Consequences.
Bakit nga ba may consequences o success sa mga ginagawa nating desisyon sa buhay?
Para ba ipamukha sa atin na nagkamali o nagtagumpay tayo? Para ba sabihin sa atin na kailangang maging maingat tayo sa pipiliin nating pagtapak, pagdedesisyon at pagtalunton?
Parang ang hirap naman ata nito. Lagi kang may iisipin na ibang bagay kapag pipili ka. Hindi ka genuinely na magiging masaya sa decisions mo lalo na kung mas uunahin mong isipin ang mga consequences.
Need ko ng payo niyo!
Ang consequences ba ang isang sign na isa akong talunan? Na wala akong ibang alam kung hindi ang piliin ang makakasakit sa akin? Na wala akong karapatang sumaya katulad ng iba?
No wonder, kaya rin ako hindi nagiging masaya, ng totoo, kasi lagi kong ikinukumpara ang buhay ko sa ibang tao.
Si Ate Dori.
She's married with the man of her dreams at bubuuin nila ang pamilyang pinapangarap nila, soonest.
Si Papa.
Masaya naman siya kay Mama, for almost 30 years, madalang silang magtalo sa mga bagay. Owner siya ng isang kumpanyang kilala at hinahangaan ngayon. May dalawa pang magagandang anak. I am just being factual.
Si Mama.
Wala rin ata siyang desisyon o plano na hindi nagtagumpay. Ang sabi niya, swerte siya dahil nakabingwit siya ng isang 'Juaneza.' Hindi man niya nakatuluyan ang tito Roman ko—my father's brother, natagpuan niya naman daw si Papa.
How sweet, isn't it?
Eh ako? Akala ko tagumpay na ako sa career at lovelife eh.
Hindi pa rin pala.
Akala ko magiging stable na lahat eh.
Akala ko lang pala, ulit.
Nakakamatay ang mga maling akala. Too much expectation, hurts.
Kinabukasan, binulabog ako ng alarm clock ko. Nagkusot ako ng aking mata saka tumingin sa aking wristwatch na binigay ni Oliver sa akin noong first anniversary namin.
Pati ba naman sa oras, maaalala ko siya?
7 am.
Masyado pang maaga by Ben and Ben, kidding!
3 am na ako nakatulog. 10 am pa naman ang pasok ko. Tapos ko na lahat ng paperworks ko para ngayon at para sa susunod na linggo kaya okay lang ma-late today.
Wala rin ako sa mood para pumasok tapos mukha agad ni Mama at Papa ang babati sa akin. Mas lalo ko lang maaalala ang naging sagutan namin kahapon.
"Den, gising ka na ba?" tanong ni Manang Lorna saka kumatok sa pinto ko.
Sasagot sana ako ng 'Oo' pero...
"Tumatawag ang mga magulang mo, gusto ka raw makausap."
Agad akong nagtulog-tulugan nang marinig ko iyon. Sabing ayaw ko nga sila makausap eh! Ramdam kong binuksan ni Manang Lorna ang pinto nang wala siyang marinig na sagot mula sa akin.
Mahina siyang napatawa, mahinang-mahina lang talaga.
"Sige, Miriam, sasabihan ko na lang siya kapag gumising na."
Kinalabit ako ni Manang nang ibaba niya ang telepono sa may gilid ng lamp ko.
She knows me very, very well, better than my parents. Kahit ang simpleng pagtutulog-tulugan ko ay alam niya.
"Bakit ayaw mong makausap ang mga magulang mo? Nagkatampuhan na naman ba kayo?"
Oo nga pala, hindi pala alam ni Manang ang naging pagtatalo namin nina Mama at Papa kahapon sa opisina. Wala rin naman akong balak na i-open-up.
That's nonsense.
"Lasing ka rin nang umuwi ka kagabi? Naalala mo ba?" patuloy na pag-iinteroga sa akin ni Manang.
