalang siya makikipagkita sa kaibigan niyang doktor.
"Huwag kang makulit." pangaral niya sa dalaga nang makababa sila sa tricycle, sa mahaba habang biyahe mabuti naman at nakarating na sila ng bayan.
Ngumiti ang dalaga at sunod sunod na tumango. Hinawakan niya ang dalaga sa pulsuhan at sabay silang naglakad.
Balak niyang bumili nang mga kagamitan para sa dalaga, dahil wala naman silang gamit sa bahay na pang-babae. Nang may madaanan silang maliit na tindahan para sa babae ay doon sila huminto para mag tingin-tingin at bumili.
"Magkano ito?" tanong niya habang hawak hawak ang isang bestida.
"80 pesos ang isa." sagot sa kanya ng tindera.
Tumango siya, kumuha siya ng dalawang bestida at kumuha ng dalawang damit at dalawang pajama at tatlong panty at tatlong bra. Nakakahiya man ang ginawa niyang pagtingin kong tamang sukat ba ito ng dalaga o hindi, pero kailangan niya talagang malaman kong kasya ba talaga sa dalaga. Nang masigurong kasya at sukat nga niya ito ay saka niya iyon kinuha at binayaran. Sa ngayon ito lang muna.
Nilingon niya ang dalaga ng kinalabit siya nito, "Ano?" tanong niya.
Tinuro naman ng dalaga ang tindahan ng mga pagkain kagaya nalang ng fishball, kikiam, hotdog, palamig, queck queck at iba pa na pwedeng makain.
"Do you want that?" tanong niya, mabilis na tumango ang dalaga sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sundin ang gusto nito.
Kumuha siya ng stick at tumusok ng hotdog, inihipan niya ito at tinapay sa bibig ni Ara. "Say ah." utos niya, na sinunod naman ng dalaga.
Nang maisubo niya ito kay Ara ay siya namang ikinangiti niya, "Do you like it?" tanong niya, tumango ang dalaga na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya.
Nagtusok pa siya at naglagay sa baso pagkatapos ay binayaran niya ito. Ipinahawak niya ito sa dalaga at hinayaang ito mismo ang kumain. Habang naglalakad ay natigilan siya nang itapat ni Ara ang fishball sa mismong bibig niya na parang sinasabi nito na kainin niya 'yon.
Natigilan siya at napatingin sa maamong mukha nang dalaga at wala sa sariling napangiti. This girl is really different and up to something that he can't name.
Ibinuka niya ang bibig niya para tanggapin ang isinusubo sa kanya ng dalaga. Nagpatuloy sila sa paglalakad papuntang super market dahil may mga kailangan pa silang bilihin.
Ang ilan na nadadaanan nila ay napapatingin sa deriksyon nila, o mas tamang sabihin na napapatingin sa babaeng kasama niya. Dahil doon binilisan na lang nila ang paglalakad.
Pumasok sila sa loob nang super market at kumuha ng cart para paglagyan ng mga bibilhin.
"At ano naman kaya ang bibilhin natin?" tanong niya, pero syempre hindi sumagot ang dalaga.
Kumuha siya ng mga chips, can goods, pancit canton, at kumuha rin sila nang karne ng baboy sa meat section at ang mayroon silang nadaanan na palaman ay napahinto sa paglalakad ang dalaga dahilan para mapahinto rin siya.
"Come on Ara, let's go. May palaman pa sa bahay kaya hindi natin kailangan bumili." aniya, ngunit itinuro ng dalaga ang naka-display na peanut butter.
"What? Ano namang mayroo diyan sa peanut butter?" bakas ang inis sa boses na tanong niya. Hinila siya nang dalaga palapit sa peanut butter na nakadisplay at kinuha 'yon para iabot sa kanya.
Napabuntong hininga siya, "Okay, I get it. You want me to buy this, pero meron na tayo nito sa bahay." akmang ibabalik na niya ito nang makita ang mukha nang dalagang malapit nang umiyak.
Magkasunod na buntong hininga ang pinakawalan niya, "Okay kukunin ko na, don't cry."
Nagliwanag ang mukha ng dalaga dahil sa sinabi niya, nagpatuloy sila sa pagkuha nang mga dapat bilhin ng matigil siya dahil sa nakita.
