Home / Romance / Back In Your Arms / KABANATA 8: WILL YOU MARRY ME?

Share

KABANATA 8: WILL YOU MARRY ME?

last update Last Updated: 2023-04-05 15:05:12
SABRINA’S POV

Kasalukuyan akong naglalakad-lakad dito sa mall malapit sa amin. Day-off ko ngayon kaya naman napagdesisyunan ko na lumabas muna kaysa mag-overthink ako tungkol sa tsismis sa opisina namin. Sa loob ng ilang taong relasyon namin ni Aiden ay hindi niya minsan nagawang tumingin sa iba kahit pa nung mga panahong maraming ipinapakilala sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Pumunta ako sa isang milktea shop dito upang umorder ng paborito kong milktea dahil ito ang comfort drink ko pag nasa stressful situation ako.

“ Sabrina?”

Napatingin ako sa kung sinuman ang tumawag sa akin. Doon nakita ko ang pamilyar na mukha na kasalukuyang malawak ang ngiti na tila ba nakumpirma niya na ako ang kaniyang hinahanap.

“ Oh, Sheryl. Ikaw pala yan, long time no see,” pagbati ko sa kaniya.

“ Yes, sobrang tagal na nga nating hindi nagkita. Ahm, are you with someone?” Tanong niya sa akin kaya naman mabilis akong umiling.

“ Great. It’s catch up time. I am just gonna ord
Blossom Hearts

Hello po sa lahat. Pasensya na po kung ngayon na lang ako ulit nakapag-update. Medyo na-busy po kasi ako sa school. Hope you will like the update po and I'll try my best po na makapag-update frequently here!

| Like
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Back In Your Arms   KABANATA 21: BISITA

    SABRINA'S POV“Good afternoon…”Kumunot ang noo ko dahil sa panauhing pumasok. Napatingin naman ako kay Sheryl ngunit bahagyang pagkibit-balikat lamang ang itinugon nito sa akin. What the! Anong ginagawa niya dito?!“What a pleasant surprise,” pakunwaring bulalas ko saka ngumiti sa kaniya upang iparamdam na welcome siya rito. “What brought you here, Mr. Anderson,” halos maubusan ako ng laway sa lalamunan ng banggitin ko ang apelyido niya.“I was in the area so I decided to drop by,” tipid na turan niya na akala mo ay close kami. Hindi ko alam kung saan siya kumuha ng kapal ng mukha upang sabihin iyon. “Am I interrupting something?” tanong niya.Tumingin lamang ako sa sekretarya ko at tinanguan ko ito upang makalabas na siya. Yumuko lamang ito sa akin saka nag-martsa palabas ng opisina ko.“I don’t mean to be rude, Mr. Anderson but I can’t offer you any drink because I am already running late,” tahasang wika ko sa kaniya. “I mean, don’t take it personally but I have an appointment to a

  • Back In Your Arms   KABANATA 20: BAGONG KARAKTER - CLINTON CUEVAS

    SABRINA'S POV“Hmm…” mahina kong ungol nung maramdaman ko na may pumipindot ng pisngi ko.Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at ang malawak na ngiti ni Hope ang bumungad sa akin.“Good morning, Mommy!” masiglang bati nito sa akin na sinundan ng halik sa aking pisngi.“Good morning, baby,” bati ko pabalik dito habang bumabangon ako mula sa pagkakahiga. Agad ko siyang ikinulong sa aking mga braso at niyakap ng mahigpit.“Mommy, did you go home too late last night?” tanong nito sa akin habang yakap-yakap ko siya.Bahagya muna akong humikab bago sumagot sa kaniya, “almost 1am na baby ko. You’re auntie Sheryl kasi,” paliwanag ko.“That’s too late. Maybe you should get some sleep pa po,” suhestiyon ni Hope sa akin.“I have work pa, baby eh,” tugon ko sa kaniya after kong tiningnan yung oras sa orasan na nasa side table. “Just take the day off, Mommy,” suhestiyon nito sa akin saka nagpa-cute.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at marahang pinisil ang kaniyang pisngi. “I’m sorry young