Oo, naaalala ko ang lahat kagabi. Hindi naman ako masyadong nag-inom eh. Inisip ko rin naman na may trabaho pa ako.
"Tinatamad po akong kausapin sina Mama. Naaantok pa po kasi ako eh," katwiran ko. "Nagkaroon na naman po ng yayaan ang mga ka-officemates ko kaya napainom po ako. And take note, wala po akong kasamang lalaki kagabi ah."
Hindi ko alam kung saan nanggaling iyong katwirang 'wala akong kasamang ibang lalaki kagabi.' Basta-basta na lang iyon lumabas sa bibig ko.
Ugh! Bahala ka na nga Manang Lorna kung paano mo i-f-filter iyong mga pinagsasabi ko.
"O-kay?" natatawang sabi niya. "Defensive ka na eh."
Dali-dali siyang lumabas ng kwarto ko dahil alam niyang lalabas na naman ang kapilyahan ko. Ayaw na ayaw ko pa naman na inaasar ako.
Ang dami kong ayaw.
Isa lang naman ang gusto ko eh. Gusto mong malaman?
Ang hindi mahusgahan base sa kung paano ako nakikita ng iba.
Napagdesisyunan ko ulit na matulog tutal wala na akong masyadong tatrabahuhin mamaya sa opisina. Ang sabi ni Manang, gusto raw akong makausap ni Papa.
Bago ako humarap sa Tatay ko, dapat may sapat na pahinga na ako. Sandamakmak na masasakit na salita na naman ang matatanggap ko mula sa kaniya.
Baka nga utusan pa niya ako na lumuhod sa harap ng isa sa mga pinakapaborito niyang empleyado. Favoritism.
Lagi na lang ako ang talo.
Aaaaaaaaaaah!
Napatili ako at napatakbo palabas ng kwarto ko nang dahil sa walang hiyang panaginip ko. Nagsiakyatan si Manang Lorna, Mang Romulo at dalawa pang batang maids nang marinig nila ako.
Nasa overreacting level 99999 kasi ako.
"Anong nangyari sa iyo, Den-den?"
Tinignan nila ang loob ng kwarto ko nang ituro ko sa kanila ang direksyon ng aking kama.
Did I scare them?
"W-Wala naman pong ipis, ma'am," saad ng isa sa mga batang katulong.
Sinabi ko bang may ipis?
"Ano bang nangyari, Denice?" tanong ni Mang Romulo.
"May lalaki po akong katabi riyan kanina! Si Ynigo po, nandiyan kanina!" taranta kong sagot.
"Pero, wala namang ibang taong pumasok dito," naguguluhang sagot ni manang sa akin. "Nananaginip ka lang."
Shit, panaginip? Parang totoong-totoo talaga eh. Muntikan na naming gawin iyong ano! Iyong ano!
Basta iyong ano!
Masyado ko nang iniisip ang alalay na iyon! Kahit sa panaginip, nagkikita na rin kami. Bakit kasi siya tumawag kagabi?
Hindi niya ba mapigilan ang sarili niya?!
"Mukhang seryoso ka sa napanaginipan mo ah," komento ni Manang saka inilapag ang pagkain na niluto niya at umupo sa upuan na kaharap ko.
"Hindi naman po masyado," pagsisinungaling ko.
Panibagong issue na naman ito.
"Maiba ako," aniya. "Nagkaproblema kayo ng mga magulang mo, ano?"
Hindi ko alam kung sasagutin ko ng totoo si Manang. Pero, kung hindi ko siya sasagutin, kukulitin niya pa rin naman ako kahit na anong mangyari.
"Medyo po," tugon ko at nagsimulang kumain. I can't look directly to Manang Lorna's eyes. Baka mahuli niya ako.
"Ayusin niyo agad ang problema niyong iyan," payo niya. "Alam mo namang ayaw ng Ate Dorine mo na nag-aaway kayo ng magulang niyo."
