Share

CHAPTER 4: SHATTERED DREAMS

Thank you, mister alalay.

Hindi ko mabilang kung ilang beses na ba akong nagpapasalamat sa lalaking kaharap ko ngayon. Dinala niya ako sa isang play ground.

Asus, childish pala ang isang ito.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

He chuckled. "Ikaw? Bakit mo gustong tumalon do'n sa tulay?"

Ito iyong isa pa sa mga kinakaayawan ko eh. Iyong kapag nagtanong ako, sasagutin din ako ng isa pang tanong. Nakakairita lang talaga.

Tinawanan ko siya kahit naba-badtrip ako. Oo, naisip kong tumalon do'n sa pesteng tulay na iyon but, I love myself, even.

Gusto kong maglaho na parang bula pero pinapahalagahan at mahal na mahal ko ang sarili ko.

Susme, hindi na nga ako minamahal ng mga taong mahal ko tapos hindi ko pa mamahalin ang sarili ko? Ano na lang ang matitira sa akin?

"Bakit mo ako pinigilan?" mapang-asar kong tanong.

Hangga't hindi niya sinasagot ang tanong ko nang maayos, bibigyan ko rin siya ng isa pang tanong na makapagpapagulo sa kaniya.

Bawi-bawi lang kapag may time!

"Okay, mag-umpisa tayo sa una mong tanong. 'Bakit ako nandito?'" Pag-uulit niya sa tanong ko kanina. "Nandito ako kasi may hinahanap ako." Tinaasan niya ako ng kilay. "Now, answer my question. Bakit ka tatalon do'n sa tulay?"

I sighed. "Hindi naman talaga ako tatalon do'n," sagot ko. "So, kung inisip mong magpapakamatay ako, bakit mo ako pipigilan?"

1

2

3

Deafening silence.

Parang hindi ko marinig ang sarili ko dahil sa sobrang katahimikan na bumalot sa amin ng kausap ko.

"Akala ko, hindi ikaw iyan," tugon niya.

What does he mean about, akala niya hindi ako ito? Baliw na ata ang isang ito ah.

"Paanong hindi ako?" usisa ko saka kumuha ng chips na binili ko sa 7/11 na nadaanan namin kanina.

"Oops, nagtanong ka na. Ako naman."

I rolled my eyes. Childish nga talaga itong si mister alalay na hindi naman mukhang alalay.

"Spill it, sir," utos ko sa kaniya at hinintay lang ang magiging tanong niya.

"Malungkot ka ba?"

"Oo," I simply answered. I know I hate simple, but I also don't feel like talking so much. "Balik tayo sa question ko, anong gusto mong sabihin sa 'akala mo kasi hindi ako ito?"'

He angelicly smiled. Don't smile! Nakikita ko ang dimples mo, kainis ka!

Oh my gosh, Romualdez!

"What I meant was, hindi dapat nating pakialaman ang isa't isa gaya noong sinabi mo no'ng gabing umiinom ka," paliwanag niya. "You said that you don't have interest in me and I hate those people na walang interes sa akin."

"So you hated me?" I asked.

"Oo," prangka niyang sagot. "Ayaw kitang pakialaman kasi inutos mo iyon sa akin eh. Akala ko ibang tao ka, and baka kung hindi ikaw iyan, makakita ako ng taong totoong interesado sa akin.

Oh! So I get his point. But, I can't remember na inutusan ko siyang huwag akong pakialaman dahil wala akong interes sa kaniya.

Naghahanap siya ng taong interesado sa kaniya? Hello? Ang dami kayang babae ang naghahabol sa kaniya roon sa Cebu!

Hindi na siya nagsalita pang muli kaya kinuha ko ang pagkakataon na ako na lang ulit ang makapagtanong.

"Puwede ko bang malaman kung sino ang hinahanap mo? Baka matulungan kita," alok ko.

"Paano naman makakatulong sa akin ang taong hindi interesado sa ak---"

"Cut that crap out," pagputol ko sa sasabihin niya. "Look, I can't remember anything about what you're saying. Siguro nga, hindi ako interesado sa iyo, but I guess we're friends now."

Tumikhim siya na para bang hindi nagustuhan ang salitang friends.