Nakita lang naman niya ang babaeng nang iwan at nanloko sa kaniya, ang ex niya. Napaiwas siya ng tingin sa dalawa, kasama ng ex niya ang lalaking pinagpalit sa kaniya.
Papunta ang dalawa sa deriksyon nila, nanatili siyang nakatayo at nakatingin sa dalawa. Hindi siya ang dapat umiwas dahil hindi naman siya ang nanloko.
Napatingin siya sa katabi niya nang maramdamang kinalabit siya nito, "What?"
Nagulat siya nang ituro ni Ara ang ex niya pati narin ang kasama nitong lalaki, agad niyang ibinaba ang hintuturo ni Ara na nakaturo sa dalawa. "Huwag kang basta basta nagtuturo." sita niya.
"Hey there, Dominic." bati ng ex niya, si Serah. Napabaling siya dito nang tingin, may galit at sakit parin sa puso niya pero hindi niya mahanap ang pagmamahal doon na nararamdaman niya dati kay Serah.
Ngumiti siya, ayaw niyang ipakita na nasasaktan siya. Nasasaktan siya dahil pinagpalit siya at nasaktan ang pride niya bilang lalaki. "Hey Serah. Kamusta?"
"Maayos naman, mas maayos ngayong hindi na tayo." sagot nito at inirapan siya, ito pa ang may ganang umasta nang ganyan eh ito naman ang nang-iwan at nanloko. Napatingin si Serah sa katabi niya. "Ang bilis mo naman yata akong napalitan?"
Itatanggi na sana niya kung ano man ang sasabihin nito ng ipulopot ni Ara ang braso niya sa kaniya, napatingin siya sa dalaga at sa braso nitong nakapulupot sa kaniya.
Nakangiti ito ngayon kay Serah habang taas ang noo. "Ara what are you doing?" nagtatakhang bulong niya, sinubukan niyang tanggalin ang pagkakapulupot nito sa braso niya ngunit hinigpitan niya lang ito habang nakangiti pa rin kay Serah.
"Oh so it means nakahanap kana agad, ganoon mo ba talaga ako kamahal para humanap ka kaagad ng kapalit ko para lang makalimut sa akin?" taas kilay na tanong ni Serah sa kanya na halos ikalaglag nang panga niya.
"Seriously Serah? Hindi kita ganun kamahal para lang humanap nang iba at para lang makalimot sayo." sagot niya dito, na ikinasama ng mukha ni Serah.
"Baby let's go." rinig niyang bulong ng bagong kasintahan ng ex niya. Hindi naman hamak na mas gwapo siya dito at mas makisig, nakakapagtaka lang na nagawa siyang ipagpalit.
Ngumiti ang ex niya sa bagong kasintahan nito, pagkatapos ay matatalim ang mga mata na bumaling kay Ara, "You." tinuro turo pa niya ito, "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo."
'Yon ang sinabi nito bago umalis kasama ang hilaw nitong boyfriend, napakunot ang noo niya ano namang naging kasalanan ni Ara at pinagbantaan niya ito. Napatingin siya sa katabi na hanggang ngayon ay nakapulupot pa rin ang bisig sa bisig niya.
"How did you do that huh?" nakangiti niyang tanong dito, na kagaya niya ay malawak ang ngiti rin sa kanya, "You naughty my peanut."
Nakapagbayad na sila ng mga pinamili nila, dalawang malalaking paper bag ang dala niya pero kinaya niya paring hawakan sa kamay si Ara. Nasa labas na sila nang super market at nag-aabang ng sasakyan.
Natigilan silang pareho ni Ara nang makita ang isang lalaki na hinoldap ang bag ng isang ginang at kumaripas ng takbo.
"Tulong! TULONG ANG BAG KO, KINUHA!" nagsisigaw ang ginang dahil sa nangyari, ang mga tao naman ay nataranta.
Nagulat siya nang marahas na bumitaw sa pagkakahawak niya si Ara at mabilis na tumakbo papalayo sa kanya at papunta sa direksyon ng holdaper.
