“Good morning, Miss,” nakangiti at masayang bati sa akin ni Lyn nang makita niya akong papasok na sa opisina ko, tumayo pa siya mula sa swivel chair niya. “Good morning, Lyn. Kumusta ang nanay mo?” bati at tanong ko rin naman sa kanya. “Okay na siya, Miss. Thank you nga pala ulit sa leave. Bakit pala nandito ka na? Hindi ba dapat mamaya pa ang uwi niyo at bukas pa ang pasok mo?” tanong naman niya tapos ay sinabayan ako papasok sa opisina ko. “Umuwi na kami ni Attorney kahapon, may hindi kasi magandang nangyari sa conference,” sagot ko naman. “So totoo iyong article sa website na scandalmongeringbeshy, Miss?” kunot-noong tanong niya, nakakunot ang noo ko nang umupo sa swivel chair ko tapos ay agad akong nag-angat ng tingin kay Lyn. “Anong article?” tanong ko pa. Hindi naman siya sumagot. Inilabas niya ang cellphone niya na parang may hinahanap, tapos nang makita iyon ay agad niyang inabot sa akin. Hindi naman
“What’s going to happen to him now?” tanong ko kay Primo. Kasalukuyan kaming kumakain ng lunch magkasabay rito sa opisina ko. Balak talaga sana namin na kumain sa labas, eh ang kaso ay pareho kaming busy at maraming ginagawa. Kaya naman nagpasya kami na magpa-deliver na lang. “I don’t know,” sagot niya. “Pero sisiguraduhin ko na sa kulungan ang bagsak niya,” dagdag pa niya kaya marahan akong tumango. “Sorry ulit, ah? I mean, kung dati pa lang nagsalita at nagsabi na ako, baka sakali lang na marami ang nagbago. Baka wala na siyang nabiktima ulit na iba pa,” nahihiyang saad ko. “You don’t have to apologize, Aliyah. It’s not like you did it for him. Ginawa mo iyon kasi hindi mo gusto ng gulo, and if that was your better judgment at that time, then who am I to question it?” sagot at tanong niya. Tipid akong napangiti dahil sa narinig. Ang ganda talaga niyang mag-isip. Alam mo na matalino talaga at pinag-iisipan ang mga sasab
Hindi ko alam kung paano haharapin ng maayos si Primo nang nasa sasakyan na niya kami. Masyado kasi akong nahihiya dahil sa ginawa namin kanina. I mean, who wouldn’t, right? We just made out. We kissed! The great Atty. Primo Hernani just kissed the hell out of me. At hindi lang iyon basta mababaw na halik. Malalim iyon at dalang-dala ako sa mga pangyayari. “Aliyah, are we good?” mababa ang boses na tanong nuiya sa akin, napalingon naman ako sa kanya bago marahang tumango. “Y-Yeah…” mahinang sagot ko. “Why did you become quiet right after we kissed? Nagsisisi ka ba?” tanong ulit niya na bahagya kong kinagulat. “H-Hindi, Attorney,” mahinang sagot ko tapos ay bahagyang napayuko. “Nahihiya lang ako,” ang pagsasabi ko pa sa kanya ng totoo. He sexily chuckled because of what I just said. “Bakit ka mahihiya? You actually did great. Feeling ko nga baguhan pa ako nang mahalikan na kita,” sagot niya kaya
“Okay ka pa ba?” tanong ni Primo sa akin. “Bakit hindi naman ako magiging okay, eh ikaw lang naman ang umiinom?” pagbabalik ko ng tanong sa kanya kaya mahina siyang natawa. “Nagsusungit ka na naman,” aniya kaya mahina na rin akong natawa. Isa na siguro ito sa mga bagay na hindi ko maalis sa akin, iyong maging masungit sa tingin ng iba minsan kahit na hindi ko naman talaga intensiyon iyon. Kasalukuyan pa rin kaming nasa rooftop ng building at nagkukuwentuhan. Kanina ay ramdam ko ang bahagyang pagod at antok, ngayon naman ay gising na gising ang diwa ko. Kahit na madalas ay wala naman nang kuwenta ang mga pinag-uusapan namin ay hindi man lang ako naiinip. I just feel like I want to be with him longer. Mag-a-alas diez na ng gabi, at normally ganitong oras ay nakakulong na ako sa kuwarto ko at nagtatrabaho pa rin. Pero ngayon ay parang wala akong pakialam sa kahit na ano. Basta gusto ko lang manatili rito kasama