"Hinahanap ko iyong taong interesado sa akin," aniya. Lakas nito. Dinala siya ng paghahanap niya rito sa Maynila.

"Bumalik ka sa Cebu. Take this as an advice from uninterested friend of yours," biro ko. "Maraming nagkakainteres sa iyo roon."

"Pero, nandito iyong pinagkakainteresan ko."

Biglang namula ang mukha ko sa sinabi niya. I know, hindi ako ang tinutukoy niya pero I expected huh.

"Oh bakit ka namumula riyan?" puna niya.

"May allergy ako sa prawns," pangangatwiran ko.

"Oishi lang naman iyan," aniya.

"Prawn pa rin," pakikipagdebate ko.

Hinayaan ko ang sarili ko na maupo sa may seesaw.

May iilang bata rin doon kasama ang mga magulang nila. Nakakainggit at nakakahawa at the same time ang sayang nararamdaman nila sa simpleng paglalaro lang sa munting duyan.

The swing reminded me of myself.

Saka lang ako aangat kapag may nag-push sa akin. Kapag wala na, nasa ibaba na lang ako, nakapirmi kung saan ako nararapat.

Saan nga ba ako nararapat?

"Tara, inom tayo, ako ang taya," pang-aaya sa akin ni Ynigo saka naglahad ng kaniyang palad sa harapan ko.

Kailangan kong makalimot. Magnanakaw na naman ako ng isang gabi para sa temporaryong kasiyahan, lahat panandalian.

Malulunod at malalasing ako sa alak tapos bukas puro energy drinks ang iinumin ko.

Romualdez' Hotel

Biglang nanlaki ang aking mata sa nabasang plaka sa harap nitong magarang hotel. Romualdez?

"H-Hotel niyo ba it---?"

"Hindi, kaapelyido ko itong hotel kaya dito ko napiling uminom," agap niya.

Woah, alalay lang siya sa Cebu, 'di ba? Nagha-hallucinate lang ako and uh, kaapelyido niya lang daw.

"One bottle of whiskey, please!" magalang na saad ni Ynigo roon sa babaeng kumukuha ng orders.

Lahat ata ng makakaharap niyang babae, nirerespeto niya.

"I'll take note of that sir," sagot ng babae.

Parang magkakilala silang dalawa, tss.

Itong si Ynigo parang ang pormal sa lahat ng bagay. Ang kaso, madaldal at friendly masyado.

"Can I hug you?" paghingi niya ng permiso na ikinalaki ng mata ko.

"H-Huh?" Naguguluhan ako sa lalaking ito. Hindi ko mabasa ang mga nasa isip niya! "Bakit mo naman ako yayakapin?"

"To make you comfortable," aniya saka tumayo sa bandang gilid ko.

"I know it can't help you a lot because you're not interested to me," pagbibiro niya. "But my hug can lessen your baggage. It can lessen your pain and I am able to make you feel na hindi ka nag-iisa, uninterested friend."

Medyo lumuhod siya sa harapan ko para maging magkatapat kami ng posisyon at doon ako niyakap.

It's true that his hug can lessen my thoughts and baggage in life. Ang dami ko naman kasing bagahe! Disadvantage ito ng pagiging travelera ko!

"Are you okay now?" tanong niya nang kumalas sa yakap namin.

"I feel better," sagot ko.

Nakaisip ako ng kabaliwan at dinala ko si Ynigo sa rooftop. Siya ang nagturo sa akin ng mga daan na para bang kabisadong-kabisado itong lugar.

Well, he's a crew in a hotel and Cebu, that's why he has some backgrounds about where the rooftop is.

"Ano bang gagawin natin dito?" usisa niyang habang binubuksan ang pinto na daan namin papuntang rooftop, gamit lang ang stick necklace niya.

"Wala, papahangin lang," maloko kong sagot sa kaniya.

Hinarap niya ako. Mukhang nawala lahat ng dugo niya sa katawan. Namutla ata sa sinabi ko.

"25 floors!" aniya, pikon na. "Dalawampu't-isang palapag ang tinakbo natin para lang sa pagpapahangin mo?"

