Share

CHAPTER 36: BONDED BY HEART

Byaheng walang humpay.

Pakiramdam ko, tatlong araw na akong nandito sa bus. Buti na lang, may nadaraanan kaming bus stops kaya nagagawa ko pang maligo kahit papaano.

Maling ideya na hindi ako nakapagdala ng damit ko. Binili ko pa tuloy ang damit ng isa sa mga pasahero. Wala naman kasing binibentang damit sa gasoline stations.

It has been more than 12 hours. Dead battery na rin ang cellphone ko. Wala akong dala kahit charger man lang. Sixty thousand cash lang. Hilong-hilo na ako. Hindi pa naman ako sanay sa mahabang byahe!

"Kuya, puwedeng ibaba niyo na lang ako rito?" tanong ko sa kundoktor. Hindi ko na talaga kaya at baka masukahan ko pa itong bus.

"Malapit na naman po tayo sa daungan," aniya.

"Okay lang po. Bababa na po ako."

Inihinto ng drayber ang bus sa isang gilid. Nakahinga ako nang maluwag pero hindi ko na napigilan ang pagduwal. Mas lalong bu

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status