Mabilis ang naging kilos ni Ara nang makawala ito sa pagkakahawak niya at tumakbo, na naging dahilan para hindi niya ito mapigilan. Anong gagawin nito at mabilis na tumakbo?
"Darn!" bulong niya, nang mapagtanto kung ano ang gagawin ng dalaga. Tumakbo siya at tumigil sa tapat nang naholdap na ginang at iniabot ang mga dala dalang pinamili.
"Pakihawak po, babalik po ako." aniya at mabilis na tumakbo para sundan si Ara na ngayon ay malayo na.
May lahi ba itong kabayo at ganun kabilis na tumakbo? Mabuti nalang at matangkad siya at mahaba ang biyas niya kaya, kayang kaya niya itong sundan.
Natigil siya sa pagtakbo ilang metro ang layo sa pagitan niya at ni Ara na ngayon ay hawak na ang snatcher at nakalagay ang kamay nito sa sariling likod dahil pinaikot iyon ni Ara.
Halos mapahiyaw at namimilipit sa sakit ang snatcher sa ginawa ni Ara habang ang bag ay nasa kalsada.
Puno ng pagtataka ang nararamdaman niya paano 'yon nagawa ni Ara? Paano niya ito nagawa?
Umiling siya at tinakbo ang pagitan nila, "Ara!" sigaw niya, inosenteng binitawan ni Ara ang kamay ng lalaki na pinilipit niya.
Kinuha ni Ara ang bag na nasa kalsada at walang pasabing sinipa sa mukha ang lalaking snatcher. Kung literal lang na nahuhulog ang panga baka kanina pa nawalan ng panga si Dominic.
How come? How Ara did that? Si Ara na hindi makapagsalita at kayang gawin ang ganitong bagay?
Nagsidatingan ang mga pulis kasama ang ginang na kinuhanan ng bag. Umiiyak ang ginang na lumapit kay Ara.
"Salamat hija, maraming salamat." puno ng pagpapasalamat na sabi nito.
Ngumiti lang si Ara at iniabot sa ginang ang bag na hawak hawak.
Hinuli ng mga pulis ang snatcher. "Maraming salamat talaga, nandito ang pangbayad sa hospital bills nang asawa ko. Kaya maraming salamat." walang tigil sa pagpapasalamat ang ginang sa kanya.
Siya ang sumagot dahil hindi naman nakakapagsalita ang dalaga, "Walang anuman po, mauuna na po kami." kinuha niya ang dalawang paper bag na pinahawak niya sa ginang kanina at nagpaalam na.
Hinila na niya ang dalaga papalayo sa maraming tao, tumigil siya nang makalayo na doon.
"How did you do that?" kunot ang noong tanong niya sa dalaga, nakangiting umiling ang dalaga sa kaniya, napahalimos siya sa sariling mukha. "Who the real are you Ara?"
Tulo ang icecream sa damit ni Ara nang makauwi sila sa bahay. "Look at you, ang dungis mo na."
Hindi siya pinansin ng dalaga at nagpatuloy lang sa pagkain nang ice cream na parang walang pakialam sa paligid niya.
"Ate ganda!" sigaw ng nakababatang kapatid niya mula sa loob nang bahay kasama ang pangalawang kapatid niya.
Inabot niya sa pangalawang kapatid ang dalawang paper bag na dala dala niya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang gilid ng pisngi ni Ara na malapit sa labi nito.
"Ate ganda, pahingi." humihingi ang kapatid niya ng icecream sa dalaga, yumuko ang dalaga at inabot ang ice cream.
Napailing nalang siya at hinila ang dalaga papasok sa loob nang bahay. "Sit here." utos niya dito. At iniwan siya sa sofa.
Dumeritso siya sa kwarto para magbihis pagkatapos ay lumabas rin para balikan ang dalaga. "You need to change your clothes." Tumayo ang dalaga sa pagkakaupo at lumapit sa kanya.
Nang matapos niya itong bihisan sa loob ng kwarto nila ay napansin niya ng nakatitig ang dalaga sa bracelet na suot suot niya.
"Do you like it?" tukoy niya sa bracelet na suot, hindi tumugon ang dalaga at nanatiling nakatingin sa bracelet na suot suot niya.
