LOGINAnya Therese Bennett’s POV
Nakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal. Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin. Nang bumukas ang p***o ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO. "Good morning po. Ako po ang bagong hire na sekretarya niyo, Mr. Vitale…" masaya kong panimula habang itinutulak ko ang mabigat na p***o ng opisina pero natigilan ako. Napawi ang ngiti sa mga labi ko at napatitig ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng malaking glass window. Pamilyar ang kaniyang bulto sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Nakasuot siya ng tailored dark suit. Maayos ang buhok at may hawak na baso ng whisky. Nang dahan-dahan siyang humarap sa akin, nanigas ang buong katawan ko. Napasinghap ako nang malakas at halos mabitiwan ko ang mga folder na hawak ko. “L-Luca," bulong ko. Malayo na ang hitsura niya sa simpleng bokalista na may lumang gitara at simpleng kasuotan. Hindi na rin mahaba ang kaniyang buhok. Mas malinis na siyang tingnan ngayon at mas…mas guwapo. Ang bawat tindig niya ay puno ng kapangyarihan, yaman, at awtoridad. Malayong-malayo siya sa Luca na nakasama at minahal ko. "L-Luca?" nauutal at halos walang boses kong ulit sa pangalan niya. Nanlalabo ang mga mata ko sa gulat habang bumibilis ang tibok ng dibdib ko. Walang gulat sa mukha ng lalaking hanggang ngayon ay may puwang pa rin sa aking puso. Malamig at matalim ang tingin niya sa akin. Halatang pinaghandaan niya ang sandaling ito. Dahan-dahang naglakad si Luca patungo sa executive desk niya. Bawat hakbang ng sapatos niya sa marmol na sahig ay parang tambol na kumakaba sa dibdib ko. "Vitale?" pabulong kong ulit sa sarili ko habang nagdudugtong-dugtong ang lahat sa isip ko. Ang lalaking iniwan at niloko ko six years ago, ang lalaking itinapon ko at sinabihan kong mahirap at walang mararating ay ang mismong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya sa bansa? How did it happen? He never mentioned it to me before. Inilagay ni Luca ang baso sa ibabaw ng mesa at itinukod niya ang kaniyang dalawang kamay sa desk habang nakatitig nang diretso sa namumutla kong mukha. "I prefer you call me Mr. Vitale," malamig at baritonong sabi ni Luca. May bahid ng panunuya sa mga labi niya. "Welcome to my company, Miss Anya Therese Bennett. Inaasahan kong pagbubutihan mo ang pagtatrabaho sa akin." Nanghina ang mga binti ko. Gusto kong tumakbo palabas ng silid pero tila naputol ang koneksyon ng utak ko sa mga paa ko. Ang hawak kong mga folder ay dahan-dahang nadulas sa nanginginig kong mga kamay hanggang sa kumalat ang mga papel sa makintab na sahig. "P-Pasensya na, Mr. Vitale..." nauutal kong sabi. Mabilis akong lumuhod para pulutin ang mga natapon. Habang nakayuko ako at natataranta sa pag-aayos ng mga papel, nakita ko ang mamahaling sapatos ni Luca na dahan-dahang huminto sa tapat mismo ng kamay ko. Amoy na amoy ko ang mamahaling pabango niya. Malayo ang amoy na iyon sa murang amoy ng sigarilyo at pawis na nakasanayan ko noong nag-pe-perform pa siya sa mga bar. Paano nangyari ito? Sa pagkakaalam ko, ang apelyido ni Luca ay hindi Vitale kundi Samaniego. Inangat ko ang tingin ko. Nakaupo na si Luca sa swivel chair niya at matamang nakatingin sa akin. "Nagbago ka na pala, Therese," panimula niya, punong-puno ng panunuya ang kaniyang boses. "Dati, mahilig ka sa mga lalaking mayaman at kayang ibigay ang lahat sa iyo. Nasaan na si Jacob? Iniwan ka rin ba niya tulad nang palagi niyang ginagawa sa mga babae niya sa tuwing nakukuha na niya ang gusto niya?" “Mr. Vitale, with all due respect—” "Respect begets respect, Miss Therese. You have no right to ask for it lalo na ngayon na nasa harapan kita para sa limos na sweldo mula sa kumpanya ko." Napalunok ako at ang mga kamay ko ay awtomatikong kumuyom. Bawat salita ni Luca ay parang kutsilyong sumasaksak sa akin. Pero alam kong wala akong karapatang magalit dahil ako mismo ang gumawa ng halimaw na nakatayo sa harap ko ngayon. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang lahat ng mga salitang binitiwan niya. "Trabaho lang po ang nais ko, Mr. Vitale," mahina kong pakiusap habang dahan-dahan akong tumatayo, bitbit ang naayos na mga folder. Iniiwas ko ang tingin ko dahil hindi ko na kayang salubungin ang galit sa mga mata niya. "Kung... kung ayaw niyo po sa akin dito, p'wede naman po akong mag-resign—" "Sino'ng nagsabing pinapayagan kitang mag-resign?" mabilis na putol ni Luca sa akin. Napatingin ako sa kaniya. Dahan-dahang lumapit si Luca hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa. Umatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa malamig na pader ng opisina. Itinukod ni Luca ang kanang kamay niya sa pader, sa gilid mismo ng ulo ko, para harangan ang daan ko. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay kailangan ko ang hanging nagmumula sa labi niya.ANYA THERESE BENNETT'S POV “Fasten your seatbelt.”"S-Sige po, Mr. Vitale.” Napalunok si Anya. "K-Kaya mo pa bang mag drive?”Isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Luca kay Anya, dahilan para manahimik ang dalaga.Tahimik lang ang buong biyahe, pero ang bilis ng patakbo ninLuca ay halatang punong-puno pa rin ng galit. Huminto ang sasakyan sa underground parking ng isang sikat na motel. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking palapulsuhan habang kinakaladkad niya akong pumasok sa elevator hanggang sa marating namin ang pinakataas na palapag. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto ng suite at ipinasok niya ako sa loob bago niya iyon isinarado nang napakalakas.Nang marinig ko ang pag-lock ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako sa malaking kama, sa malambot na carpet, at sa dim lights ng kuwarto. Biglang sumikip ang dibdib ko.‘Bakit dito pa?’Kusang naglakbay ang isip ko anim na taon na ang nakararaan—sa unang beses na muntik nang may mangyari sa amin ni Luca.Nangya
ANYA THERESE BENNETT'S POVMabilis kong hinalughog ang bag ko at kinuha ang mga kailangang gamit bago ako patakbong sumunod kay Luca papasok sa VIP elevator. Ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa loob ng makipot na elevator ay punong-puno ng tensyon. Walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa nagbabagong numero ng floor habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.Pagdating sa parking lot, naglakad siya patungo sa isang mamahaling itim na sasakyan. Pinindot niya ang remote para mag-unlock ito. Inasahan kong sa likod ako uupo, kaya binuksan ko ang pinto ng backseat."Sa harap ka umupo," marahang utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin habang sumasakay sa driver's seat. "Hindi mo ako driver."Napatigil ako. "S-Sige po."Dahan-dahan kong isinarado ang pinto sa likod at lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako, agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, ang amoy na sobrang pamilyar pero ramdam kong napakalayo na sa akin ngayon.Akala ko ay dideretso na kami sa
ANYA THERESE BENNETT'S POVPumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman.Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca."Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita.Binuksan ko ang pinto. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to."Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead.""At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM
Anya Therese Bennett's POV Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina.Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto.Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig."Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan.Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito?Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi
Anya Therese Bennett's POV"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. "Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…""Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya
Anya Therese Bennett’s POVNakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal.Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO."Good morning po. Ako po ang bago







