登入ANYA THERESE BENNETT'S POV “Fasten your seatbelt.”"S-Sige po, Mr. Vitale.” Napalunok si Anya. "K-Kaya mo pa bang mag drive?”Isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Luca kay Anya, dahilan para manahimik ang dalaga.Tahimik lang ang buong biyahe, pero ang bilis ng patakbo ninLuca ay halatang punong-puno pa rin ng galit. Huminto ang sasakyan sa underground parking ng isang sikat na motel. Hinawakan niya ako nang mahigpit sa aking palapulsuhan habang kinakaladkad niya akong pumasok sa elevator hanggang sa marating namin ang pinakataas na palapag. Pabalagbag niyang binuksan ang pinto ng suite at ipinasok niya ako sa loob bago niya iyon isinarado nang napakalakas.Nang marinig ko ang pag-lock ng pinto, napahawak ako sa dibdib ko. Tumingin ako sa malaking kama, sa malambot na carpet, at sa dim lights ng kuwarto. Biglang sumikip ang dibdib ko.‘Bakit dito pa?’Kusang naglakbay ang isip ko anim na taon na ang nakararaan—sa unang beses na muntik nang may mangyari sa amin ni Luca.Nangya
ANYA THERESE BENNETT'S POVMabilis kong hinalughog ang bag ko at kinuha ang mga kailangang gamit bago ako patakbong sumunod kay Luca papasok sa VIP elevator. Ang espasyo sa pagitan naming dalawa sa loob ng makipot na elevator ay punong-puno ng tensyon. Walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa nagbabagong numero ng floor habang ako naman ay nakatingin lang sa sahig.Pagdating sa parking lot, naglakad siya patungo sa isang mamahaling itim na sasakyan. Pinindot niya ang remote para mag-unlock ito. Inasahan kong sa likod ako uupo, kaya binuksan ko ang pinto ng backseat."Sa harap ka umupo," marahang utos niya nang hindi man lang tumitingin sa akin habang sumasakay sa driver's seat. "Hindi mo ako driver."Napatigil ako. "S-Sige po."Dahan-dahan kong isinarado ang pinto sa likod at lumipat sa passenger seat. Nang makapasok ako, agad na bumalot sa ilong ko ang amoy ng pabango niya, ang amoy na sobrang pamilyar pero ramdam kong napakalayo na sa akin ngayon.Akala ko ay dideretso na kami sa
ANYA THERESE BENNETT'S POVPumasok ako sa opisina na mabigat ang mga mata dahil halos hindi ako nakatulog magdamag. Bawat pikit ko kagabi ay naaalala ko ang halik at mga salitang binitiwan ni Luca. At naalala ko rin kung paano ko siya nasaktan. Wala akong ibang nais kung hindi ang mapabuti si Luca noon. Masakit man ay wala na akong magagawa kung habang-buhay niya akong kasusuklaman.Pagkaakyat ko sa 40th floor, inayos ko agad ang mga papeles sa desk ko bago ako kumatok sa opisina ni Luca."Enter," malamig na boses mula sa loob ang nagsalita.Binuksan ko ang pinto. Nakaupo si Luca sa likod ng malaking glass desk niya, nakasuot ng maayos na suit, at seryosong nagbabasa ng mga mga papeles. Malayong-malayo siya sa Luca na kausap ko kagabi. "Good morning, Mr. Vitale," pormal kong bati habang hawak ang tablet ko. "Ito po ang schedule niyo para sa araw na 'to."Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. "Go ahead.""At 10:00 AM, may board meeting po kayo para sa Q3 budget review. At 2:00 PM
Anya Therese Bennett's POV Pag-uwi ko sa maliit kong apartment, pagod na pagod ang katawan at utak ko. Pakiramdam ko ito na ang pinaka-nakakapagod na araw sa buong buhay ko, kahit wala naman akong ginawa kundi ang makinig lang kay Bettina.Nakapagbihis na ako ng pambahay. Nag-iinit ako ng simpleng hapunan sa kusina nang biglang may kumatok nang malakas sa pinto.Napataas ang kilay ko. Mukhang nandito na naman si Aling Nena para maningil ng renta at tubig."Sandali lang po!" sigaw ko habang naglalakad ako patungo sa may pintuan.Inabot ko ang doorknob at dahan-dahan ko iyong binuksan. "Aling Nena, sinabi ko naman po sa inyo na bukas ko pa po ma—" Naputol ang sasabihin ko. Hindi si Aling Nena ang nasa labas kundi si Luca. Ano'ng ginagawa niya rito?Gulo ang buhok ni Luca. Maluwag ang kwelyo ng mamahaling polo niya at nakasabit lang sa isang balikat niya ang kaniyang suit jacket. Amoy na amoy ko ang matapang na amoy ng alak mula sa kaniya. Lasing na lasing siya. Sumandal siya sa haligi
Anya Therese Bennett's POV"Anim na taon akong nabuhay sa impyerno dahil sa iyo, Anya," bulong ni Luca sa mismong tainga ko. Malamig ang hininga niya nang dumampi iyon sa balat ko. "Akala mo ba ay hahayaan kitang umalis nang gano’n-gano’n na lang? Now that you're on my turf, I will make sure you find out what it feels like to be crushed.”Bumagsak ang isang patak ng luha sa mata ko. "Luca, pakiusap... huwag mong gawin 'to. Hindi ikaw 'to…""Mr. Vitale," pagtatama niya habang inilalayo niya ang kaniyang mukha sa akin. May malamig na ngisi sa kaniyang mga labi. "I'm your CEO now. Simula bukas, ililipat ka na sa ilalim ng direktang supervision ko. Bawal kang mag-resign. Bawal kang magreklamo dahil pumirma ka na ng kontrata. Kapag umalis ka, sisiguraduhin kong walang kumpanya sa bansa ang tatanggap sa iyo. Kahit sa ibang bansa, wala. Susundan kita kahit saang impyerno ka pa magtago."Did I really create this monster? Did I ruin Luca this much?Inayos ni Luca ang suit niya. Tumalikod siya
Anya Therese Bennett’s POVNakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass tower sa gitna ng business district ng lungsod. Pagkatapos ng anim na taong pagtatago at pagtitiis sa pinakadulong probinsya para takasan ang mga naghahabol na loan sharks sa pamilya ko, sa wakas ay nakabalik din ako. Maayos na ang lagay ni Mama at unti-unti na rin naming nabayaran ang mga dating utang ni Papa. At ngayon ay natanggap ako bilang secretary sa Vitale Group of Companies — ang pinakamalaking korporasyon sa buong bansa. Ito na ang bagong simula na matagal kong ipinagdasal.Puno ako ng pag-asa habang umaakyat ang VIP elevator patungo sa executive floor. Sinabihan ako ng HR na dumiretso sa top floor ng building dahil ang mismong CEO ng kumpanya ang kakausap sa akin.Nang bumukas ang pinto ng elevator sa 40th floor, pumasok ako sa isang napakalaki at napaka engrandeng jopisina. May malapad na ngiti sa mga labi ko habang dahan-dahan akong naglalakad patungo sa silid ng CEO."Good morning po. Ako po ang bago