  • Back In Your Arms   KABANATA 19: MULING PAGKIKITA

    SABRINA'S POV“Sorry…”Hindi ko na pinansin yung nagsalita saka nagmamadaling dinampot ang laman ng purse ko na nalaglag dahil sa pagbangga niya sa akin. Ghad, bakit sa ganitong paraan pa kami magkikitang muli? I played different scenario kung paano ko siya makikita pero bakit naman ganito.“Here, let me help you,” wika niya saka ako tinulungang damputin ang mga gamit ko.“No thanks, I can handle,” mabilis kong sabi saka nagmamadaling kinuha sa mga kamay niya ang gamit ko.“Okay?” hindi siguradong wika niya at hinayaan na lamang niya akong gawin ang ginagawa ko.Nakita ko rin sa peripheral vision ko na tumayo na siya. Jusko, bakit ayaw niya pang umalis? Can he just leave me alone?! Natapos ko na ang pagdampot ng mga gamit ko pero nandiyan pa rin siya.“Come on,” rinig kong wika niya saka ko nakita ang kamay niya na nakalahad.“I can handle myself,” pagtanggi ko saka tumingala at sinubukang tumayo.Ngunit sa kasamaang palad ay nawalan ako ng balanse kaya napapikit na lamang ako ng mata

  • Back In Your Arms   KABANATA 18: BUSINESS BALL

    SABRINA'S POV“For my competitors, I don’t feel threatened at all. As I’ve said, I work hard for this, so I’ll never back down. So, to you, prepare yourself because I will win this game with flying colors…” tugon ko saka ngumiti sa kanila.Sunod-sunod na flash naman mula sa camera ang tumapos ng interview ko. Nagpasalamat lamang ako sa mga miyembro ng press na pumunta pati na rin sa mga crew at spectators pagkatapos ay napagdesisyunan ko na bumalik na rin sa office ko upang balikan si Hope. Pagbukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin si Sheryl.“You really did well, girl,” namamanghang komento niya habang mabagal niya akong pinapalakpakan.Natawa naman ako sa naging reaksiyon niya saka ko sinara ang pintuan, “great job ba?” natatawang tanong ko sa kaniya.“Mas great pa sa great,” mabilis niyang sagot saka kami sabay na natawa.“Where is hope pala?” tanong ko sa kaniya ng mapansin kong wala ang anak ko dito sa loob.“Nasa labas kasama ang secretary mo. Gusto daw mag-tour, eh,” sagot nam

  • Back In Your Arms   KABANATA 17: SABRINA WILSON

    SABRINA’S POV Maaga akong nagising kinabukasan dahil may meeting pa ako mamaya sa Wilson Hope Corporation and may interview pa ako para sa isang TV network. Tiningnan ko muna si Hope na mahimbing pa din ang tulog sa tabi ko saka ako nagdesisyong bumangon na. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin sa loob ng banyo. Limang taon na ang nakakalipas at marami na rin ang nagbago sa akin. Sa estado ko ngayon, hindi na makikita sa akin ang bahid ng isang Sabrina Cruz. Napatitig pa ako sa sarili ko ng ilang sandali bago ako nagdesisyong gawin ang morning routine ko. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa kusina upang magluto ng agahan namin ni Hope. Dito kami tumuloy sa condo na binili ko two years ago since pinapaayos ko pa ang mansion namin. “Good morning, mommy.” Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking labi ng maramdaman ko ang pagyakap ni Hope sa baywang ko kasabay ang pagbati niya sa akin sa malambing na boses. Iniikot ko ang aking sarili upang harapin siya. “Good morning, sweetie,” bati

  • Back In Your Arms   KABANATA 16: PAGKATAPOS NG LIMANG TAON

    SABRINA’S POV >>> 5 YEARS AFTER " Ladies and gentlemen, Happy Airlines extends a warm greeting to you as we arrive in Manila. It is currently 8:11 p.m. local time. Please keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate and remain seated with your seat belt fastened for your protection and the safety of those around you. Thank you! " anunsyo ng flight attendant kaya napaayos na ako ng upo. “Mommy we are here in the Philippines?” tanong sa akin ni Hope, limang taong gulang kong anak. Ngumiti naman ako sa kaniya, “yes, baby.” sagot ko. Ngumiti naman siya at umayos na rin ang upo. Maya-maya pa ay bumukas na ang mga pintuan ng eroplano kaya tumayo na rin ako at si Hope. Pagbaba namin sa eroplano ay pumunta na kami sa arrival lane para makuha ang mga maleta ko. Binuksan ko na rin ang cellphone ko upang tawagan ang susundo sa amin para malaman ko kung nasan ito naroroon. “Hope, kalabitin mo ako kapag nakita mo na ang mga maleta natin, okay?” bilin ko sa kaniya. Tumango naman it

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status