登入ANYA THERESE BENNETT'S POV
Pumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman. Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca. "Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita. Binuksan ko ang p***o. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to." Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead." "At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM naman, pupuntahan niyo ang construction site. At mamayang 7:00 PM, may dinner meeting po kayo kasama ang mga foreign investors mula sa Japan sa Blue Coral Hotel." Bahagya lang siyang tumango habang pumipirma sa isang papel. "Move the site visit to 3:00 PM. Tell the engineers I won't accept any delays." "Sige po, babaguhin ko po ang—" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang bumukas ang p***o ng opisina nang wala man lang na pagkatok. "Good morning, babe!" Pumasok si Caroline na naka-red dress at may ngiti sa mga labi. Diretso siyang lumakad palapit kay Luca. Yumuko siya at humalik sa mga labi nito. Parang may biglang sumaksak sa dibdib ko sa nakita ko. Napahigpit ang hawak ko sa tablet, pero pinilit kong panatilihing walang ekspresyon ang mukha ko. Humarap ako nang bahagya sa gilid para hindi nila masyadong mapansin ang reaksyon ko. "Anong ginagawa mo rito nang ganito kaaga, Caroline?" tanong ni Luca. Kahit pormal pa rin ang boses niya, hindi niya inilayo ang mukha niya kay Caroline. Sanay na sanay na siya sa ganoong kilos nito. "Na miss lang kita, babe," sagot ni Caroline habang nakapulupot ang mga kamay niya sa leeg ni Luca. "Saka gusto kitang ayaing mag breakfast bago ka pa maging busy." Tumingin sa akin si Luca, malamig at walang anumang emosyon sa kaniyang mga mata. "You may leave now, Miss Anya." "Sige po, Mr. Vita—" "Wait," pigil ni Caroline. Lumingon siya sa akin. Pinalibot niya ang kaniyang tingin sa buong katawan ko at saka siya nagpakawala ng isang maliit na ngisi. "Ikaw ang bagong secretary, 'di ba? Bago ka lumabas, igawa mo muna ako ng kape." Napatigil ako sa may p***o. Humarap ako sa kaniya at saka dahan-dahang nagsalita. "Pasensya na po, Miss Caroline, pero ang trabaho ko lang po rito ay ayusin ang schedule at mga dokumento ni Mr. Vitale. Hindi po kasama sa duty ko ang magtimpla ng kape para sa mga bisita." Tumaas ang kilay ni Caroline, halatang nagulat siya sa sagot ko. Binalingan niya si Luca na parang nagsusumbong. "Babe, tingnan mo nga 'yang secretary mo! Nag-uutos lang naman ako nang maayos, bakit gan'yan siya makipag-usap sa akin?" Inilapag ni Luca ang ballpen niya sa mesa. Ang tunog noon sa tahimik na silid ay parang isang babala. Tumingin siya sa akin nang diretso. Isang tingin na nagpaparamdam sa akin kung gaano kalaki ang agwat ng posisyon naming dalawa ngayon. "Fiancée ko si Caroline, Anya," malamig at marahan niyang sabi, pero bawat salita niya ay may diin. "Kapag may hiningi siya sa’yo habang nandito siya sa opisina ko, you need to do it regardless if it's your job or not. Magsilbi ka sa kaniya kung kinakailangan. Maliwanag ba?" Tinitigan ko si Luca. Gusto kong magtanong, gusto kong magreklamo, pero nakita ko sa mga mata niya na ginagawa niya 'to para ipamukha sa akin na wala akong laban sa kaniya. Huminga ako nang malalim at ibinaba ang tingin ko sa sahig. "Maliwanag po, Mr. Vitale. Pasensya na po," pabulong kong sagot. "Ano pong gusto niyong kape, Miss Caroline?" Ngumiti nang malapad si Caroline. Halatang nagustuhan niya ang nangyari. "Black coffee. Two scoops of brown sugar. Ayaw ko ng masyadong matamis. Bilisan mo dahil ayokong naghihintay ako nang matagal." "Sige po." Tumalikod na ako at mabilis na lumabas ng opisina. Pagkasara ng p***o, napasandal ako sa pader at napapikit nang mahigpit. Pinigilan ko ang panlalabo ng mga mata ko at dahan-dahan akong naglakad patungo sa pantry. Sa loob ng pantry, halos manginig ang mga kamay ko habang inilalabas ko ang tasa mula sa cabinet. Isinaksak ko ang electric kettle at tumitig lang sa kumukulong tubig. ‘Kayanin mo, Anya. Para kay Mama, para sa trabahong 'to. Huwag kang magpapaapekto sa kanila,’ paalala ko sa sarili ko habang pilit na pinatitigas ang puso ko. Inilagay ko ang dalawang kutsarang brown sugar at tinimplahan ang black coffee ayon sa gusto ni Caroline. Nang maiayos ko na ang tasa sa maliit na