Aba, kasalanan niya iyan. Mayroon naman kasing elevator, ayaw gumamit. Inuna pa ang pagtsansing at paghawak sa kamay ko.

"Bakit? Worth the sweat naman, 'di ba? Nahawakan mo pa ang kamay ko," kantiyaw ko sa kaniya.

Hinarap niya muli ang kandaduhan at pinilit na isuksok doon ang mahiwaga niyang pambukas.

Nakita ko ang pag-arko ng dimples niya kahit nakatalikod siya sa akin. Is he smiling?

"Ayan, magpahangin ka na," he commanded at pinauna ako sa pagpasok sa destinasyon namin. "Huwag kang tatalon ah."

Ngumisi ako. Akala talaga niya, suicidal akong tao. Naku, ang bait-bait ko kaya. Ni hindi nga ako makabasag-pinggan eh.

I'm prim and proper woman na iniwan sa kas---

"Hoy, uninterested person, tigilan mo muna ang pag-iisip ng kung ano-ano. Tignan mo ang paligid."

Sinunod ko ang utos niya. Ipinalibot ko ang aking mata sa buong paligid. Ang ganda-ganda!

Kitang-kita ko ang buong city mula rito.  Ngayon lang ako nakapunta sa rooftop ng isang hotel!

"Thank you for this, Ynigo."

Ngumiti lang siya.

Ninanamnam ng mga mata ko ang detalye ng paligid. Ang sarap baunin ng mga nakikita ko ngayon.

Wala mang tama ng alak ang utak ko at naudlot ang inuman namin ni Ynigo dahil sa angking kapilyuhan ko, atleast, nakalimot pa rin ako ng pansamantala.

Suddenly, we heard some footsteps and that was near the place where we decided to release our stress. Hinila ako ni Ynigo papunta sa isang silid—silid na puno ng mga cleaning materials.

Magtatanong pa sana ako pero tinakpan niya ang bibig ko.

"Once na mahuli tayo rito, we're dead!" bulong niya.

Jusmiyo por santo, nakatakas nga ako roon sa suicidal thoughts ko, mamamatay naman ako sa pagiging pilya ko.

Biglang ngumiyaw na parang totoong pusa itong si Romualdez. Another best actor!

Akmang lalabas na kami nang makitang nandoon pa rin pala ang guwardiya. Hinila ako ulit ni Ynigo at napakalapit na namin sa isa't-isa ngayon.

Hindi uso sa posisyon namin ngayon ang salitang 'Social Distance.'

"Pintig ba iyon ng puso mo?" he asked.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala naman akong nararamdaman na kahit ano. Hindi ako mahilig sa kape kaya hindi puwedeng mag-palpitate ako.

Dinig ko ang mahihina ngunit mabibilis na pintig.

"Puso mo iyon, Ynigo," sabi ko sa kaniya."Hindi na iyan normal, patingin ka na sa doctor," payo ko.

Medyo napalakas ata ang pagkakasabi ko ng bagay na iyon kaya naman!

"Huli kayo!"

Biglang bumukas ang pinto nitong tambakan ng cleaning materials na pinagtataguan namin at bumungad sa amin ang guwardiya na gulat na gulat sa kaniyang nakita.

Wait, iniisip niya ba na may nangyayaring kababalaghan sa amin doon? Ang sama pala ng utak ni Kuyang Guard kung gano'n.

"Mauna ka na, Denice," utos sa akin ni Ynigo. "I can handle this, don't worry. Sorry hindi na kita maihahatid. Ingat ka."

Gusto raw kaming makausap ng manager nitong hotel. Pinagtutulakan ako ni Ynigo dahil baka madamay raw ako.

Eh, ako naman itong nagpumilit sa kaniya na pumunta roon eh. Naipahamak ko pa tuloy siya.

Now, I'm not sure kung magkikita pa ba kami ulit. Ang sabi niya, pinag-isipan niya raw ang sinabi ko sa kaniya na kailangan niyang bumalik sa Cebu dahil nandoon ang mga babaeng may interes sa kaniya.

Bitter ako at ayaw kong dito niya makita ang the one niya. Baka mauna pa siyang magpakasal kaysa sa akin at hindi ako makapapayag 'no!