Ang pulseras na suot niya ay mula pa ito sa nanay niyang yumao na at talagang mahalaga ito sa kaniya. "Mukhang gusto mo nga." aniya at hinubad ang pulseras sa halip na sa pulsohan niya ito ilagay lumuhod siya para ikabit ito sa ankle ng dalaga. "There, it's beautiful."
Sa ngayon ipapahiram muna niya ito, hindi niya kayang tanggihan ang dalaga. Sa ilang araw na kasama niya ito ay nalalapit na ang loob niya dito.
Hindi pa rin siya nakakapagtanong tanong tungkol sa dalaga, at susubukan rin niyang maghanap sa internet tungkol sa dalaga, pero paano niya 'yon magagawa kung hindi niya alam ang pangalan nito.
Hinahanap na ito nang pamilya niya sigurado. At sino ba talaga ito? Hindi mo naman masasabi kong mahirap ito dahil sa kutis at sa mukha nito makikita mo nang mayaman.
Isa sa pinagpapasalamat niya ay nakalimutan niya ang sariling problema dahil dito, pero pakiramdam naman niya sasakit ang ulo niya kung paano aalagaan ang dalaga.
How can he babysit this girl? Ang tanong kakayanin niya bang alagaan ito?
Naghihintay na sa rooftop ang chopper na gagamitin, sabay silang pumunta sa rooftop. Nagulat siya nang alalayan siya ni Dominic papasok sa loob nang chopper, nilingon niya ito ngunit nginitian lang siya nito.She feel comfortable, kahit na kanina lang sila nagkita at nagkakilala.Nang makasakay sila at makaupo sa upuan ay nanatili siyang tahimik. She's speechless, nawalan siya nang sasabihin na ngayon lang nangyari sa kaniya, she feel awkward with him.Sa buong biyahe nila sa himpapawid at sa lumipas na oras ay walang nagsalita sa kanilang dalawa pareho silang tahimik, napuyat siya kaya hindi niya napigilan ang sariling makatulog habang nasa biyahe.15 hours and 35 minutes ang biyahe papuntang new york, matagal tagal rin ang magiging biyahe nilang dalawa. At nakakatawang wala man lang silang dalang damit at sumakay na kaagad sila sa chopper.Pero hindi naman 'yon problema, bibili nalang sila. Ang mahalaga para sa kaniya ay ang makapunta kaagad nang New York para asikasuhin ang problem
MAY balak pa sana siyang puntahan, ang kaso ay pinipilit na siya nang uncle niya na bumalik sa kompanya niya. She plan to go back to her company after lunch.Pero ito siya ngayon at nagmamaneho papuntang kompanya niya, napairap siya sa hangin nang red light kaya inihinto niya ang sasakyan.Napatingin siya sa labas nang bintana, ma-ingay ang busina nang mga sasakyan.Naisip niya tuloy ang bagong secretary niya, ano namang pakialam niya kung naghihintay na ito sa kaniya?Napatingin siya sa relo niya, at nagulat siya nang makitang quarter to eleven na. Gano'n ba talaga siya katagal na nagstay sa kompanya nang kaibigan niya?Nagpatuloy siya sa pagmamaneho nang makitang green light na, nang marating niya ang kompanya ay saka niya pinark ang sasakyan at bumaba doon.Pumasok siya sa loob nang kompanya niya at pumasok sa loob nang elevator, ilang minuto siyang naghintay bago niya narating ang destinasyon niya. Nang tumunog ang elevator hudyat na nasa last floor na siya kung saan ang office ni