I nodded, sang-ayon naman ako sa sinabi ni Manang. Kung manghihingi ng tawad sa akin ang mga magulang ako at sinserong makikipag-usap sa akin, magkakaayos naman kami kaagad.
Hindi ako iyong tipo ng tao na madaling lumimot pero ako naman iyong tipong madaling magpatawad kahit na anong bagay pa ang nagawa sa akin ng isang tao.
"Maghanda ka na ng sarili mo. Nailagay ko na ang mga damit mo sa banyo," sabi ni Manang at pumunta na sa garden para magdilig ng pinakamamahal niyang mga tanim.
Ang mga tanim ang nagsisilbing anak nila ni Mang Romulo. Ang garden din ang madalas nilang maging tagpuan.
Isang malaking HOPE ALL.
As usual, hinanda ko lahat ng kakailanganin ko. Plain white T-Shirt na naman ang aking pang-itaas, tinernuhan ko pa ng corporate green blazer dahil napakalamig sa opisina ko.
Para akong nagtatrabaho sa mall.
Sabi ni Manong Romulo, siya na raw ang maghahatid sa akin pero tumanggi na ako. Nakita kong marami silang gagawin ni manang.
Darating daw ang Tito ko galing sa Norway kaya nagbilin ang magulang ko na paghandaan ang pagdating ni Tito.
Pangalawang pagkakataon ko pa lang siyang makikita ngayon. Siya raw ang nagpaaral sa akin dati noong pansamantala akong iwan nina Mama noong bumagsak ang kumpanya na iniwan ni Lolo sa kanila.
"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, Den-den," paalala ni Manang. Paniguradong napapraning na siya dahil ngayon niya lang akong makikitang magmamaneho.
Kung hindi kasi ako nahahatid ng asawa niya ay pinipili ko na lang mag-commute. Well, I can drive. I know how to drive naman.
Bago ako makasakay sa kotse ko ay bigla naman akong nakatanggap ng mensahe.
From: Alalay na cute
Grabe ka. Pinatayan mo ako ng tawag kagabi. Hindi ka ba nakokonsensya?
Nangunot ang noo ko at nanliit ang aking mata dahil sa nabasa ko. Hindi raw ako nakokonsensya?
Inis kong dinutdot ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe. Bad mood ako agad, nagt-text lang naman ako.
To: Alalay na cute
FYI, hindi kita pinatayan ng tawag. Na-lowbat ako. And, hindi ko naman responsibilidad na reply-an ka bawat oras, minuto o segundo. Tse!
Kahit sa mensahe ko, halatang isa akong masungit, bitter at supladang babae. Nakakainis naman kasi itong nag-text.
Ipapatay ko na sana ang cellphone ko para makapagmaneho na ako pero may tumawag naman. Akala ko naman si alalay, hindi pala.
Joycelyn calling...
"Hello?" bati niya. "Sorry naistorbo ata kita."
Napahawak ako sa manibela. Akala niya ata galit pa rin ako sa kaniya.
"No, wala naman akong ginagawa," tugon ko. "Actually, papunta na ako riyan sa opisina. May problema ba?"
Pinipilit ko na maging mahinahon. Lagi na lang kasing naka-high volume ang boses ko at baka akalain niya, galit na naman ako sa kaniya.
Isang minuto akong naghintay ng sagot ni Joyce sa tanong ko pero,
Call ended.
Ano na naman kayang trip ng isang iyon? Ngayon ko lang siya narinig na matamlay at malungkot.
I drive my way to our company, my parent's company. Parang iba iyong nararamdaman ko. Parang ang sama ng pakiramdam ko. Napakabigat na aura.
May hang-over pa ata ako ah.
Wala namang masyadong heavy traffic ngayon kaya nakarating agad ako in 30 minutes.
