Home / All / Baleleng / CHAPTER 5: CONSEQUENCES

Share

CHAPTER 5: CONSEQUENCES

last update Last Updated: 2021-07-16 15:59:45

I will runaway.

Hayan, pumasok na sa utak ko ang kantang runaway. Mukhang dito na ako sa convenience store aabutan ng umaga.

Binigyan ko ng oras ang utak ko na makapag-isip and guess what kung anong naisip ko?

Ang takbuhan ang lahat ng problema ko.

Tapos biglang nag-flashback sa utak ko ang aking runaway groom. Hindi ako maka-move-on 'no? Lagi ko pa ring nababanggit. One month pa lang naman din kasi ang nakakalipas.

Pero dapat, sa isang buwan na iyon, nailibang ko na ang sarili ko laban sa lungkot at panghihinayang.

Napapatanong ako sa sarili ko kung nagsisisi ba si Oliver sa ginawa niya? Iniisip niya kaya ang nararamdaman ko? Iniisip niya ba na kung ano kami kung sakaling natuloy ang kasal?

Or,

Iniisip niya kaya ako sa mga oras na ito kagaya ng pag-iisip ko sa kaniya?

Para akong lumulutang sa alapaap, nagha-hallucinate. Mukha niya lang ang nakikita.

Some memories flashed back to me...

"Denice, love, tayo na ang magsasama habang buhay ah? I see myself in and with you at hindi ko makita ang sarili ko na magmamahal pa ng iba bukod sa iyo,"  pangako niya.

"Ako rin," pagsang-ayon ko sa sinabi niya. "Humihiling ako na sana, sana tayong dalawa na nga hanggang dulo. Mula ngayon hanggang sa mabuo na natin ang pangarap ng isa't-isa. I can't wait the two of us become one," tugon ko saka siya niyakap na sobra-sobrang higpit.

Ayaw ko nang kumawala sa bisig niya. Comfort zone ko na ata ang mga yakap naming dalawa. He's warm body can warm my body, too.

End of flashback.

Hanggang flashback na lang ba ang lahat? Paano iyong pangako namin sa isa't isa? Matutupad pa ba iyon?

Aasa na naman ba ako sa tadhana?

I ordered three bottle of beers. I am not a kid or a teenager, either. I can handle myself, but the case here is that I can't manage my feelings.

Masisidhing emosyon lagi ang nararamdaman ko at hinahayaan ko ang emosyon na iyon na unti-unti akong lamunin. Ipinapaubaya ko na kasi ang lahat sa kaniya, sa tadhana at sa Diyos.

Ilang beses kong hiniling at patuloy na hinihiling na maging bata na lang ako ulit o makalimutan ko na ang mga masasamang memories.

Tinatamaan na ako ng alak. Sinikap ko na makauwi na lang sa bahay. Kahit na sinabi ko na hindi dapat ako umuwi dahil magiging masama na naman ang loob ko kapag nakita ko ang mga magulang ko pero ayaw ko namang maistorbo ang kaibigan ko roon sa apartment niya.

Lalo pa at lasing ako.

Babalikan ko na lang ang mga gamit ko sa kaniya bukas.

"Den-den?" tawag ni Manang sa akin nang makita akong nakasandal sa gate ng bahay namin. "Lasing ka?"

Para akong tangang ngumisi, lasing na nga ata talaga ako.

"Hindi po ako lasing, Manang," ani ko. "I'm drunk," pamimilosopo pa.

Kumamot ang matanda sa kaniyang batok. "Ikaw talagang bata ka! Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo!" pikong saway sa akin ni Manang. Pati ako, napipikon na rin sa sarili ko, e.

"Huwag niyo po akong isusumbong kina Mama at Papa, ah?" pakiusap ko kay Manang. Galit ako sa mga magulang ko, I mean sa mga nasabi at mga ibinintang nila sa akin.

But, I hate to give them another disappointment.

"Tara na nga, pumasok na tayo sa loob," pang-aaya ni Manang sa akin. "Nilalamig ka na at sigurado akong nahihilo na rin."

Sikreto na naman akong napangisi.

Kailan ba ako hihiwalay sa puder ng mga magulang ko? I mean, I'm a strong independent woman myself pero ang paglipat sa sarili kong condo o bahay ay hindi ko magawa.

Well, I need them in my life, my parents. Nagiging dependent ako kapag dumarating na ang mga problema sa akin. Nakakalimutan ko na may sarili na akong desisyon na puwedeng gawin sa buhay ko.

Parang naka-rely sa kanila ang mga gagawin ko pang hakbang.

Pagdating at paghiga ko sa kama ko, nag-umpisa na naman akong mag-isip ng mga bagay na makakasakit sa akin.

I start reminiscing all the good days.

                     - FLASHBACK -

"Miss! Tumabi ka nga! Harang ka kay Valeria eh!"

