登入Anya Therese Bennett's POV
Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina. Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa p***o. Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig. "Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan. Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito? Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi ng p***o para hindi siya matumba. "L-Luca…" nanginginig kong usal. Napaatras ako nang kaunti. "Mr. Vitale... ano'ng ginagawa mo rito? Paano... paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" Tumingin siya sa akin gamit ang namumula niyang mga mata. Napatawa siya nang sarkastiko bago siya pumasok sa loob ng apartment ko, na para bang kaniya ang lugar na ito. "Bakit?" paos at nauutal niyang tanong habang matalim na nakatitig sa akin. "Akala mo ba ay hindi ko kayang alamin kung saan ka nakatira ngayon, Anya? Sa tingin mo ba, mahirap hanapin ang isang tulad mo sa lungsod na 'to? I am Luca Odelle Vitale now. Kaya kitang hanapin kahit saan ka mang sulok ng mundo magtago. Hindi na ako mahirap tulad ng dati." Pinilit kong panatilihing pormal ang boses ko kahit kumakabog na ng malakas ang dibdib ko. "Lasing ka, Mr. Vitale. Hindi magandang ideya na nandito ka, lalo na't may fiancée ka na. Pakiusap, umalis ka na bago pa may makakita sa iyo rito." "At ano naman kung may makakita?" sigaw niya. Napapikit ako sa sobrang lakas ng sigaw niyang ‘yon. Lumapit siya sa akin hanggang naamoy ko ang alak sa hininga niya. "Natatakot ka bang malaman ng mga tao kung anong klaseng babae ka talaga? Huh, Anya?" Pinagmasdan niya ang paligid — ang kupas na pader, ang sirang banig sa sahig, at ang maliit kong kalan. Napatawa siya nang mapanuya. "Tingnan mo nga naman ang buhay. Ito ba ang ipinagpalit mo sa akin?" galit niyang usal habang itinuturo niya ang paligid. "Akala ko ba ayaw mong maghirap? Akala ko ba gusto mo ng lalaking kayang ibigay sa iyo ang lahat? Bakit sa ganitong lungga ka lang bumagsak, Anya? Nasaan na 'yong lalaking ibibigay raw ang lahat sa iyo? Nasaan na si Jacob? Ah alam ko na. Nagsawa na siya sa'yo kaya itinapon ka na lang niya na parang isang basura tulad nang ginagawa niya sa mga babaeng laruan niya ano?" Tumawa siya ng mahina. Pinipiga ang puso ko sa bawat salita niya, pero pinilit kong hindi magpakita ng kahit anong emosyon sa harapan niya. "Lasing ka na, Mr. Vitale. Umalis ka na at umuwi bago ka pa makagawa ng bagay na pagsisisihan mo. You should be careful. You have a name to protect and an image to—-” "Huwag mo akong utusan!" sigaw niya. Lumapit pa siya lalo sa akin. Halos magdikit na ang mga mukha namin sa isa't-isa! "Huwag mo akong tratuhin na parang katulad pa rin ako ng dating Luca na p'wede mong tapak-tapakan at utus-utusan! Ibang-iba na ako sa Luca na nakilala mo noon!" Hindi ako kumibo. Tinitigan ko lang siya — ang namumula niyang mga mata, ang panginginig ng kaniyang mga labi, at ang sakit na pilit niyang itinatago sa likod ng kaniyang nag-aalab na galit. Habang tahimik akong nakatitig, unti-unting lumambot ang ekspresyon niya. Napalitan ng kawalan ng pag-asa ang talim ng tingin niya. Lumaylay ang mga balikat niya at bumaba ang kaniyang boses. "Bawiin mo lang..." bulong niya, halos nagmamakaawa na. "Bawiin mo lang ang lahat ng masasakit na salitang sinabi mo sa akin noon, Anya. Aminin mo lang na nagkamali ka... aminin mo lang na hindi totoo 'yon, na palabas mo lang ang lahat. Papatawarin kita. Kakalimutan ko ang lahat, basta aminin mo lang na nagkamali ka. Sabihin mo lang na nagsisisi ka. Sabihin mo lang sa akin na mahal mo pa rin ako, na wala talagang nangyari sa inyo ni Jacob, na kasinungalingan lang ang lahat ng ‘yon!" Nanghina ang mga binti ko. Gusto ng puso kong yumakap sa kaniya at sabihin ang buong katotohanan. Pero naalala ko si Mama, ang mga utang ni papa na hanggang ngayon ay binabayaran ko pa rin ang ilan at ang pangarap at buhay niyang hindi ko p'wedeng siraing muli. Humakbang ako paatras. Inayos ko ang postura ko at pinatigas ko ang boses ko. "Wala akong dapat bawiin. At wala akong anumang pinagsisisihan sa ginawa ko noon. Hindi lang iyon isang palabas. Hindi ‘yon kasinungalingan. Kung bibigyan ako ng pagkakataon, uulitin ko pa rin ang lahat, Luca." Para siyang nasampal. Ang bahagyang pag-asa sa mga mata niya ay napalitan agad ng poot. "Sinayang mo..." nanginginig niyang usal. "Sinayang mo ang huling pagkakataon na ibinigay ko para magkaayos tayo! Itinapon mo ang chance mong makaalis sa kahirapang ito! Pagbabayaran mo 'to, Anya. Pagsisisihan mo ang araw na 'to!" Bago pa ako makahakbang paatras, marahas niya akong hinawakan sa magkabilang balikat. Hinila niya ako palapit at sinakop ang mga labi ko sa isang marahas at punong-puno ng galit na halik. Marahas niyang inilayo ang mukha niya. Hingal na hingal siya habang mahigpit pa rin ang hawak niya sa mga balikat ko. Tinitigan niya ako nang may poot at panunuya, saka siya nagpakawala ng isang malamig na ngisi. "Alam mo kung bakit ko ginawa 'yon?" paos niyang bulong habang dahan-dahan