Attractive si Ynigo, but I don't know. I don't feel him. Katulad kanina, I heard his fast heartbeats dahil alam kong interested siya sa akin, oo na mag-aassume na ako.

As in, ang bilis ng tibok ng puso niya.

Iyong naramdaman ni Ynigo kanina? Ganoong-ganoon din ang naramdaman ko dati kay Oliver noong first time naming mag-date at maghawak ng kamay.

Parang gustong lumabas ng puso ko at bumati ng,

"Hi, Oliver Dumangcas!"

Basta gano'n.

Kung sakaling magkagusto ako kay Ynigo? Sisiguraduhin ko na siya na talaga. Pero ngayon, I need to push him away.

Para makakilala siya ng iba pa.

Halos 3/4 ata ng populasyon ng mundo, binubuo ng mga babae. Sa bawat isang lalaking makakasalubong mo, may limang babaeng katumbas na iyon.

Imposibleng hindi makahanap ng iba ang lalaking alalay na iyon. Mas lalo pa siyang magiging bulag kasi naghahanap siya ng pag-ibig, hindi siya naghihintay.

Kanina ko pa napapansin na ring nang ring itong cellphone ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na tignan kung sino ang tumatawag.

Ate Dori calling...

Sinagot ko naman kaagad iyon.

"Finally!" Nailayo ko ang cellphone ko sa aking tainga nang sumigaw si Ate sa kabilang linya. "After 7 hours, you picked up your phone!"

"Ate, calm down. Nakakabingi k--"

"You dialed my number 26 times today, Denicery Marie Juaneza! How can I calm myself?!"

Oh, oo nga pala. Paulit-ulit akong nag-miss call kay Ate kanina.

"Nandito na kami sa labas ng hotel, uuwi na kami riyan," taranta niyang sabi. "Please wait for us, lil sis."

I am imagining my older sister's thoughts. Akala niya rin ata magsi-selfharm ako katulad ng ginawa ko dati noong muntikan na kaming maghiwalay ni Oliver.

"Ate! Praning ka na naman!" sigaw ko sa cellphone ko para marinig ni Ate ang sarili niya. "Nandito na ako sa tapat ng bahay, nag-scenery-seeing lang ako," katwiran ko.

"Nag-scenery-seeing ka ng ganitong oras tapos hindi ka pa sumasagot sa mga tawag ko! What do you want me to expect? Natural at mapapraning talaga ako!"

I laughed so hard to tell her that I'm fine.

"Tarantado ka. You're pranking me, bitch!"

Ayan, pikon na siya. Pikon! Nagmumura! Tinawag pa akong bitch. I'm pretty sure I disturbed her and her husband.

"You sure? Okay ka lang talaga? Kung hindi uuwi na kami as in ngayon na. Kung okay ka naman, pag-uwi namin may pamangkin ka na."

Dinig ko ang pagsaway ni Kuya Raymond sa Ate ko. Ang swerte ko sa bayaw ko, mang-i-scam ako sa kaniya, yaman ng mga Dela Franco eh, char!

"Are you better?" tanong ni Ate.

"I'm the best, beach!" masayang sigaw ko sabay ipinatay ang tawag.

Ginaya ko ang tono ni Ate sa pagkakasabi niya ng 'bitch' kanina. Buti pa ako, bakasyon lang alam kaya beach lang.

Bad influence talaga ang mga panganay eh. Tsk, tsk!

Buti pa ang mga tulad kong bunso, mababait.

Malas naman sa pera, pag-ibig at sa lahat.

I lied to Ate. Wala ako sa tapat ng bahay namin. Nandito ako ngayon sa opisina. Kaunti na lang ang tao, karamihan galing sa photo journalism.

Hindi katulad ng head nilang si Roxie, mababait ang mga tagarito sa Department na ito.

Dumiretso ako sa opisina ko just to turn my designs into a shattered pieces of paper. Nonsense designs!

My parents prohibited me in joining the International contest na 4 years ko nang hinihintay.

Freshman pa lang ako, it's been really a huge dream to me to be one of the contestants of that prestigious contest na piniling gawin ngayon dito sa bansang pinagmulan natin.

Sadly, hindi ako makakasali.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status