Ang mga guards, mukhang pinagsakluban din ng langit at lupa. Walang bumating Joycelyn sa akin gaya ng nakasanayan.
Kakatawag niya lang sa akin kanina ah. Nasaan naman kaya ang isang iyon ngayon?
Hindi ako sanay sa ganito.
Yumuyuko lang sa akin ang team ko na parang ang lulungkot din. Namatayan ba silang lahat?
Malapit na ako sa may opisina nang makarinig ako ng pagtatalo mula sa opisina ng tatay ko, I mean, opisina ni Mr. Juaneza na boss ko.
"Kung hindi mo mapakiusapan ang kaibigan mo, puwedeng-puwede ka nang umalis dito!"
Boses iyon ni Papa.
Nakatingin lang ako sa pinto nang opisinang iyon nang makita ko naman si Papa na palabas ng opisina niya.
Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Inilingan niya ako na para bang disappointed sa akin. Ano na naman bang ginawa ko?
Nang makaalis si Papa ay pumasok ako sa opisina niya para malaman kung sino na naman ang binubulyawan niya.
Ang naabutan ko ay si...
Si Joycelyn, humihikbi, nakasalampak sa sahig.
Pinatayo ko siya pero agad niyang inalis ang kamay ko. Tumayo siya sa sarili niyang paa at dumiretso sa sofa kung saan naman nakaupo ngayon si,
Roxie Valeria.
Napansin kong umiiyak din siya kanina pagdating ko pero napalitan iyon ng ngisi nang makita niya ako.
"Roxie..."
"For your information, Ms. Valeria," pagtatama naman ni Roxie.
Biglang lumuhod si Joyce na ikinagulat ko. Hinihila ko siya pero sinisiko niya lang ako.
"Hindi puwedeng mawala sa akin ang trabaho ko, Miss Valeria," pagmamakaawa pa ni Joyce.
Hindi ko pa siya nakikitang maging desperada, ngayon lang. Normally, wala naman kasi siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.
Nang hawakan ko ulit siya ay bigla siyang nag-walk-out. Hahabulin ko sana pero hinawakan ako bigla ni Valeria.
Grabe itong babaeng ito. Ayaw talagang paawat eh.
"Bitawan mo ako," banta ko na sinunod niya naman.
"Easy ka lang, Juaneza," aniya at bahagyang natawa. "Baka hindi ka makapag-isip nang mabuti niyan.
"Ano namang iisipin ko? Ikaw?" mapang-asar kong tanong.
"Hmm. Sabihin na lang natin na kailangan mong isipin kung paano mo tutulungan si Joycelyn sa trabaho niya," sagot niya. "If you want to know all the details, you can ask your father."
Iniwan ako ni Roxie sa isang palaisipan. Ginugulo niya talaga ang buhay ko.
Dahil sa sinabi niya, agad kong tinawagan ang Nanay ko. Alam ko naman kasing hindi sasagot sa tawag ko si Papa.
Bad trip iyon at kapag nasa ganoon siyang mood, ayaw niyang makausap ang kahit sino. He hates saying some hurtful words to others when he's mad.
He'll regret it for sure.
"Napatawag ka, Denicery?" bungad ni Mama.
"What happened?"
Dinig ko ang pagtikhim niya. Alam niya na ang nangyayari. Alam kong may alam siya. Lahat ng desisyon ni Papa, sinasabi niya kay Mama.
"Alam mo na pala na gustong mag-resign ni Miss Valeria dahil sa naging away niyo?"
What?! Magre-resign siya? Eh bakit naman nadamay si Joycelyn sa problema namin ni Roxie?
"So..."
"So, dahil isa si Roxie sa mga pinagkakatiwalaan ng Papa mo, kung itutuloy niya ang pagre-resign, tatanggalin rin si Joycelyn ng Papa mo to make you suffer. That serve you as your punishment."