niyang binibitiwan ang mga balikat ko na parang diring-diri siya sa akin. "Hindi dahil mahal pa kita. Ginawa ko ‘yon dahil mababa kang uri ng babae, Anya... at karapat-dapat ka lang bastusin. Ang mga babaeng katulad mo ay para lang sa maikling kaligayahan. Pang kama ka lang. Hindi ikaw ang babaeng nararapat na pakasalan at irespeto." Napakasakit ng bawat salita, pero pinatatag ko pa rin ang sarili ko. Tiningnan ko siya nang diretso bago ako tumawa nang mahina. "Kung isa pala akong mababang uri ng babae, ano'ng ginagawa mo rito sa lungga ko sa kalagitnaan ng gabi?" malamig kong sagot. "Sino sa atin ang mas nakakaawa, Luca?" Natahimik siya. Lalo pang nagdilim ang mukha niya. Wala siyang sinabi. Marahas siyang tumalikod at lumabas, sabay padabog na isinara ang p***o. Pagkaalis niya, biglang naubos ang lakas ko. Dahan-dahan akong napaupo sa lumang kahoy na upuan. Nanginginig ang mga daliri ko habang hinahaplos ko ang mga labi ko. Ramdam ko pa rin ang init at sakit ng halik ni Luca. Doon na tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan. Tinakpan ko ang mukha ko habang walang tunog na umiiyak. "Miss na miss na kita, Luca…” sigaw ng puso ko. "Sobrang miss na kita at mahal na mahal na mahal kita. Pero malayo na ang estado ng buhay na mayroon tayo. At alam kong nasaktan kita ng sobra… Sana dumating ang panahon na mapatawad mo ako, Luca.” Habang nakatitig ako sa saradong p***o, unti-unting lumubog sa isip ko ang masakit na katotohanan. Ang lalaking kalalabas lang sa p***o ko ay hindi na ang Luca na minahal ko noon. Ang Luca Odelle Samaniego na minsang naging mundo ko ay matagal nang nawala at ako mismo ang pumatay sa kaniya. Napahagulgol ako. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa pag-iyak ko. Hindi ko na maitago ang sakit.ANYA THERESE BENNETT'S POV “Fasten your seatbelt.”"S-Sige po, Mr. Vitale.” Napalunok si Anya. "K-Kaya mo pa bang mag drive?”Isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Luca kay Anya, dahilan para manahimik ang dalaga.Tahimik lang ang buong biyahe, pero ang bilis ng patakbo ninLuca ay halatang punong-puno pa rin ng galit. Huminto ang sasakyan sa underground parking ng isang sikat na motel. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking palapulsuhan habang kinakaladkad niya akong pumasok sa elevator hanggang sa marating namin ang pinakataas na palapag. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto ng suite at ipinasok niya ako sa loob bago niya iyon isinarado nang napakalakas.Nang marinig ko ang pag-lock ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako sa malaking kama, sa malambot na carpet, at sa dim lights ng kuwarto. Biglang sumikip ang dibdib ko.‘Bakit dito pa?’Kusang naglakbay ang isip ko anim na taon na ang nakararaan—sa unang beses na muntik nang may mangyari sa amin ni Luca.Nangya
ANYA THERESE BENNETT'S POVMabilis kong hinalughog ang bag ko at kinuha ang mga kailangang gamit bago ako patakbong sumunod kay Luca papasok sa VIP elevator. Ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa loob ng makipot na elevator ay punong-puno ng tensyon. Walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa nagbabagong numero ng floor habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.Pagdating sa parking lot, naglakad siya patungo sa isang mamahaling itim na sasakyan. Pinindot niya ang remote para mag-unlock ito. Inasahan kong sa likod ako uupo, kaya binuksan ko ang pinto ng backseat."Sa harap ka umupo," marahang utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin habang sumasakay sa driver's seat. "Hindi mo ako driver."Napatigil ako. "S-Sige po."Dahan-dahan kong isinarado ang pinto sa likod at lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako, agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, ang amoy na sobrang pamilyar pero ramdam kong napakalayo na sa akin ngayon.Akala ko ay dideretso na kami sa
ANYA THERESE BENNETT'S POVPumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman.Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca."Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita.Binuksan ko ang pinto. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to."Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead.""At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM
Anya Therese Bennett's POV Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina.Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto.Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig."Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan.Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito?Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi
Anya Therese Bennett's POV"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. "Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…""Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya
Anya Therese Bennett’s POVNakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal.Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO."Good morning po. Ako po ang bago







