分享

Kabanata 3

作者: Docky
last update publish date: 2026-08-13 12:29:11

Anya Therese Bennett's POV

"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”

Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. 

"Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…"

"Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."

Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?

Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya sa akin at naglakad pabalik sa desk niya. 

"Iwan mo ang mga papel sa mesa at lumabas ka na. Marami pa akong importanteng bagay na gagawin kaysa mag-aksaya ng oras sa iyo."

Pagkalabas ko sa opisina niya, nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Agad akong sinalubong ng isang babaeng medyo malaki na ang tiyan, si Bettina, ang senior executive secretary ni Luca.

"Anya, 'di ba? Ako si Bettina," bati niya nang mabait habang itinuturo ang cubicle ko sa tapat mismo ng glass door ng CEO office. "Medyo mabilisang turnover 'to ha? Magsisimula na kasi ang maternity leave ko sa susunod na linggo kaya kailangan mong matutunan agad ang lahat."

Tumango ako at pilit na ngumiti. Sinusubukan kong ituon ang isip ko sa trabaho. 

"S-Sige po, Ms. Bettina. Gagawin ko po ang makakaya ko."

Inilatag ni Bettina ang ilang makakapal na binder at ipinaliwanag ang araw-araw na schedule ni Luca sa akin, mula sa pagtitimpla ng kape nito, sa mga importanteng pagpupulong, hanggang sa kung paano ayusin ang mga dokumento.

"Medyo strict si Sir Luca sa oras at gusto niyang laging maayos ang lahat. Pero huwag kang mag-alala, mabait naman 'yan basta huwag mo lang bubwisitin," biro pa ni Bettina.

Gusto kong sumagot na pati paghinga ko yata ay ikinagagalit ni Luca, pero mas minabuti ko na lang na tumahimik. Kung hindi ko lang kailangan ng pera, aalis na ako rito. Alam kong hindi siya nagbibiro nang sabihin niyang walang tatanggap sa aking kumpanya rito sa bansa o maging sa ibang bansa man kapag umalis ako rito ng walang approval niya. The Vitale Clan is powerful and influential. Hindi ko kakayaning bumangga sa pader.

Habang nakikinig ako, biglang tumunog ang mga yabag ng matataas na stiletto sa lobby ng corridor. Napaangat ako ng tingin at kumabog nang malakas ang puso ko.

Ang babaeng naglalakad papalapit sa amin ay nakasuot ng mamahaling designer dress, may hawak na signature bag, at puno ng kumpiyansa. Kilalang-kilala ko ang mukhang 'yon. 

“Anong ginagawa ni Caroline rito?" bulong ko.

Ang dating mayabang at mayamang kaklase namin noong kolehiyo na walang ibang ginawa kundi maghabol at magpapansin kay Luca, kahit alam niyang kami pa noon, ay kasama ko na sa iisang gusali. This is insane. Everyone knows how much she hates me back then at sigurado akong wala pa rin siyang pagbabago hanggang ngayon.

Bago pa ako makapagsalita, napabuntong-hininga si Bettina sa tabi ko. "Naku, dumating na naman ang maarteng fiancée ni Sir Luca," pabulong niyang usal habang nakatingin siya kay Caroline.

Para akong binuhusan ng yelo. 

Fiancée?

Nanikip ang dibdib ko at parang naubusan iyon ng hangin. Lahat halos ng minutong nagdaan nitong mga nakaraang taon ay wala akong inisip kundi ang kapakanan ni Luca. Hindi ko naihanda ang sarili ko sa katotohanang may iba na pala para sa kaniya. At hindi ko rin inaasahang sa ganitong paraan kami magkikita-kita.

Masakit. Sobrang sakit. Pinilit kong manatiling walang ekspresyon ang aking mukha at yumuko ako para hindi agad ako makilala ni Caroline. Dumiretso lang siya sa silid ni Luca nang hindi man lang kumakatok sa p***o.

'Ikaw ang nang-iwan, hindi ba? Kaya wala kang karapatang mag-inarte, Anya. Ito na ang katotohanan. Hindi ka na mahal ni Luca. At natural lang na magmahal siya ng iba matapos mo siyang saktan at iwanan,’ sigaw ko sa sarili kong isip at baka sakaling matigil na ang kahibangan ng puso ko.

Naiwan akong tulala sa mesa ko habang pilit kong pinipigilan ang paglabo ng mga mata ko. Ilang sandali lang, tumunog ang telepono sa desk ko. Agad iyon sinagot ni Bettina. 