"What?!" Napasigaw na ako. Napunta sa akin ang atensyon na lahat. "Baliw na ba kayo? Kayo ang nagsasabi sa akin na kailangang ihiwalay ang personal issues mula sa trabaho pero ano itong ginagawa niyo ngayon?"
Bibuwelta pa sana si Mama sa sinabi ko pero pinatayan ko na siya agad ng tawag. I don't feel like talking to her.
Grabe na itong ginagawa nila!
Malamang, galit na galit na sa akin si Joycelyn ngayon. Dahil sa akin, mawawalan pa siya ng trabaho.
I know how important this job was and still, for my bestfriend. Dati, sinabi ko na kaya ko siyang tulungan para makapasok sa inaasam niyang pwesto pero ayaw niya.
Katulad ko, gusto niya ring paghirapan ang lahat. Kaya kami naging matalik na magkaibigan because I see myself in her.
Pero ngayon, ako pa ata ang sumira ng lahat nang pinaghirapan niya.
Paulit-ulit kong tinawagan si Joyce pero nagr-ring lang ang cellphone niya, ayaw niyang sagutin.
3 hours.
3 hours akong tumayo sa labas ng opisina ng Tatay ko para makausap siya nang masinsinan. Awa ng Diyos, dumating naman siya.
Ang kaso, dire-diretso lang siyang pumasok at parang hindi pa ako nakita. Hangin lang ata ako.
"Pa..." sabi ko pero nag-sink-in sa akin na nasa trabaho pala kami ngayon. "Mr. Juaneza."
Lumingon siya sa akin.
"Have you decided?"
I rolled my eyes. "Decide on what?"
"I thought, nakapag-usap-usap na kayo kanina noong iniwan ko kayo," sabi niya saka ngumisi.
"Puwede po bang linawin niyo sa akin?"
"Kumbinsihin mo si Valeria na huwag umalis, mananatili rin ang kaibigan mo."
I just woke up because of the sound of my alarm clock. The morning, on the other hand, is tumultuous. I am still in the middle of a break but the happy times of my life seem to be over.I have prepared myself for the new life I will face. Maybe, it’s really hard, but I can handle it. I have to. I was not mistaken when I said that my happy time was over, because later on Ate Frey called me."Hello, madam? Tapos na po ba ang siesta?"Nagulat ako sa tono ng pananalita ni Ate Frey. Is she this type of a boss? My knees seem to tremble at her every day."It's been two days, Madam Denice," she added but now in a calm tone."Two days?" I asked, confused.What does she mean?"You heard me right, Denice. Two days ka nang natutulog diyan sa lungga mo. I am considering myself lucky because I've talked to you, finally."I am in a state of shock after I heard that. With the undeniable sincerity and seriousness f
I often find myself walking through the park by my own. The beautiful trees, the way the yellow and red leaves crumple under my feet every step I take. When the flowers bloom and how it's the most spectacular sight you could ever imagine seeing, all the different colors that appear.But now, it totally feels different than before. This is my last day.The last day staying with the persons I truly love. The last day that I need to cherish."Gaga ka!" sigaw ng isang babae na nagmula sa aking likuran. "Nag-eemote ka ba?"Agaran kong pinunasan ang luha sa aking mata bago humarap sa matalik kong kaibigan. One long month has passed. It felt like decades. We haven't loss our communication but this is the right time to see her personally, again, for the last time until 5 years."Tanga, hindi ako nag-eemote!" patutsada ko kaagad. "Napaka-mapanghusga mo pa rin! Personal development naman, Joyce."
