Share

CHAPTER SEVEN

'I HATE you, Matt,' mangiyak-ngiyak na sambit ng isipan ni Jane habang nakatitig sa screen ng kanyang cell phone. Kanina pa niya tine-text at tinatawagan ang kaibigan upang magpasundo sana, subalit wala siyang nakuhang sagot mula rito. `Worst is kina-cancel nito ang bawat tawag na ginagawa niya.

'Paano ako makakauwi nito? Malakas pa man din ang buhos ng ulan at ihip ng hangin,' nababahalang dagdag pa niya sa isip habang mag-isang nakatayo sa waiting shed.

Basang-basa na ang sapatos at uniporme niya sa lakad-takbo niyang ginawa kanina makapunta lang sa shed na kinaroroonan niya. Halos magsumiksik siya sa nadaramang takot kapag kumukulog na sinasabayan pa ng matatalim na kidlat. Natatakot siyang matamaan ng kidlat mula sa nagngingitngit na kalangitan.

“Thank God!” pabigla niyang bulalas nang masilayan ang paparating na taxi. Makalipas ang mahigit dalawang oras, sa wakas ay makakauwi na siya.

Agad niya iyong pinara at dali-daling sumakay. Pagkatapos niyang ibigay ang direksiyon sa driver ay agad na nitong pinatakbo ang sasakyan.

'I really hate you, Matt,' maluha-luha siyang bumaling sa labas ng sasakyan. Nagtatampo siya sa kaibigan. Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na ginawa nito iyon. Dati kasi kapag kailangan niya ng tulong buhat dito at nagpapasundo siya ay agad itong tumatalima. He was indeed a dedicated best friend long before. Subalit ngayon ay tila nagbago na ito.

'Kung sabagay, baka kasama mo ang Laarni mo. Mas mahalaga `yon kaysa sa akin na kaibigan mo lang,' dugtong pa niya sa isipan, kasabay ng pagpatak ng luha.

---

“JANE, I’m so sorry kung hindi kita nasundo kahapon. Biglaan kasi ang pag-out-of-town ko. May inasikaso ako sa kompanya,” hinging-paumanhin ni Jester habang nasa kotse sila at inihahatid siya nito pauwi nang gabing ‘yon. Late na siyang nakalabas ng paaralan sapagkat may tinapos pa siyang test papers para sa nalalapit na exam ng mga estudyante niya. Matiyaga namang hinintay siya ni Jester.

Pilit na ngumiti si Jane dito. “Okay lang. Nakauwi naman ako nang maayos.” Wala siyang planong sabihin sa lalaki ang karumaldumal na pagkabasa niya ng ulan dahil sa kakahintay niya rito pero hindi naman ito dumating.

“Hindi kita agad na-text o natawagan para ipaalam sa `yo kasi naging busy ako kahapon. `Tapos nang nasa probinsiya na ako ay mahirap makasagap ng signal. Masyado kasing liblib ang pook na kinaroroonan ko sa Samar Province," dagdag pag-e-ekspleka nito na bahagya siyang nilinga.

“Ayos lang. Naiintindihan ko,” tipid niyang wika. Sa totoo lang ay dapat dito siya magalit at magtampo dahil nangako itong susunduin siya. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit kay Matt niya nararamdaman iyon. That was being unfair on the side of Matt.

'Maybe because he didn’t bother to text back nor call me back until now,' sa kaloob-looban niya. 'Kung ganyang nagbago ka na, Matt, magbabago na rin ako sa `yo.'

Nang dahil sa mga iniisip niyang iyon ay hindi masyadong nagsi-sink in sa utak niya ang mga ikinukuwento ni Jester. Kaya naman panay lang ang tango at ngiti niya rito. Nagtaka pa siya nang mayamaya’y bigla itong humagalpak ng tawa sa hindi niya malamang dahilan. Kaya’t para hindi siya nito mahalatang hindi nakikinig ay sinabayan na lamang niya ito sa pagtawa kahit hindi naman siya natatawa. Para siyang eng-eng nang mga sandaling iyon.

“Grabe! You’re so funny talaga, Jest,” kunwari’y pasosyal niyang turan, sabay hampas sa braso nitong nakahawak sa manibela.

“Do you know how to kiss perfectly and torridly, Jane?”

Pabigla siyang napabaling kay Jester na malapad ang pagkakangiti habang patuloy sa pagmamaneho. Hindi muna siya nakatugon dahil hindi talaga niya ma-absorb kung bakit napunta ang usapan nila roon.

“Hey, Jane!” Bahagya siya nitong sinulyapan. “I questioned if you know how to kiss and make a man damn crazy over you? My past girlfriends knew how to. I asked you `cause as far as I can see, you’re already open to such topics about romance. Panay ang tango mo habang nagkukuwento ako kanina, eh.”

Napangiwi siya at pasimpleng napakagat-labi. Malay ba niyang napunta na pala roon ang “subject-matter” nila. Hindi naman siya nakikinig dito.

“A-ah, yeah! Of course, I know!” pabigla niyang bulalas. Bigla niyang naalala ang mga tipong babae ni Jester. Hindi niya puwedeng aminin ang totoo sapagkat kapag gawin niya iyon, she would start again back to zero.

“Really?” amused nitong tanong.

“Oo sabi, eh. Ikaw talaga, tinanong mo pa. Hindi ba halata sa aura ko?” kunwari’y pasosyal niyang biro.

“Halata. But there’s an instance that looks may be deceiving.”

Palihim na naman siyang napangiwi. Nasapol siya sa sinabi nito. Pero hindi niya kailanman ipapahalata iyon.

“But as I can see, mukhang totoo naman ang sinasabi mo.” Dahan-dahan nitong inihinto ang kotse at pilyo ang ngiting umusog palapit sa kanya.

'Oh, shocks! Mangyayari na yata ang matagal ko nang pinapangarap na mahalikan niya!' piping palatak ng utak niya habang unti-unting inilalapit ni Jester ang mukha sa kanya.

Subalit sa pagtataka niya’y tila wala siyang nadaramang excitement. Hindi katulad dati na halos araw-araw at gabi-gabi niya iyong pinapantasya. Ngayon ay waring wala siyang maramdaman ni katiting na kilig.

Malalakas na katok sa window shield ng kotse ang nagpaudlot sa nakatakdang halik na iyon. Again, she didn’t feel disappointed na hindi iyon natuloy. Dapat sana’y mag-alburuto ang kalooban niya at magalit sa mapangahas na taong kumatok subalit wala siyang maramdamang ganoon.

“Matt…” mahina niyang sambit nang masilayan buhat sa tinted mirror ang animo’y galit at hindi mapakaling binata.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status