"Yes, Sir Vitale? Opo, Sir. Nandito na po siya," sagot niya bago niya ibinaba ang receiver.

Bumaling si Bettina sa akin, may halong awa at pagtataka sa kaniyang mukha. 

"Anya, pinapatawag ka ni Sir Luca. Pumasok ka raw sa loob."

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at magtungo sa opisina ni Luca. Dahan-dahan kong binuksan ang p***o.

Nakaupo si Caroline sa sofa, nakapulupot ang mga braso niya sa braso ni Luca. Nang makita niya ako, bahagyang tumaas ang kilay niya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago siya lumingon kay Luca.

"Bakit nandito ang babaeng ‘yan? Siya ba ang bago mong secretary, babe?"

Nagkibit-balikat lang si Luca. Walang emosyon sa mukha niya habang nakatitig siya sa akin. 

"Yes, she's my new secretary,” tugon ni Luca kay Caroline habang hinahaplos niya ang hita nito at nakatingin sa akin. "Mag-book ka ng table para sa aming dalawa ni Caroline sa Le Mirage mamayang gabi. Book a VIP reservation."

Sumilaw ang ngiti sa mukha ni Caroline. 

"Talaga, babe? Ang sweet mo naman!" masaya niyang tili. Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap kay Luca at idinikit ang mukha sa pisngi nito.

Para akong sinaksak. Lalo pang sumikip ang dibdib ko nang makita kong hinaplos ni Luca ang buhok ni Caroline at ngumiti nang tipid dito.

Lulunukin ko na lang ang sakit. Wala akong karapatang magreklamo. 

"Masusunod po, Mr. Vitale," pabulong kong sagot. Pilit kong pinatatag ang boses ko habang tumatalikod na sana para lumabas.

"Sandali lang," pigil ni Luca.

Napahinto ako at lumingon. Inihagis ni Luca ang isang makapal na sobre sa ibabaw ng mesa. Tumaginting ang tunog noon.

"Fifty thousand pesos," sabi niya habang malamig na nakatitig sa paa ko. "Bayad 'yan sa utos ko ngayon. Pero may isa ka pang gagawin. Hubarin mo ang sapatos na suot mo."

Nanlaki ang mga mata ko. Kusang napadako ang tingin ko sa suot kong flats — ang lumang sapatos na regalo pa sa akin ni Luca anim na taon na ang nakalipas bago kami naghiwalay. Iyon ang huling ala-ala ng pagmamahal niya na iningatan ko nang husto.

"L-Luca... ibig kong sabihin, Mr. Vitale, bakit po?" nanginginig kong tanong. "Huwag na po ito... mahalaga sa akin ang sapatos na 'to."

"Sinabi ko bang magtanong ka?" mariing putol niya. Sumalubong ang mga kilay niya at naging mabagsik ang kaniyang mukha. "Hubarin mo 'yan ngayon din!"

"Babe, hayaan mo na. Baka paborito niya lang," pag-alo ni Caroline habang hinahaplos ang dibdib ni Luca. “If that's her style, so be it. Why does it bother you?”

Lalong nagdilim ang mukha ni Luca. 

"Gusto kong hubarin mo ang sapatos na ‘yan, Miss Bennett. Ngayon din."

Nanginginig ang mga kamay ko habang yumuyuko ako at dahan-dahang tinatanggal ang sapatos. Bumigat ang paghinga ko at pumapatak ang mga luha habang nakatitig sa tanging piraso ng nakaraan na natitira sa akin.

Pagkatanggal ko ng aking sapatos, yumuko si Luca. Pinulot niya iyon at walang awang itinapon sa basurahan sa tabi ng desk niya. Inabot niya ang sobre at marahas na inihagis sa tapat ko. 

"Kunin mo na 'yan," utos niya, matalim ang tingin. "At umalis ka na sa paningin ko."

Nang maisara ko ang p***o, parang naubos ang lakas ng buong katawan ko. Lumakad ako nang nakayapak sa malamig na sahig, bitbit ang sobre ng pera. Sa bawat hakbang, bumabalik ang mga alaala.

"Pikit ka muna," nakangiti niyang sabi sa akin noon, habang itinutulak niya ako paupo sa monobloc chair sa maliit niyang apartment.