Nagovertime siya sa trabaho, kahit naman CEO siya ay nag-oovertime siya, at madalas niyang gawin yon kapag bored siya. Mabuti nalang at natapos niya ang lahat nang dapat na pirmahan na papeles.Napasandal siya sa swivel chair niya at pinaikot ikot sa palad niya ang ballpen, hinilot niya ang batok gamit ang isang kamay."Ughh, I need to go home." bulong niya sa sarili bago napagpasiyahang tumayo. Inayos niya ang gamit at isinuot ang blazer niya na nakasukbit sa likod nang swivel chair.Lumabas siya nang sariling opisina, halos iilan nalang ang mga empeado na nadadaanan niya pero nagagawa parin siya nang mga itong batiin.Nagpatuloy siya sa paglalakad nang makalabas na siya nang elevator. "Good bye Miss Amara." anang security guard hindi niya ito pinansin, well wala naman siyang pinapansin kung hindi lang tungkol sa trabaho.Sumakay siya sa cadillac niyang sasakyan na isa sa paborito niyang kotse, nagmaneho siya pauwi patungong bahay niya.She feel exhausted with the wholeday work. Nagp
Nang matapos ang tawag ibinulsa niya ang cellphone niya at parang sira ulong naglakad pabalik balik. "Magkikita na ba talaga ulit kami? Makikita ko na ulit siya?" pagkakausap niya sa sarili.Umuwi siya nang bahay at naiwan ang kapatid niya at ang ama, naconfine ang kapatid niya sa hospital."Niel?" tawag niya sa kapatid pagkarating nang bahay."Bakit kuya? Kamusta si Kian, okay lang ba siya?" tanong kaagad sa kaniya nang kapatid niya."Na confine siya, kukuha ako nang damit para sa kanila. Niel aalis ako at pupunta nang manila, bantayan mo si Tatay at si Niel, maliwanag?" mahinahon niyang pagkausap sa kapatid."Kuya anong sinasabi mo?" nagtatakhang tanong sa kaniya nang kapatid."Magtratrabaho ako sa manila. Naaalala mo pa ba si Ara?" tanong niya .Mabilis namang tumango ang kapatid niya, "Opo, bakit ko naman makakalimutan si Ate Ara?""Sa kompanya niya ako magtratrabaho." nangingiting paliwanag niya na ikinalaki nang mga mata nang kapatid."Talaga kuya? Naalala ka na niya?"Nawala an
SAAN nalang siya pupulutin ngayon? Tapos na ang kontrata niya sa school na pinapasukan niya bilang Med Teacher.Mababa ang sweldo kaya gusto na niyang lumipat, pero dahil nasa probinsiya siya talagang mababa ang sahod."Dominic?" tawag sa kaniya nang tatay niya.Napalingon siya dito, "Bakit ho Tay?" tanong niya."Dalawang buwan na tayong hindi nakakabayad nang kuryente." sagot sa kaniya nang tatay, malalim siyang napabuntong hininga isa pa ito sa problema niya. Kulang sila sa pampinansyal."Magkano po ba ang babayaran?" napapangiwi niyang tanong."Two thousand mahigit anak." bakas ang hiya sa tono nang boses nang tatay niya."Saglit lang ho, kukuha ako nang pera." sagot niya at tumayo."Pero hindi ba't wala ka nang pera-?" pinutol niya ang sinasabi nang tatay niya."Tay meron pa po." sagot niya at iniwan ito sa sala para kumuha nang pera sa kwarto niya, meron pa naman siyang natitirang pera at maliit na savings sa bangko.Sa tatlong taong nakalipas napakarami naring nagbago sa buhay n
AMARA is always be Amara. Three years had been pass and she's now back for being ruthless, fearless and fierce. Well, she use to be like that ever since."Get out!" malakas niyang sigaw sa isang employee niya, tumalima ito at mabilis na lumabas ng office niya. Ibang iba sa Amara na nakasama ni Dominic noon, three years ago. Pinaglaruan niya ang ballpen na hawak sa kamay niya pagkatapos ay pabagsak niya itong inilapag, ang aga-aga ay ang init na nang ulo nito paano ba naman kasi nalaman lang naman niya na bumaba ang shares nang kompanya niya.At 'yon ang ikinagagalit niya. Wala siyang maalala sa nangyari dahil ang sabi sa kaniya nang uncle niya ay three years daw siyang comatose dahil sa aksidente. Naiinis siya dahil naaksidente siya at napabayaan ang kompanya. At ang mas ikinagagalit niya ay napagalaman niyang ninanakawan pala siya ng Vice President nang kompanya niya, noon pa man ay hindi na niya ito pinagkakatiwalaan. Sobrang galit ang lumukob sa kaniya dahil sa nangyayari ang ila