tray, huminga ako nang malalim bago ako dahan-dahang naglakad pabalik sa opisina ni Luca. Kumatok ako nang dalawang beses at pumasok. Nakatayo si Caroline sa tabi ng malaking bintana habang si Luca naman ay patuloy sa pagta-type sa kaniyang laptop. Hindi man lang ako tiningnan ni Luca nang pumasok ako. "Ito na po ang kape niyo, Miss Caroline," pormal kong sabi habang inilalapag ko ang tasa sa maliit na glass table sa gitna ng silid. Mabilis na lumapit si Caroline. Umupo siya sa sofa at kinuha niya ang tasa. Humiigop siya ng kaunting kape. Ilang segundo lang ang lumipas, biglang sumimangot ang mukha niya at marahas niyang ibinagsak ang tasa pabalik sa saucer, dahilan para matapon ang kalahati ng kape sa makintab na mesa. "Urgh! Ano ba naman 'to?!" maarteng sigaw ni Caroline habang nakatingin siya sa kape na parang diring-diri. "Sinabi kong sugar pero hindi ko sinabing isang kilo ang ilagay mo! Bakit napakatamis nito?! Gusto mo ba akong magka-diabetes? Gusto mo bang masira ang kurba ko?" Napakunot ang noo ko. "Dalawang kutsara lang po ng brown sugar ang inilagay ko, katulad ng sinabi niyo—" "So sinasabi mong ako ang nagsisinungaling?!" mabilis niyang putol habang nakatayo at nakapamewang sa harap ko. "Bastos ka rin talaga, 'no? Hindi ka man lang marunong tumanggap ng pagkakamali mo!" Bumaling si Caroline kay Luca na ngayon ay nakatigil na sa pagta-type at nakatitig sa aming dalawa. "Babe! Tingnan mo 'yang secretary mo! Ang sama ng ugali! Binabastos ako!" sumbong ni Caroline habang naglalakad palapit sa mesa ni Luca. "Saka tingnan mo 'yong kape, natapon sa mesa! Napaka clumsy niya!" Clumsy? Eh siya nga itong nagtapon ng kape sa mesa eh! Tumingin sa akin si Luca. Muli, wala akong nakitang kahit anong init o awa sa mga mata niya. Ang mga matang iyon na dating puno ng pagmamahal tuwing tinititigan niya ako, ngayon ay parang sa isang estranghero na lang nakatutok. "Linisin mo 'yan, Anya," malamig na utos ni Luca. "Mr. Vitale, sumunod naman po ako sa sinabi niya. Siya ang nagtapon ng kape sa me—" "I said clean it up," pag-uulit ni Luca, mas mababa at mas marahan ang boses pero punong-puno na iyon ng babala. "Make a new coffee for my babe." My babe. Para akong nabingi sa sinabi niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang panunukso at tagumpay sa mukha ni Caroline habang nakasandal siya sa mesa ni Luca. Walang salitang lumabas sa bibig ko. Yumuko ako, kumuha ng tissue mula sa gilid ng mesa, at lumuhod sa sahig para punasan ang natapon na kape sa mesa at sa carpet. Habang nakaluhod ako at nagpupunas, naramdaman ko ang paghinto ng sapatos ni Luca sa harap ko. "Bilisan mo," marahang sabi ni Luca mula sa itaas ko. "May darating akong bisita sa loob ng sampung minuto. Ayaw kong makikita nilang marumi ang opisina ko." Tumango ako nang hindi tumitingin sa kaniya. "Opo, Mr. Vitale. Masusunod po. Pasensya na." Pagkatapos kong punasan ang itinapong kape ni Caroline, mabilis kong kinuha ang basag-basag na tasa at ang tray. Bago ako makalabas ng p***o, narinig ko pa ang malambing na boses ni Caroline. "Babe, mamayang gabi ha? Huwag mong kalimutan ang dinner natin sa Blue Coral Hotel." "I won't," maikling sagot ni Luca. Pagkalabas ko ng opisina, dumiretso ako sa banyo at mabilis akong pumasok sa isang cubicle. Doon, isinandal ko ang ulo ko sa p***o at tahimik na hinayaan ang mga luhang kanina ko pang pinipigilang pumatak. Lumabas ako ng banyo matapos kong tiyakin na wala nang bakas ng luha sa mga mata ko. Naghilamos ako at naglagay ng kaunting powder para hindi halatang umiyak ako. Ayokong makita nilang naaapektuhan ako sa mga nangyayari, lalo na si Luca. Nang bumalik ako sa pantry, maingat kong itinimpla ang bagong kape para kay Caroline. Binawasan ko ang tamis para wala na siyang maipintas pa. Pagkapasok ko sa opisina, inilapag ko ang tasa sa mesa nang walang sinasabing kahit ano. Yumuko ako nang bahagya at saka mabilis na lumabas. Tahimik ang buong hapon ko sa aking cubicle. Nakatutok lang ako sa computer screen habang inaayos ko ang mga files at inaasikaso ang mga email para sa CEO. Paminsan-minsan ay naririnig ko ang mahinang tawanan nina Caroline at Luca mula sa loob bago tuluyang umalis si Caroline noong mag-aalas-tres na ng hapon. Alas-singko na ng hapon, oras na para mag-out ang