Tahimik lang akong nakaupo ngayon sa isang coffee shop. Kanina pa ako sinesermunan ni Joycelyn. Sandamakmak na mura na ang natatanggap ko mula sa kaniya. Sumasakit na ang tainga ko at tulig na tulig na talaga ako."Tangina kasi talaga, Denicery!" muli niyang sigaw. Inilagay ko ang iilang hibla ng buhok ko sa aking mukha dahil sa matinding kahihiyan."Bakit parang kasalanan ko—""Oo kasalanan mo talaga!" pagputol niya sa sasabihin ko. "Gago ka kasi! Nagtiwala ka pa kay Valeria, alam mo namang ilang beses ka nang siniraan niyon! Ngayong nalaman ko na kapatid niya pala si Monique, talagang mas lalo akong nanggigil sa kaniya!"Ako rin naman, ganoon ang nararamdaman. Pero, hindi ko rin maitatanggi ang katotohanan na matagal na siyang minamanepula ni Monique.Literal na masama ang ugali ni Roxie, alam ko iyon. Pero, kapag naiisip ko na ang pagmamanipula sa kaniya ni Monique ang i
Kanina pa akong akyat-panaog rito sa condo, kahihintay na sagutin ni Akus o ni Nanay Luz ang tawag ko sa kanila. I am also calling Nanay Luz's nurse but he always hangs up. I don't have any idea what is happening right now and I am nervous. My knees were trembling and my hands were shaking. Masyadong nilalamon ng kuryosidad ang katawan ko. Galit ba sa akin si Akus nang makita niya kami ni Ynigo kanina? Tama rin bang nakita ko siya kasama ang isang babae na tila pamilyar sa akin ngunit hindi ko naman masyadong namukhaan? Muli kong tinawagan ang numero ng kahit sinong maaari kong makausap tungkol sa sitwasyon ni Nanay Luz at Akus. There, Marcus' number is now available. He answered it. No, I guess he is not the person who answer my call. For a girl's voice greet me. "What a good day, Denicery! Kamusta ang kumpanya mo?" A good day?
My nephew and I had fun. Mahimbing ang tulog ng bata, nang dumating ako. Pero, agad ding nagising nang akyatin ko siya sa crib niya na nasa ikalawang palapag nitong bahay. "You are my favorite nephew!" masayang pahayag ko saka dahan-dahang hinawakan ang pisngi ng pamangkin ko na buhat ni Ate Dorine ngayon. "Bolera!" anas ni Ate. "Siya pa lang naman ang pamangkin mo kaya malamang na paborito mo talaga. Hayaan mo, susundan ko agad para may pagpipilian ka." My sister and I laughed. Natigil ang tawanan namin nang magsalita si Tita Josie, Mama ni Kuya Raymond. "Dorine, nandiyan na si Oliver." Napuno nang pagkabigla ang utak ko. So, alam ba ni Tita Josie ito? Galit ba siya o hindi? Baka naman pinapahirapan niya si Ate Dorine dito kapag wala kami? I really hate mother-in-laws. Well, I will always open an exception kung mabuti naman ang taong pakikisamahan ko. Tumayo si Ate Dorine at ipinabuhat muna sa akin ang anak niya. Nilaro-laro ni Ynigo ang bata
Tatlong araw pa ang nakalipas bago tuluyang makasakay kami ng sasakyang panghimpapawid upang makapunta ng Maynila. I admit, I am excited for I am now going home where I really belong.Did I just say the place where I belong? Cut that stupidity.Sobrang kinakabahan ako sa muli kong pagbabalik. Ano kayang madadatnan ko? Magkakagalit na naman ba kami nina Mama at Papa, knowing na pinapadalhan nila ng pera sina Nanay Luz at Marcus sa mga nakaraang buwan para lang mailakad ako kay Ynigo at mapauwi na sa Maynila?Huh! I don't want to talk about that now. Maybe, later on."Nahihilo ako kaagad, Denice," sumbong ni Marcus."That's what I feel the first time I experience the take off," sagot ko, pinipilit na mapakalma siya.Nanay Luz is with a nurse in upper class. I want my Nanay to feel comfortable. Alam kong unang karanasan ito para sa ginang kaya naman gagawin ko ang lahat para maging maayos ang unang karanasan niya sa pagsakay rito.The ca