Napalingon ako sa sumigaw. I know, I'm blocking Roxie's spotlight. Nanonood kami ngayon ng pageant na siya ang isa sa mga representative, she's our class representative na supposedly, ako dapat.

Ang kaso, hindi pumayag sina Mama at Papa. Distraction lang daw sa academics ko ang mga extra-curricular activities katulad nito.

"Ito na, tatabi na!" irita kong sagot.

Sila kaya ang lumipat sa may unahan para hindi sila nahaharangan? Ako pa talaga dapat ang mag-aadjust para sa mga kurimaw na ito ah?

Gigilid na sana ako pero bigla akong hinigit ng isang lalaki at ibinalik ako sa pwesto ko kanina. Ngayon, dalawa na kaming harang.

Malalaking mga harang.

"Hoy pre! Hindi lang kayo ang nanonood! Tumabi kayo!"

"Hoy!"

"Magsialis nga kayo riyan!"

Iilang mga sigaw ng mga kalalakihan na nakapwesto sa likuran.

Mahal na mahal nila ang katawan ng muse ng klase namin at hindi ata sila mabubuhay kung hindi nila masusulyapan ang bawat detalye ng katawan ni Roxie.

"For your information, hindi ako nanonood," pabalang na sagot ng lalaking may hawak ng braso ko. "May gusto lang akong titigan."

Napatingin ako sa mata ng lalaking katabi ko ngayon at seryoso rin siyang nakatingin sa mata ko.

Pinagsisigawan kami ng mga tao sa likuran namin pero parang wala kaming pakialam. Parang kami lang ang tao na nandito sa school event.

"I'm Oliver Gregory Dumangcas," pakilala niya ng kaniyang sarili sa akin saka naglahad ng kamay.

Aabutin ko sana ang kamay niya para magpakilala rin pero pinutol niya kaagad ang gusto kong sabihin.

"And you are, Denicery Marie Juaneza, my future wife."

                 -End of Flashback-

Lul ka, Oliver Gregory Dumangcas! Isa kang malaking clown sa buhay ko. Nasaan na iyong ipinangako mo sa akin 10 years ago?

May pa-future wife, future wife ka pa noon tapos iniwan mo naman ako sa harap ng lahat ng plano mo. Ikaw nagplano nito 'di ba?!

Pero bakit ako iyong naiwan?

Bakit mukhang ako na lang lahat ang tutupad? Nasaan ka na ba kasi? Ang dami kong tanong sa iyo! Ang daming question marks!

Tinakpan ko ng unan ang mukha ko saka walang habas na nagsisisigaw. Napapahiyaw pa ako dahil naiimpit ang aking boses dahil na rin sa unan na nakadagan sa mukha ko.

Banas na banas ako sa sarili ko ngayon.

Nag-elevate lahat ng dugo ko sa aking mukha. Ang init na ng katawan ko, palibhasa may tama na rin ng alak.

Tinatamad na akong bumangon para mag-halfbath. Ang sakit talaga ng katawan ko, ng ulo ko at ng puso ko.

Kailan pa ako naging lasinggera? Last month lang ata. I've never been drunk like this since then. Natuto lang akong mag-inom ng sobra noong nasaktan ako at masyadong eager sa panandaliang paglimot.

Ako pa nga minsan ang nag-aaya sa mga kakilala ko eh. Nagugulat sila kapag nalalaman na mataas ang tolerance level ko sa alak.

Parang naging vitamins na ng atay ko ang alak. Kung si Oliver ang isinisigaw ng puso ko, alak naman ang isinisigaw ng atay at ng utak ko.

Gin.

Redhorse.

Tanduay.

Alfonso.

Emperador.

Ang dami na nila sa listahan ko. Basta alcoholic beverages, ilalagay ko sa lasinggera list ko.

I have my travel list, bucket list, wish list at kung anu-ano pang listahan ng buhay ko.

But my favorite is, lasinggera list.

Angas 'di ba?

Denicery Marie Juaneza, 28 years of age, proud lasinggera.

May makapagsasabi ba sa akin kung okay lang ba ang lalaking mahal ko? May makapagtuturo ba sa akin ng lugar kung nasaan siya?

Magpapa-random search na ba ako, just to see him? Iikutin ko ba ang buong mundo at susuyurin lahat ng sulok para lang makita ko siya?

I'm drowned by sadness and questions.

I'm on the point of my life questioning my self-worth.

Kung puwede lang na maging interesado ang puso ko kay Ynigo, then why not? Interesado naman siya sa akin 'di ba?

Babae ako.

Hindi basta babae lang.

I know, I spill my jokes, making everything fun even though it hurts, spontaneously lying to myself, but, alam ko kung interesado o ayaw sa akin ng tao.

Karamihan sa babae, katulad ko.

We're just silent and taking everything not seriously, but once we're hurt, it's true that we're hurting inside.

Alam niyo bang mahirap aminin sa sarili kapag nasasaktan ka na? Ang hirap kapag paulit-ulit mong i-c-convince iyong sarili mo na ayos ka lang pero hindi naman talaga!