karamihan sa mga empleyado. Inaayos ko na ang mga gamit ko sa mesa nang biglang bumukas ang p***o ng opisina ni Luca. Nakatayo siya roon. Nakasuot na siya ng kaniyang coat at hawak niya ang susi ng kotse. "Anya," malamig niyang tawag. Napatayo ako agad. "Yes, Mr. Vitale? May iuutos pa po ba kayo?" "Sumama ka sa akin,” malamig niyang tugon. Napakunot ang noo ko. "Po? Saan po tayo pupunta? Nag-out na po ang karamihan—" "Sa dinner meeting kasama ang investors mula sa Japan," putol niya habang naglalakad siya patungo sa elevator. "Kailangan ko ng sekretaryang magta-take ng notes at hahawak ng mga dokumento." "A-Ah, sige po. Kukunin ko lang po ang notepad at tablet ko," mabilis kong sagot. "Are you hesitating? Don't worry, Miss Bennett. Babayaran ko ang bawat minuto mo. My company is generous to employees lalo na sa isang mukhang perang tulad mo," aniya bago pa sumara ang elevator. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Parang may hindi magandang mangyayari sa dinner meeting na 'yon. Hay! Bahala na nga!ANYA THERESE BENNETT'S POV “Fasten your seatbelt.”"S-Sige po, Mr. Vitale.” Napalunok si Anya. "K-Kaya mo pa bang mag drive?”Isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Luca kay Anya, dahilan para manahimik ang dalaga.Tahimik lang ang buong biyahe, pero ang bilis ng patakbo ninLuca ay halatang punong-puno pa rin ng galit. Huminto ang sasakyan sa underground parking ng isang sikat na motel. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking palapulsuhan habang kinakaladkad niya akong pumasok sa elevator hanggang sa marating namin ang pinakataas na palapag. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto ng suite at ipinasok niya ako sa loob bago niya iyon isinarado nang napakalakas.Nang marinig ko ang pag-lock ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako sa malaking kama, sa malambot na carpet, at sa dim lights ng kuwarto. Biglang sumikip ang dibdib ko.‘Bakit dito pa?’Kusang naglakbay ang isip ko anim na taon na ang nakararaan—sa unang beses na muntik nang may mangyari sa amin ni Luca.Nangya
ANYA THERESE BENNETT'S POVMabilis kong hinalughog ang bag ko at kinuha ang mga kailangang gamit bago ako patakbong sumunod kay Luca papasok sa VIP elevator. Ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa loob ng makipot na elevator ay punong-puno ng tensyon. Walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa nagbabagong numero ng floor habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.Pagdating sa parking lot, naglakad siya patungo sa isang mamahaling itim na sasakyan. Pinindot niya ang remote para mag-unlock ito. Inasahan kong sa likod ako uupo, kaya binuksan ko ang pinto ng backseat."Sa harap ka umupo," marahang utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin habang sumasakay sa driver's seat. "Hindi mo ako driver."Napatigil ako. "S-Sige po."Dahan-dahan kong isinarado ang pinto sa likod at lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako, agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, ang amoy na sobrang pamilyar pero ramdam kong napakalayo na sa akin ngayon.Akala ko ay dideretso na kami sa
ANYA THERESE BENNETT'S POVPumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman.Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca."Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita.Binuksan ko ang pinto. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to."Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead.""At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM
Anya Therese Bennett's POV Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina.Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto.Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig."Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan.Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito?Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi
Anya Therese Bennett's POV"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. "Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…""Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya
Anya Therese Bennett’s POVNakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal.Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO."Good morning po. Ako po ang bago