"Ano ba 'yan, Luca? May reviewer pa akong kailangang basahin para sa mock job interview bukas," natatawa kong sagot habang nakapikit. 

"Ito na, idilat mo na."

Nang imulat ko ang mga mata ko, nakaluhod siya sa harap ko. Hawak niya ang isang simpleng kahon ng sapatos. Pagbukas ko, isang pares ng magandang black flats ang laman noon.

"Inipon ko ang kita ko sa tatlong gig namin sa bar para mabili 'yan," buong pagmamalaki niyang sabi habang marahang isinusuot ang sapatos sa paa ko. "Gusto ko kasi, kapag pumasok ka sa unang step ng pangarap mo, naka sapatos ka ng maganda. Sisiguraduhin kong sa susunod, mamahaling brand na ang mabibili ko para sa iyo."

Bumagsak ang luha ko noon dahil sa sobrang kilig, at niyakap ko siya nang mahigpit. "Kahit ano pa 'yan, Luca. Ito na ang pinakamagandang sapatos para sa akin. Iingatan ko kahit pa makapagtrabaho ako sa isang malaking kumpanya." 

“Basta, pangako ko sa'yo, Anya, kapag sumikat na ako, I am going to pamper you. Hindi lang branded na sapatos ang ibibigay ko sa'yo kundi isang marangyang buhay. Thank you for believing in me, Anya. Salamat dahil naniniwala ka sa talento ko at salamat dahil hindi mo ako ipinagpalit sa iba kahit ganito lang ang estado ko. Mahal na mahal kita…" 

Sunod-sunod na bumagsak sa pisngi ko ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Ang dating regalo na bunga ng pagmamahal ay itinapon lang niya na parang isang walang kwentang basura… katulad ng pagtatapon ko sa pag-ibig ni Luca anim na taon na ang nakalilipas.

Pinunasan ko nang marahas ang luha ko gamit ang likod ng aking mga kamay. Pinatigas ko ang mukha ko bago bumalik sa desk ni Bettina, itinatago ang durog na durog kong puso.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 7

    ANYA THERESE BENNETT'S POV “Fasten your seatbelt.”"S-Sige po, Mr. Vitale.” Napalunok si Anya. "K-Kaya mo pa bang mag drive?”Isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Luca kay Anya, dahilan para manahimik ang dalaga.Tahimik lang ang buong biyahe, pero ang bilis ng patakbo ninLuca ay halatang punong-puno pa rin ng galit. Huminto ang sasakyan sa underground parking ng isang sikat na motel. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking palapulsuhan habang kinakaladkad niya akong pumasok sa elevator hanggang sa marating namin ang pinakataas na palapag. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto ng suite at ipinasok niya ako sa loob bago niya iyon isinarado nang napakalakas.Nang marinig ko ang pag-lock ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako sa malaking kama, sa malambot na carpet, at sa dim lights ng kuwarto. Biglang sumikip ang dibdib ko.‘Bakit dito pa?’Kusang naglakbay ang isip ko anim na taon na ang nakararaan—sa unang beses na muntik nang may mangyari sa amin ni Luca.Nangya

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 6

    ANYA THERESE BENNETT'S POVMabilis kong hinalughog ang bag ko at kinuha ang mga kailangang gamit bago ako patakbong sumunod kay Luca papasok sa VIP elevator. Ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa loob ng makipot na elevator ay punong-puno ng tensyon. Walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa nagbabagong numero ng floor habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.Pagdating sa parking lot, naglakad siya patungo sa isang mamahaling itim na sasakyan. Pinindot niya ang remote para mag-unlock ito. Inasahan kong sa likod ako uupo, kaya binuksan ko ang pinto ng backseat."Sa harap ka umupo," marahang utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin habang sumasakay sa driver's seat. "Hindi mo ako driver."Napatigil ako. "S-Sige po."Dahan-dahan kong isinarado ang pinto sa likod at lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako, agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, ang amoy na sobrang pamilyar pero ramdam kong napakalayo na sa akin ngayon.Akala ko ay dideretso na kami sa

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 5

    ANYA THERESE BENNETT'S POVPumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman.Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca."Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita.Binuksan ko ang pinto. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to."Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead.""At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 4

    Anya Therese Bennett's POV Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina.Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto.Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig."Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan.Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito?Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 3

    Anya Therese Bennett's POV"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. "Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…""Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 2

    Anya Therese Bennett’s POVNakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal.Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO."Good morning po. Ako po ang bago

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status