Ayaw kasi nating tanggapin na nandito tayo sa stage ng buhay nating ito. Sa stage kung saan, hinaharap na natin iyong conflicts tapos hindi natin alam kung may resolution, hindi natin alam kung happy ending ba ang kalalabasan.

Oops, I am not generalizing, okay?

Nadadala lang.

Alalay na cute calling...

Alalay? Ynigo Romualdez?

Paano ako nagkaroon ng number niya? At bakit alalay na cute ang pangalan niya sa registered contact numbers ko?

I decided to answer his call.

"Hi, Miss Broken," bati niya, mukhang na-handle na ang sitwasyon na kinaharap naming dalawa kanina.

Madaling araw na. Ano naman kayang naisipan ng isang ito at tinawagan ako? Again, bakit registered contact siya sa contacts ko at paano siya nagkaroon ng number ko?

"Sino ka?" maang-maangan ko.

"Oh, lasing ka?" puna niya. "Kapag lasing ba ang isang tao, required na makalimot?" natatawang tanong niya. Wow, joker. Isa rin siyang clown huh?

"Eh sa hindi kita kilala eh," ani ko. "Wala akong kilalang alalay na cute. Hindi ko nga alam kung bakit may ganitong pangalan sa contacts ko eh."

Pinipigilan kong matawa dahil gusto kong marinig niya akong seryoso sa mga pinagsasabi ko.

"Ih," impit niyang sabi, nagta-tantrums ang loko. "Ikaw kaya ang naglagay ng name ko riyan sa cellphone mo. Ikaw rin nagsabi na Miss Broken ang ilagay ko bilang name mo rito sa cellphone ko."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya?

What?! Miss broken?

Saan naman galing iyon?

"Oh natahimik ka?" puna niya. "Kilala mo na ako 'no?"

"Fine," pagsuko ko. Grabe, ang kulit niya. "Bakit ka naman napatawag, alalay na cute?"

My eyes were closed while I'm talking to him. Inaantok na ako. Mas lalo pa akong inantok nang dahil sa boses niyang mala-anghel.

"Ayos ka lang ba? Okay ka lang?"

Where did that questions came from? Parang double meaning. I mean, ang unang pumasok sa isip ko ay ang bagay na nangyari kanina.

But I realized, alam niya kaya ang nararamdaman ko ngayon dahil sa interesado siya sa akin?

"I'm good," sagot ko, nakapikit pa rin.

"Can I court you?"

Napabalikwas ako sa pagtayo dahil sa narinig ko. Imagination ko lang ba iyon dahil inaantok na ako? Hindi naman ako gano'n kalasing ah!

"Hello, hello. Sorry Ynigo, medyo choppy ka," pagpapalusot ko.

Dinig ko ang mahihinang pagtawa niya. Para bang alam niya na gusto kong ipaulit sa kaniya ang sinabi niya para makumpirma ko ito.

"Ang sabi ko, can I cour---"

Call ended.

Low battery

Kingina, lowbat na ako. Paano ito? Baka akalain niya, pinatayan ko siya ng tawag!

Why am I so considerate to him, about his feelings? Hindi ko siya puwedeng magustuhan, sa ngayon. Hindi rin ako puwedeng mag-entertain ng courting ngayon.

Ano na lang ang iisipin sa akin ng mga kamag-anak ko? Na parang wala lang sa akin ang lahat?

Honestly, isang malaking kawalan sa akin si Oli. Pero, umaasa ako na isa rin akong malaking kawalan para sa kaniya.

Sabi nila, ako raw ang iniwan kaya kailangan kong mag-move-on agad-agad.

Pero hindi naman kasi gano'n kadali iyon eh.

May masasabi at masasabi sa akin ang mga taong nakasaksi nang pag-iwan sa akin sa altar. Ang mga magulang ko nga, nagawa akong husgahan eh. Paano pa kaya ang ibang tao sa paligid ko na wala namang masyadong ambag sa buhay ko?

Indeed, family comes first and last.

Kumunot ang aking noo sa mga ideyang pumapasok sa isip ko. Sobrang gulo na kasi ng lahat tapos ginagawa ko pang mas kumplikado.

I hate simple.

I love complicated things.

Bagay lang sa akin ang mga nangyayari sa buhay ko. These are the consequences of my decisions. Saka ko lang napapansin ang mga nagawa kong desisyon kapag nakipag-face-to-face na sa akin ang consequences.

How I hate consequences!

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Baleleng   CHAPTER 43: BRAND NEW START

    I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f

  • Baleleng   CHAPTER 42: LEAVING

    I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."

  • Baleleng   CHAPTER 41: CALM OF MY LIFE

    Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i

  • Baleleng   CHAPTER 40: SISTERS

    Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?

  • Baleleng   CHAPTER 39: WEIRD

    My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata

  • Baleleng   CHAPTER 38: COMEBACK

    Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status