“Grabe ang laki ng opisina mo, bes! Parang bachelor’s pad na ito, eh!” namamanghang saad ni Luna habang naglalakad-lakad sa opisina ko. Gaya nang sinabi niya kagabi ay nag-text siya sa akin, sinabi ko naman sa kanya agad ang address at wala pang isang oras ay nandito na siya. Mabuti na nga lang at wala akong gaanong ginagawa ngayon. “Sa pamilya niyo ang buong building na ito? Grabe! Nakakalula!” saad pa niya nang sumilip sa bintana. “Ah, yes, kay Dad,” sagot ko na lang. “Ay, oo nga pala, heto mga ibibigay ko sa ’yo,” aniya at agad na naglakad papalapit sa office table ko at inilapag sa mesa ang isang paper bag na may tatak pang Luna’s. “Uy, thank you,” nakangiting saad ko. It’s just ten in the morning, and it’s too early to eat lunch. Kaya nagkukuwentuhan na muna kami. Binuksan ko naman ang paper bag at nakita ko na mga cosmetics iyon na may tatak ding Luna’s. “Iyan ang mga products ko, try mo l
“Ito, bes?” nakangising tanong sa akin ni Luna at winagayway pa ang hawak na white polka dots na bikini. “Bagay sa ’yo ito, for sure maglalaway sa ’yo si Attorney!” dagdag pa niya kaya napangiwi ako. “Luna, hindi ako nagsusuot ng mga ganyan!” agad naman na saad ko, bahagya pang namula nang maisip kung ano kaya ang magiging reaksiyon ni Primo kapag nakita niya na gano’n nga ang suot ko. Kaalukuyan kaming nasa isang kilalang Mall sa BGC ni Luna. Kaninang alas kuwatro, dahil wala naman na akong ginagawa ay nagpasya kaming umalis na. Iniwan namin si Primo sa opisina ko na abala pa rin sa trabaho. “Madalang lang naman, atsaka, hello! Beach ang pupuntahan natin!” giit niya pero mabilis pa rin akong umiling. “Hindi ko talaga kaya, Luna,” pinal na saad ko kaya napanguso na lang siya. “Ito? Hindi gaanong daring, kasi may black na robe naman!” nakangising tanong niya. Pinakita niya sa akin ang two piece na hindi nga g
“Are you okay?” tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa sasakyan niya. Nagpasya kasi siya na sunduin ako sa Mall pagkatapos naming mamili ni Luna. Hinatid naman namin si Luna hanggang sa kanila, tapos ngayon ay ako ang ihahatid niya sa amin. “Y-Yeah,” mahinang sagot ko. “Actually, Attorney, something happened…” mahina at nahihiyang dagdag ko pa. Hindi ko kasi gusto na itago ito sa kanya. At one point or the other, he’s part of this. Kaya may karapatan siya na malaman. “I know,” aniya kaya napalingon ako sa kanya. “Nabasa ko ang article tungkol sa nangyari sa Department Store, kaya nga tinawagan kita agad at nagpasyang puntahan,” dagdag pa niya kaya napabuntong hininga ako. “May article na agad?” may halong pag-aalala na tanong ko. “It wasn’t against you, though. Pero hindi ko maiwasan na hindi mag-alala sa ’yo. I’m sorry that you have to go through this, love,” puno ng sinseridad na sagot naman niya
“Do you think Luna’s okay?” tanong ko habang nasa sasakyan kami ni Primo. Nasa bihaye na kasi kami papunta sa Isla Amara. Kaninang alas siete kami nagkita-kita sa harap ng WGC Building, dala naman ni Atty. Marcus Mercado ang sasakyan niya kaya sa kanya na namin pinasabay si Luna na mukhang nahihiya pa. “Bakit naman hindi siya magiging okay?” natatawang tanong ni Primo. Bahagya akong napanguso nang maalala kung gaano kakalog si Luna. Oo nga pala, baka si Atty. Marcus pa ang hindi maging okay sa kanilang dalawa. “Mali pala ang tanong ko,” sabi ko at mahina ring natawa. “Do you think Atty. Marcus is going to be okay?” tanong ko pa kaya natawa ulit siya. “That, I’m not sure. He easily get nervous. Hindi ko nga alam kung paano niya kinaya na maging abogado,” sagot naman niya. “Siguro naman magkakasundo sila, ano?” tanong ko pa. “Sigurado ’yan,” sagot ulit niya. Halos apat na oras ang nag